webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Teen
Not enough ratings
282 Chs

Chapter 38: Mad

"Joyce, wag ka munang pumasok.." hinarangan ako ni kuya Rozen papasok ng kanilang bahay. Hiningal at kinabahan ako ng sobra sa bulto nyang bigla nalang sumulpot na parang kabute sa harapan namin. Mabuti nalang tinted ang kotse ni Lance kaya hindi kami kita mula sa labas.

"Bakit po?.." di ko rin kasi maintindihan kung bakit eh. Bigla nalang syang haharang sa labas para di ako makapasok. Kung kaninang, relax pa sya ng palapit ako sa kanya. Ngayon naman, problemado na ito. At ang dahilan nya?. Hindi ko pa alam. Malalaman ko lang siguro pag nasa loob na ako ng bahay.

"Basta.. Tara muna dun..." humakbang sya ng dalawang beses upang mahawakan ako sa braso at maakbayan.

Taka ko syang tinignan. Nalilito sa kinikilos nya.

"Anak, ano ba?. Calm down please.." halos naiiyak nang tinig ni tita ang nadinig ko ng iniluwa sya ng pintuan. Kasunod ang taong kausap. Sumunod din si mommy sa kanila. Maging sina Tito at kuya Ryle. Mga problemado ang mukha.

Naramdaman ko ang pag-aalala ni kuya Rozen nang pilitin nya akong hilahin palayo, sana sa kumusyon na ginagawa nila.

"Kuya, anong nangyayari?.." nilingon ko sila.

"Tara na Joyce, please.." sumamo nya na para bang masasaktan ako kapag di ko sya sinunod.

"Pero kuya?.." tanggi ko sa alok nya. Nakatalikod na kami sa bahay. Paalis na kahit ayoko.

At sa pagkakataong iyon. May narinig na akong tumili.

"Rozen!!.." si tita, mommy at kuya Ryle pala.

Nagunlantang ako ng nahila na ni Denise ang buhok ko kahit akbay pa ako ng kanyang kapatid.

Napaungol ako sa sakit nito sa higpit ng hila nya sa buhok ko. "Ikaw!.. sana di ka nalang nabuhay!." galit nyang sabi habang patuloy na hinihila ang aking buhok.

Di ko mapigilan ang maluha sa sakit nito. "Mommy!.." humingi ako ng tulong kay mommy. Nag-aalala syang tumingin sakin. Kita ko iyon mula sa ilalim. Natataranta. Di malaman ang gagawin.

"Denise.." pagbabanta ni kuya Rozen sa kanya pero hindi nakinig. Hinawakan nito ang kamay nya upang pigilan sa ginagawa subalit lalo lamang nya akong hinila dahilan para madapa ako sa sementong sahig. Kumirot ang tuhod ko. Nasugatan. May dugo. Nasa kalsada na kami. I don't know kung may nanunuod na rin samin. At sa puntong ito. Wala akong pakialam.

"This is all your fault! I hate you!.."

Napapikit ako sa sobrang lakas at higpit ng kapit nya sa buhok ko. Talagang di nya binibitawan kahit ilang tao na ang nasa pagitan namin.

Ang hindi ko maintindihan. Bakit sya ganito?. Anong kasalanan ko ang sinasabi nya?. Wala akong ideya. Bakit sya biglang susugod at mananabunot? Sana nagtanong nalang sya. Sasagot naman ako, basta alam ko ang punto nya. Gamit ang malumanay na boses.

Paano ba magsasalita ng malumanay ang isang taong galit Joyce?. Biglang tanong na umalingawngaw saking pandinig.

"Kung sana, namatay ka nalang!.." sigaw nya muli saka hinila-hila ang buhok ko.

Ano bang kasalanan ko!?

"Mommy!!.." hagulgol ko sa sakit. Ang hapdi at kirot ng aking anit ay di ko malunok. Pakiramdam ko. Pati ulo ko, matatanggal ng wala sa oras.

Damn! Lance!!

"Denise!.." isang galit at baritonong boses ang umalingawngaw. Si Tito yata.

Doon nya lamang kinalas ang mga daliri. Kahit ganun. Hindi pa rin ako huminto sa pag-iyak. Ang sakit!. Magkaiba ang sakit na naramdaman ko. Sakit sa ginawa nya sa buhok ko at sakit sa aking puso.

