webnovel

Chapter Five

May narinig akong engine ng sasakyan sa labas. May bisita? Teka~ SI RED AT ANGELO!! Bumangon ako at dahil sa pagmamadali nakalimutan kong maging maingat sa pag-galaw. Nagising si Timothy.

"Miracle, what is it?"

"Si Red nandito," sagot ko habang isinusuot ang tsinelas ko.

"What? What's he doing here?" he frowned.

"Uhh." Bago pa ako makasagot ay may kumatok na sa pinto ng kwarto.

"Sir Timothy, may bisita po kayo," sabi ni Ami sa kabilang side ng pinto.

"Palayasin mo" utos ni Timothy.

"TIMOTHY!" hinampas ko sya sa balikat

"Ayokong nandito sya."

"Ano ka ba? Ano ba ang problema?"

"Nothing."

"Hubby." Huminga sya nang malalim. Parang naiirita sya na ewan.

"Ayoko lang na lumalapit sya sa'yo."

Ayun. Lumabas na naman ang pagiging seloso.

"Nagseselos ka na naman?"

"Tss. Of course not Wifey."

"Eh ano?"

"Ah shit!" tumayo sya.

Tumayo na rin ako. Lumabas kami ng kwarto. Dumiretso kami sa sala. Wala si Red. Asan yun? Lumabas ako ng bahay at nakita ko na kausap ni Ami si Red. Parang nagtatalo sila.

"Sir bawal nga po kayong pumasok sabi ni Sir Timothy."

"Sino ba nagsabing si TOP ang dinadalaw ko? Si Samantha!" tila naiinis si Red.

"Utos ni Sir hwag magpapasok ng iba. Please umalis nalang po kayo."

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong ni Red. "Kung hindi pwede magpapasok, palabasin mo nalang sila." Sige Red pilosopohin mo, dali. Napakamasunurin naman ni Ami.

"Ami," lumapit ako. "Ako na ang bahala dito, pumasok ka na."

Parehas silang napatingin sa'kin. Pumasok na si Ami sa loob ng bahay. Hinarap ko si Red na mukhang inis parin. Ngayon lang kasi sya nakaranas na ipagtabuyan ng BABAE. Natapakan ang ego nya.

"Amp. Sino 'yon? Kasambahay?" tanong nya.

"Nurse ni Timothy," tipid na sagot ko.

"Ayos makapagtaboy ah, bilhin ko buong pagkatao non eh. Tsk."

"Oo nga no? Bayaran ko kaya sya ng limang milyon para iwan si Timothy?" napaisip ako bigla. May pera nga pala ako. Bakit hindi ko naisip na bayaran sya para umalis? Haay. Pero hindi ko dapat gawin yon. Kailangan sya ni Timothy, tanggapin ko man o hindi.

"Mommy!! Mommy!!" tumalon talon si Angelo sa tabi ko. Hindi ko sya napansin.

Nakataas ang kamay nya. Gusto nyang magpabuhat. Ang napaka-cute kong kapatid.

"Ang bigat mo na Angelo," sabi ko nang buhatin ko sya.

Isang linggo palang ang nakakalipas nang huli kaming magkita pero bumigat na kaagad sya.

"Hindi mo naman siguro sya pinapakain ng mga matatamis?" tinignan ko nang masama si Red.

"H-Hindi! Syempre hindi!" tila inosenteng anghel ang mukha na iniharap nya sa akin.

"Angelo baby, totoo ba 'yon?" tinignan ko ang totoong anghel.

"Yes!" tumango sya.

Sinungaling na bata. Ang kanyang inosenteng pag-iisip ay nabahiran na ng makasalanan nyang dila. Si Red ang may kasalanan nito. Paano ko nalaman na nagsisinungaling ang kapatid ko? May chocolate sa ngipin nya. LE-CHU-GAS. Ibinaba ko muna si Angelo. Lumapit ako kay Red.

"ARAY!!" sigaw nya nang pingutin ko ang tenga nya.

"JARED DELA CRUZ! Ilang beses ko ba naman sasabihin sa'yo na hwag mo syang pinapakain masyado ng mga matatamis?! Gusto mo ba syang tumaba?! HA?!"

