webnovel

Hindi Sila Nagtitiwala sa Iyo

Éditeur: LiberReverieGroup

Sumang-ayon si Xinghe kay Cairn. Maaari silang pumunta kay Chui Qian para humingi ng tulong. Walang dahilan sa kanila para makipagsalpukan kay George ng direkta.

Ito ang unang beses na ang grupo ni Xinghe ay umalis sa base dahil sa paglitaw ni He Lan Yuan. Kahit na alam na nila kung ano ang kaguluhang sumakop sa mundo mula sa araw-araw na balita, nang ang kanilang kotse ay pumasok sa pinakasentro ng siyudad, ang tindi ng pagkawasak ay nagpagulat sa kanila.

Ang mga dating naggagandahang kalye ay napalitan ng mga sira-sirang gusali at basura. Ang mga tindahan sa tabi ng kalsada ay ninanakawan. Ang manekin na mula sa isang tindahan ay pinugutan pa ng ulo, marahil ay isang simbulo ng paparating na magulong hinaharap. Ang mga supermarket ang pinakamalala sa lahat.

Ang mga grupo ng militar ay may mga kalasag at baril ay nagpapatrolya sa kalye sakay ng mga jeep. Pinatitigil nila ang bawat kotse para inspeksiyunin para makasiguro na ang mga taong lulan nito ay walang dalang mapanganib na bagay.

Ang kotse ni Xinghe ay ininspeksiyon din. Gayunpaman, salamat na lamang sa dokumentong aprubado ng bansa, pinayagan silang magdala ng armas. Matapos malaman na patungo sila sa bahay ng presidente, ang mga sundalo ay pinayuhan silang bumalik dahil ang lugar ay napapalibutan na. Imposible para sa kanila ang makapasok.

Pinasalamatan sila ni Xinghe sa impormasyon pero pinili pa ding ituloy ang kanilang paglalakbay. Tama ang mga sundalo, maraming mamamayan ang nakapalibot sa bahay ng presidente, humihingi ng paliwanag mula sa kanilang presidente. Gayunpaman, isa itong internasyonal na krisis, ano naman ang masasabi ng presidente para mapakalma sila?

Gayunpaman, ito na ang huling pinanghahawakang pag-asa ng mga tao, kaya naman, kahit na pisikal lamang silang malapit sa bahay ng presidente, pakiramdam nila ay mas ligtas sila.

Matapos na makontak ni Xinghe si Chui Qian, ginawa nito ang lahat ng makakaya para dalhin sila sa sikretong daan para makapasok sa bahay ng presidente. Nang makita nila si Chui Qian, nagitla ang grupo ni Xinghe.

Napakaiksing panahon lamang ang lumipas pero malaki ang ipinayat nito, tila mas tumanda ito sa kanilang paningin. Kahit si He Bin na tumigil sa bahay ng presidente ay hindi rin maganda ang lagay.

Walang magawang nagpaliwanag si Chui Qian, "Ang pressure ay masyadong mataas! Kailangan kong dumalo sa mga pulong araw-araw para makaisip ng solusyon. Ang bawat minuto ay importante, at ito ay ganoon din sa iba. Sa anumang kaso, wala na akong oras na pwedeng sayangin, ang maibibigay ko sa inyo ay sampung minuto kaya sabihin na ninyo kung ano ang inyong kailangan."

Hindi na nag-aksaya ng oras si Xinghe at sinabi ng direkta, "Nakahanap na ako ng solusyon para i-unlock ang system ng base."

Nagulat si Chui Qian bago ito napangiti ng buong galak. "Totoo?"

"Oo, pero bago ako makakilos, ang base ay kinuha na ng militar ng United Nation, wala silang tiwala na kaya kong i-crack ang defense system."

"Okay, susubukan kong kumbinsihin sila."

Agad na umalis si Chui Qian. Matapos ang maikling paghihintay, bumalik ito na mababakas ang kabiguan sa mukha. "Ikinalulungkot ko, wala akong ideya kung ano ang ibinalita ni George sa mga nakakataas sa kanya pero wala sa kanila ang payag na magtiwala sa iyo. Sinabi pa ni George na ang grupo niya ay nakaisip na ng solusyon, kaya hindi niya kailangan ang tulong natin. Kahit na gaano pa ako magmakaawa, ayaw ka nilang pabalikin. Gayunpaman, nagawa kong makipagkompromiso sa United Nations na kapag hindi nalutas ng grupo ni George ang problema sa loob ng tatlong araw, papayagan ka nilang sumubok."