webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Politique et sciences sociales
Pas assez d’évaluations
366 Chs

Sawa

Chapter 7. Sawa

     

    

WALA nang naging malapit na kaibigan si Kanon mula noong matigil sa pag-aaral si Luna. She had lots of friends but she's still longing for her. As for Luna, she's not contacting her anymore. Ang huling balita niya ay nanganak ito ng malusog na sanggol at lalaki ang naging anak nito.

"Sa bakasyon, sasabihin ko kay Mama na magbakasyon kami sa Romblon." Taga-Romblon kasi ang kanyang kaibigan.

"Sinong kausap mo?"

Napapitlag siya nang kalabitin siya ng class mayor nilang si Lovely. P. E. class nila at kasalukuyan siyang nakaupo sa bakanteng bleachers. At hindi naman niya namalayang napalakas ang pagkakasabi niya sa iniisip.

"Ah, wala, may iniisip lang ako."

Tumaas naman ang kilay ng babae. "Para kang may tililing. Nagsasalita kang mag-isa."

"Ha?"

"Hindi kaya totoo iyong bali-balitang nasiraan ka ng bait kaya nawala ka last year? Nag-home school ka na nga lang noon, hindi ba?"

Nangunot ang noo niya. What was she talking about? Totoo iyong nag-homeschool siya para matapos ang ika-sampung baitang.

"O baka wala ka naman talaga sa bahay ninyo? Baka sa ospital ng tita mo ka tumira?"

"Ano bang pinagsasabi mo?" Bakit alam nitong may ospital ang tita niya?

"Well, the rumor said that you got pregnant and your mental health was affected. Nalaglag din ang bata, o baka... pinalaglag mo?" Nakakaloko ang paraan ng pananalita nito, maging ang paraan ng pagkakangisi.

"Alam mong hindi totoo iyan."

"How would I know? Magkasama ba tayo?"

Lalong nangunot ang noo niya.

"Who knows if you're just faking everything? Baka may sira pa rin ang ulo mo hanggang ngay—"

"Hindi totoo iyan!"

"Walang baliw ang aamin na baliw siya." Pumalatak ito. "I feel bad for Luna."

"Luna? Bakit nasama sa usapan si Luna?"

"If I know, you paid her."

"Lovely, ano bang pinagsasasabi mo?" Para siyang kinakapusan ng hininga sa pagpipigil ng emosyon.

She leaned closer to her, just enough for her to whisper. "Meet me at the bathroom later. Wala nang gagamit ng gym kaya wala ring pupunta sa banyo rito."

"Bakit naman ako makikipagkita sa iyo sa banyo?"

"Kapag hindi ka pumunta, ipagkakalat ko ang totoo."

Takang-taka siya sa ikinikilos nito. Anong totoo ba ang pinagsasabi nito?

Kaya hindi na siya nag-isip pa nang pagkatapos ng klase nila ay dumiretso siya sa gymnasium, at gaya nga ng sinabi ni Lovely ay walang tao ang nandoon. Marahil ay nasa Assembly Hall na ang mga ito. Nasabihan na kasi silang mga estudyante kanina na bago ang uwian ay may announcement para sa nalalapit na Athletic Meet. And speaking of Athletic Meet, she'd continue participating in cheering squad.

She left her bag on the bleachers and went inside the bathroom to see her classmate. Pero ilang minuto na siyang nandoon ay walang Lovely ang nagpakita. Akmang lalabas na siya ng banyo nang biglang sumara ang pinto. Patakbo niyang tinungo ang pinto at pilit na pinihit ang seradura niyon pero hindi niya na mabuksan. The door wasn't locked inside but outside.

Paulit-ulit na tinapik niya ng malakas ang pinto pero hindi iyon binuksan ng kung sino mang nasa kabilang banda niyon. Ang hinala niya ay si Lovely pero hangga't hindi siya sigurado ay hindi niya ito pagbibintangan.

Pero hindi na pala kailangang maghinala dahil nagsalita ito.

"How dare you accuse my cousin that he impregnated that loser!"

"Lovely? Lovely! Buksan mo ang pinto!" Kinatok niya nang paulit-ulit ang pinto. Isang malakas na kalabog lang ang isinagot nito.

"Ano ako? Uto-uto?! Manigas ka riyan! Dahil sa inyo ng Luna na iyon, itinakwil ang Kuya Nathan ko!"

"I don't know what are you talking about. Please open the door," she begged.

"I know you paid that loser to tell our family that she's pregnant, and that the father is Kuya Nathan. Para makatakas ka sa kahihiyan mong malandi ka!"

"I didn't—"

"And now, Kuya Nathan is nowhere to be seen! Wala nang magpapatuloy sa legacy namin! Hindi naman ako makapapayag na ang ampon na iyon ang magmamana sa lahat ng yaman ng Devila!"

