webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
455 Chs

Kabanata 114

Busy ang mga kamag anak nila Kelly at Vince sa loob para sa kanilang boodle fight at sa pakikipag kwentuhan dahil matagal ring hindi nag sama-sama ang pamilya Dela Cruz. Ang tropa lang nila ang nasa farm at hindi rin alam nila Kian na mag kakarera sila Kelly gamit ang kabayo. Maraming alagang hayop ang pamilya Dela Cruz at malaki rin ang solar ng kanilang farm kaya nag lagay rin ang lolo nila Kelly ng tatlong kabayo dito. Noong mga bata pa sila Kelly at ang mga pinsan niya tanging siya lang ang may gustong matuto mangabayo kaya nag paturo siya sa lolo nila at hindi naglaon natuto ngang mangabayo si "Ms. Hoodie" na ayaw naman nila Kian dahil delikado raw pero dahil "lolo and lola's girl" si Kelly wala rin silang na gawa kung hindi pumayag sa nais ng kanilang bunsong kapatid. Marunong rin si Kelly mag pastol ng mga baka may alaga siyang dalawang baka sila Moo and Maa yun ang pinangalan nya dahil yun raw ang tunog ng baka. Tapos may alaga rin sila ni Vince na baboy naparami iyon ng tiyo Inoy nila na nag aalaga sa mga iyon mayroon sila noong mag asawang baboy lang na sila Jollibee at si Barney na dumami na rin sila nagkaroon na ito ng maraming anak pero dahil sa marami ang pinangalan nalang ni Kelly ay mga alphabet letters para daw mabilis at hindi na hassle. Pero ayaw niyang kakainin nila ang baboy nilang alaga dahil hindi raw iyon makatarungan dahil sila ang nag alaga pero na payag siyang ibenta ang mga anak nila Barney at Jollibee na ngayon ay yumao na. Sumalangit nawa ang kanilang kaluluwa.

.

.

▪︎Author: May their souls be with those who ate them. Charot! Ahahaha.

.

.

Magsisimula na sila Kelly at Patrick mag karera tinry muna nila ang mga kondisyon ng kanilang mga kabayo para sa gay'on ay magamay nila ang mga kabayo nilang gagamitin. Wala na yung kabayong unang sinakyan ni Kelly at kung saan siya natuto dahil sa katandaan na nawala na rin ito at iniyakan niya talags iyon. Dahil napamahal na sakaniya yung kabayong si Metra.

.

.

▪︎Author: Parang ngongong Petra lang eh no? Ahahaha...mahilig kasi sa unique name si Kelly kabayan kaya sana'y unawain niyo nalang ang ating bidang si "Ms. Hoodie".Ay sorry dami ko na atang exposure okay simulan na ulit natin ang wento. Hehe...

.

.

Habang kinakabisa noong dalawa yung kanilang kabayo na ipang kakarera inaayos naman nung apat ang mga dadaan nila Kelly at Patrick.

"Okay, dine nalang natin ilagay ang finish line." Ang sabi ni Vince.

"Ang laki pala ng Farm niyo pre." Ang sabi ni Harvey.

"Ahhh...binili na rin kasi ni tiyo Kemwell ang daddy nila Kelly at ni tiyo Inoy ang mga karatig nitong lupa mahilig kasi sila sa mga hayop lagot nga ko eh kasi nilitson nila tiyo yung isang baboy naming alaga ni Kelly."

"Eh si Master may alagang baboy?"

"Ano naman tingin mo sa baby girl ko "weak"?"

"Wala naman akong sinabi di lang din kasi halata sa personalidad ni Master."

"Well, ang ayaw lang alagaan ni Kelly ay manok at kambing naiingayan kasi siya."

"Eh? Naiingayan siya pero sa baboy hindi siya nababahuan? Kakaiba talaga yang si Kelly." Ang sabi naman ni Harvey.

"Ang totoo niyan may alaga rin siyang baka at marunong siyang mag pastol."

"TALAGA?" Anila.

"Oo daig niya pa nga ko saming mag pipinsan si Kelly lang ang tanging natuto sa lolo namin mangabayo, mag pastol, kumuha ng gatas ng baka at kalabaw hindi kasi siya yung typical na babae."

