webnovel

MALTA FORMOSA SERIES 1: To Fall (Tagalog Novel)

She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, until the day Ran Emannuel Maldecir decide to break up with Simon Louise Tabone. For what reason did they break up? It's you to find out.

mefitaku21_ · Urban
Not enough ratings
42 Chs

Chapter 24

I WOKE UP WITHOUT Simon the other day. He already left me for his work but I understand.

Like before, he left some sticky notes with his sweet words. Of course sino bang hindi kikiligin?  Umagang umaga mga habilin niya ang mababasa mo.

Tumawag naman siya pagkadating ko sa condo ko. Tinanong ako kung nakakain naba ako o hindi pa. Kung nakaligo naba o hindi pa at kung nakaalis naba o hindi pa.

Humingi rin siya ng sorry dahil iniwan niya ako sa condo niya na natutulog pa. He doesn't want to disturb me to bid his goodbye because I'm tired last night. I understand naman dahil pagod talaga ako.

There was an urgent so he need to go as early as he can. Naawa nga ako dahil sinabi niyang kulang daw ang tulog niya kagabi. Pinapabalik siya sa Malta dahil wala iyong isang piloto na dapat naka assign for today. Tama namang pabalik siya ngayon kaya kinausap siya kung pwedeng agahan niya ang pagbalik sa Malta.

So ayon,  wala siyang nagawa dahil inaasahan siya. Ganun naman kapag piloto. Kapag sinabing trabaho,  trabaho talaga. Kapag kailangan ka,  kailangan ka talaga. Pero nakakabilib nga ang trabaho niya. Gusto ko siyang makitang nakasuot ng uniform nila tapos makikita ko siya sa loob ng eroplano. Tss. Lalo ata akong magkakagusto sa kanya.  Kung gaano siya ka kisig sa simpleng t-shirt at maong pants,  baka mas kakisig-kisig siyang tignan sa suot niyang uniform at nasa loob ng eroplano.

Panigurado rin na maraming nagkakagusto sa kanya roon. Hay!  Kung sana naging flight attendant din ako baka sakaling magkita pa kami lagi doon. Kaso hindi ako kagandahan. Hindi rin naman ako papasa siguro maging flight attendant. Mas bagay saakin ang maging writer. Tama! Magandang writer! Joke!

Nang makarating ako sa company. Sinalubong agad ako ng dalawa na nakangiti. Ibang ngiti iyon, para bang may meaning. Pati narin ang tinginan nilang dalawa. Napakunot naman ang noo ko at tinanong ang sarili kung ano na naman ang tumatakbo sa isip nila.

Hindi paman ako nakakalapit sa cubicle ko, nakaharang na sila sa daan.

"Problema nyo?" tanong ko habang hinawi silang dalawa at sa mismong gitna nila ako dumaan.

Tumikhim naman si Argen at alam kong nakasunod sila sa likod ko.

"Wala naman bakla. May narinig lang naman kami kagabi." nagtataka naman akong humarap sa kanila.

"Anong narinig?" inosente kong tanong dahil hindi ko naman talaga alam ang pinagsasabi ni Argen.

Ano na naman kaya iyon?  Kagabi alam kong nag-usap kami pero pagkatapos nun ibinaba ko ang cellphone dahil lumabas ako kumuha ako ng tubig at bumalik din.

"Hindi mo alam bakla? Really? Malakas kaya,  diba Rein?" ani Argen at tumingin kay Rein. Napasunod naman ang tingin ko.

"Hm. Malakas....na..." pabitin na sabi ni Rein. Napaawang naman ang labi ko sa kakahintay na dugtungan niya ang sasabihin.

Wala talaga akong alam sa sinasabi nila. Ano ba iyon?  Ang aga-aga nag-uusap na naman kami ng kung anu-ano.

"Ay, grabe inosente talaga si bakla  Rein no?  Hindi niya alam kung ano yung malakas na narinig natin. Grabe no?" mapanuyang saad ni Argen.

"Diretsohin nyo kasi ako dahil hindi ko kayo maintindihan. Ano ba ang pinagsasabi nyo?" naiinis ko ng sabi dahil ang dami pang etseburetse na nalalaman.

"O sige na!  Sasabihin na namin. Narinig lang naman namin ang pinag-uusapan nyong dalawa ni Simon kagabi." an evil smile flashed in their face with taas kilay at naka cross arms.

