webnovel

My Paparazzi (Tagalog)

Muhing-muhi si Yna sa isang sikat na celebrity na si Daniel Dhanes nang magkrus ang landas nila ng lalake isang gabi at bastusin siya nito. Kaya naman ng matupad ang kanyang pangarap bilang isang journalist ay hindi niya pinaglagpas ang sandaling masundan ang nasabing artista upang maungkat niya ang baho nito sa publiko. Nagtagumpay man siya na sirain ang pangalan ni Daniel ngunit mas nagwagi ang lalake dahil nakuha na nito ang kanyang puso. *********************************************** Basahin ang kapanapanabik, nakakatuwa at kakaibang love story nina Ynah at Daniel sa nobelang pinamagatang "My Paparazzi" ni B.M. Cervantes. "My Paparazzi" Copyright by B.M. Cervantes All Rights Reserved, 2019

Blessedy_Official1 · Urbain
Pas assez d’évaluations
47 Chs

Celebrity Life

Nakakabinging tilian ang sumalubong kay Daniel. Pilit itong hinarang ng kanyang mga bodyguard. Lalong lumakas ang hiyawan ng bumulaga na siya sa bulwagan. Pati ang mga press doon ay nagsimula ng ipukol sa kanya ang mga lente ng kanilang mga kamera.

Naupo na siya sa mahabang lamesa sa harapan kasama ang kanyang manager at ang mataas na opisyales ng Regal Films para sa contract signing nila ng bago niyang pelikula.

Matapos ang press conference at signing ay dumiretcho na siya sa isang eksklusibong bar na pagmamamay-ari ng kaibigan niyang si Chad.

Sinalubong siya nito kasama pa sina Marcus at Rey na kanyang mga kababata.

"Matagal ka na naman naming hindi makakasama pare ah." Ani ni Chad habang sinasalinan siya ng alak sa kopita.

"Hindi naman. Alam niyo namang expert ako sa pagtakas." Nakangiti niyang sabi sabay lagok sa alak.

"At bubugbugin ka na naman sa sermon ni Herman." Banggit ni Rey sa manager niya.

Napatawa siya sa sinabi nito.

"Patay na patay sa akin ang baklang 'yun kaya di niya magawang magalit."

Napailing na lamang ang mga kaibigan.

"Pumunta nga pala sa presscon mo kanina si Felice. Nagkita ba kayo?" Tanong ni Marcus sa pagitan ng paglagok ng alak nito.

"Pumunta siya?" Ulit ni Daniel na tila nagtataka.

"You heard it right." Tipid na sagot naman ni Marcus.

Nanatili naming nakapinid ang labi ng lalake na tila may malalim na iniisip.

"Well, pare..why don't you give her a try?" Tanong ni Rey sabay buga ng mula sa sigarilyong hawak.

"I mean, she's been so supportive to you. Even when you're not yet in showbiz." Pagpapatuloy ng kaibigan.

Napabuga naman sa hangin ang lalake.

"You know I can't. Gusto ko man, it means THE END for my career." Mariin niyang sagot dito.

"Poor Felice." Umiiling na ani ni Chad.

Tinitingnan niya ng masama ang lalake. Napangiti naman ito na tila nangaasar pa.