Binitawan ko ang tenga nya para mabugbog sya sa hampas ko.

"Aray! Gusto nya eh-ARAY! SAMANTHA! HWAG ANG BUHOK KO! ARAAAY!" ngiwi nya nang sabunutan ko sya.

"NAPAKA MO TALAGA!! SOBRANG KUNSINTIDOR KA TALAGA!!" inalog alog ko ang ulo nya habang nakasabunot sa kanya

"PLEASE TAMA NA!! ARAY! OW! NALALAGAS NA ANG BUHOK KO! SAM-OW! OW!"

"UWAAAAAH!!!"

Napatigil kami ni Red ng isang iyak. Nakita namin si Angelo na namumula sa pag-iyak.

"Angelo," lumapit ako at kinarga sya. "Bakit ka naiyak baby?"

"UWAAAAAAHH!! MOMMY AND DADDY ARE FIGHTING!! UWAAA!!"

Nakuu. Nakalimutan ko kami nga pala ang kinikilala nyang magulang.

"Angelo," kinuha sa'kin ni Red si Angelo. "Hindi kami nag-aaway, naglalaro lang kami ni Mommy."

Baluga. Ano'ng naglalaro?

"R-Really? "

"Oo, di'ba Mommy?" sumenyas sa'kin si Red na sumakay nalang.

"Yes Angelo baby, naglalaro lang kami," tila robot na sagot ko. Hindi pa tayo tapos Jared dela Cruz.

"K-Kiss."

Eh?

"Mommy kiss Daddy."

HUWALANGYEY KANG KAPATID SAVIEL!

"No baby that's disgusting," sagot ko.

"Babae, once in a blue moon opportunity 'tong pinapalagpas mo."

"Oh eh di palagpasin, problema ba 'yon?"

"Ha! Ikaw na ang choosy," hinawakan nya ang mukha nya. "Nai-stress ako, kailangan kong magpa-facial" (~~,)b

Ayan na naman ang facial issue.

"Sigurado ka ba na hindi ka bak—"

"Ituloy mo ang sasabihin mo Samantha at pagbibigyan ko 'tong si Angelo. At hindi 'yon klase ng kiss na pwedeng ipapanood sa mga bata."

Biglang tumaas ang balahibo sa katawan ko. "Sabi ko nga eh mananahimik na lang ako!"

"KISSY! KISSY! KISS!" pangungulit ni Angelo.

"Kiss daw Mommy," ang lapad ng ngisi ni Red.

Masasapak ko talaga 'to.

"Ano'ng kiss?"

Ang boses na 'yon... Napalunok ako.

"T-Timothy!"

"Tinatanong ko kayo, ano'ng pinag-uusapan nyo?" kalmado ang boses nya pero sobrang nakakatakot. Lumakad sya palapit samin. "Miracle," tawag nya.

"H-Hubby."

"Pumasok ka sa loob," kalmadong utos nya.

"Pero Hubby—"

"May pag-uusapan lang kaming dalawa, sige na pumasok ka na. At dalhin mo ang bata sa loob."

Tinignan ko si Red. Tumango sya.

"Angelo," kinuha ko sya kay Red.

"Mommy who is he?" turo nya kay Timothy.

AHCK! PATAY!

Tinawag nya akong Mommy sa harap ni TOP!

"A-ha-ha! T-Timothy si Angelo nga pala--"

"Later Miracle, Red follow me," lumakad sya papunta sa may dalampasigan, gamit nya ang cane nya.

Sinundan sya ni Red. Teka. Susundan ko ba sila? Kinakabahan ako baka may kung anong mangyari.

"Mommy is he a goon?" inosenteng tanong ng kapatid ko habang nakatingin sa direksyon ng dalawa.

"Hindi sya goon Angelo, isa syang gangster," nakangiting sabi ko sa kapatid ko.

Nanlaki ang mga mata nya. "What's a gamster Mommy?"

"Gangster, baby, someone we should never ever mess with."

Tumango tango ang kapatid ko na parang naiintindihan nya. "Mommy, hungry."

