webnovel

Kung Gayon ay Ikinalulungkot Ko

Editor: LiberReverieGroup

Agad na dumilim ang mukha ni George. "Gumagalang na nga ako, at sa tingin ninyo ay kakayan-kayanin ninyo ako?! Men, hulihin ninyo sila at itapon sila palabas!"

"Hindi na iyon kinakailangan, aalis na kami," sinabi ni Xinghe ng may kibit-balikat bago tumalikod para kunin ang kanyang laptop at mga papel.

"Sandali, hindi mo ba ako narinig kanina? Hindi ka pupwedeng magdala ng kahit ano mula sa lugar na ito." Pigil sa kanya ni George ng may utos at ang tingin nito ay tila nais na pira-pirasuhin siya.

Sa pagkakataong ito, kahit si Ee Chen ay nagalit. "Pero ang mga bagay na ito ay pagmamay-ari namin."

"Sino ang makakapagsabi kung nagsisinungaling kayo o hindi? Para sa kapakanan ng kaligtasan ng sangkatauhan, kailangan kong maging maingat ng husto. Hindi kayo maaaring magbitbit ng kahit na ano, ibaba ninyo iyan agad!" Utos ni George sa isang paraan na hindi maaaring makipagtalo. Ang army na dinala niya ay agad na iniumang ang kanilang mga baril sa grupo ni Xinghe.

"Sobra na ito!" Angil ni Sam sa galit at humigpit ang pagkakatikom ng kamao niya.

Nanlamig ang tingin ni Xinghe at sinabi niya ng may malamig na ngiti, "Sa ganitong hindi ninyo kami pinapayagan na dalhin kahit ang sarili naming mga gamit paalis…"

Pagkatapos, itinapon niya ng marahas ang kanyang laptop sa sahig. Sa isang malakas na tunog, nagkapira-piraso ang laptop.

"Ikaw…" galit na pinandilatan siya ni George, isang aura na nais pumatay ang pumalibot sa katawan nito.

Walang takot na hinarap ni Xinghe ang tingin nito. "Hindi mo na kailangang mag-alala, wala namang importante sa laptop ko. Isa pa, wala sa mga computer dito ay nahack pa, kaya ano sa tingin mo ang posibleng madala ko palabas sa lugar na ito kasama ko?"

"Alam mo ba ang krimen na ginawa mo sa pagsira ng impormasyon dito? Men, dakpin silang lahat!" Malamig na utos ni George. Bago pa makakilos ang mga tauhan niya, agad na naglabas si Xinghe ng letter of appointment para makita nito.

"Ako ang pinakapinuno ng lugar na ito na itinalaga ng presidente ng Country R. Ako ang responsable sa lahat ng naririto. Kung gusto mo akong hulihin, kumuha ka muna ng warrant mula sa aming presidente. Maaaring mula ka sa United Nations, pero nasa lugar ka ng Country R! Major George, hihintayin kita na sunduin ako ng may arrest warrant."

Pagkatapos ay lumabas na ng silid si Xinghe. Sumunod si Mubai at ang iba pa. Walang takot sa kanilang ayos, kahit na nakatutok na sa kanila ang mga baril, naglakad sila na tila wala silang kinatatakutan sa mundo.

Sa ibang kadahilanan, nakaramdam ng pressure ang mga sundalo. Hindi na iniutos ni George na dakpin sila at pinanood na lamang ang mga ito na umalis sa nakakakilabot nitong tingin.

Naniniwala siya na hindi nila sinira ang mga impormasyon dito, peo kapag nakahawak siya ng ebidensiya, siguradong ipapataw niya ang parusa!

Ganoon na lamang umalis ang grupo ni Xinghe sa launch base. Kinailangan nilang umalis dahil nasakop na ang lugar ng militar ng United Nations. Ang timing nila ay perpekto dahil isang hakbang na lamang si Xinghe mula sa paglutas ng puzzle.

Kahit si Xinghe ay nalungkot dahil doon.

Matapos nilang sumakay sa kotse, nagtanong si Ee Chen kay Xinghe, "Talaga bang nakaisip ka na ng solusyon para matalo ang defense system?"

Tumango si Xinghe. "Oo, naisip ko pa lamang bago sila pumasok."

"Napakamalas naman!" Napabuntung-hininga si Ali. "Nakaisip ka na ng solusyon at ang lugar ay nasakop naman ng mayayabang na buwisit."

Hindi nasisiyahang nagreklamo si Sam, "Dapat ay nagpatuloy tayo sa pang-iinis sa kanila para nakakuha kami ng oras para sa iyo na maihack ang system."

Umiling si XInghe. "Hindi na kinakailangan. Marami pang paraan para malampasan ito, ang pinakapangunahing punto ay nakahanap na tayo ng solusyon."

"Tama ka. Pumunta tayo ngayon sa presidente, para makialam siya," mungkahi ni Cairn.