webnovel

MALTA FORMOSA SERIES 1: To Fall (Tagalog Novel)

She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, until the day Ran Emannuel Maldecir decide to break up with Simon Louise Tabone. For what reason did they break up? It's you to find out.

mefitaku21_ · Urbain
Pas assez d’évaluations
42 Chs

Chapter 25

SAKAY NG KOTSE ANG ginang ngunit my driver siyang kasama. Nakasunod naman ako sa kanila sakay ng kotse ko.

Dinala ako ng ginang sa isang mamahaling restaurant dito lamang sa makati. Dahil treat naman niya ang lunch namin, bakit pa ako mag-aabala hindi ba?  Kakapalan ko na ang mukha ko. Siya naman ang nag-aya,  bawal tanggihan ang grasya.

Nang maipark nito ang kotseng sakay siya. Itinabi ko naman ang kotse ko malapit sa kanila. Bumaba ako pagkatapos. Ganun din naman ang ginang at lumapit saakin.

"Let's go inside?" aniya na masigla ang tinig, ako naman tinanguan siya at nginitian siya. Walang pag-atubiling sumunod ako sa ginang na pumasok sa loob ng mamahaling restaurant.

I forgot to asked her name. Kanina kasi nagpakilala na ako sa kanya kaya alam niya ang pangalan ako. Ako naman ang hindi alam kung ano ang pangalan niya. Nakalimutan ko kasing itanong basta nalang din akong pumayag na sumama sa ginang. Tumikhim ako bago nagsalita.

"Umm. Ma'am i forgot to asked your name po? Hindi ko kasi naitanong sa inyo kanina. Pasensya na kung naitanong ko po ngayon." magalang kong saad habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad at naghahanap ng bakanteng mauupuan.

"My name is Imelda hija. But you can call me tita." aniya pagkatapos umupo. Inilapag niya ang dalang bag sa isang bakanteng upuan na katabi niya. Samantala naupo naman ako sa kabilang upuan na kaharap niya.

Tanging wallet at maliit na shoulder bag lang ang dala ko dahil mamimili lang naman ako sa super market mamaya ng mga pagkain ko.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Tita agad ang itatawag ko?  Feeling ko tuloy nakakahiyang tawagin siya nun. Unang beses palang nga naming magkakilala. Pwede naman siyang tawaging Ms. Imelda.

"Hindi po ba nakakahiya iyon?" halos mautal kong tanong sa kanya. Iminuwestra niya ang kamay sa harap ko. Bilang pagsabing hindi. At tinapik ng mahina ang aking braso.

"Ano ka ba naman hija. Huwag kang mahiya. Ako lang to." pabiro niyang saad na ikinatawa naming pareho. "Anyway, let's order na para makakain. You know I'm hungry already ." aniya pagkatapos ay itinaas ang kamay.

"Thank you!" magiliw niyang saad ng ihatid ang inoder namin. Yumuko lamang ang waiter na naghatid at nilisan din kami.

Nginitian ako ni tita imelda ng magawi ang paningin niya saakin. Sinuklian ko rin siya ng matamis na ngiti. Nagsimula na kaming kumain. Lima na iba't ibang pagkain ang inorder niya. At pang-anim naman ang inorder ko na pagkain,  iyong gusto ko na carbonara.

"Masarap ang mga pagkain dito hija hindi ba?"  she asked while we were eating. I chew as I nod to her, agreeing to what she said, really. The dishes are good at hindi mo mapipintasan.  Kaya siguro dito niya ako dinala.

"And you like carbonara!" she said again.

"Hmm. I really like carbonara since I was a child po, tita. I always asked mom to cook for me. " walang paglagyan ang saya ko habang nagkukwento sa ginang. Proud akong ipinagluluto ako ni moma.

"Your mom loves you darling..." lumamlam ang kanyang mga mata habang nakatingin saakin.

"And she calls me darling too!" natawa ako ng sabihin iyon.

Ikinalaki naman iyon ng mata niya. Parang hindi makapaniwala. "Oh~ really?! I  have this feeling na magkakasundo kami nang mommy mo, Ran!" bakas ang excitement sa mukha niya. Tita is really jolly and enjoyable kasama. Walang kasawaan magkwento, ako nalang ata ang aaayaw nito. Pero biro lang.

"Feeling ko nga po magkakasundo kayo." pagsang-ayon ko sa sinabi niya. 