Nagpatuloy siya sa pagkalabog ng pinto.

"Hello? Pakawalan mo na!"

Hindi niya alam pero parang may kausap si Lovely at hindi na siya pinapansin.

Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng kaluskos mula sa maliit na bintana ng banyo. Nang mag-angat siya ng tingin ay may nakadungaw na bulto roon. Hindi siya sigurado kung lalaki ba o babae dahil naka-itim na mask ito, pero nasisiguro niyang kasabwat ito ni Lovely. Mukhang ito ang kausap ng huli.

"Ang kinis naman pala ni Ganda. Sana ibinalato mo na lang sa akin," anito sa hawak na cellphone. Kung gayon ay sa cellphone pala ang kausap ni Lovely kanina. Base sa boses ng nasa bintana ay lalaki ito.

"Shut up! Pakawalan mo na't aalis na tayo." Narinig niya ang mahinang boses ni Lovely mula sa kabilang banda ng pinto. Mukhang papalayo na ito roon.

"Okey!"

"Ano'ng...?"

Hindi niya natapos ang sasabihin nang may inilusot na itim na plastik ang lalaki. Nang matingnang mabuti ay garbage bag pala iyon at nakatali pero may maliit siwang.

"Ano ito?" Nagawa pa niyang itanong.

"Shh..." ang lalaking nakatakip ang mukha. "Kung ako sa iyo, hindi ako mag-iingay, baka magising ang sawa. Pero itong alaga kong sawa sa katawan, gising na gising na talaga." Pumalatak ito. "Sayang, mukhang ang sarap mo pa naman. Dapat talaga'y ibinalato ka na lang sa akin, eh."

Halos hindi siya makahinga ng maayos nang marinig ang salitang 'sawa' at halos natuod siya sa kinatatayuan. Umalis na ang lalaki at naiwan siyang nakatulala sa nakataling plastik. Doon pa lang niya napansin na sa maliit na siwang niyon ay nakalabas ang maliit na bahagi ng sawa na kung hindi siya nagkakamali ay buntot iyon. And it really looked big ang long.

Her instincts told her to knock on the door until someone would hear her but she didn't do so. Kung sawa nga ang hinagis ng lalaki papasok sa banyo ay baka mabulabog nga iyon sa ingay na gagawin niya kung sakaling kinatok niya ang pinto.

Mag-iisang oras na ang nakalipas at ipinagpapasalamat ni Kanon na hindi gumagalaw ang sawa na nasa loob ng garbage bag. Nakakita siya ng maaaring ipukpok doon pero nawalan na siya ng lakas ng loob na kumilos. Nanatili siyang nasa sulok ng pader habang taimtim na nagdarasal na sana'y may tumulong na sa kanya.

Halos isang oras at kalahating minuto na ang nakalipas nang makarinig siya ng kaluskos sa kabilang banda ng pinto. Nabuhayan siya ng loob at kaagad na tumayo. Subalit dahil na rin sa kaba at takot ay napaupo ulit siya sa malamig na sahig.

Pagkabukas ng pinto ay kaagad na lumapit sa kanya ang isang tao, nakilala niya iyon—ang cook sa cafeteria—habang ang isa nama'y dumiretso sa pwesto ng garbage bag at bahagyang napaatras nang mapagtanto kung ano ang nasa loob niyon.

"Ablaza! May sawa nga rito!"

Nakilala niyang ang mga gwardya iyon at kaagad na nilapitan ang garbage bag habang may hawak na panlaban sa sawa.

"M-manang Leticia..." garalgal ang tinig na tawag niya sa cook na tila sumasaklolo. Kaagad naman itong lumapit at tinulungan siyang makatayo.

"Diyos ko po! Totoo ngang ikinulong ka rito!"

"Patay na yata ang sawang ito! Hindi gumagalaw," bulalas ng isang gwardya.

Inalalayan naman siya ni Manang Leticia sa paglabas at napansin niyang dumaragsa na ang mga tao roon, lalo na ang faculty members.

"What happened here?" usisa ng ilan. Pinalalayo na ng faculty ang mga ito sa pinangyarihang lugar.

"Halika, dadalhin kita sa clinic."

Umiling siya. "Uuwi na po ako. Paniguradong nandiyan na rin naman ang sundo ko. Maraming s-salamat po sa pagtulong."

"Mabuti na lang at sinabihan ako ng estudyanteng iyon na ikinulong ka nga raw sa banyo, kung hindi, baka roon ka na nagpalipas ng magdamag."

Sa isipang iyon ay kinilabutan siya.

"Magpasalamat ka sa kanya kapag nagkita kayo."

Hindi niya alam kung nagkataon lang ba o hindi, pero ang oras ng pagkakahanap sa kanya ay sakto sa oras ng uwian nila. At, sino kaya ang nagsabi sa mga ito na ikinulong siya roon?