I stilled because of what they said. Malakas na kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam ang gagawin. Hanggang saan ang narinig nila? Narinig ba nila ang ingay ko?  Shit!  Nakakahiya.

Napayuko ako at pinikit ang mata sa sobrang hiya. Panigurado din na pulang-pula na ang mukha at leeg ko nito. Kagat labi akong umangat ng tingin sa dalawa. Natatakot ako sa maaaring sabihin nila dahil,  gosh!  Katangahan ko ang pinairal ko kagabi.

Paanong narinig nila ang pag-uusap namin ni Simon e,  ang alam ko inilagay ko iyon sa side table tapos naka plug-in pa ang headset doon tapos....hindi ko....shit!  Tanga ako, sobrang tanga....nakalimutan ko palang i-off ang data.

"Anu bakla?  Naalala muna?  Haha tsk. Pero wag kang mag-alala dahil hanggang 'eyes on me baby' lang naman ang narinig namin. Tss. Hindi naman kami umabot doon sa halikan at chuchakan nyo!" ani  Argen.

Sobrang hiya at hindi ako makatingin sa kanila. Hiyang hiya ako grabe. Lamunin na ako ng lupa please!  Nakakahiya talaga. Narinig ba talaga nila? Napapadyak akong tumalikod takip ang mukha na naglakad papunta sa cubicle ko.

Walang oras na hindi ko minura ng todo ang sarili. Nakakahiya talaga. Narinig ko pa ang pagtawa nilang dalawa sa likod ko. Sinundan pala nila ako. Grabe na'to,  grabe talaga!

"Haha.  Bakla joke lang! Wala kaming narinig. Promise! Imbento lang ni Argen yun! Oy!" ani Rein na kinakalabit ako. Ako naman ayaw tumingin dahil nahihiya talaga ako.

Paano nilang nasabing joke yun?  E,  halos ikalubog ko na iyon dahil totoo. Hays!

"Wag mong sabihin bakla na totoo talaga yun?!" hindi ko alam kong patanong niya bang sinabi iyon o ano. Ang alam ko lang ngayon nahihiya ako at gusto kong lunurin ako ng lupa. "Gaga bakla. Nag-imbento lang ako no. Ng mag-usap kami ni Rein kagabi, nawala ka sa connection namin. Nung nagtry ulit kami magvideo call hindi kana kasali. Kaya anong tinatakip takip ng mukha mo jan?  Wag mong sabihin totoo ang sinabi ko?"

Para naman akong nainis dahil sa sinabi niya. Kahit sabihing nag-imbento siya. Grabe naman iyon?  Sumakto talaga sa sinabi ni Simon?  Parang hindi kapani-paniwala e.

Napaangat ako ng tingin sa kanilang dalawa. "B-bumalik na nga kayo sa cubicle nyo! K-kung anu-ano pinagsasabi niyo e. Shoo!" pag-iiba ko. Tinulak ko sila gamit lamang ang kamay at hindi na inabala pang tumayo.

"Sus. Iibahin pa ang topic. Totoo no? Totoo?"

"Ewan ko sayo Argen. Doon na nga kayo. Shoo!"

"Bakla totoo?-"

"Shoo! Alis na alis!"

Nakahinga ako ng malalim at napahawak sa dibdib ko. Grabe ang kaba ko doon akala ko talaga narinig nila. Grabe talaga!  Mag-iingat na ako sa susunod. Nakakahiya iyon. Sisiguraduhin kong makapatay ang cellphone ko. Baka ipahamak pa namin iyon ni Simon. Ang tanga ko ba naman kasi.

---------------

OUR DAYS AND WEEKS have been casual. Umuuwi si Simon kapag sabado hanggang linggo tapos babalik na naman sa Malta kinaumagahan. At syempre hindi ko naaabutan iyon dahil tulog ako kapag aalis siya.

Kapag uuwi siya, lagi akong nasa condo niya na halos ganun ang routine namin. And as usual wala namang araw na walang nangyayari sa amin. I took pills so that I won't get pregnant, he's the one who bought it for me. For protection kung baga.

Napag-usapan kasi namin na huwag  munang madaliin ang bagay na iyon. We want to enjoy things between us. As boyfriend and girlfriend thing, ganun. Minsan napag-uusapan naman namin ang salitang 'kasal at anak' pero kasi gusto pa naming maenjoy ang anumang meron kami na hindi pa natatali sa isa't isa. At iyon din naman ang gusto niya.

