webnovel

Ancient Castle Tulip

Éditeur: LiberReverieGroup

Ancient Caslte Tulip.

Isang palasyong nalimutan na sa paglipas ng panahon. Marahil nalimutan na ng mga naninirahan sa Pampo Seashore na mayroong isang mayamang teritoryo dito dati.

Nakatayo ang palasyo sa isang bangin na malapit sa dalampasigan, tanaw nito ang dagat.

Ang palasyong ito ay dating nababalot ang loob at labas nito ng mga tulip na dinadala mula sa silangan.

Pero isang biglaang delubyo ang tumapos at sumira sa teritoryong ito. Kalaunan naging bahagi na ito ng Wasteland of Death, isang liblib na lugar na walang may nais pumasok.

Bukod sa parola na malapit sa dalampasigan at isang sirang daungan, wala nang bakas ng dating kasaganahan nito ang lugar na ito.

Isa na lang abandonadong palasyo.

Hindi pa nakakapunta sa palasyong ito si Marvin, pero nakakita na siya ng mga video nito sa mga forum kaya may kaunti siyang nalalaman tungkol dito. Siya ang tipo ng manlalaro na maaalala ang kahit anong tungkol sa kasaysayan at kaalaman.

'Kahit gaano pa ito kasagana dati, wala nang narito kundi mga walang konsensyang mga Vampire.'

'Nang inilabas ang Ancient Castle Tulip, ang pinakamakapangyarihang miyembro ng Blood Race ay ang Vampire Marquis lang at wala pang Vampire Duke,' isip-isip ni Marvin habang tahimik siyang pumapasok nang palihim sa palasyo gamit ang Stealth.

Ang Vampire Duke ay katumbas ng Legend realm, habang ang Vampire Marquis naman ay may lakas ng isang 4th rank class holder at kasing lakas ni Marvin.

Tahimik siyang naglakad sa kahoy na daanan ng palasyo, at bukod sa dalawang pangkaraniwang baka, wala nang iba pang nakitang nilalang si Marvin.

Marahil karamihan sa mga Vampire ay tulog.

May ilang sigurong gising, pero magpupunta rin ang mga ito pa-hilaga para maghanap ng makakain.

Magkaiba ang mga Vampire na nakatira sa palasyong ito sa mga Vampire na nakilala ni Marvin sa Deathly Silent Hills.

Ang mga Vampire sa Deathly Silent Hills, ay bahagi ng Bright Side, at mayroong magandang relasyon sa mga tao ang mga ito. Iinom lang ang mga ito ng dugo sa tuwing kailangan nila at hindi sila papatay ng mga inosente. Ang mga Vampire na nakatira sa Ancient Castle Tulip ay iba, bahagi sila ng Dark Side. Para sa kanila, sila ang pinakamataas na race sa buong Feinan, at hindi lang sila tumutugis at pumapatay ng mga tao, ginagawa rin nila ito sa ibang mga race. Naghahasik sila ng takot at kaguluhan.

Sa madaling salita, walang intensyon si Marvin na maging mabait sa mga Vampire na ito.

Kahit na gumagamit siya ng Stealth, parang may mali sa mga kagamitang suot niya.

Isang pares ng curved dagger sa kanyang baywang, at isang pares ng pistol na nakuha niya kay Constantine, ang [Astaroth] at [Satan], naman sa kanyang mga hita. Hindi lang basta-basta ang mga pangalan na ito, Pangalan ito ng isang Archdevil at isang Demon Lord.

May dala siyang shotgun sa kanyang balikat at pinalita niya ang mga bala ng Sha ng mga espesyal na balang gawa sa pilak.

Kung may makasalubong siyang Vampire, hindi maiiwasan ang isang laban.

Laging nakahanda si Marvin.

Sadyang mas liblib at mapanglaw pa kesa sa inaasahan ni Marvin ang Ancient Castle Tulip.

Tahimik siyang lumusot sa isang butas sa pader kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin sa paligid, pero wala pa ring ano mang bakas ng mga Vampire.

Alam niya na karamihan sa mga Vampire ay natutulog sa kaloob-looban ng palasyo. Kung walang kahit isa sa paligid ng Anicent Castle Tulips, maswerte siya… o ang mga Vampire.

