webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 113

At noong nakarating na sila Patrick sa bahay ng mga lolo at lola nila Vince at Kelly sinalubong naman sila nung isang babae "Kuya VINCEY!!!" a'nito.

"Little Shai!!!" At niyakap naman siya ni Vince.

"Happy birthday bro! Bakit ngayon ka lang nasa loob na sila tiya at tiyo sila kuya Elmer at ate Alice sinama ni tiyo Inoy sa farm."

"Wow...may farm pala sila Vince yayamanin at mukhang malaki rin ang bahay nila dito ah." Ang pabulong bulong na sabi ni Dave.

"Actually, dito silang lahat nakatira may division ang bahay na yan sa lahat ng anak ng lolo at lola nila ni Kelly." Ang sabi ni Mimay.

"Oh? Ibigsabihin andiyan rin si Master?"

"Honk...honk..." May bigla namang bumusina.

"Speaking of, baka sila na yan." Ang sabi naman ni Harvey at napalingon naman silang lahat at naunang bumaba ang mga kuya ni Kelly sumunod si Faith "Kuya Kian!!!" Ang sabi naman ni Shai.

"Yow, Shairirit!" At lumapit naman sila.

"Anong Shairirit ka diyan asan si Kelly?"

"Ahh...andoon nahilik pa sa loob ng sasakyan." Ang sabi naman ni Kevin.

"Hahaha...si Kelly talaga." Ang sabi naman ni Vince.

"Aba, kasma mo pa pala sila?"

"Hello po sa inyo nurse Kevin." Ang bati naman nung apat nila Mimay.

"Hi, sandali lang muna at gigising ko lang sila Kelly at Jacob."

"Oo nga mabuti pa." Ang sabi ni Kian.

"Eh? Sinama mo yung anak mo kuya?"

"Oo at nga pala Keith pakilala mo kay Shairirit si Faith."

"Ay....oo nga babe si Shairirit ang pinsan naming mahilig bumirit kaya Shairirit ang tawag namin sa kaniya."

"Kuya Keith talaga!"

"Hehehe...hello nice to meet you I'm Faith."

"Hello po."

"Ah nga pala, Shai sila rin papakilala ko mga kaklase namin sila ni Kelly siya si Mimay."

"Oo ah, kilala ko pa sila Mimay at Harvey."

"Hello Shai." Ang sabi nung dalawa.

"Hiyiee..."

"Ahh...oo nga pala kilala mo sila tapos yung dalawa si Dave.."

"Kamusta ka? Ako si Dave."

"Hello ako si Shai."

"At si Patrick."ang huling ipinakilala ni Vince tumango lang at ngumiti si Patrick kay Shai "He---hello po ako si Shai."

"Um..."

Sa isip-isip ni Patrick "Kila Dave walang po pagdating sakin may PO? Kamag anak nga talaga siya ni Kelly mukhang mapang asar rin ang isang ito ah."

"Oh, by the Vince mamaya na yung gift namin sayo ipapasok na muna namin yung mag dalahin namin."Ang sabi ni Kim.

"Ah...sige kuya salamat gusto niyo ba ng tulong?"

"Ah...hindi na asikasuhin mo nalang mga bisita niyo ni Kelly."

"Sige po salamat."

"Shai, sila lolo at lola nasa loob?" Ang sabi ni Keith.

"Um...andoon sila kausap sila tiya Ada inaantay na kayo nun pakilala mo daw si ate Faith."

"Sige na Keith mauna na kayo ni Faith sa loob kami ng bahala sa mga dalahin natin." Ang sabi naman ni Kian.

"Sige kuya....oh, guys maiwan na muna namin kayo ha? Andiyan na rin naman si Kelly."

"Sige po." Anila Vince.

"Sige." Ang sabi naman ni Faith at ngumiti rin naman sila Vince sa kaniya.

At nung bumaba naman na si Kelly ng sasakyan antok na antok pa ito at pahikab hikab kasabay si Jacob habang busy naman ang mga kuya niya na mag labas ng mga dala nila galing sa sasakyan "Kelly!!!" Ang sabi ni Shai at niyakap siya nito ka agad. "Shairirit?"

