webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
282 Chs

Chapter 10: Not again

"Mahina raw ang kapit ng bata kaya nawala.."

"No way! Wag ka namang ganyan Mom.. nagbibiro ka lang alam ko.." iling ko sa kanya. I'm like a fool!. Gusto ko tuloy magwala at kumaripas ng takbo pauwi!. Kingwang yan!.

"Do I look a liar to you?. Your baby is weeks old but when the doctor did an ultrasound. Walang nakitang heartbeat ang bata.."

I bit my lower lip. Walang heartbeat ang bata?. May ganun ba?. Tanga. Syempre. May ganun. Iyon nga ang pinakaimportante sa lahat. Nagtanong ka pa!

Humapdi ang magkabilang gilid ng mga mata ko saka iniwas ang mukha sa camera. "Gustong gusto naming ibalita sa'yo na buntis sya.."

"Bakit hindi nyo agad ginawa?. Imbes, iniwasan nyo pa yata ako.." nagtatampo na talaga ako.

"It's not like we don't want you to know anak. Ang gusto lang namin ay masiguro na ligtas muna ang baby bago namin sabihin sa'yo.."

"But Mom.. ang sakit eh. Saka nyo sasabihin sakin kapag sigurado na?. Wala ba kayong tiwala ha?." pumiyok ako sa pagpipigil ng luha. "Alam nyo naman na nasa malayo ako. Malayo sa piling ng asawa ko tapos parang ipinagkait nyo pa sakin ang malaman ang totoo?. How unfair?."

"Anak. Makinig ka.."

"No Mom..kayo ang makinig naman sakin please.. Nangumusta ako sa gc natin.. Walang nagreply. Kung di ko pa tinawagan si Bamby. Hindi nyo pa ipapaalam ito sakin?. Bakit ha?. Wala ba akong karapatan malaman?. Mom, sabihin nyo nga sakin?."

"I get you anak. Sorry kung naramdaman mong iniwan ka namin but please understand us too. Inisip lang namin ang kapakanan ng mag-ina mo. Pati kasi ang asawa mo ang muntik nang sumuko at iwan ang lahat dito.."

Napanganga ako.

What the hell!!..

No way! Si Joyce! Gagawin ang bagay na yun?. Iiwan ako ng mag-isa?. Paano nalang ako?.

I'm dam speechless. Di ko masasabi sabi ang nakapilang mga salita sa dulo ng dila ko. Galit ang una duon at gusto kong sirain lahat ng nakikita ng mata ko. She's planning to leave me?. Hindi nya ba naisip na doble ang sakit nun sakin?.

Nawalan na nga ako ng isa pang anak. Pati ba naman sya, iiwan din ako?. Nag-iisip pa ba sya?.

"Anak.. Wag mong sisihin ang kahit na sino sa nangyayaring ganito sa inyo. It's not anybody's fault."

Sino ngayon ang may kasalanan kung ganun?.

Damn it!.

Bakit kailangang mangyari ang nga ganito?. Gusto ko lang naman magkaroon ng anak. Bakit hindi pa ibigay?. Ganun ba iyon kahirap makuha?. Na kailangan muna ng maraming sakripisyo, sakit at luha?.

"Gusto kong umuwi.." hindi ko ito inisip. Kusa na lamang itong lumabas saking labi.

"No! No! Don't do that. Yan ang isang rason kung bakit ayaw ipaalam sa'yo ng asawa mo ang totoo.."

"Hindi ako mapapakali rito hanggat hindi umuuwi dyan ngayon.."

"Anak. wag na.. marami naman kami rito. mahihirapan kang bumalik dyan.."

"I can handle that.. ang gusto ko lang ay makita ang asawa ko.."

"Ang tigas naman ng ulo eh.." dinig kong bulong nya.

Sandali ay nawala sya sa camera at ang pumalit ay ang taong bukambibig ko. Lumalim ang ibabang mga mata nito. Medyo maitim pa. Pansin ko ring medyo pumayat sya at mukhang depressed. "Hi.." pilit ang ngiti nyang suot. It's not real. It's like, she needs to do it para ipakita sakin na ayos lang sya. Na kahit di ako umuwi ay okay lang sa kanya.

"Wat for me there. I'm coming home." iyon ang sinabi ko imbes na maghello din pabalik. Alangan naman kamustahin ko pa sya e halata namang hindi sya okay.

"No Lance. Concentrate on your studies. Wag mo na akong isipin pa dito.."

"How would I do that?." may diin kong sambit. "Paano ako makakapagfocus dito kung Ikaw ang laman lagi ng isip ko?. No Joyce. Gusto kong umuwi at walang makakapigil sakin.."

"Lance naman. Pangarap mo yang kinatatayuan mo ngayon. Palalampasin mo pa ba yan?."

Uuwi ako tas balik din naman dito. Wala akong sinabi na hindi ko tatapusin ang sinimulan ko.

"Pangarap ko din naman ikaw at ang bumuo ng pamilya kasama ka."

Hindi sya nagsalita. Kita ko kung paano bumuo ang mga luha sa kanyang mga mata saka bumaba iyon sa kanyang pisngi. "I'm sorry. Nadis-appoint na naman kita."

"No baby!. It's not your fault. Nobody's fault.." hinawakan ko ang pisngi nya sa screen. Kingwa! Kung pwede lang lumipad. Kahit ngayon na. Uuwi na ako.

"Hindi ko na yata maibibigay ang pangarap mong pamilya Lance. I'm sorry.."

"No! Damn it baby! Wag ka naman ganyan. We'll try it again soon. Baka hindi pa natin oras to have a baby.." umiyak sya ng umiyak sa harapan ko. Nasasaktan ako. Sumisikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga sa bawat pagsinghot na ginagawa nya.

Nakita kong dinaluhan ni Bamby ito at inakay sa kung saan. Fuck! This is so hard!. Ano bang dapat sabihin kapag ganito?.

Si Bamby ang humawak muli ng cellphone. Naglakad ito at umakyat ng hagdan. Saka umupo sa terasa sa taas. "I'm sorry kung hindi ko agad sinabi sa'yo ang totoo.." umpisa nya. Ano pa nga bang magagawa ko?. Alangan magwala ako bigla?. Baka palayasin pa ako dito bigla eh. Mamulubi ako.

Hindi ako umimik. "Request iyon ni Joyce. Alam kong mali pero sa tingin ko din ay tama."

Naguluhan ako. Anong ibig nyang sabihin?.

"Alam kong mali na itago sa'yo ang lahat kaso mas pinili ko ang maging kaibigan nya muna at isipin na tama ang sundin sya para bahagyang gumaan ang loob nya. Mahirap din samin na huwag sabihin sa'yo ang lahat Kuya subalit hindi namin alam kung paano?. We knew na gustong gusto mo ng magkababy. Bukambibig mo ata yun. Kaya hindi rin namin kaya na ibalita sa'yo na buntis sya tas nakunan din agad.."

Bakit mahirap aminin na may punto sya?.

"But it's up to you kung uuwi ka ba o ano?. We don't want to force you do things na labag sa loo mo. May tiwala naman ako na hindi ka susuko sa kahit na anong laban. Whatever decision you may decide. Always remember. I'll support you."

Ito ang gusto ko sa kanya e. Sya ang bunso namin. Pero pagdating sa mga kagipitan. Sya ang alam kong maaasahan.

"Thanks lil sis." pasalamat ko dito. Bahagyang gumaan ang loob ko.