Masakit isipin na nasasaktan ko sya ng hindi nalalaman. All I thought. Ayos lang kami sa kanila. Lalo na sa kanya. Iyon pala. Lalo lamang syang lumala ng sa kanila na kami tumira.

I didn't know. Kung alam ko lang dati na ayaw nya kami sa kanila. Hindi na sana ako pumayag sa alok ni tita. Naghanap nalang sana kami ng maliit na bahay. Atleast, doon. Wala kaming taong nasasaktan ng di namin nalalaman.

"Sorry hija.." mommy hugged me when I cried harder. Di ko mapigilan eh. Kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sakin?. Wala akong ideya. Wala na yatang katapusan ang pagdurusa ko.

"Bakit daddy?.." noon ko ulit narinig ang boses ni Denise. May galit, nagtatampo. Masakit. Parang kusang nadurog ang puso ko para sa kanya. Inangat ko ang tingin sa kanila. Sinusubukan na hawakan ni Tito ang braso nya subalit lumalayo lamang ito sa kanya. Nasa likuran naman nya sina kuya. Trying to block her way kung sakaling mang tumakbo palayo. SI tita naman. Nanghihinang nakatingin sa kanya tapos lilipat sakin. Nagsusumamo.

"Bakit huh?. Takot ka bang malaman nya ang totoo?.. Mommy?.." tanong nya sa kay tito tapos kay tita na umiiyak na naman. "Takot kayong malaman nya ang totoong pagkatao nya?.."

Wala akong maintindihan sa huli nyang sinabi. Napawi ang luha ko bigla. Nakatitig na sa kanyang mata na di maubos ang bumabagsak na mga tubig. Lalong humigpit ang yakap sakin ni mommy. Anong ibig nyang sabihin?. I wanted to utter those words pero hindi ko mahanap kung paano sabihin. Nanghina ako. Biglang nanginig.

"Hindi ba?.. tapos hindi kayo takot na ako ang mawala?.."

"Anak, hindi totoo yan.."

"Denise.."

Halos sabay na sambit ng kanyang mga magulang.

"Buong buhay ko... hindi ko naramdaman ang kalinga nyo.. mabuti pa sya... kahit nasa ibang bahay na, minahal nyo pa ng todo.... higit sa pagkatao ko.."

"Denise, ano ba?!.." medyo galit na ring ani kuya Ryle.

"Isa ka pa!!." duro nito sa kanya.

Damn! Anong nangyayari?..

May pilit pumapasok sa isipan ko pero ayaw kong pakinggan. Ayaw kong paniwalaan. Paano naman nangyari iyon?. Imposible!

"Mas pinagtatanggol nyo pa sya kaysa sakin. Pareho kayong mga walang kwenta!!"

Umawang na naman ang labi ko. I don't know what to say!

"What now huh?. di kayo makapagsalita... kasi tama naman ako diba?. You longed for her noon pa at laging sya nalang ang bukambibig nyo simula nang tunira sila rito." pinunasan nito ang luhang naglandas sa pisngi nya. "Kailan nyo naman ako bibigyan ng pansin?.."

Minsan akong humakbang ng isa subalit hinila na ako ni mommy. Gusto kong kumpirmahin ang nasa isip ko. Gusto kong linawin ang gumugulo sa isip ko pero umaatras na naman ang dila ko. Lalong naawa sa kanya. Doon ko naisip si mommy. "Mom?.." nanghihina kong tawag ko.

"Hija?.." she said in a very low tone. Nagpapaintidi.

"Anong ibig nyang sabihin mommy?.." nag-iinit na naman ang gilid ng mata ko. Damn! Sira na naman ba ang gripong sinarado ko?. What a day for me!!

"Ang tanga!! Hindi mo pa ba nakukuha!? Hindi ka nya anak.. kapatid kita!!." umalingawngaw na naman iyon saking pandinig. Sinasapawan si mommy. "Kinasusuklamang kapatid!." madiin nya itong binigkas na para bang nandidiri!

"Denise!. I said stop!!." galit na galit si Tito sa kanya't basta nalang hinila ang braso nya. Nagpumiglas ito kaya nakaladlad. "Humanda ka sakin.. di pa ako tapos sa'yo!.." huli nya pang sabi bago natakpan ng pintuan. Sumunod sina kuya sa kanila. SI tita, lumapit sakin.