'If you get pregnant papanagutan kita baby. But for now,  let's enjoy things between us.' lubos na masaya ang puso ko sa bawat salitang binibitawan niya.

Animo'y walang biro at pag-aalinlangan. Ang swerte ko pala na nakilala ko siya. Paano kaya kung hindi kami nagkakilala nito?  Sino kaya ang lalaking para saakin?  Pero mabuti nalang at siya ang itinadhana para saakin.

'Hm. Same with me Simon. Hindi naman ako nagmamadali sa bagay na iyan. And I'm careful, I took pills every night.' saang-ayon ko naman.

Wala namang kapantay ang pagiging seryoso niya sa oras na ito. Aakalain talagang nasa meeting kaming dalawa. 'That's a good baby. Take care of yourself because I'm away. I can only check you through video calls. I might get busy too these coming weeks because it's ber-months.' may paghihiniyang man ang boses niya,  pilit naman niyang ipinapaintindi saakin ang sitwasyon at naiintindihan ko naman din siya.

Tinanguan ko siya. 'Yeah,  so that means we won't talk that much?'

May bahid man ng lungkot dahil sa sinabi niya. Pilit kong isinisiksik sa kukote ko na dapat ko siyang unawain dahil ganun talaga ang tra aho niya. Minsan lang sila makapiling at makausap. Hindi ko naman siya masisisi dahil gusto niya ang trabahong iyon. Wala akong karapatan na magreklamo dahil una palang gusto na niya iyon bago pa kami magkakilala.

Kung ako din naman ang nasa kalagayan ni Simon. Baka ganun din ang mangyayari. I won't take risks just to give a call every day. Baka nga hindi ko pa kayanin iyon dahil sa bawat minuto lilipad ang eroplano sa kung saan at ako ang taga maneho. That work is tiring but for him, it's a dream, a thing that gives joy to his heart. I'm here as a supporting girlfriend who he needs.

'Hm. Yes, but don't worry I'll try to communicate with you. I hope you don't get bored when I'm busy.'

'Its okay. Naiintindihan ko naman Simon. Just try to video call sometimes if you're not busy. Wag ka lang sobrang busy ha? Baka talaga hindi mo na ako tawagan niyan? Magtatampo talaga ako.' biro ko sa kanya. Na ikinatawa naman niya. I don't know kung tinake niya ba iyon as a joke, dahil para saakin. Magtatampo talaga ako. Ibang usapan na kasi kung walang tawag diba? 

Napakamot siya ng sentido niya. 'Tss. Why would I do that to you? Come on!  I can't even wait for a minute without you talking to me. Ang hindi ka pa kaya tawagan?  Of course, I'll call you. I even missed you right now baby. I love you." malambing niyang sabi. Na ikinakilig naman ng puso ko. Nagawa ko pang kurutin ang hita ko. Kakaiba din to bumanat e. Sarap balatan!

"Tss. Siguraduhin mo lang kundi...lagot ka talaga saakin... ' pagbabanta ko. Nakasalubong pa ang dalawa kong kilay habang nakatingin sa screen ng cellphone. Mas lalo pa siyang natawa na halos hindi na mahawakan ng maayos ang cellphone niya. Malikot siya sa kabilang linya kaya magulo ang nakikita ko.

Inilagay niya ang isang kamay sa gilid ng noo at kunwari ay naka salute sa akin. 'Tss. Yes po Ma'am! Your 'Captain' will never forget to call you. Promise!' mayabang pa siyang nakatingin. Tinaasan ko lang siya ng isang kilay. Maldita mode kung baga.

'Hm. Wag puru promise. Gawin mo.' ani ko.

'Tsk. Okay baby.... So where is my 'i love you too'.... Ako ata ang magtatampo nito e?' malungkot na ang expression ng mukha nito at naka nguso pang nakaharap ng screen.

Pilit ko namang itinatago ang ngiti na pilit kumakawala sa aking labi. Bakit ang gwapo pa rin niya kahit malungkot?  Saang parte ba ang pangit sa kanya? Feeling ko kasi wala e. Sarap talaga niyang balatan!

'Aw. Haha okay po Captain.  I love you too!' malambing kong pagkakasabi. Mula iyon sa puso ko at sinsero kong sinabi iyon sa kanya. Walang halong biro.

'Pardon?  What did you say?' isang bulto ng ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Nang aasar na naman siya ngayon. Matapos kong sabihin iyon ng punong-puno ng magmamahal, aasarin lang ako? Tsk.

