webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Teen
Not enough ratings
282 Chs

Chapter 9: Shaken

Hindi naging maganda ang unang linggo ko rito. Nalate ako. Naligaw at nagkasakit. Umiyak ako sa gilid. Wala akong makausap. May mga Pinoy naman dito kaso lang nahihiya ako sa kanila. Hindi naman ako duwag. Sadyang ayaw ko lang makipag-usap sa mga taong di ko lubusang kakilala. Kapag naman kasi sinabi ko sa pamilya kong nahihirapan ako rito. Baka bigla nalang nila akong pauwiin o di kaya'y, pagtawanan nalang. Lalo na yung bunso namin. Mapang-asar iyon! Dinaig pa ang kanyang anak na si Knoa. And speaking of. Namimiss ko na tuloy ang batang yun. Kamusta na kaya sya?. Hinahanap nya pa rin kaya ako. Sana okay pa rin sya kahit walaw akong tagapagtanggol nya. I'm not saying na he's not safe sa mga parents nya. It's just that. I can clearly see how his parents want him to be. Na nakita ko ang sarili ko noon kung paano ko gustong lumaki si Bamby. Para bang, masyado silang mahigpit dito kahit bata lang ito at wala pang muwang sa mundo. I'm not spoiling him tho. Napagtanto ko lang na, hindi palang maganda ang magpalaki ng bata ng masyadong mahigpit. Mas lalo lang magloloko ang bata o malala ay magrebelde ito ng hindi nalalaman ng mga magulang. At ayokong mangyari iyon sa pamangkin. Nadala na ako kay Bamby. Not gonna happen to my nephew.

"Let's go." mabuti nalang may isa rin akong naging kaibigan na rito. Sya ang nagbibigay motibasyon sakin para magpatuy. Sya'y kasing-edad ko rin at taga Tsina. Mabuti nalang at marunong ito sa sa salitang English.

Sabay kaming pumapasok at lumalabas ng school. He invited me on a pool party once pero tinanggihan ko sya dahil hindi ko gusto ang mga ganun. Mga babae lang naman ang andun. Hindi ko kayang tumingin s aiba habang malayo ako sa kanya.

Weh?. Di nga?.

"Are you serious?." lumaki ang singkitan nitong mata ng sabihin ko sa kanya ang dahilan kung bakit di ako makapunta. "You're married?." hindi talaga ito makapaniwala. Ano bang nakakapagtaka sa pagkakaroon ng asawa?. Hay.. palibhasa, mukhang babaero ang loko. Hindi mapirma sa iisang tao.

"Yeah.." tamad kong sagot dito. Nagkamot ito ng ulo at namaywang na para bang ang laki ng iniisip nyang problema. Pasan nya ba ang mundo?. Bagsak kasi mga balikat nya eh "You can go alone if you really want to attend the party dude."

Umiling sya na may suot na nakakalokong ngiti. "Nah. We should go. Accompany me."

"No dude. I have to energy for that kindi of party.."

"Oh man!. Don't say you don't have energy coz I already knew the reason behind why you're rejecting my invitation. You've said. You're married. And so?. You're alone here. Your wife is not here either. So why not we enjoy some other time for us to breathe atleast huh?."

"Come on dude. Sorry but I'm not really coming.." isa pang pilit mo pre. Uupakan na talaga kita. Laking buntong hininga ang pinakawalan nya bago sinabing sya nalang daw pupunta. Magkita nalang daw kami bukas sa school. Nang magpaalam a ito. Dun lang din ako nakahanap ng hangin na presko. Di ko alam. Marami namang puno rito. Kaso lang. Pag may mga taong mapilit sa mga bagay na di ko gusto. Naiirita ako!. Ops!. Sabihin nyo na akong bakla kung yan ang tingin nyo sakin. Bakit ba?. Iyon ang nararamdaman ko eh.

