webnovel

Wasteland of Death

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bago mawasak ang Universe Magic Pool, kahit gaano pa kalakas ang ma god, hindi nila kaya na direktang magpadala ng avatar nila sa Feinan.

Dahil rin dito, hindi nila maaaring maipakita ang kanilang mga "milagro" kung saan-saan lang. Nagagawa lang nila ito sa mga secondary plane kung saan kailangan nilang palawigin ang kanilang mga tagapaniwala.

Ito at ang matibay na Wizard Rule ay ang dahilan ng kasalukuyang sitwasyon ng Feinan. Kaunting tao lang ang nanamapalataya sa mga god.

At syempre, mayroon pa ring naniniwala sa mga ito sa ilang lugar.

Halimbawa, ang Silver God at ang Craftsman God ay magkaiba dahil hindi nila kailangan magpakita ng mga milagro, dahil magkakaroon at magkakaroon pa rin ng mga maniniwala sa kanya.

Pero karamihan ng mga god ay hindi kilala, o hindi kaya ay hindi malinaw sa mga tao ang tungkol sa kanila.

Ito ang rason kung bakit gusto nilang atakihin ang Universe Magic Pool.

Nayayamot din ang mga New God mula sa ikatlong Era dahil kahit sila mismo na galing sa Feinan, ay hindi makapagpadala ng kanilang mga avatar dito.

Pero hindi naman naputol ng Universe Magic Pool ang lahat ng pamamaraan.

Mayroong mga butas ito, at ang ilang mga god gaya ng Black Dragon God ay may nalalaman tungkol sa mga lihim na paraan na iyon.

Ang pag-aalay ay ang isa sa mga ito.

Hindi gaanong naiintindihan ang pag-aalay, pero sa paglipas ng panahon, napasama na ang lahat ng mga pangkaraniwang seremonya ng pag-aalay. Kahit ang mga mahuhusay na mga caster ay hindi lubos na naiintindihan ang pag-aalay.

Pero alam ito ni Marvin.

Ang pag-aalay ay isang uri ng pakikipagpalit. Iaalay ang isang buhay para makakuha ng mas malakas na kapangyarihan. Ito ang nagaganap sap ag-aalay.

Ang projection ng Black Dragon God at si Clarke ay nagtulungan para maihanda ang isang ritwal na magbubukas ng isang maliit na lagusan.

Ang lagusan na ito ay nakakonekta sa Astral Sea na malayo sa universe Magic Pool. At kahit na hindi kasya dito ang buong avatar ng Black Dragon God, sapat na ito para sa isang claw nito.

Alam ni Marvin na hindi nila dapat maliitin ang claw na ito.

Hindi katulad ng Shadow Prince ang Black Dragon God. Mas malakas pa ito kumapara sa Shadow Prince. .

Kapag nagsama ang claw na ito at ang projection, kahit si Jessica ay hindi na kakayaning kalabanin ito!

Mukhang gusto talaga nilang sakupin ang Rocky Mountain!

Subalit, simple lang naman pigilan ang ritwal na ito dahil ang buong proseso ay dumadaloy sa isang bagay.

"…Ang pinagdadaluyan nito ay ang scale ng Black Dragon God."

"Dumura ng isang anino si Clarke nang i-summon niya ang projection, sa loob nito ay ang scale ng Black Dragon scale."

"Ito rin ang dahilan kung bakit maaaring bumaba sa isang eksaktong lokasyon sa Feinan ang projection na iyon. Ang scale ay parang isang plane mark, ito ang nagsilbing daan para sa projection."

Sa harap ng dalawa sa Three Sisters, siguradong sinabi sa kanila ni Marvin na, "Sa ganoong paraan nila isinasagawa ang ritwal."

"Basta masira mo ang scale na iyon, mawawalan ng plane mark ang Black Dragon God at wala nang kahit anong bagay ang mayroong sapat na enerhiya para magkoknetka sa Feinan sa God Realm, kahit pa ang kanyang sariling projection."

"Ang dami mong sinabi pero hindi mo ka pa rin nagbibigay ng solusyon. Paano natin masisira ang scale ng Black Dragon God?

Makikita ang paniniwala ni Lorie kay Marvin sa kanyang mukha. "Alam kong mayroong alam na paraan si Sir Marvin."

Ngumiti si Marvin.

Dahil tumayo siya at sinabi na niya ang lahat ng ito, malamang ay may alam siyang paraan.