"I missed you!"

"Ah...missyou more nga pala si Siopao este si Jacob anak ni kuya Kian." At nagkatinginan naman sila ni Patrick pero umiwas ka agad sya at kumaway naman sa kaniya sila Mimay.

"Ahhh...Ang cute...kuya Kian kamukhang kamukha mo ah."

Habang busy sa pag labas ng kanilang dala "Oo naman runs in our blood."

"Hehe...hi baby ako nga pala si tita Shai."

"Call her tita Shairirit." Ang sabi nila Kian.

"Heh! No baby call mo tita Shai wag kang makinig sa mga luko mong tito at daddy."

"He---hello po tita ririt."

"Ha?"

"Ahahahahaha....nice one baby." Ang sabi nila Kian at pumasok na sa bahay.

"Heh! Mga epal kayo."

"Oh, siya tara na pumasok na rin tayo." Ang sabi naman ni Vince.

"Oo nga para makita na kayo nila lolo at lola." Ang sabi naman ni Shai at pumasok na nga silang lahat sa bahay lumapit naman ka agad si Mimay kay Kelly at nag pahuli naman sila Patrick at Dave "Dude, nakakhiya."

"Meron ka non?" Ang sagot ni Patrick kay Dave.

"Dude, I'm serious! Ang laki pala ng pamilaya nila Master ano? At infairness mukhang may kaya rin sila sa buhay ang laki ng lugar nila dito para silang isang compound dito."

"Yeah...pero mukhang masaya ang pamilya nila at ang ganda dito presko ang hangin."

"Oo pero dude, hindi ka ba kina kabahan man lang?"

"Bakit naman? Hindi naman sila mangangagat."

"Dude naman! Mag seryoso ka nga kita mo ngang nasa teritoryo nila tayo tapos Batangas a're aba edi "Atapang atao di atakbo."

"Ano? Ano ba naman yang pinagsasabi mo diyan? Bilisan mo na nga naiwanan na nila tayo."

"Dude, ang ibigsabihin ko mga barako ang tao dine matatapang pakiramdam ko nga puro lalaki rin ang mga pinsan ni Master paano ka na?"

"Heh! Bahala ka diyan." At iniwanan na niya si Dave.

"Dude! Inatayin mo naman ako."

"HEH!"

At sa may likuran nila may mga lalaking pinagmamasdan sila "Mukhang may bisita sila Kelly at Vince."

"Kailangang kilatisin ang mga yan mga tol."

"Anong ginagawa niyo diyang apat? Bakit hindi kayo tumulong sa likod?" Ang sabi nung isang babae.

"A---Alice???!!!"

"Oh? Ano? Bakit parang nakakita naman kayo ng multo diyan?"

"Ah...eh....kami'y na gulat syempre sa iyo." Anila.

"Tsss...hala sige pasok!"

"O---oo ere na nga'y."

Makalipas ang ilang oras,

Ipinasyal muna nila Vince at Kelly sila Patrick sa kanilang farm para malibang "Wow...ang laki naman pala dito sakop rin ba ito ng bahay niyo sa unahan?" Ang sabi ni Harve.

"Um...sa lolo at lola namin itong farm." Ang sabi ni Vince habang naglalakad sila si Mimay naman ang katabi ni Kelly.

"Mga "ritskid" rin naman pala kayo eh." Ang sabi ni Dave.

"Di kami "ritskid" but were blessed." Ang sabi ni Vince.

"Sus...pa humble ka pa diyan ang laki ng lupain niyo ang dami niyo pang alagang mga hayop dito."

"Wow...may kabayo? Pwede ba tayong sumakay doon Kelly?" Ang sabi naman ni Mimay.

"Ah...eh...marunong ka ba?"

"Yun lang hindi ako marunong. Hehe..."

"Paturo ka kay Kelly magaling yan mangabayo." Ang sabi ni Vince.