'Ayan ka na naman kunwari hindi mo narinig. E ang lakas ng pagkakasabi ko e! ' nahihimigan ang pagkainis sa sinabi ko.

'Just...say it again baby... The way you said that to me?  It is like a piece of music into my ears.' makulit talaga apog nito.

'So kilig ka na niyan? I love you ulit! I love you ulit! I love you too! I love you din!  Mahal din kita! Mahal na mahal! Hahaha! " pag-uulit ko sa sinabi. Pero hindi niya ata nagustuhan ang huling ginawa ko.

"Okay na sana e. Bigla ka namang tumawa. Baby...say it once again.' napairap nalang ako sa hangin dahil demanding niya masyado.

Ilang i love you's pa kaya ang sasabihin ko para matandaan at maitatak niya sa utak niya. Kailangan din ata ng microphone dito e.

Hindi ko matiis na hindi magreklamo dahil naaabuso na ang pagsasabi ko niyon. Abusado si boyfriend!

'Anu bayan!  Demanding naman ng boyfriend ko! I love you too!  Okay na?'

'Can't accept your I love you too. You sound like na napililitan!'

Natawa ako ng malakas dahil sa sinabi niya. Iyon bang halos gumulong na ako sa kama ko kakatawa at nakahawak pa sa tiyan ko.  Mamilipit ako sa sakit at hindi na makahinga ng maayos. Mangiyak-ngiyak din ako ng oras na iyon dahil sa sinabi niya.  Grabe!  Hindi lang 'pinakuluang itlog' ang alam niya may 'napililitan' din. May sariling dictionary ata to e.

'What?! Haha... Napililitan?  Simon. Napipilitan iyon. Saan mo narinig ang salitang iyon?' tanong ko sa kanya habang nagpupunas ng nangingilid na luha dahil sa kakatawa. Pilit ko rin pinipigilan na huwag ulit matawa.

Nakasalubong na kasi ang kanyang mga kilay at mukhang hindi natuwa sa ginawa kong pagtawa kanina. Galit na siya sa lagay na iyan. Haha.

Suplado niya ako sininghalan through the screen. He just tsked. Without saying anything.

Umayos ako ng pagkakahiga. 'Say it again Simon.  Na-pi-pi-li-tan...! Napipilitan. Come on baby...say it! " pagtatama ko. Hinintay ko naman na sundin niya kung paano ang pagkakabigkas ko. Ngunit nanatili siyang nakatitig lang saakin. Nagalit ba siya?

"You're making fun of me baby. You know that I'm bulol sometimes.' my heart is melting. Ahh...hindi niya dinideny iyon?  Kung sa iba pa iyon,  dami na agad palusot. Pero ito....itong boyfriend ko? Hay naku!  Mas lalo na naman akong nahuhulog sa kanya.

'Pff. Haha okay.. Okay...  Sorry, I'm just trying to correct your words kasi mali. Masama ba iyon?'

'.....'

'So nagtatampo kana niyan? Sorry na po. '

'Tss. You hurt my feelings.' ginapangan naman ako ng guilt dahil sa sinabi niya. Napakagat naman ako ng daliri,  iyon bang iisipin mong nakagawa ako ng malaking kasalanan at ipina pulis ako.

'Sorry na nga e. Wag ka nang magtampo Simon.'

mula sa screen.

'Tss.' suplado niya akong tinignan

'Simon?....baby?.... I love you. I love you... I love you more! I love you forever!'

Isang bulto ng ngiti ang kumawala sa kanyang labi. Umaliwalas naman ang kanyang mukha. Kung kanina mukhang nakasimangot na parang galit na parang ewan. Ngayon naman,  tuwang-tuwa sa narinig. Kailangan lang palang aluhin ng mokong.

-------------

ANG BILIS NG ARAW at panibagong buwan na naman ang dadaan. Mabibilang na rin sa daliri ang buwan ng kapaskuhan. It's September first, the month were in dagsaan ang mga tao sa paparito at paparoon kung saan-saan.

Ganun din ang trabaho ni Simon. Actually, naging busy na siya august palang kaya sunod-sunod na. We tried to communicate with each other. Yung usual routine naman na ginagawa namin ay mag-uusap tuwing gabi. Minsan umaga, dinedepende namin sa oras at lugar kung saan siya.

