webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · Fantasy
Not enough ratings
86 Chs

Patayin ang governor ng Everest!

Sa isang sulok sa nayon ay nakikipaglaban si Suzy sa tatlong chosen!

Sinadya niya silang papuntahin dito upang magkaroon ng pagkakataon na makatakas ang mga tagabaryo.

Isang sinister na tawa ang maririnig sa lugar habang ang tatlong lalaki ay nakikipaglaban sa isang babae.

Ang lalaki sa gitna ay nagpakawala ng isang suntok. ang kanyang kamay ay umunat at tumama sa katawan ni Suzy.

Sa isang malakas na kalabog, bumagsak si Suzy sa isang pader at umubo siya ng dugo!

Ang lalaking nagpakawala ng suntok ay may payat na pangangatawan at may peklat sa ilalim ng kaliwang mata.

Ang lalaking ito ay tumingin kay Suzy at naglabas ng isang masamang tawa.

"Mas mabuting sumuko ka na ngayon at hayaan mong tikman kita dahil kapag nasiyahan ako sayo ay pwede kitang buhayin— bilang aking sex slave! hahaha!"

"Hindi ata patas iyon, Condoriano. gusto din namin matikman siya"

"Oo nga, hindi maganda kung ikaw lang ang mag-eenjoy sa katawan niya"

Ang dalawang chosen sa likuran ng payatot ay nakatingin din kay Suzy ng may malaswang mga mata.

Ngumisi si Condoriano ng marinig niya ang dalawa sa kanyang likuran pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumapit kay Suzy at sinabi.

"Wala ka na pagpipilian. hindi mo ako matatalo dahil nakuha ko ang kapangyarihan ng Pirate King.

kahit na hindi ko alam kung nakuha niya ba ang treasure na hinahanap niya dahil ang author ng manga na iyon ay namatay sa pagsalakay ng mga halimaw, alam ko na ang mangyayari. namatay siya at ang kanyang devil fruit ay ibinigay sa akin upang maging susunod na hari!"

Ang kapangyarihang nakuha ni Condoriano ay isa sa mga popular manga na kanyang binabasa bago ang pagsalakay ng mga halimaw. dahil sa pagkabighani niya sa librong ito ay nag evolve siya at natupad niya ang kanyang pangarap matagal na.

Ang maging isang main character!

Tumawa si Condoriano na parang baliw habang tinitingnan ang hubog ng katawan ni Suzy.

"Sisiguraduhin kong matitikman ko ang bawat bahagi ng iyong katawan"

Tinitigan ni Suzy ng masama ang payatot nang marinig niya ang kanyang sinasabi.

Hindi pa siya sanay sa kanyang lakas kaya't nahirapan siyang makipaglaban sa tatlo ng sabay-sabay.

Dinilaan ni Condoriano ang kanyang labi at itinaas ang kanyang kamay papunta sa dibdib ni Suzy.

Nang malapit niya na itong mahawakan ay bigla niyang naramdaman ang isang bugso ng hangin sa kanyang leeg.

Nagulat siya at lumingon nang biglang nahulog ang kanyang ulo sa lupa. ang dugo ay sumabog sa kanyang leeg at ang kanyang katawan ay bumagsak sa lupa ng may malakas na kabog!

Ang dalawang chosen sa kanyang likuran ay nagulat din ngunit bago sila makapag react ay nakaramdam din sila ng isang bugso ng hangin sa kanilang mga leeg.

Ang kanilang ulo ay nahulog sa lupa habang nakabukas ang kanilang mga bibig at mata!

Kahit na sa kamatayan ay wala silang ideya kung paano sila namatay!

Tumingala si Suzy at bigla niyang nakita ang tatlong penguin na may kasamang isang bungkos ng kung fu turtle na lumitaw sa isang kislap.

Nang malaman niya kung sino ang mga ito ay napangiti siya dahil alam niya na dumating na si Ye Song kaya't naglabas na siya ng buntong hininga.