"Feeling ko nga hija." aniya na pagsang-ayon pagkatapos nagpunas siya ng kanyang labi gamit ang tissueng katabi ng baso. "Anyway. Saan ka pala dapat pupunta ngayon?" tanong nito sakin.

Umayos ako ng upo matapos isubo ang huling carbonara na nasa plato ko. Hindi agad ako naka sagot dahil puno ng pagkain ang bibig ko. She patiently waiting for my answer as i chew and swallow the food.

"Sa department store po sana tita. Bibili po nang mga basic needs ko sa condo. Kokonti nalang po kasi ang naka stock." pagkwento ko sa kanya.

"You live alone in that condo hija? Wala kang kasama? What about your parents? You live separately to them? Why?" sunod-sunod ang tanong niya na hindi ko masundan. Gusto ko mang matawa ay hindi ko magawa dahil seryoso siya ng tanungin niya ako.

Marahan akong tumango bago sumagot. "Yes tita. I live alone at my condo. Malapit lang po kasi dito ang pinagtatrabahuhan ko. I live separately because of my work. Sobrang layo po kasi ng bahay namin e. And it takes hour para makarating dito. So i decided to live alone. Kahit mahirap nu'ng una, tiniis ko but as days passed by nakuha ko rin pong labanan yung kalungkutan at hirap. Umuuwi naman po ako saamin kapag rest day ko..." biglang sumagi sa isip ko ang ilang araw na rest day na hindi nakakauwi dahil ukupado iyon ni Simon. Napatikhim nalang ako "... and i decided to uhm... visit them uhm... maybe this week?" walang kasiguraduhan ang mga sinabi ko sa oras na to.

"That's nice hija. Mabuti kapa at umuuwi ka sa inyo para dalawin ang mga magulang mo. Samantalang ako..." malungkot nitong sainabi... umusbong naman ang pag-aalala ko para sa ginang.

"Tita okay lang po ba kayo?" hindi ko mapigilan ang magtanong.

"To be honest hija? Hindi. I miss my son. Minsan lang siyang nakakauwi sa amin. Kapag uuwi naman siya, hindi kami nagkakatagpo. Nagtatampo na nga ako dahil hindi man lang niya ako binibisita. Ang panganay lamang at ang bunso kong anak ang lagi kong nakikita sa bahay kapag bibisita sila." parang bata si tita na nagsusumbong saakin.

 I can see the cuteness on tita's face the way she said that to me. napalitan din iyon nang inis para sa anak niyang walang man lang care sa kanya. kahit bibisita kay tita hindi magawa? Anu ba ang trabaho nun at hindi man lang makuhng bumisita? 

"Tatlo po ang anak nyo?"

"Yes hija. Tatlo sila." sagot niya.

"Ano po bang trabaho nang mga anak nyo? Lahat po ba sila ay may mga pamilya na?"

"No hija. Only Lude my first son has a fiancee. He's currently living in Spain with his soon to be wife. My second son? I don't know. Siya ang sinasabi kong minsan lang bumibisita sa amin. He's a very busy person. Siya kasi ang humahawak nang negosyo ng kanyang ama. Kahit nakakatampo ang pangalawa kong anak dahil minsan lang siyang umuuwi. Proud naman ako sa kanya hija. He manages to run our business. Hindi man sa pagmamalaki pero meron kaming airlines. He's one of the pilot too. And lastly, 'yung bunso ko naman nag-iisang prinsesa namin iyon. She's in u.s right now. Doon nag-aaral at malapit nang magtapos sa college." 

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng ginang. Though mahahalata naman sa kanya na may kaangatan talaga siya sa buhay. Pero hindi ko lubos maisip na sobra pa pala dun iyon. Imagine having a business and that is freaking Airlines. Magpapatayo palang ng paliparan umaabot na ng million. Imagine?! But the way she tells that to me. Wala man lang halong kayabangan. And that's what you call humbleness. 

"Ang swerte naman po pala ng mga anak nyo sa inyo tita." ani ko.

Umiling siya na ipinagtaka ko. "Actually hija, kami ang swerte sa kanila." she said.

"Kayo ang swerte? Paano naman po? E, kung tutuusin kayo po ang nagbigay sa kanila ng pangangailangan nila. At maganda po ang buhay nila dahil sa inyong mag-asawa." 

