webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
282 Chs

Chapter 37: I love you too

Ewan ko. Tuwing kasama ko nalang sya. Laging mabilis ang takbo ng oras. Namalayan ko nalang na uwian na pala. Kung di pa kami pinuntahan ni Aron sa likod. Di pa talaga kami uuwi.

"Yung bag mo bro.." tinapon nito ang sling bag na madilim na berde kay Lance. Mabuti nasalo nya ito. Nabilaukan pa ako dahil nakita nya yata kaming magkayakap.

"Salamat.." matunog na ngiti nya sa kaibigan.

"Fucker!." mura nito sa kanya kasabay ng kanyang pagtalikod. Humalakhak pa sya sabay turo sa mata nya bago sa kay Lance. I asked kung bakit yun but he just held my wrist and headed to the main ground of our school. Gustuhin ko mang hilahin ang kamay ko subalit ayaw nya talagang bitawan.

"Lance, baka makita tayo.." giit ko.

"Wala nang tao. Kanina pa sila umuwi.. See?.." nagmayabang pa ito nang makita ko ngang wala nang gaanong tao. I wonder kung saan at sino ang naghatid kay Bamby.

"SI Bamby, sinong naghatid sa kanya?.." nalilito kong tanong.

"Tinext ko si Jaden kanina.. di na yun magtatanong kasi crush na nya ang maghahatid pauwi.."

"Still Lance. baka magtaka sya?.." di nya ako sinagot. Imbes, nilagay pa sa labi ko ang hintuturo nya. Damn baby!. Wag ka naman ganyan. Baka masanay ako nyan! "Don't worry okay. Kanina ko pa napapansin yang Lance mo. Where's my 'baby' huh?.." binulong na nya ang huling sinabi.

Inilingan ko sya't dinedma upang pagtakpan ang nakakamatay na kaba. Mabilis na naglakad palayo sa kanya. Tinawag nya ako't hinabol kalaunan.

Mabuti nalang at may dala syang extra na damit. Iyon ang suot ko ngayon. Kung hindi. Baka bukas, magkalagnat na ako.

"Baby, let me love you.." kumankanta pa ito sa loob ng kotse habang kami'y paalis na ng school. As usual. Ihahatid sa amin. Hawak ang aking kamay. Maya't maya. Hahalikan.

Kung may hika siguro ako. Kanina pa ako naubusan ng hininga sa sobrang kasweetan ng taong to. Ganito ba sya sa taong mahal nya?. Paulit-ulit kong tinatanong sa kanya na bakit ako?. Bakit hindi ng mga kaklase nya o ng kagrade nya. Lagi nya ring sinasagot na, bakit hindi ikaw?. Ikaw ang gusto ko at hindi ang iba pang sinasabi mo.. Tumataba ang puso ko sa tuwing iyon ang naririnig mula sa kanya. Yung simpleng mataba lang noon. Ngayon, siksik na at malapit nang umapaw. Mahal ko sya at totoo iyon. Sinabi ko iyon minsan sa kanya through phone. Hindi ko napigilan eh. Masyado akong masaya nang araw na yun. Tsaka, di ko pa kayang banggitin ang salitang iyon pag nakatitig sa mata nya. I can't stand staring at his dark brown eyes! Amoy na nga lang nya, nanginginig na ako. Yang titig pa kaya?. Pag halik naman. Laging nakaw iyon at dampi lang. Hindi ako marunong humalik at isa iyon sa kinahihiya ko.

"How's Denise?.." tanong nito bigla. Nasa may harap kami ng drive thru. Gutom raw sya. Kaya heto kami't napahinto para bumili.

Minsan din. Nakwento ko sa kanya ang pinsan ko. Yung trato nya sakin. Maging ang kung pano ito tumingin ng pailalim mula sa malayo.

"I'm not sure if she's okay.." iyon naman talaga ang totoo. Di ko alam dahil never pa akong nagkaroon ng interaksyon sa kanya simula noong sinuway sya ni kuya Ryle pagdating sakin. Di ko sure kung napagalitan ba o binantaan pa nila. Nalulungkot ako sa tuwing naiisip na possible ngang isa doon sa naisip ko ang pwedeng dahilan nya. Wag naman sana. Kahit may galit ako sa kanya. Di pwedeng gawin ko rin ang ginagawa nya sakin.

May itatanong pa sana sya ng matanaw namin sa malayo si kuya Rosen na kumakaway na. Sinesenyas na bumaba na ako.

"Dito nalang.. Andyan naman si kuya." mabilis kong paalam. Kinakalas ko na ang seatbelt ko pero ayaw matanggal. Ewan. May sira ata. Damn!! Pahamak!

Sya na ang lumapit upang kalasin ang lock ng upuan.

"Take care okay.. I love you.." isang marahang halik ang ginawad nya sa noo ko. Napapikit ako sa dulot nun.

I love you too.

Bulong ko na rin. Nakita kong muli ang nakakahimatay nyang ngisi.

Ayaw pa sana nya akong pababain kaso minadali ko na sya. Nagsasalubong na kasi kilay ni kuya. I don't know why.

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Chixemocreators' thoughts