webnovel

My Beast Boss

They unexpectedly meet each other in an unexpected way. Their world suddenly turns into a hundred millions of beats when they path crossed--making them to throw back the memories from the past. Marsha Sandoval Who had a simple life. Her smile creates happiness, and brings a positive outlook to her surroundings. But the fact that she had a past life with a man who captured her heart - her whirlpool life suddenly turns into a tragic incident which makes her world turn to forget her past -- because of having an amnesia. But unexpectedly, he suddenly met a person. Making her life change and help her to recall her past, to recall their memories that they'd made. Logan Figueroa who owns a company of Empire State Corporation (ESC). Known as a Billionaire, tyrannical, arrogant, selfish - what girls are looking for in a man is what he has and his bad side is not the case. Logan is known for being a Beast boss--but suddenly his hard-hearted man also turns into a melting ice when he found the girl whom he was actually looking for so long--yes, it was her treasure. His longing heart aroused again, pounding many times because of loving the girl so much. And his heart was filled again. His beasty way became soft-hearted. Everything has changed. He doesn't want to lose that girl anymore and wants to be with her forever. Steven Montefalco. Who also owns a company. Prominent man who's the same with Logan for being a rich man. But there's suddenly came another man in Her life, which makes her to choose over that two men who leave a trace on her past. Make her to choose which who she should love, and where her heart belongs for.

Maiden_pinkish · Fantasy
Not enough ratings
79 Chs

29. Losing her Phone

Iniligpit ko na ang mga gamit ko nang maibigay ko na kay ms. Lailani yung mga papel, pagkatapos kong gawin yung mga reports, may mga set schedules at iba pang meetings ang kailangan kong iparating kay Logan. At nasend ko na 'yon sa kanya kanina.

Lumabas na ako ng office ko matapos kong lisanin iyon. Nang maka-labas na ako ng elevator ay tumungo na rin ako palabas ng building.

"Oh ma'am, Ginabi na kayo sa trabaho niyo ha?" napatingin ako kay kuya Harold ng marinig ko yung boses niya. Mukhang ako ata yung kinakausap niya kaya lumingon ako.

"Ah, oo nga po eh.." tanging sambit ko, sinubukan kong tignan yung oras sa cellphone ko, namilog nalang ang mga mata ko nang napagtanto kong magte-ten o'clock na pala.

Malimit kasi na palaging eight ang uwi ko, o di kaya ay eight-thirty. Masyado ko namang binabad yung sarili ko sa pag-ta-trabaho. Well, overtime naman 'yon kaya may dagdag sahod pa rin. Kumibit-balikat ko.

"Oh siya, ingat kayo jan sa pag-uwi niyo ma'am.." sabi ni manong Lito. Ngumiti nalang ako sa kanya. Sabay nagpa-alam na sa kanila.

Tinungo ko ang sidewalk na medyo malapit sa building na pinapasukan ko, para mag-hintay doon ng masasakyan.

Napansin ko na iilan nalang ang mga sasakyang dumadaan, pati ang mga tao.

Ilang minuto na akong nag-hihintay nang taxi pero wala akong nakitang dumadaan.

Sinubukan kong sulyapan ang oras sa cellphone ko nang kunin ko ito sa loob ng bag ko, at nakita kong nine-fifty na pala nang gabi. Halos mga twenty minutes na rin akong nag-iintay.

Bago ko ibalik sa loob ng bag ko yung cellphone, nagulat ako nang bigla itong nag-ring.

Lumitaw doon sa screen ang isang unknown number, at sa isip-isip ko na baka globe lang 'yon.

Pero bakit naman tatawag 'yon? Sa pagkaka-alala ko, wala naman akong inutang sa globe ha o di kaya'y nilabag? Nagkibit-balikat nalang ako at saka ko sinagot yung tawag.

"Hello? globe ba 'to?" mas mabuti na malaman ko kaagad kung globe nga 'yon. Para malaman ko kung anong kaso ko sa sim na ginagamit ko.

Ilang segundo ang lumipas pero wala akong narinig na boses na galing doon. Nagsalita ulit ako.

"Ano po bang kailangan niyo? Ma--"

"Marsha, what are you talking about?"

Sandaling nanigas ang mga paa ko sa kinatatayuan ko at natameme, nang napag-alaman ko kung kaninong boses iyon.

"Hey, are you still there?" malamig na boses niyang sabi.

"A-ahh, oo. Hehe.." napakagat-labi nalang ako. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Logan sa ganitong sitwasyon, parang naubusan ako ng sasabihin at umudlot ang dila ko.

"Where are you now? Did you go home already?"

"A-ahh, hindi. Este, o-oo. Nasa bahay na ako." pag-sisinungaling ko. Pero sa totoo lang, kanina pa ako nag-hihintay ng masasakyan dito. Ewan ko ba kung bakit ko nasabi 'yon, ano bang nangyayari sa akin?

