webnovel

My Paparazzi (Tagalog)

Muhing-muhi si Yna sa isang sikat na celebrity na si Daniel Dhanes nang magkrus ang landas nila ng lalake isang gabi at bastusin siya nito. Kaya naman ng matupad ang kanyang pangarap bilang isang journalist ay hindi niya pinaglagpas ang sandaling masundan ang nasabing artista upang maungkat niya ang baho nito sa publiko. Nagtagumpay man siya na sirain ang pangalan ni Daniel ngunit mas nagwagi ang lalake dahil nakuha na nito ang kanyang puso. *********************************************** Basahin ang kapanapanabik, nakakatuwa at kakaibang love story nina Ynah at Daniel sa nobelang pinamagatang "My Paparazzi" ni B.M. Cervantes. "My Paparazzi" Copyright by B.M. Cervantes All Rights Reserved, 2019

Blessedy_Official1 · Urban
Not enough ratings
47 Chs

Team Leader

"Miss Reyes, I'm assigning you to be the leader of the group. I'll leave the class now so that you can talk about your course project."

Ito ang huling salita ng kanilang Journalism professor bago sila iwan sa kanilang silid.

"OMG! Serious ba talaga si Ma'am?!!!" Nakasimangot na ani ni Jerry na katabi niya sa upuan.

"Kakayanin ba natin tapusin ang documentary sa loob ng isang linggo lang?!" Dagdag naman ng kaklase niyang si Jenny.

"Hey guys, wala tayong choice. Remember?" Pagpapaalala niya sa mga ito. Tila namang nanlulumong napahawak ang mga ito sa kanilang mga ulo. Ang documentary kasing iyon ang final requirement nila para mapasa ang major subject nila.

"So what's the plan, my loves?" Panunudyo sa kanya ni Gian sabay akbay sa kanya.

Inis na inalis niya ang braso nito sa kaniyang balikat. Kahit napakisig ng lalake, kay linis manamit, at laging parang bagong ligo ay hindi magawang makarandam si Yna ng anumang espesyal na damdamin dito kahit mula pa ng unang taon nila sa kolehiyo ay hindi na siya nito tinatantanan.

"The plan is..to plan nothing." Sagot niya dito. Lalong napasimangot ang mga kaklase niya.

Tumayo siya sa harapan ng mga ito at kinuha ang white board marker sa ibabaw ng maliit na mesa sa harap.

"We only have five days to finish everything. So walang kokontra sa mga task na ia-assign ko sa inyo. I count on you guys." Matatag na sabi niya sa mga ito.

"I am in, honey." Mabilis na sagot ni Gian. Nagtinginan naman ang iba at tila napipilitan na lamang sumang-ayon.

"Good. So Gian and Jerry, kayo ang bahala sa pagvi-video and ofcourse sa editing. Jenny and Shine, sa interview guide and script natin please. Lora and Sophie on the letters na kailangan natin." Sabi niya. Nagkatinginan na lamang ang mga kaklase niya.

"Pano naman ako?" Biglang tanong ni Teddy, ang tintawag nilang tingting dahil sa kapayatan nito.

Napaisip si Yna.

"You are our driver. We need your car, Teddy." Nakangiti niyang sagot sabay kindat kay Lora, na crush ng lalake.

"Tama si Yna, Teddy. Minsan mo lang naman kami ipag-drive. Sige na?" Paglalambing ng dalaga dito.

"Haaay!!" Kumakamot sa ulo na ani nito.