Umuwi nalang ako ng apartment ko't nagbasa ng mga kailangan basahin. Nasa harap ko ang cellphone ko na walang buhay ang screen. Sa tanda ko'y isang linggo na ring hindi naging maingay ang gc namin. I wonder why. That's not my sister. Masyado itong maingay duon lalo na pagdating sa pang-aalaska sakin. Why now?. May nangyari ba kaya hindi nila ako kinukumusta?. Yung asawa ko, bakit wala ding paramdam?.

Pagod akong sumandal sa kinauupuan at dinampot ang cellphone. Mamaya na ang magbasa. Baka maging baliw nalang ako bigla kapag di ko pa sila nakausap. Unli naman ang internet sa bahay?. Bat di man lang nilang magawang tumawag o magchat?. Kainis naman!

I open my messenger app at nakita kong online nga si Bamby. "Hey.." agad kong sinend ito sa kanya. Kagat ang hintuturong daliri sa paghihintay na bumaba ang maliit nynga mukha sa sinend kong chat. Sign na binasa na nya yung message ko.

But damn! Nagmukha akong tanga sa kakahintay sa wala.

That's the reason why I called her. "Oh Kuya?." parang naasiwa pa nyang sabi. Imbes kamusta ka dyan o di kaya'y, ano pwede ba akong mamasyal dyan ang expected kong sasabihn nya ay, hinde. I feel like, there's something na hindi nya pwedeng sabihin.

"Kamusta dyan?. Di man lang kayo nangamusta?." tunog nagtatampo kong sambit. Inilayo nya ng bahagya ang mukha sa screen saka inayos ang buhok kahit di naman ito magulo. "Si Joyce, andyan ba sya?. Pakausap naman sa kanya.."

"Ah kasi.." dun ko na talaga nahalata na may tinatago nga sila sa akin. What is it?. Please tell me!

"You look like a fool, you know.."

"Ang hard mo naman.." ngumuso ito. Ayaw pa kasi sabihin eh. Wala ba akong karapatan na malaman ang kung anong kasalukuyan na nangyayari sa kanila?. Umalis lang ako. Pero hindi naman ibig sabihin nun na hindi na nila sabihin sakin ang lahat.

"Tell me Bamblebiee!. Nasaan ang asawa ko?."

"Sinong kausap mo nak?." I heard Mom's voice. Bahagya pa itong sumilip sa camera dahilan para ipasa sa kanya ng lokong bunso ang cellphone.

"Mom, Knoa is crying. Kayo na muna kumausap kay Kuya.." anya saka di ko na nakita mukha nya. Parang nagtaka si Mommy sa iniasta ng isa nyang anak. Hay Bamby! Kahit anong pilit mong itago ang isang bagay sa akin, malalaman ko rin dahil sa mga kilos mong obvious masyado.

"Kamusta nak?." Mom ask. Gusto ko sanang isumbat sa kanya ang hindi nila pagtawag o pagchat man lang sakin kaso naisip kong wag nalang. Baka sabihin pang, malaki na ako at hindi na ako bata para dun. Pero bata lang ba dapat ang dapat na makaramdam ng mga ganung bagay?. Di ba lahat?.

"How's my wife Mom?." ito ang lumabas sa labi ko imbes na sagutin ang tanong nya. "She's not attending my calls. Even my chat. Anong nangyayari?."

"Son, calm down.." duon ko nakumpirma na meron nga. And it's about my wife, not them.

Yumuko ako at nakapikit na tinanong ulit kung nasaan sya. Alam nya na maikli ang pasensya ko pagdating sa mga ganito kaya hindi na nito pinatagal pa.

"She got pregnant.." nagulantang ako sa ibinalita nya. Is she really serious?. Sabi na eh! Yung pakiramdam ko noon. Totoo yun! Ako gumawa eh. Kaya siguradong bull's eye na makabuo kami agad.

Pero teka. Bakit parang di sya masaya?.

"And, lost the baby.."

Ano raw?. Pakiulit nga!