"It's good to hear.." malamlam niyang sabi. Ilang segundo ang lumipas at walang umimik ni-isa sa amin.

"How are you?"

"Kamusta ka na?"

Sabay kaming nagsalita. Narinig kong napa-tawa nalang siya ng marahan. Napa-kagat labi naman ako.

"L-logan, ayos lang ako dito.." nautal kong sabi. This time, parang mas lalong kumulo yung tiyan ko na kanina'y nag-boborito na. Hindi ko mapag-wari na parang may nag-liliparan doon. At ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

Sandali ko namang naalala yung sinabi sa akin ni Dwayne kahapon.

Hindi. Hindi ako inlove sa kanya. Wala lang 'to. Nalipasan lang siguro ako ng gutom. Tama, anong oras na kasi. Hindi pa ako nakaka-kain.

"Marsha. I have to tell you something.." nang bitawan niya ang mga salitang 'yon. Parang mas lalong kumabog ang dibdib ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako tumugon sa kanya.

"A-ano 'yon?" kinakabahan kong sabi at nag-hihintay sa sasabihin niya.

"I-i don't know but, I just fvcking m--"

"Ahhhhh!!! yung cellphone ko! tulong! tulong! yung cellphone ko ninakaw!" halos magkanda-sigaw na ako dito sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon, nang makita kong mabilis nang nawala sa paningin ko yung magnanakaw na humablot ng cellphone ko.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?"

Halos mapa-iyak na ako nang makita ko sa harap ko ngayon sila manong Lito at Harold.

"K-kuya, yung cellphone ko. Ninakaw.." nangiginig na boses kong sabi. Nalilito ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Nasaan na po yung magnanakaw?"

"W-wala na siya. Nakuha na niya yung cellphone ko.." pag-bitiw ko niyon, saka pumatak ang luha ko.

"Ma'am, pasensiya na po. Pero hindi na natin makukuha yung cellphone. Lalo pa't baka naka-layo na yung magnanakaw.." concern na sabi ni manong Lito.

Pinunasan ko ang luha ko. Huminga ako ng malalim at inayos ko ang sarili ko.

"Ma'am Marsha, gusto niyo po ba ng tubig? may kailangan po ba kayo?"Hindi na ako umimik at tanging pag-iling ko nalang ang naging tugon ko.

"Uuwi na ako kuya.." pagkasabi ko niyon sa kanila, tumalikod na ako sa kanilang dalawa at nag-lakad papalayo sa kanila.

Hindi ko alam kung paano na ako nito ngayon. Bukod sa wala na yung cellphone ko, wala pang dumadaan na masasakyan ko.

Lintek na buhay 'to! ang malas! Okay lang sana kung pinatapos yung sasabihin ni Logan eh, sumingit pa sa momento namin. Letse!

Sa paglalakad ko, napansin ko na malayo na pala ako dun sa building na pinapasukan ko. Napa-upo nalang muna ako sa bangketa nang naramdaman kong sumasakit na ang kaliwa kong paa, at naalala ko na naka-heels pa pala ako.

"Aray!" sinubukan kong hawakan 'yung ankle ng paa ko at nakita ko na may sugat iyon at may kaunting dugo. Bumalot naman sa aki ang lungkot sa mukha. Napa-bitaw nalang ako sa pagkaka-hawak ko niyon.

Bakit ngayon pa? nagkanda-letse letse na yung araw ko! lintek! hindi ba alam ng magnanakaw na 'yon na bigay lang sa akin ni Logan 'yon? ano na pangfa-facebook ko? Wala na rin akong kontak ngayon Kay Dwayne at Logan! Pati 'tong maganda kong mukha, pinaiyak pa niya. Napa-bagsak nalang ako ng mga balikat ko.

Ilang sandali, napa-baling ako sa isang ingay na paparating na kotse nang tumigil ito sa harap ko.

Hindi ko halos makita kung kaninong may-ari ang kotse 'yon, na g tumambad sa'kin ang nakaka-silaw na headlights nito. pinang-harang ko ang mga palad ko sa mukha ko.

"What the--Marsha? What happened to you?" napa-angat ako ng tingin ng makita kong may nilalang na naka-tayo ngayon sa harap ko. Parang pamilyar ang boses nito sa akin.

"S-steven?"

"Yes I am. Don't worry, I'll get you out there. You don't have to worry anymore.." Pagkasabi niya niyon, nakita kong binuhat niya ako. Sabay dinala niya ako sa loob ng kotse siya. Pagkatapos ay, pina-takbo na niya ito ng maka-sakay na siya sa loob ng kotse.

Here it goes..

Vote

Comment

Send gifts! Please?

thank you and lovelots! ?❤️

Maiden_pinkishcreators' thoughts