Ngiti lamang ang isinagot niya saakin. Ilang oras din akong naghintay nang sagot niya bago siya nagsalita.

"Hija. Oo nga at maswerte sila saamin dahil naibibigay namin ang gusto nila. Pero mas swerte kaming magulang nila. Hindi ako nagmamayabang hija pero nang lumaki ang mga anak ko. Ni humingi saamin ay hindi nila ginawa." aniya

Lukot na ang noo ko habang nakatingin kay tita Imelda. Hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi niyang iyon. Hindi kailanman humingi ang kanyang mga anak? Anu daw?

"Hm. Hija" medyo na tawa siya ng tawagin ako. "Wag kang malito, ganito kasi yan. Kami ang kusang nagbibigay ng mga pangangailangan nila na hindi naman nila hinihingi. Kusa kumbaga. Ang mga anak kong iyon, mahilig tumanggi saamin, except nalang kung ipipilit namin sa kanila na tanggapin ang mga binibigay namin. Gusto nila iyong pinaghihirapan. I don't even know kung saan sila nagmana. Basta nagulat na lamang kaming mag-asawa na ganun na sila.Gets mo na ba?" natatawa pa rin siya ng tanungin ako. 

Medyo nahiya naman ako dahil doon. Ngayon ko lang naunawaan ang gustong sabihin ni Tita. kaya pala sinabi niyang maswerte siya sa kanyang mga anak, dahil lumaki ang mga ito na pinaghihirapan ang mga gusto nila at ni minsan hindi humingi sa mga magulang.  Kung ihahalintulad ko ang sarili ko sa kanila sobrang layo nun panigurado. Hindi kami ganun ka angat sa buhay. Umaasa lang din kami sa aming mga magulang nung nag-aaral palang kami. 

"Ibig pong sabihin ni minsan hindi sila humingi ng kung anu sa inyo?" mahina kung tanong.

"Hm. You're right hija. Never"

"Maswerte ka po pala talaga Tita."

"Napaka swerte ko nga hija. Walang maipipintas kung ang salitang swerte ay dala nila."

"Nakikita ko pong sobrang proud kayo sa kanila." hindi ko mapigilang sabihin iyon. Ganun kasi ang nakikita ko sa mga mata ni tita.

"Very proud hija. Very. Kaya lang sa sobrang swerte ko sa kanila. Nakakalungkot din pala." mabilis na umiba ang reaksyon sa mukha niya. Napalitan ulit ito ng lungkot at sakit.

"Tita" banggit ko sa pangalan niya. Hindi ko kasi alam kung anu ba ang sasabihin ko.

"Maswerte nga ako. Maswerte kami dahil hindi sila naging pabigat saamin. Naging responsable silang mga anak. Ngunit nakakalungkot isipin na sa sobrang pagiging independent nila sa buhay. Minsan lang silang nakakauwi saamin. Specially my second son. I'm sorry to tell you these." bigla siyang naka yuko at nagpunas ng luha.

Dahil sa gulat ko ng makita ko iyon napatayo ako bigla at dinaluhan si tita. Niyakap at hinagod ang likod para patahanin.

"Tita wag ka na pong umiyak. Sige ka. Papangit ka niyan!" biro ko kahit na alam kung hindi naman nakakatawa. Para lang pagaanin ang kalungkutang nararamdaman niya.

Umangat ang kanyang mukha , nakitaan ko ng pagiyak at sinabayan ng munting pagtawa. Mabuti naman at kahit baduy ang biro ko napagaan ko naman ang nararamdaman niya.

"Naku hija! Dito pa ako nagdrama! I'm really sorry. I just carried away sa mga pinagsasabi ko. Just don't mind what i said." nakuha niya na ngayon ngumiti at maarteng nagpunas ng luha sa pisngi. Pailing-iling nalang akong tumingin sa kanya.

"Hindi ka naman po nagdadrama tita e. Sinasabi mo lang ang laman ng puso mo. Ang inipon mong lungkot diyan sa puso mo. Mas mabuti ngang inilabas mo yun para mawala na ang bigat dyan." pagturo ko sa bantang dibdib niya kung saan nandun ang puso niya. "At least kahit papaano nabawasan diba?"

She pressed her lips into a thin line while nodding at me. "Tama ka nga hija. Nang sabihin ko iyon sayo at inilabas ko ang lungkot na matagal ko ang itinatago. Gumaan na rin sa wakas ang pakiramdam ko." aniya.

