webnovel

Magicus Academy: The Legend of the Elemental Gangster

She is powerful. She is no ordinary. And most of all, she is a gangster. Meet Keira Bria Cantrell, isang babaeng palaban at walang inuurungan. Simula bata palang siya ay alam na niyang may kakaiba sa pagkatao niya pero nagbago ang kanyang buhay magmula nang makarating siya sa Omegus World, ang mundo kung saan naninirahan ang mga hindi ordinaryong tao katulad niya. [PG-13] Parents Strongly Cautioned Started: September 15, 2020 Finished: --.--.---- Copyright xpyelec's Magicus Academy: The Legend of the Elemental Gangster All Rights Reserved, 2020

xpyelec · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
6 Chs

PROLOGUE

Maganda, dyosa, mayaman, mataray, isnabera, maldita, malakas, hindi ordinaryong babae, walang kinakatakutan, kilala ng lahat at higit sa lahat isang gangster.

Oo, tama kayo ng basa sa description tungkol sakin. Hindi lang ako basta gangster dahil ako ay anak ng Mafia Leader. Oo, galing ako sa pamilya ng Mafia. Marunong ako gumamit ng mga iba't-ibang uri ng armas, marami na rin akong buhay na kinitil kaya marami ang takot sakin. Ang mga magulang ko ay ordinaryong tao lamang at sila lamang ang nakakaalam ng tungkol sa pagkatao ko, tungkol sa kapangyarihan na meron ako. Alam kong hindi sila ang totoo kong mga magulang dahil in-adopt lang nila ako nung sanggol pa lang daw ako. Hindi nila alam kung saan ako nanggaling dahil nakita lang nila ako sa isang gubat nung oras na tumakas sila Mom and Dad sa isang labanan ng Mafia, kwento nila sakin. Pinalaki nila akong parang tunay nilang anak. Hindi alam ng iba na ampon lang ako, ang alam nila ay isa talaga akong Cantrell.

Alam nang lahat kung sino ako lalo na school na pinapasukan ko pero meron pa silang hindi alam tungkol sakin, na ako lamang ang maaaring makaakalam at ang mga kinikilala kong magulang. Meron akong powers na hindi ordinaryo at hindi paniniwalaan ng iba. Hello? Sa panahon ngayon sino pa ba ang maniniwala sa mga magic powers? Sa panahon ngayon ang magic powers ay pawang kathang isip na lamang. Panigurado kung sasabihin ko man, pagtatawanan lang nila ako. Pero ako, naniniwala ako sa magic, dahil isa ako sa meron nito.

And I, Keira Bria Cantrell, the Legend of the Elemental Gangster.