Dahil hindi na niya kailangan pang pumasok sa kaloob-looban ng palasyo.

Sa pagkaka-alala niya, ang daan patungo sa palasyo sa ilalim ng lupa ay nasa gilid ng isang pasilyo sa loob ng bulwagan ng palasyo.

Mahinahong nakarating si Marvin sa daan papasok sa bulwagan.

Pero nagulat siya nang makarinig siya ng mahinang boses na kumakanta mula sa pintong balot ng sapot.

Naging mas alerto si Marvin!

Isang ilaw ang makikita mula sa loob ng kwarto. Lumapit si Marvin para sumilip at nagulat sa kanyang nakita!

Dahil puno pala ng tao ang bulwagan!

Ang liwanag ay nagmumula sa chandelier, nagbibigay liwanag ito sa buong silid.

Isang grupo ng mga noble ang nakasuot ng damit mula sa Pampo Seachore ang eleganteng nagsasayaw.

Mukhang maginoo ang mga lalaki, gwapo at binata.

At ang mga babae naman ay magaganda at nakasuot ng mga damit na nagpapakita ng kanilang balat. Kahit si Marvin ay napansin ang isang babaeng nakalantad ang dibdib!

'Anong nangyayari!'

Pakiramdam ni Marvin ay nakakita siya ng multo.

Isa itong abandonadong palasyo, kaya paanong nagkaroon ng mga tao dito? At nagkakasiyahan pa sila?

Tiningnan niya ang kanyang mga log at walang nakitang kahit anong will check!

Hindi ito isang ilusyon, totoo ito!

'Teka…'

Biglang may pumasok sa isip ni Marvin…

Hindi nga ito isang ilusyon.

Isa itong pangyayaring naganap sa bulwagang ito noon!

Nang panuorin ni Marvin ang video ng isang manlalaro, hindi niya pinanuod ang kabuoan ng paglibot nito sa palasyo, dumeretso siya sa dulo kung saan nakuha na n epert ang [Eriksson's Brooch].

Alam niya na ang lagusan papunta sa palasyo sa ilalim ng lupa ay nasa bulwagang ito, pero kailangan niya pa rin mahanap ang eksaktong kinalalagyan nito.

Pero nang makita ni Marvin nag makalumang pangyayari ito, may kakaibang naramdaman si Marvin.

Tunay na nangyari ang eksenang ito.

Pero hindi niya alam kung bakit muling nagaganap ang eksenang ito na mula sa nakaraan.

Binuksan ni Marvin ang pinto at pumasok.

At walang pumansin sa kanya kahit ang serbidor.

Sinubukan niyang humawak ng isang tao at lumusot lang ang kanyang kamay habang patuloy itong nakikipag-usap sa madaldal at haliparot na babae.

Para itong pelikula ng nakaraan.

Parang tunay pero hindi.

Noong mga oras na iyon, napunta ang tingin ni Marvin sa isang dalaga at binata.

Nagmamadaling umalis ang dalawang ito mula sa sayawan at nagpunta sa daan na katabi ng bulwagan.

Sinundan agad ni Marvin nag mga ito.

'Jason, wala na tayong oras. Babalik na ang asawa ko.'

Sa isang madilim na sulok, ang babaeng magara ang damit ay pilit na pinagmamadali ang lalaki habang hinuhubad nito ang kanyang damit.

At naghubad na rin ang matipunong lalaki, pumasok ang dalawa sa isang silid.

Sinundan sila ni Marvin.

Kahit ano pa ito, nangyari na ito sa nakaraan kaya walang masama kung titingnan niya kung ano ito.

Isa pa, mukhang malapit na ang lugar na ito sa lagusan na nabanggit sa video.

Sa tingin ni Marvin may koneksyon ang mga ito.

Pero nagulat si Marvin nang pumasok siya sa silid, nawala na ang dalawang tao.

Mukha namang normal ang kwartong ito.

Dahan-dahang pumasok si Marvin, at sinundan ang direksyong nilakaran ng dalawa.

Nang biglang nawala ang inaapakan niyang sahig!

'Pucha!'

'May lihim na daan!'

Agad na nahulog sa lagusan si Marvin!