"Tama po yan tita. Kung nakakaramdam ka po ng kalungkutan huwag nyo pong sarilinin. Minsan kailangan mo ring i-share. Nakakabaliw yan. Sige ka!" kunwaring biro ko.

"Naku hija! Ikaw talaga biniro mo pa ako." she rolled her eyes while looking at me. Tita reached for my hand and hold it. Holding like my mother did every time na masaya si moma. "Salamat dahil nakilala kita hija. Maswerte ang lalaking mapupusuan mo. Napaka swerte...." masuyo niya itong pinisil. 

"Maswerte nga po siya tita. Napaka swerte." hindi ko mapigilan ang ngiting kumawala sa aking labi habang sinasabi ko iyon kay tita Imelda. Hindi naman sa pagmamayabang pero maswerte si Simon saakin. Hindi rin ako mahangin. Nagsasabi lang ako nang totoo. At swerte rin ako sa kanya.

"You have someone?" nabitawan ni tita ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Ang reaksyon sa mukha niya ay nagpapahiwatig nang kakaiba hindi ko alam kung panghihinayang, gulat o pagkabigla. Ewan ko kung bakit iyon ang nakikita ko. Isa ring ipinagtatakhan ko ay ang mga mata niya, parang nakita ko na ito, parang may pagkakahawig sa taong hindi ko mabanggit kung sino. Tsk.

Tumikhim ako bago tumango. "Opo tita. Hindi po ba halatang may nobyo ako?" nakataas ang isa kong kilay nang tanungin ko siya. Sumilay din ang ngiti sa aking labi.

She rolled her eyes, after that she looked at me while smiling. Hindi na ngalang umabot hanggang tenga ang ngiti niya. May nasabi ba akong ikinalungkot ni tita?

"Tita bakit po?"

"I'm sorry. I thought wala ka pang nobyo. Balak ko pa sanang ireto ang anak kong si louise. Basted na pala siya agad dahil my nobyo kana. Sayang naman." aniya pagkatapos ay bumuntong hininga na akala mo ay sobrang lala na ng problema na. Natawa naman ako sa kanya dahil doon.

"Si tita talaga mapagbiro. Hayaan mo at hahanapan ko ng nobya ang anak nyong iyon." pagkasabi ko niyon, umingos siya.

 Halata sa mukha ni tita Imelda ang pagtutol sa suwestyon ko. Hindi ko mapigilang matawa dahil nagmumukhang cute si tita. At ang tanong paano ko nga ba hahanapan ng nobya ang anak niya kung hindi ko nga nakikita ni picture nun? At bakit ko nga ba pinoproblema ang paghahanap ng nobya para sa anak niya? Sigurado namang maraming babae yun. At panu ko naman nasabing marami? Hay ewan!! Nakakaloka naman to.

"Ayoko hija! Gusto talaga kita para sa anak ko. Kung sana matagal na tayong magkakilala e. Naireto na sana kita noon pa kung noon pa tayo magkakilala. Tatawagin na sana kitang anak ngayon." natatawa niyang pagkakasabi na muntik ko nang ikasamid ng laway.

Jusko naman itong si tita Imelda. Umaabot na ata sa pag-aasawa ang iniisip nito. Balak pa akong gawing manugang. Nauna pa saaking mag-imagine na kasal na ako at may asawa. Kahit nga si Simon ay sinasabihan ko munang wag madaliin sa ganyang bagay tapos itong si tita sobrang advance na. 

I miss Simon already. bigla nalang sumaglit sa isip ko iyon. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Tita naman! Nakaka gulat naman po yang sinabi ninyo sakin. " 

Natawa siya. "Naku hija sorry!" she hand me a tissue, na ikinatakhan ko naman. Baka echus lang ni tita ang pagbigay sakin ng tissue. "But you know hija. What i said a while ago? I mean it. Kung sana matagal na kitang nakilala noon pa, irereto talaga kita sa anak kong iyon. Bukod sa masipag sa trabaho ang anak kung si louise, gwapo din siya." aniya na halatang itinutulak ang anak saakin. 

"Masipag at gwapo din po ang nobyo ko tita."

"Naku mas gwapo ang anak ko. Gwapong piloto!" mapag malaking saad niya na ikinataas nang kilay ko. 