-

Ang lahat ng ito ay nangyari sa loob lamang ng pitong minuto. nailigtas nila Ye Song ang halos daan-daang mga tagabaryo ngunit karamihan sa kanila ay mga bata at babae.

Halos lahat ng mga kalalakihan ay namatay sa masaklap na pangyayaring ito!

Kahit na nakaramdam ng kalungkutan si Ye Song sa kanyang puso ay wala na siyang magagawa tungkol dito kaya naman inilipat na lang niya ang mga tagabaryo sa bayan ng Malaya upang doon na sila manirahan mula ngayon.

Nang makarating na sila sa bayan ng Malaya, ang natitirang tagabaryo na nakaligtas ay lubos ang pasasalamat kay Ye Song.

Kahit na nakaranas sila ng masaklap na sakuna kani-kanina lang ay hindi sila nawalan pag asa at nagpatuloy pa rin sa kanilang buhay!

Bumuntong hininga si Ye Song ng makita niya ito dahil alam niya ang pakiramdam na mawalan ng tao na mahalaga sayo.

Buti na lang ay ligtas ang kanyang pamilya dahil kay Suzy.

Niyakap niya sila at nagpasalamat kay Suzy sa pagprotekta sa kanila.

Namula si Suzy at nakaramdam ng hiya kaya't humingi siya ng excuse upang tulungan ang mga tagabaryo na mag settle sa bayan.

* DING *

[Malaya Town]

Populasyon

Tao: 92

Halimaw: 506

-

Matapos kumalma at lutasin ang problema ng mga tagabaryo, lumubog na ang araw at halos hatinggabi na.

Si Ye Song at ang lemons ay nagkakaroon ng isang pagpupulong.

Nanlalamig parin ang mga mata ni Ye Song dahil sa nangyari.

Kaya naman tinipon niya ang mga alaga niya at nagpatawag ng pulong.

Tumingin siya sa kanila at sinabi.

"Napagpasyahan ko na patayin ang governor ng Everest"

Nang marinig ng lemons ang sinabi ni Ye Song ay hindi na sila nabigla dahil inasahan na nila na ganito ang mangyayari.

Ang mga penguin commando sa gilid ay nagsalita at sinabi.

"Tutulungan ka namin, master. kami ay mga dalubhasa sa larangang ito"

Tumango si Ye Song sa penguin commandos, pagkatapos ay inutusan niya si Ahoka at ang mga kung fu turtle na bantayan ang bayan.

Sa isang iglap, isang screen ang lumitaw sa kanyang harapan at pinindot niya ang isang quest!

*DING*

[Tumanggap ka ng isang quest!]

-

[Patayin ang governor ng Everest!]

Ang governor ng Everest ay isang masama at walang awang tao na gumagahasa sa mga kababaihan at mga bata!

Nililimitahan niya din ang mga supply ng rasyon na ibinibigay sa mga karaniwang tao para gamitin itong pang blackmail sa kanila upang magawa niya ang kanyang gusto sa mga ito!

Ang baboy na ito ay mas masahol pa kaysa sa mga halimaw.

Hanapin mo ang taong ito at patayin!

Reward: [75,000 Exp] , [5 Skill points] , [200 Heaven Coins] , [Title: Assassin]

-

Matapos gawin ito ay agad umalis si Ye Song at ang penguin commandos patungo sa bayan ng Everest.

Naglakbay sila malapit sa swamp upang makapunta sa Everest nang mabilis. ang mga penguin ay nag glide habang si Ye Song ay nasa cloaking.

Matapos ang paglalakbay nang ilang sandali ay nakita na nila ang pader sa bayan ng Everest.

Nang makita na nila ang pader ay iniwan na nila Ye Song ang swamp at tahimik na naglakbay sa kakahuyan.

Ngunit ilang sandali lang pagkatapos nilang umalis sa swamp ay nakarinig sila ng mga tunog ng daing(wailing) sa kakahuyan at isang nakakatakot na tawa at mga hagikgik ang tumunog sa hangin!

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

yamceecreators' thoughts