Natutuwa nga ako kapag kausap ko siya dahil hindi nawawala ang pagsesend niya ng lugar kung saan sila naruruon and i fell like nandun din ako. Nakakainggit nga e, dahil kadalasang napupuntahan nila ay Europe country and Middle East.  Minsan naman nadaan ng Asia pero hindi tumatagal at bumabalik din sa Malta.

May sabado at linggo rin na hindi siya nakakauwi. But he tried to tell his reasons, na why he can't go home. At ako naman na understanding na girlfriend kahit puno na ako ng inis minsan. Iniintindi ko nalang kasi ganun talaga. Mahal mo e,  you need to sacrifice things.

Things like your time and your meetings. Because not all the time his attention will be focus to you. That you are his only priority. We need to have understanding and patience. Dahil kung wala iyon baka kung saan na mapunta ang relasyon. At iyon ang iniingatan naming dalawa. Kapag nagkakaintindihan kasi ang dalawang tao. Madali nalang sa kanilang solusyonan ang problema. At nadadala sa mabuting usapan.

Hindi rin nawawala ang away,  but after the fight nagkakabati kami. Mga konting tampuhan, ganun. Hindi niya matiis na may problema kami sa isa't isa. Same with me,  i lower my pride, ganun din siya. Wala dapat nagmamataasan dahil kung ganun ang ipapakita sa ka partner mo,  anu nalang ang kahihinatnan ng relasyon nyo?  Malamig na parang yelo?  Wala na ang init na parang kumukulong tubig? 

Palabas na ako ng condo ko ng tumunog ang cellphone na hinahawakan ko. Madali ko naman iyong sinagot without noticing who's the caller.

'Girl! I'm home na! Let's meet later. Dinner tayo sama mo sila Argen and Rein. You know, I want to meet them personally.'

'So you mean you're in your home town? Sa Naga? '

'Duh!  No,  of course not. I'm here at my condo for the mean time. Kuya has not yet in the Philippines. Nauna lang ako umuwi. Hihintayin ko pa siya dito. Baka dalawang araw akong maghihintay dito sa condo.'

'Okay....anong oras ba tayo magkikita mamaya?  Mamimili muna ako ng grocery kasi paubos na ang stock ko dito. Saan nga pala ang condo mo?  Kami nalang ang pupunta sayo.'

'Oh. Right! It's near BGC lang naman. I'll text you the exact address and my unit number. Dito nalang din tayo mag dinner. I'll take a nap after this. My jetlag pa ako. Haha!'

'Mabuti pa nga. Magpahinga ka muna. Kami narin magdadala ng pagkain.'

'No Ran. Nakapag order na ako pagkarating ko e. Your presence is enough. That's what I need. Haha. Let's talk later. See you!'

Napabuntong hininga nalang ako matapos ang tawag na iyon mula kay blessica. Tom's sister. Ito yung sinabi niya before kaming umuwi ng pinas ni Laz. Na uuwi daw sila and it happens right now.

Bakas din kanina sa boses niya na excited siya for our dinner. Naging close rin silang tatlo ni Argen at Rein. Hindi naman din kasi siya mahirap pakisamahan kahit na minsan may attitude. Pero ganun din naman iyong dalawang baliw kong kaibigan. Tatlo na nga sila kung tutuusin.

Sayang at wala si Lilou at Trishia. Panigurado sobrang saya kapag kasama din sila.

Pumasok ako sa elevator ng mag-isa mabuti nalang at ako lang. Minsan kasi siksikan pa akala mo naman mahuhuli sa pag akyat. Pero mabuti nalang talaga ngayon at walang tao.

Nang tumunog hudyat para magbukas ang elevator,  may dumaang ginang. Lumagpas ito sa elevator na sinakyan ko. Dalawa kasi e,  nasa kabila siya sumakay.

Sa sobrang pagmamadali niya. Nahulog ang wallet niya. Hindi niya napansin kaya pinulot ko. Mabuti nalang din ako ang nakakita baka kung sa iba iyon. Wala na,  tinangay na.

"Excuse me!" pasigaw kong pagkakatawag. Halos takbuhin ko na rin ang distansya naming dalawa ng ginang.

Kawawa naman kung ibang tao pa ang makapulot ng wallet niya. Maumbok pa naman iyon,  siguro maraming pera at maraming laman.

Minsan kasi kapag ganito, bihira lang ang nakakapagbalik ng nawawalang gamit sa may ari. Tuso ang tao kaya dapat laging mag-ingat.