Gayunpaman, masyado nang napatagal ang pananatili niya sa Rocky Mountain na hindi na niya agad nakuha ang Source of Fire's Order pagbagsak ng mga bulalakaw. Kaya mas mabuti pang samantalahin niya na ang pag-atake ng Underdark Army sa Hope City para mas marami siyang makuha.

Dahil sa ibinigay na Golden Blood sa kanya kanina, napagtanto ni Marvin na napakayaan ng Three Sisters.

"Hindi maaaring galawin lang basta-basta ang mga plane mark. Kapag ginalaw ito, maaaring maantala panandalian ang pagbaba ng avatar. Kaya naman, siguradong ilalagay nila ito sa isang tagong lugar at babantayan ito nang maigi."

"Sa katunayan, hindi na problema ang paghahanap dito. Kung hindi ako nagkakamali, kaya mong hanapin iyon, hindi ba Lorie?"

Tiningnan ni Marvin ang batang babae.

Nagpanggap na mahinahon ito at tumango habang patuloy na bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso.

Mayrong siyang kakayahan na makita ang napakaraming bagay, kaya nga nakita niya ang pag-aalay na nagaganap sa Lion Town mula sa city wall.

Kaya walang problema sa pagpapahanap sa kanya ng scale ng Dragon.

"Ang pagsira na lang dito ang kailangan nating problemahin."

Mahinahong nag-isip si Jessica. "Kakasabi lang na nag-summon ng [Heavenly Observer] ang Black Dragon God, binabantayan na nito ang buong Lion Town. Kung may may ibang taong pumasok dito, siguradong makakarating agad ito sa kanila."

"Kulang ang kakayahan ko para dito."

Tiningnan ni Marvin si Jessica at sumagot, "Mayroon akong alam na paraan para palihim na wasakin ang scale ng Dragon."

Nagningning ang mata ng magkapatid. "Ano 'yon?"

"Bigyan niyo ko ng dalawang araw, siguradong wawasakin ko ang scale na iyon." Mahinahong sabi ni Marvin.

"Pero ang pagsira sa scale ng Dragon ay siguradong ikagagalit nina Clarke at ng Black Dragon God. Hindi maiiwasan ang isang labanan."

"Wag ka mag-alala, poprotektahan kita." Sabi ni Jessica.

Umiling si Marvin at ngumiti saka seryosong sinabi na, "Hindi na, kailangan ko lang harangan mo ang Black Dragon para magkaroon ako ng pagkakataon na pabagsakin siya."

Sa huli, nakubinsi na si Jessica sa plano ni Marvin.

At dahil hindi na nila maaaring ipagpaliban ito, agad na nagpaalam si Marvin sa magkapatid at umalis ng Hope City noong gabing iyon.

Kakailanganin ng tatlo hanggang limang araw ang ritwal na iyon, habang dalawang araw lang ang kailangan ni Marvin para pigilan ito.

Mas naging mahirap ang sitwasyon dahil sa presensya ng Heavenly Observer, pero dahil naroon siya, magiging kampante na ang mga Black Dragon.

Kakaunti lang ang hindi nakikita ng Heavenly Observer. At may isang bagay na pumasok sa isip ni Marvin.

Alam niyang nakatago ito sa isang palasyo sa ilalim ng lupa.

Nasa liblib na lugar ito sa dakong hilagang bahagi ng Rocky Mountain, isang rehiyon na kilala bilang Wasteland of Death.

Doon, mararamadaman moa ng kamatayan sa paligid. Nagkalat ang mga buto at multo. Kontektado ang dakong silangang bahagi nito sa Saint Desert, habang isang malawak na karagatan naman ang nasa dakong kanluran nito.

Sa hilagang bahagi naman nito, magkakasunod na mga siyudad ang matatagpuan sa Pompo Seashore.

Iyon ang headquarters ng South Wizard Alliance sa kanluran.

Ang pupuntahan ni Marvin ay isang abandonadong palasyo sa dakong kanluran ng Wasteland of Death.

Naninirahan dito ang isang grupo ng mga Vampire na ayaw sa mga tao.

Kadalasan, walang sino man ang nanaising magpunta sa lugar na iyon.

Ang buwan ay natatakpan ng mga maiitim na ulap at may isang anino na lumitaw mula sa kasukalan.

Sa di Kalayuan, isang abandonadong palasyo ang makikita.

Tiningnan mabuti ni Marvin ang palasyo.

'Sa wakas nahanap ko na. Nandyan pa naman siguro ang [Eriksson's Brooch].'

Next chapter