"Talaga baby girl? Ang astig mo talaga."

"Ah...eh hindi naman nung bata pa ako marunong ako mangabayo baka ngayon hindi na."

"Sus...mas magaling ka pa nga sa mga kuya mo eh."

"Tumigil ka na nga diyan!"

"Hahaha...bakit ba? Nahihiya ka na naman?"

"Heh!"

" Si Patrick rin marunong mangabayo may rancho kasi sila."

"Wow...RANTSO iba talaga ang "RITSKID"."Anila maliban kay Kelly na iniwasan pa rin ang tingin ni Patrick.

"Wag kayong maniwala sa bugok na yan hindi ako maalam."

"Di daw maalam kaya pala sumali ka minsan sa isang horse racing at nag champion ka pa nga nasa inyo ang trophy, Dude!"

"Wow...champion? Ang sporty mo pala pre?" Ang sabi ni Vince.

"Dude, maganda siguro mag karera kayo ni Master."

"Heh! Wala ko sa mood tsaka babae si Kelly."

"Huh! Bakit hindi mo i-try? Para malaman mo." Ang sabi ni Kelly at tinitigan niya si Patrick na wari'y parang naiinis.

"Whoa...mukhang masaya ito." Ang sabi ni Dave.

At inayos na nga nila Vince ang mga gagamiting kabayo nung dalawa at nag reready na rin naman sila Kelly at Patrick "Sigurado ka bang itutuloy natin ito? Wag mo nalang pansinin si Dave."

Habang sinusuot ni Kelly ang sumbrero niya "Bakit minamaliit mo ba ko?"

"Hi---hindi naman sa ganon....ang aking lang naman..."

"You better mind your own business nigga." At iniwan niya si Patrick "Hey! Tsk..ang kulit niya talaga."

Lumapit naman sa kaniya si Vince "Pre, ang maipapayo ko sayo wag kang masyadong mag alala sa bata ko alalahanin mo ang sarili mo." At iniwan niya rin si Patrick pag ka tapos niyang sabihin ang mga linyahang iyon "Oh? Sya ren? Iniwan ako? Mag pinsan nga kayo!"

"Sandali nga lang bakit parang dehado naman ata ako may Mimay, Harvey at Vince si Kelly ako si Dave lang tapos nawawala pa ang kumag na yon?"

"Dude!!! I'm here." Ang hingal na hingal namang sinabi ni Dave.

"Oh? Saan ka ba nanggaling? At hingal na hingal ka naman diyan."

"Kumuha ako ng piso sa pitaka mo."

"Ano? Ano namang gagawin mo sa piso? At sa wallet ko pa talaga ikaw kumuha?"

"Eh...syempre hindi naman ako ang gagamit nito eh ikaw."

"Pinagsasabi mo ba diyan? At aanhin ko ang pisong yan? Tsaka, are you blind? Nasa farm tayo kaya wala dineng tindahan. Umandar na naman yang ka henyohan mo."

"Dude, hindi ko naman sinabing ibibili mo ang pisong ito eh."

"Oh eh para saan pala yan? Toss coin? Kita mo ngang karera eh hindi na kailangan mag toss coin."

"Sandali nga makinig ka kasi muna." At nilagay niya yung piso sa sapatos ni Patrick "Hoy, hoy, hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit mo nilagyan ng piso yung sapatos ko? Alisin mo yan!" At nung huhubarin na sana ni Patrick yung sapatos niya pinigilan siya ni Dave "Dude, wag mong tanggalin pampa swerte yan."

"Ay putek! Nabubuang ka na talaga. Paano naman naging pampaswerte ang piso sa sapatos? Ha, aber?"

"Basta! Swerte raw ang may piso sa sapatos ginagawa ko yan parati kapag may exam tayo."

"Sus...edi sana 1k nilagay mo para perfect ka sa exam parati."

"Oo nga no? Try ko nga."

Bineltukan siya ni Patrick "Gung gong! Lubayan mo nga ko!"

"No dude I'm your lucky charm."

"Huh! Bugok ka!"