Tumikhim ako. "Mas gwapong piloto rin po ang nobyo ko." hindi naman ako magpapatalo. Siya naman ngayon ang nakataas ang kilay.

"Matangkad ang anak ko hija."

"Matangkad rin po ang nobyo ko tita."

"Mahaba..." aniya. "Ang biyas" gatong niya sa sinabi. Hindi ko mapigilang mapahalakhak dahil doon. Anu ba naman tong si tita. Nagiging green yung utak ko.

"Mahaba rin po ang biyas ng nobyo ko." natatawa kong sagot sa kanya.

"Matigas at maalaki..." aniya ulit "...ang katawan nun. Matcho hija, sobrang matcho!" kagat ko na ang ibabang labi ko dahil sa sobrang pagpipigil. Hindi ko lang mapigilan dahil iba na ang tumatakbo sa utak ko ngayon. Grabehan na talaga to.

"Matigas at malaki-" napapiyok pa ako ng banggitin ko ang salitang iyon "...din ang katawan ng nobyo ko tita at matcho din." hindi parin ako nagpapatalo. dahil lahat naman ng mga iyon ay totoo. Kabisado ko ang parte ng katawan ni Simonb kahit nga ang ibabang--uhm! Wag na dun sa parteng yun. Dahil XXL naman siya. Ay jusko po! Kapag talaga si Simon, nagiging mahalay ako!! Ayoko na!

"Mapagmahal ang anak ko hija."

"Mapagmahal rin po ang nobyo ko tita." natatawa na ako sa sagutan naming dalawa dahil hindi talaga nagpapatalo si tita.

"Sweet at caring ang anak ko hija. Siguradong MAGUGUSTUHAN  mo siya." pagdidiin niya sa sinabi.

"sweet at caring din po ang nobyo ko. Kaya ko siya nagustuhan."

Tita Imelda crossed her arms habang naka taas parin ang isang kilay. "It seems like you really love your boyfriend hija, that you never give up on arguing with me. That's nice. Pero hindi parin ako titigil dahil gusto kita para sa anak ko. If ever na maghiwalay kayo ng nobyo mo. Call me at irereto kita sa anak kong si Louise." aniya na seryosong nakatingin sa mga mata ko.

Sunod-sunod naman ang paglunok ko dahil sa sinabi niya. Nagsitaasan ata ang balahibo ko sa kamay. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot o ano. At grabe naman si tita. Advance talaga mag-isip, nasa hiwalayan na. Huwag naman sana.

"Tita naman!" tipid ko siyang nginitian. Lihim na tinatago ang panginginig. Napressure ata ako sa sagutan namin ngayon ngayon lang.

-------

Matapos ang usapan namin ni tita Imelda kanina. Napag desisyonan din namin sa wakas na umalis na sa restaurant. Dahil napasarap ang kwentuhan at walang sawang argumento tungkol sa anak niya at nobyo ko, late na tuloy ako sa pupuntahan ko.

'Re, where are you? Kanina pa kaya kami naghihintay sayo bakla!' napalayo naman ako sa hawak kong cellphone ng pasigaw na sabihin iyon ni Argen. Akala niya siguro hindi nakakabingi ang boses niya. Napairap nalang ako sa hangin.

Tulak ko ang cart papuntang casher dahil magbabayad ako ng mga pinamili kong grocery at kung anu-ano pa na magagamit sa condo ko. Bumili rin ako ng mga stocks na pwedeng ilagay sa ref ni Simon. Noong huling bisita ko kasi sa kanyang condo medyo konti nalang ang mga stocks niya kaya. Binilhan ko nalang din siya para kapag dumating siya doon hindi na siya mag-abala pang bumili dahil meron na. I just wanted to be a good girl friend to him and also caring dahil ganun siya saakin. 

'Re! Nakikinig kabang bakla ka? Kanina pa ako nagsasalita dito, hindi ka nakikinig. Patay kana ba?'

'e kung ikaw ang unahin kong patayin matutuwa ka bakla? Tsaka anu ba ang minamadali mo? ito na nga oh! Nasa pila na para makapagbayad ng mga pinamili. Atat to!'  ani ko sa kanya. 