"Gaya ni Mimay?" Ang sabi nila Dave at Harvey.

Bineltukan naman sila nito "Talaga lang ha?"

"Kasi'y lumaki sya kila kuya Kian at kasama niya rin kaming mga lalaki niyang pinsan kaya siguro di siya maarteng babae mas magaling pa nga siya samin sa ilang bagay. Pero ayaw niyang mag lilinis ng dumi ng alaga niya hahaha...ayun dun siya maarte lumalabas yung version 2.0 niya at pag nakaka kita ng ipis."

"Ohhh...kaya pala nung bumili ng ipis ang kuya niya kay Papay eh ayaw niyang lumapit." Ang sabi ni Dave.

"Oo ayaw niya ng madudumi takot rin siya sa mga gumagapang sa kaniya. Dati nga nandito kami sa probinsiya mag pipisan gaya ng ganire eh tag ulan nun maraming linta kasi basa ang lupa at may mga bulate rin isang beses nag katuwaan sila Joshua kapatid yun ni Shai mamaya papakilala ko sa inyo edi ayun mamimingwit kasi sila nila kuya Kian ng isda dun sa may fish pond namin na maliit dine may tilapia kasi kami doon."

"Oh? Meron kayo dito gusto ko rin ma try mamingwit." Ang sabi ni Mimay.

"Bakit mamimingwit pa eh fish pond naman wala ba kayong net?" Ang sabi ni Harvey.

"Meron pero fini-feel kasi namin yung mamingwit para may bonding na rin."

"Ohh...mukhang masaya nga yun gusto ko rin try." Ang sabi ni Dave.

"Sige mamaya sabihin natin kay Kelly edi ayun na nga kumuha sila kuya Kian ng bulate para sa pamingwit nung inuwi nila yun para kumuha ng fishing rod kala ni Kelly kung anong dala ng mga kuya niya tapos nung binuksan niya yung timba na may mga bulate aba'y masuka suka na ang lintek nilagnat pa yun ng isang linggo. Na trauma ang ate niyong girl. Ahahaha...tapos nung gumaling na siya may bagyo naman noon kaya kung saan-saan rin nakikita ang mga linta aba'y lumabas si Kelly kasi gusto niya raw maligo sa ulan ang kulit eh kagagaling palang galing sa lagnat gusto ng maligo sa ulan nakikigaya samin edi may mga lupa edi ang puputek namin kala niya putek yung nasa paa niya kaya dinampot niya yung lupang kala niya ay simpleng putek lang nung naramdaman niyang medyo malambot nag sisigaw at para bang kinikilig sa kilabot. Ahahaha...alam niyo yung ganoong pakiramdam?"

"Ahahaha...oo naman kakadiri din talaga kasi yung mga ganun. Gross." Ang sabi ni Mimay.

"Anong ginawa niyo? Tsaka si Master umiyak?"

"Panigurado nilagnat na naman sya noh?"

"Ahahaha...oo kung hindi kanyo siya pinaliguan ni tiya Keilla yung mama nila ng alcohol bago siya tumigil sa kakaiyak. Pigil na pigil naming mag pipinsan ang tawa namin sa kaniya eh kasi magagalit si tiya samin. Yung reaksyon talaga kasi ni Kelly sobrang savage. Ahahaha...ngayong naalala ko natatawa tuloy ako eh. Wahahahaha...tungaw ba naman may putek ba namang nagalaw at nagapang? Ahahaha... Napaka bungol niya kasi nung bata kami. Haha..."

"Ahahaha...iniimagine ko ang reaksyon ni Master pinaliguan talaga sya ng alcohol para lang tumigil sa pag iyak? Ahahaha...ang cute."

"Oo nga knowing Kelly? Lagi nga syang may dalang alcohol." Ang sabi naman ni Mimay.

"Hahaha...Silly Kelly!"Ang sabi naman ni Harvey.

"Anong tinatawa tawa niyo di'yang apat?" Ang sabi ni Kelly nung dumating at sumunod na rin naman si Patrick.

