webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urbain
Pas assez d’évaluations
213 Chs

Chapter Six

*Jared Dela Cruz*

Potek. Ang sakit ng labi ko. Lakas sumuntok ng gago akala ko nawala na lakas n'on. Pano na yan? Kawawa naman ang mga babes ko, hindi ko mahahalikan.

"Red humarap ka sa'kin gagamutin ko yang sugat mo" utos sa'kin ni Sam.

"Hwag na, baka mas lalong mapasama," umiwas ako sa mga kamay nyang gustong humawak sa mukha ko.

"Huh? Anong mapasama?"

"Tsk. Kapag nalaman ni TOP na ginamot mo ko baka 'di lang ito abutin ko eh."

"Ang OA mo naman, wala naman dito si Hubby eh"

Nasa sala sila ni Angelo. Man-to-Man talk. Nyemas.

"Kahit na, akin na nga 'yan. No offense meant Samantha pero wala akong tiwala sa mga kamay mo."

Ako nalang gagamot sa sugat ko. Kinuha ko na yung cream na nilalagay para gumaling agad ang sugat. Wooh! Ang lamig!

"Grabe ka naman ako na nga itong nagmamalasakit." Tinitigan nya ako. Halatang may gusto syang itanong. "Red anong pinag-usapan nyo ni Timothy ah?"

Tinignan ko sya. " Wala. Sa amin nalang 'yon, hwag kang nosy!"

"Ch! Parang nagtatanong lang eh! Suplado mo ah! Meron ka 'no? Sungit."

Tinulak ko ang noo nya gamit ang hintuturo ko.

"Pasalamat ka hindi ako naging babae."

"Bakit naman?"

"Dahil mamamatay ka sa INSECURITY."

"Ch! Ikaw na!"

"Oo naman! Ako na talaga!"

Ngumiti lang sya.

*lub.dub.lub.dub*

Nyemas. Di parin pala nawawala.

"Red? Red!" tawag nya.

"O-Oh?"

"Natulala ka na. Sino'ng iniisip mo? Yung babae ba na may bunny ears?"

"Babaeng may bunny ears?"

"Oo! Yung binalikan mo rito sa Pilipinas? Nakita mo na ba sya?"

"Ahh... Sya ba? Tsk!"

Niligpit ko na yung kit. Amp naman. Naaalala pa pala nya yon.

"Ano na? Nakita mo ba?"

"Oo nakita ko."

Kasama ng lintek na Rex Parco.

"AYYYIIIEE!! May lablayp ka na! I'm so happy for you!"

"Baliw! Lablayp pinagsasabi mo dyan?"

"Oh bakit? Hindi ba? Asus!" ngiting pang-asar nya.

"Samantha! Tigil na! Patapon kita sa Baliwag dyan."

"To naman! Di na mabiro!"

"Tsk!"

Ipinatong nya ang mga kamay nya sa mesa at tinitigan ako.

"Ano 'yan?"

"Tina-try kitang tunawin baka sakaling pumangit ka," seryosong sabi nya na hindi man lang kumukurap.

"Walang epekto 'yan. May amulet ako laban dyan. Pero sige lang titigan mo ako, mababaliw ka rin katulad ng mga babaeng tumitig nang matagal sa akin. Kapag nabaliw ka, bagay ka na sa baliwag."

"How could you? Di ako belong 'don, masyado akong maganda."

"Conceited ka rin 'no?"

"Mana lang sayo! Bleh!"

"Baliw!"

Pumasok sa kusina si TOP. "Sino ang baliw?"

Tumayo si Sam at inalalayan si TOP na umupo sa tabi nya.

"Si Samantha, pa-check mo sa mental baka lumala pa sakit nyan," sagot ko.

"Haha! Oo Timothy nababaliw na nga ako. Hahaha!"

"Wifey?"

"Totoo yon. Nababaliw na ako... SA'YO HUBBY! I LOVE YOU!!" niyakap nya si TOP at hinalikan sa pisngi.

"Ay ponyemas, makaalis na nga! PDA na to!" sabi ko at saka lumayas sa kusina.

"Arte mo!" sigaw ni Sam.

"Mas mahalay pa kayo tignan kaysa sa porn!" sigaw na sagot ko.

Lumabas muna ako ng bahay. Naglakad lakad ako sa dalampasigan. Ang hangin dito. Sayang walang chix sa paligid para masaksihan ang pagdating ng isang Red Dela Cruz sa lugar nila.