Matapos makuha ng nauna saakin ang mga pinamili niya, ako ang sumunod. Nginitian pa ako ng cashier habang nilalagay ko ang mga pinamili sa counter. Dahil nahihirapan akong isang kamay lang ang naglalagay ng mga pinamili sa counter habang ang isang kamay ay nakahawak sa cellphone. Naisipan kong iipit sa pagitan ng tenga at baikat ko ang cellphone. 

'Joke lang bakla! Ito naman hindi na mabiro. Pero bilisan mo ha?' i rolled my eyes once again dahil kay Argen.

'3,867.00 pesos po ma'am' sabi saakin ng cashier, tumango naman ako habang kumukuha ng pera sa wallet. I hand her a four thousand pesos. 'I received 4,000 ma'am.' aniya.

Dahil nagsasalita si Argen sa kabilang linya, hindi ko tuloy mabigyang pansin ang babaeng nasa counter.

'Paalis kana jan bakla? Bilisan mo naman bakla, kanina pa kaya kami nilalamok dito.'..'Sus! Ang arte mo argen! Ilang minuto palang tayong naghihintay huwag ka ngang OA.' sabad naman ni Rein. Napapailing nalang ako.

'Ma'am okay na po pinamili ninyo.'  sabi ni kuyang naglalagay ng mga pinamili ko sa plastic bag. mga tatlong malalaking plastic ata iyon. Hindi ko alam kung paano dadalhin. 'Ay ma'am tulungan nalang po kita. Saan ko po ba ilalagay to?' tanong ni kuya na siyang nagpresentang magbuhat niyon. Nakita siguro niyang nag-aalangan ako kanina kaya nagpresenta siya. Ako naman tinuro ang labas kung saan ang kotse ko naka parada.

'Dito mo nalang po ilagay kuya.' tinuuro ko sa kanya ang naka bukas na back seat. 'Maraming salamat po' magalang kong sabi.

Tumango naman siya 'Walang anu man po, Ma'am. Ingat po sa byahe.' aniya. Ngumiti na lamang ako at sinarado ang back seat saka binuksan ang front seat ng kotse saka umalis.

Nasundo ko silang dalawa lagpas ala'sais, dahil sumabas pa sa pagmamadali ko ang traffic. Panay nga ang reklamo ni argen dahil daw kanina pa sila doon. As if naman hindi ko alam na kanina pa sila doon. Hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin ay bukambibig niya parin iyong sinabi niya kanina. Halos kagat-kagat na raw kasi siya ng mga lamok. Napapairap nalang ako dahil sa sobrang oa niya. 

"Sana kinagat mo rin ang mga lamok argen para kwits kayo no? Dami mong reklamo!" sarkastikong saad ni Rein ng makapasok kami sa building na tinutuluyan ni Blessy.

"Tse! Porke naka longsleeve ka at nakapantalon, ginaganyan muna ako? Palibhasa di ka kinakagat!" ani Argen,  panay ang kamot niya sa kamay at paa niyang tadtad ng kagat ng lamok. Si Rein naman parang walang narinig nauna pa saaming maglakad papunta sa elevator.

"Anong floor nga yung sinabi ni Blessy?" lumingon siya saakin.

"20th floor ata. Ay, wait lang hindi ko sigurado. Tawagan ko muna." sabi ko pagkatapos ay kinuha sa bag ang cellphone, in unlocked at dinial ang number ni blessy na sinagot naman niya agad. "Hello, Blessy? Nandito na kami sa loob ng building, anong floor nga ulit yung condo mo?"

"21th floor. But I'm here on the rooftop. Just wait for me there . Bye!" siya na mismo ang nag end ng call matapos sabihin iyon.

Sinabi ko naman kay rein kung anong floor. Nang makarating kami roon, tama naman ang pagbukas ng kabilang elevator at iniluwa nun si Blessy na naka bikini lang. Nagsitaasan ang mga kilay namin nang tignan siya.

"I'm just chillin' for a minute while waiting for you guys. I'm not sorry because you see me wearing bikini. You know, I'm proud of my body. Anyway, come in!"  anyaya niya ng pagbuksan kami ng pinto ng condo niya.

"Taas ng confident ni bakla! Pak na pak!" ani Argen na pumapalakpak pa sa ere ang kamay. Plastik talaga ng kaibigan namin. Ang sarap batuhin ng bagong babasagin e.

"Of course!" Blessy rolled her eyes when she said that. Tumalikod siya saamin para pumunta sa mini kitchen niya at binuksan ang ref doon. "What do you want to guys?" aniya