"Ahhh...wala may kinuwento lang ako sa kanila nung mga bata pa tayo."

"Ano na naman? Binenta mo na naman ako."

"Wala yun baby girl maliit na bagay may crying baby lang na mahilig sa alcohol. Right guys?"

"Yeah...hahaha.." Anila.

"VINCE!!!"

"Ahahaha...wala nga ba naman i're."

"Dude, ayos ka lang ba?"

"Ah? Oo mukhang gamay ko naman na itong kabayo."

"Baka naman natatakot ka na?" Ang sabi ni Kelly na animo'y nang aasar.

"Huh! Sino kaya satin yung muntik ng mahulog? Tsss..."

"Tsss...natipalok lang si Gidiyap kaya na out of balance kami wag ka nga diyan. Ikaw nga muntik ng tumalisik! Huh!"

Nakikinig lang yung tatlo sa usapan nung dalawa "Asa naman! Kasasakay ko palang nun kaya hindi ko pa gamay si Heyiie...Pero ngayon gamay ko na kaya pwede na tayong mag simula tignan natin kung sino ang takot. Huh!"

"Sige! Let the battle begink."

"Pustahan? G ka?"

"G! Name it kahit ano game ako...Huh!"

"Okay, ikaw unang mag lapag ng pusta."

"Kapag nanalo ko hindi ako sasama sa inyo papunta sa lola ni Harvey."

"Kelly..." Ang sabi nila Vince.

"Deal, kapag nanalo ako susundin mo lahat ng utos ko ng isang araw."

"In your face! Isang araw? I'll be your servant? Huh! Yung sakin ilang oras lang yun sayo isang araw? You have a thick skin friend!"

"Bakit? Natatakot kang matalo kita?"

"Huh! Ako matatalo? Let's see, VINCE!!!"

"Ye---yes Kelly?"

"Simulan na!"

"O---oo sige, Mimay ipaliwanag mo na yung dadaanan nila Harvey and Dave pumunta na kayo sa pwesto niyo sa mga stop over at ako naman ang mag sisilbing announcer."

"Okay." Anila.

Ang mechanics ng karera ay kailangan maka dalawang ikot sa buong farm may hinandang obstacles sila Vince na kailangang talunan ng mga kabayo nila Kelly at Patrick at may kukunin sila kila Mimay, Harvey at Dave na mga bulaklak bago maka rating sa finish line at kung sino ang makatatlong bulaklak ng walang mintis kahit isa siyang panalo.

"Kelly, Patrick ready na ba kayo?" Ang sab ni Vince na may dalang pito.

"Yeah..." Anila.

"Okay pag kabilang kong tatlo mag sisimula na in 3...2...(prrriiit...)" Hinipan na ni Vince yung pito at nag simula na ang karera sa pagitan ng mga kabayong sinasakyan nila Kelly at Patrick.

"Go guys! Kaya niyo yan...GO KELLY!!! BATA KO YAN!" Ang sigaw ni Vince samantala naka pwesto naman na yung tatlo sa kani-kanila nilang pwesto para abangan yung dalawa at vine-video rin nila yung mga kaganapan para meron silang proof na nagawa ng bawat isa ang mga obstacles.

.

.

▪︎Author: Sa tingin niyo sino ang mananalo sa dalawa? Kung team Patrick kayo just click vote at kung team Kelly naman kayo comment down below. Kabayan, sa inyo nakasalalay ang magiging takbo ng ating istorya. Charot! Hahaha...I'm just giving you guys some fun para naman masaya ang lahat kaya G ba kayo? G na!!! Iintayin ko ang mga sagot niyo. Love you All. Muah...♡

Hiyiieee...(^_^)

▪︎Iniisip ko po kasing gumawa ng bagong tagalog na kwelang kwento ulit. Baka may gusto po kayong i-suggest comment niyo lang po. At baka malay niyo gawin ko.Hehe...

▪︎Bigyan niyo naman po ako ng review ah. Para naman may kulay na yung stars ko. Hahaha...Love you all.♡

▪︎Beke nemen geysh...xD

Love lots,

lyniar☆

lyniarcreators' thoughts