Narinig kong tumunog ang tyan ni Angelo. Haayy. Wala na akong choice kundi pumasok sa loob ng bahay. Nagugutom na rin ako eh. Sana lang walang suntukan o kung ano man na sakitan na maganap sa dalawang 'yon. Pagkapasok ng bahay, sumalubong sa'kin ang mukha ni Ami na parang ewan.

"Kailangan mo ng diatabs Ami?" inosenteng tanong ko.

"Si Sir Timothy at yung BOYFRIEND mo Maam?" tanong nya.

In-emphasize nya ang word na BOYFRIEND.

"Hindi ko sya BOYFRIEND."

"Look Mommy! A witch!" turo ni Angelo kay Ami.

"No baby, she's not a witch." She's a bitch, actually.

"Ang cute naman po ng ANAK nyo Maam. Mana sa AMA nya."

Atribidang muchacha to ah! Nurse pala. Gusto ko na syang sabunutan at kaladkarin pababa ng hagdan. Tapos itatapon ko sya palabas ng bahay at ipapahabol kay Sam na aso. At tatawa ako ng MWAHAHAHA! Katulad ng ginawang tawa ni Selena nang sumabog ang bus ni Via.

"Actually KAPATID ko sya at mas mana sya kay Mommy," pagtatama ko.

Hindi naman sya mukhang naniwala. Malaki kasi ang agwat ng edad namin ni Angelo. I don't care. Eh di hwag syang maniwala! Nilagpasan na namin si Ami at nagpunta ng kusina. Nagutom din ako. Di kasi ako masyadong nakakain kanina. Naghanda na ako ng pagkain para sa'min ni Angelo. Bigla kong naalala si Red.

Kumain na kaya 'yon? Tumayo ako at nagluto ng kung ano'ng pwede galing sa ref. Habang nagluluto, pinakain ko na si Angelo.

"Mommy kiss! Kiss!"

Ang kapatid kong Kissing Monster. Ang hilig sa kiss.

"Baby naaawa naman ako sa magiging girlfriend mo, mabubugbog ang labi. Tsk. Tsk. Tsk."

Hinalikan ko na sya sa cheeks. Haay. Kapatid ko. Pagkalipas ng ilang minuto narinig kong bumukas ang pinto at muling sumara.

"Takte ka talagang gago ka Pendleton!"

"Ano'ng sabi mo?"

"Ang sabi ko may tokwa at baboy ba kayo rito? Nagugutom na ako eh."

"Dun sa kusina."

Pumasok sila sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga ko.

"Oh my gosh! Red! Ano'ng nangyari dyan?!" turo ko sa labi nya na may dugo.

"Tsk!" nilagpasan nya ako at lumapit sa ref

Kumuha sya ng ice cube at isinubo.

"Aw," napangiwi sya at napahawak sa labi nya.

"Timothy ano'ng ginawa mo ha?" tanong ko.

"Nothing that he doesn't deserve," naka-smirk na sagot nya.

"Ano'ng wala?!"

"Usapang lalaki 'yon Sam, ayos lang naman ako," pagtatanggol ni Red sa kaibigan nya.

Para sa isang lalaking katulad ni Red na ayaw na ayaw nagagasgasan ang mukha sa tingin ko hindi sya okay. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Ano ba ang iniisip nilang dalawa? Pero hindi katulad kanina, ngayon ay mukhang okay na sila. Wala na ang tensyon sa pagitan nila.

"Dyan ka lang kukunin ko ang first aid kit!" sabi ko kay Red bago tumakbo sa bathroom at kinuha ang kit. Pagbalik ko, nakita kong katabi sa silya ni Timothy si Angelo.

"Who are you?" tanong ni Angelo kay Timothy.

"Angelo—" saway ni Red.

"I'm your brother-in-law," cool na sagot ni Timothy.

"Mommy whats brother-in-law?" he looked up at me with big innocent eyes.

"Huh? Kuya."

"Kuya?" Nilagay nya yung hintuturo nya sa labi nya at tumingin kay Timothy. "KUYA! KUYA! KUYAAA!" Umakyat sya sa lap ni Timothy. Haay nako, pano ba 'to? "I have a Mommy and a Daddy and a kuya!" masayang sigaw ni Angelo sa mundo.

Next chapter