"Excuse me! Ma'am! Wait lang po. Iyong wallet nyo!" nahihingala akong inabot sa kanya ang wallet niya.

Nakayuko ako at nakatukod ang isang kamay sa tuhod. Hinahabol ang hininga. Nagawa ko pang mag enhale and exhale. Pero nanatili ang isang kamay kong nakataas at nakahawak sa wallet. Dahil na ngalay na ang kamay ko at wala parin akong naramdaman na kinuha niya. Napalingon ako.

At sa paglingon ko. Bigla nalang akong napaayos ng tayo. Kumalabog ang puso. Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang naramdaman iyon.

Hindi ko rin alam kong tama ba iyong inisip ko kaninang isa siyang ginang dahil,  kahit matanda na siya. Her beauty was really something. Parang hindi tumanda ang mukha niya maliban nalang sa kulay ash brown with white colour na buhok.

Napalunok ako. Daig pa ata ako nito na walang kupas ang ganda kahit may edad na. And if i'm not mistaken,  she is in her 50's?  But still beautiful, may lahi rin ata ito. Matangos ang ilong na, malalim ang mata at maputi. Mapostora ang dating,  mukhang sobrang yaman din.

"E-excuse me ma'am but y-you dropped your wallet. I was running so that i-"

"Oh! Thank you....what's your name hija?" tinanggap naman nito ang wallet na kanina pa hawak ng kamay ko. Ngali-ngali kong ibinaba ang kamay dahil nangalay ito. Pinisil ko pa iyon at minasahe.

Nakita ko namang hindi niya ito tinignan man lang at nilagay na sa kanyang bag. Napangiwi naman ako dahil,  kung ako ang nasa kalagayan ng ginang na nasa harap ko. Titignan ko talaga iyon. Malay mo kasi binawasan na diba?  Mahirap magtiwala sa hindi mo kakilala.

"Ran ma'am. My name is Ran Emannuel. You're welcome by the way." ani ko pagkatapos magpakilala. Lihim kong inilagay ang dalawang kamay sa likod ko.

"Thank you again Ran. What can I do?  In exchange for your kindness? " ani ginang habang emosyonal na tumingin saakin. Animo'y nakakita ng anghel  na bumaba sa langit. Pero joke lang!

Iminuwestra ko naman ang dalawang kamay sa harap niya at umiling. "N-naku- I mean! Your thank you is enough ma'am. Just make sure that your things, like your wallet is in a safe place. Sometimes people won't give it back to you if they think that there is something in it. So be careful next time."pag-aadvice ko. Tutok naman siya sa aking mukha para bang iniintindi ang sinasabi ko at itinatatak sa isipan niya.

I just want to leave her peace of advice to be more careful next time.

Pinagsalikop niya ang dalawa kong kamay gamit ng dalawa niya ring kamay.

"Oh...sorry for being careless of my things. I didn't know that I dropped it. Thanks to you hija. That means a lot to me. Don't worry I'll take that as a lesson and advice. Can I treat you lunch?" ani niya.

Nag-aalangan naman ang ngiti sa aking labi. I know now what to say. Hindi ko naman gusto magrefuse sa pakiusap ng ginang. Nahihiya lang ako. Ang thank you niya ay okay na saakin. Sobra naman iyon kung iti-treat pa ako ng lunch. Nakakahiya.

"Naku- I mean. Umm-"

Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita ng hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Na ikinangiwi ng labi ko. Hindi masakit, hindi talaga.

"Please?  My gratitude for your kindness. Bihira lang ang ganitong tao na magbabalik ng gamit. I also want to talk to you. I think you're a good companion." aniya.

Nanlalaki naman ang mata ko,  hindi dahil sa narinig kong mabait ako at masarap akong kasama kundi sa pagtatagalog niya. Marunong naman pala siyang mag tagalog. 'ang ginang na ito talaga!'

Hindi lang kay Simon ako naloko pati din dito. Pinapaenglish ako ng wala sa oras. Hindi ko rin alam kung tama ba ang mga sinabi ko kanina. Ah!  Bahala na nga!

"N-nag tatagalog po-"

"Yes! of course, hija. So can I treat you a lunch?" she persistently said. 

"O sige po. Walang problema."  tugon ko naman sa ginang dahil sa gusto nyang mangyari. Ano pa nga ba ang magagawa ko?  Nakakahiya namang ayawan. Pero nakakahiya rin sumama. Pero. Pero... Pero bahala na.....