Ang payapa. Nakakarelax. Mukhang ayos naman ang pagsasama ng dalawang 'yon dito. Tahimik. Walang inaalala.

"Mabuti nalang.."

"Mabuti nalang ano?"

"SYOKOY!!"

Nagulat ako nang may lumitaw sa harap ko.

"Walang syokoy dito," sagot nya sakin habang nakatingala sya sa mukha kong gwapo. "Ang tanda mo na naniniwala ka pa ron?"

Nakatitig lang sya na parang namamangha sa buong pagkatao ko. Ngumisi ako.

"Tapos ka na sa pagkilatis sa katawan ko? Liked what you see?"

Namula sya at napaatras.

"H-Hindi ako interesado sa'yo Sir."

Ngumiti nalang ako. Ayos. Tinatamaan din pala ng charms ko 'to.

"Pamumula ng mukha ng isang babae ay nagpapatunay ng isang bagay." Nilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ng pantalon ko. Tinignan ko sya. "Ami ang pangalan mo tama ba?"

"Tama kayo Sir." Nabawasan na ang pamumula ng mukha nya. Mukha nalang syang hindi komportable ngayon.

"Nice," tinignan ko sya mula ulo hanggang paa.

"M-May gusto lang ako itanong sa inyo Sir."

"Red. Red Dela Cruz hindi Sir. Ano ang gusto mong malaman? Kung may girlfriend na ako? Always available but never single."

Huminga sya nang malalim at kunot noo na tumingin sa'kin nang diretso. Pure annoyance crossed her features.

"Ano ba talaga ang relasyon nyo ni Maam, Sir Red?"

"Ah!" tumawa ako.

"A-Ano ang nakakatawa?" usisa nya.

"Hahaha! Ikaw."

Tumahimik lang sya. Lumapit ako sa kanya at itinapat ko ang mukha ko sa mukha nya.

"Tsk. Interesado ka kay TOP?"

Hindi sya sumagot.

"Tumigil ka na. Wala kang mapapala sa kanya, nasa iisang babae lang sya nakatingin." Nakatingin? Bulag nga pala yon.

"Hindi ko sya ibibigay sa... sa babaeng may kasalanan kung bakit nagkaganon si Sir."

Maling linya yan babae.

"Sino ba ang bulag? Ikaw o ang kaibigan ko?"

Tinignan lang nya ako, kunot ang noo.

"Hindi mo makita? Wala kang dapat ibigay o ibalik dahil di naman sya sa'yo, kay Samantha lang sya. Para sa kaibigan ko, wala na syang nakikitang ibang babae maliban kay Samantha.."

"Pano mo nasabi yan? Dalawang taon kaming magkasama ni Sir Timothy. Kaming dalawa lang at alam ko na hindi nya ako makakalimutan," determinadong sagot nya.

"Tama ka dyan, hindi ka nya makakalimutan. Katulad ng hindi nya pagkalimot sa pangalan ng pinsan ni Sam, sa pangalan ng mga kaibigan nya pati na rin ang address ng bahay nya. Pero hanggang doon lang yon. Matatandaan ka lang nya bilang isang Nurse na nag-alaga sa kanya sa loob ng dalawang taon. Yun lang 'yon, wala nang iba."

Tumungo sya. Nakakuyom ang mga kamay.

"Hwag kang magalit kay Samantha. Hwag mo syang sisihin, isa pa, hindi ka mabibigyan ng pagkakataon na mahawakan ang isang katulad ni TOP kung hindi umalis si Samantha. You owe her that one, no, you owe her that much."

Lumakad na ako at nilagpasan ko sya. Pero hindi pa ako nakakalayo nang muli syang magsalita.

"Sa mga sinabi mo hindi ko mapigilan na mapa-isip."

"Na ano? Titigilan mo na sila?" lumingon ako sa kanya.

"Hindi" humarap sya sa'kin nang nakangiti. "Sa mga sinabi mo may bagay na nasiguro ako."

"Ano 'yon?"

Ngumisi sya at humalukipkip. "Mahal mo sya di'ba? Mahal mo ang mahal ng taong gusto ko."

Tumigil ang oras sa tingin ko. Nagtitigan kami at sa tingin na 'yon mas lalo syang ngumisi.

"Mahal mo si Samantha, hindi ba? Hindi lang ako ang natutunang mahalin ang isang tao na nakasama nya ng dalawang taon. Parehas lang tayo."

Tumalikod na ako at naglakad.

"Hwag kang umastang kontrabida sa dalawa. Hindi ako nagparaya para sa wala."