Bumaba na ako ng taxi matapos kong iabot yung bayad ko kay manong driver. Tinungo ko nang tuwid ang mga lakad ko patungo dun sa building na pinapasukan ko.
"Good morning ma'am! mukhang habang tumatagal, gumaganda kayo lalo ha?" pagbati sakin ni manong guard na si Lito bago ako pumasok sa loob.
Speaking sa sinabi niya. Well, matagal naman na akong maganda. Mga matanda talaga oh. Lakas mang-bola. Ugh!
"Salamat po. Oh siya, papasok na po ako sa loob.." pag-papaalam ko. Kumaway na ako sa kanila at naka-ngiti akong tinanguan ni kuya Harold at Lito. Saka ako tumuloy sa loob at dumiretso sa elevator.
Hanggang sa maka-rating na ako sa elevator. Pagkatapos ay, lumabas na ako nang elevator. Kasunod ay, diretso ko nang tinungo yung office ko.
Pag-bukas ko palang ng pinto, hindi pa ako nakaka-pasok sa loob ay, sandaling may pumasok sa isip ko. Parang bumigat yung pakiramdam ko.
Hays. Ewan ko ba. Siguro, hindi lang ako sanay na mag-isa sa opisina, at hindi tungkol kay Logan na alam kong wala na ngayon dito simula pa kahapon dahil nasa ibang bansa na siya.
Ngumiti nalang ako. Dumiretso na ako sa loob at tinungo ko na ang upuan ko. Inilagay ko yung bag ko sa tabi ko pagkatapos ay, umupo na ako doon at sinimulan ko nang asikasuhin yung mga gagawin ko.
Hindi pa ako nanga-ngalahati, bigla kong naisipan na kunin yung cellphone ko sa bag.
Chineck ko kung may text siya. Pero pag-bukas ko nang screen, wala akong nareceive na anumang text o tawag mula sa kanya.
Hindi naman ako nag-aasume na kokontakin niya talaga ako, kahit na katulad ng sinabi niya sakin nung isang araw na kokontakin niya daw ako.
Parang bumigat lang ulit ang pakiramdam ko. Hays. Kailangan ko nalang sigurong tapusin 'tong ginagawa ko.
Ibinalik ko nalang ang cellphone ko sa loob ng bag ko, sabay pinokus ko nalang ang sarili ko sa ginagawa ko kanina.
Hindi ko alintana ang oras at naka-ilang tambak na papel na rin ang natapos ko. Nang i-check ko bawat nakasulat 'don isa-isa, saka ko pinapasa kay ms Lailani ang lahat ng natapos ko.
"Oh, Marsha. Hindi ka pa mag-lulunch break?" napa-angat ako ng tingin, nakita kong naka-tayo ngayon si ate Cecil sa harap ko. Isa sa mga co-workers ko dito. Mga nasa twenty-five old na at mas matanda sa akin ng ilang taon, maganda at mabait naman.
Chineck ko yung oras sa wall clock at nakita kong twelve ten na pala. Mukhang hindi ko na-alintana yung oras at naging busy ako sa trabaho ko.
"Tapusin ko lang 'to sandali, Saka ako mag-lulunch." aniya ko ss kanya ng naka-ngiti.
"Ah, okay. Sige, maiwan na kita. Kakain na muna ako.."
"Okay." sabay nag-paalam siya, pagkatapos ay umalis.
Inayos ko muna ang mga nasa ibabaw nang table, kasunod ay yung mga gamit ko. Saka ko naman inayos ang sarili ko at tumayo.
Isinara ko ang pinto ng makalabas na ako ng opisina. Sinimulan kong mag-lakad papunta sa elevator. Pinindot ko yung button sa first floor, hanggang sa nagsara ang pinto. Pagkatapos ay, lumabas na ako ng elevator ng marating ko na ang first floor.
Dire-diretso kong tinungo ang labas, naisipan ko na kumain nalang muna sa malapit na Jollibee na palagi kong tambayan kapag after lunch.
Ilang hakbang lang ang nilakad ko bago ako nakarating doon. Umorder muna ako ng makakain ko saka ako nag-hanap ng available na pwesto.
Dun ako pumiwesto sa tabi malapit sa counter, kung saan bakante doon. Inilapag ko ang dala kong bag sa tabi ko habang nag-hihintay sa mga inorder ko.
Habang wala pa yung order ko, naisipan kong kunin yung bag ko at binuksan ko iyon nang kunin ko doon yung cellphone.
Inilapag ko muna sa ibabaw ng table yung bag ko nang makuha ko na yung cellphone.
Sa di-inaasahan, pagbukas ko nito ay nakita kong may isang text galing sa unknown number ang nag-pop sa screen.
Mabilis ko iyon tinignan kung siya na yung nag-text. Nadismaya naman ako ng malaman kong nag-text lang pala yung globe. Lintek! buti pa yung globe, naalala ako. Hays.
Mabilis ko naman iyon binalik sa loob ng bag ko ng dumating na yung order ko. Itinabi ko muna yung bag ko ng inilagay na sa table ko yung mga inorder ko. Pagkatapos ay, kumain na ako matapos manalangin.
Ilang minuto rin ang nagugol ko sa pag-kain ko. Tumayo na ako sa kina-uupuan ko at saka ko nilisan yung lugar na iyon ng bumalik na ako sa pinapasukan ko.
Kaagad ko nang tinungo yung elevator, hanggang sa dalhin ako nito sa floor kung nasaan yung opisina ko.
Diretsa kong tinungo yung office ko. Pagkatapos ay, umupo na ako para ituloy ulit yung ginagawa ko kanina.
Pero bago ko matuloy iyon, sinubukan ko uling tignan yung cellphone ko ng mabilis ko itong kinuha sa bag ko.
Pero parang nadismaya ako ng wala pa rin akong natatanggap na text o tawag galing sa kanya.
Hays. Tama na nga 'tong kahibangan ko. Saka ano naman kung hindi siya nag-text o tumawag? Magfa-facebook nalang ako. Tama!
Pinindot ko nalang yung app na Facebook. Hindi na ako nag-sign in dahil sabi ni Dwayne, sinave na niya yung password.
Hindi ko pa sinisilip yung friend request ko, nakita ko nang two hundred plus na yung nagfi-friend request sakin. Tinignan ko naman isa-isa 'yon kung sino. At halos hindi ko kilala yung mga nag-add sakin.
Napa-tingin ako sa notification ko at may ilan nang nag-like at nag-puso niyon dahil may friends na ako nang mag-add si Dwayne Suzanne ng mga friends sa facebook ko kagabi. Marami ring nag-memesage sa akin pero hindi ko na sineen.
Pinatay ko na ang data nang maalala kong nasa trabaho pala ako. Baka malintikan na kapag makita nila akong nag-cecellphone.
Kaagad ko na 'yon binalik sa loob ng bag ko. Saka ko ulit tinuloy yung ginagawa ko kanina pa.