Nagulat ang mga tagabaryo nang masaksihan nila ang eksenang ito.
Nang makita nila ang mga halimaw na pinatay ang mga bandido, nagsimula silang mag panic at mag sisigaw dahil ang nasa isip nila ay sila na ang susunod na mamamatay.
Sinubukan ng penguin commandos na pakalmahin ang mga tagabaryo.
"Huminahon kayo mga tao, wala kaming gagawin sa inyo. nandito kami dahil sa utos ng aming master, si Ye Song" sinabi ni Kuchi.
Ang mga tagabaryo na nagpapanic ay dahan-dahang huminahon nang marinig ang sinabi ni Kuchi. maingat nilang sinuri ang mga penguin at pagong sa kanilang harapan upang malaman kung totoo ang kanilang sinasabi.
Si Kuchi ay nasiyahan nang makita niyang medyo huminahon ang mga tao at sinabi.
"Meron bang nakakakilala sa kanya? kung meron ay huminahon kayo dahil ligtas na kayo mula sa panganib. makinig lang kayo dito sa mga kasama ko at magiging okay ang lahat!"
Lilipat na sana siya sa ibang lugar upang maghanap pa ng mga nakaligtas nang sumigaw sa gilid ang isang batang babae.
"K-kilala niyo ang kuya ko?"
Napatigil sa Kuchi sa kanyang gagawin at tumingin sa batang babae.
"Oo, kaya manatili ka lang dito batang maliit dahil kailangan pa naming iligtas ang iba"
"Dumiretso lang kayo sa direksyon na ito! yung ate ko ay nakikipaglaban sa tatlong chosen para iligtas kami. tulungan niyo po siya, please po!" naiiyak na sinabi ni Ye Ri habang tinuturo ang direksyon kung saan nakikipaglaban si Suzy sa tatlong chosen.
"Sige, pupuntahan agad namin siya"
Inutusan ni Kuchi si Pochi at ilan sa mga kung fu turtle na bantayan ang mga tagabaryo at mabilis na sumugod sa direksyon na itinuro sa kanya ng batang babae.
-
Ang leader ng mga bandido ay naihi sa takot habang nakatayo siya sa isang tabi at pinapanood ang eksenang nangyayari sa kanyang harapan.
Ang kanyang mga mata ay nakatuon lang kay Ye Song!
Pinanood niya ang isa-isang pagbagsak ng mga bandido sa ilalim ng talim ni Ye Song at naihi siya sa kanyang pantalon dahil sa matinding takot na nadarama niya sa binata.
Sa loob lamang ng ilang minuto ay namatay ang lahat ng bandido maliban sa kanya.
Matapos patayin ni Ye Song ang lahat ng bandido ay hindi mabilang na notifications ang tumunog sa kanyang ulo.
Isang screen ang lumitaw sa kanyang harapan at nakita niya ang maraming mensahe.
*DING*
[You gained 350 Exp]
[You gained 350 Exp]
[You gained 350 Exp]
...
[Pagpatay sa daan-daang bandido, nakakuha ka ng bonus title!]
[Nakuhang Title: Slayer of a Hundred]
(Speed +4 , Evasion +60)
[Unang beses pumatay ng isang tao, nakakuha ka ng bonus title!]
[Nakuhang Title: Murderer]
(Speed +4 , Evasion +80)
[Pagligtas sa mga tagabaryo mula sa mga bandido, nakakuha ka ng bonus title!]
[Nakuhang Title: Hero of Justice]
(STR +1 , Evasion +4)
-
Hindi pinansin ni Ye Song ang lahat ng notification na lumabas at nakatitig lamang siya sa leader ng mga bandido.
Dahan-dahan siyang lumakad palapit sa kanya at sinabi.
"Sabihin mo sa akin kung sino ang nasa likod nito. alam kong hindi ka magkakaroon ng lakas ng loob na gumawa ng ganito kung walang sumusuporta sayo"
Ang leader ng mga bandido ay natatakot na mamatay kaya wala siyang itinago at sinabi kay Ye Song ang lahat ng kanyang nalalaman.
"Inutusan kami ng governor ng Everest na kidnappin ang mga babae at bata. sinabi niya na magbabayad siya para sa bawat babae at bata na makukuha namin. please huwag mo akong patayin!"
Nakaramdam si Ye Song ng matinding galit sa kanyang puso nang marinig niya ito. ang kanyang mata ay puno ng harangin sa pagpatay habang nakatingin siya sa leader ng mga bandido.
"Bakit niyo tinarget ang nayon na ito? pinakamalayo ito sa Everest kaya bakit hindi niyo sinalakay ang mga nauna sa amin?" tanong ni Ye Song.
Habang nanginginig sa takot ay pilit na binukas ng leader ng mga bandido ang kanyang bibig at sinabi.
"Sinabi niya sa amin na may isang tao na nakatira dito ang uminsulto sa kanyang anak kaya naman inutos niya na atakihin ang nayong ito at patayin ang lahat ng mga kalalakihan pagkatapos ay kidnappin ang mga babae at mga bata upang maging alipin niya"
"Anak? sino ang anak ng governor?" nalilitong tinanong ni Ye Song.
"Hindi ko siya kilala ng personal pero siya ang namamahala sa pag recruit ng mga chosen sa bayan ng Everest"
Sa sandaling narinig ito ni Ye Song ay nakaramdam siya ng pagkabigla sa kanyang puso at may bigla siyang naalala!
Biglang naalala ni Ye Song na nagkaroon siya ng pagtatalo sa isa sa mga instructor nang siya ay sumubok magparehistro bilang isang chosen.
Ang instructor na iyon ay walang pakialam sa mga normal na tao!
Nang maalala niya ang mukha na iyon ay naging malamig ang ekspresyon ni Ye Song at sinabi niya sa kanyang sarili.
"Tangina kang baboy ka, binigyan na kita ng pagkakataong mabuhay ngunit parang hindi mo ito pinahalagahan"
Habang siya ay nasa kanyang pag-iisip, ang leader ng mga bandido ay muling nagmakaawa para sa kanyang buhay.
"Huwag mo akong patayin, nasabi ko na sa iyo ang lahat ng alam ko"
Nang marinig niya ang sinabi ng leader ng bandido ay malamig na ngumiti si Ye Song at sinabi.
"Syempre hindi kita papatayin, pwede ka nang umalis"
Nang marinig ito ng leader ng mga bandido ay napasigaw ito sa tuwa at nagpasalamat kay Ye Song habang nakaluhod.
Ngunit bago siya makalakad palayo ay sinipa na siya ng isang pagong sa mukha!
Ang leader ng mga bandido ay tumalsik papalayo at bumagsak sa isang pader. umubo ito ng dugo dahil sa lakas ng impact at tinitigan si Ye Song na may itsura ng hindi siya makapaniwala.
"S-sabi mo hindi mo ako papatayin.."
"Oo, sinabi ko yun pero hindi ko sinabi na ganon din ang gagawin ng mga alaga ko"
Nakadama ng kawalan ng pag-asa sa kanyang puso ang leader ng mga bandido. bago pa siya makagawa ng anupaman ay isang malakas na putok ang tumunog at ang kanyang kanyang ay lumipad ng tatlong metro bago bumagsak sa lupa.
Pagkatapos nun ay walang awa siyang sinipa sa mukha ni kung fu turtle no. 234!
Pinanood lamang ni Ye Song ang masaklap na pagkamatay ng leader ng bandido na may malamig na ekspresyon!
Pag may nag comment ng lima dito sa chapter na to, mag rerelease ako extra chapters ngayong linggo!
Creation is hard, cheer me up!
Like it ? Add to library!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!