webnovel

CHAPTER 1

Keira's POV

"Oh aalis kana?" narinig kong sabi ni Mom nang nakasalubong ko sya.

"Yeah, I have to go Mom. I'm getting late." sagot ko at tinapunan lang siya ng tingin dahil konting oras na lang male-late na naman ako sa school.

"K. Take care!" Mom. Yeah ganyan yan minsan ka cold si Mom, she's a Mafia Queen. She can kill whoever she wants.

Kasalukuyan akong nag-aaral at fourth year student sa Cantrell International School, an elite school para sa mayayaman at makapangyarihang tao lang, yun maraming connections. Hindi basta basta nakakapasok ang sino man sa school na ito dahil chinecheck muna ang profile mo pati ng business nyo . At oo, pagmamay-ari namin ang school na ito. What do you expect? Mayaman at makapangyarihan kami.

Nang makalabas na ako ng mansion ay sumakay na ako ng auto ko papunta sa school. Hindi naman kalayuan ang CIS sa mansion namin kaya agad rin naman akong nakarating.

Taas noo akong naglakad papasok ng school after kong mai-park ang auto ko. Syempre alangan namang yumuko ako edi sayang ang ganda ko? Tss.

Halos lahat ng nakakasalubong ko ay umiiwas ng tingin o di kaya ay umaalis na lang sila maliban nalang sa ibang mga lalaki na tila napako na naman ang tingin sakin. What do you expect again? Maganda, sexy at dyosa ako in short taong perfect, walang mali. Pero matakot kana kapag tinitigan na kita because I can kill you anytime I wanted.

Kilala o sikat ako sa school na ito hindi dahil kami ang may-ari nito kundi dahil ang group ko ang RANK #1 sa Gangster Category, marami ring gangster groups dito sa school. But no one can beat us.

Pumasok na ako sa room ko kung saan nagkaklase na ang isang teacher. Diretso lang akong naglakad at umupo sa pwesto ko.

"You're late again and again and again Miss Cantrell!" malakas na sigaw ng isang walang kwentang teacher sakin. Pero wala man ni isa ang tumawa o tumingin sakin, aba takot lang nila.

"The hell I care" cold at mataray kong sagot sa kanya at tinaasan ng isang kilay dahil wala naman talaga akong pake.

Hindi naman na sumagot ang teacher dahil alam naman nyang hindi sya mananalo sakin kaya eto ako ngayon ngiting tagumpay.

Kahit paano naman ay nakikinig ako sa mga tinuturo nila yun nga lang talaga may pagka-maldita lang talaga ako minsan.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ang klase.

"Aba Keira, late kana naman! Haha" sabi ni Ella. She's Ella Morgan isa sa mga kaibigan at kagrupo ko sa pagiging gangster. She's good about using katana. She's an assasin. Kaya nyang ilagan at hatiin ang bala ng baril na tatama sa kanya using her katana only.

"Ano pa bang bago, she's always late naman. Duh?!" si MM. She's Maria Mercedes Cassandra Chang, a half chinese, half filipino. She's good about using dagger. Magaling din sya gumawa ng mga bombs.

"Tumahimik na nga lang kayo kung ayaw nyo pang mamatay!" sabat naman ni Stacey Min, half korean, half filipino. She's good about using guns well kahit naman sino saming apat ay magaling gumamit ng baril pero sya, she can shoot you kahit gaano ka man kalayo. She's a reaper, a long range shooter!

"Oh sasagot pa!" sabi ko nang magsasalita pa sana si MM kaya hindi na nya natuloy pa dahil tinaasan ko na sya ng kilay.

"Chill mga Bes, I surrender" natatawang sagot ni MM sabay itinaas ang dalawa nyang kamay na parang sumusuko na. Minsan ang isang ito di mo malaman kung may sayad ba talaga o takas sa mental.

Kahit naman gangster kami ay masaya at nagtatawanan parin naman kami. Para parin kaming ordinaryong tao. Di ko nga alam kung bakit takot na takot sila samin e. Hindi naman kami pumapatay ng mga inosente at walang dahilan.

"Oh sya, tara na sa cafeteria. I'm hungry!" kaya nagsimula na kaming maglakad papuntang cafeteria.

---

Cafeteria

"Oww, look whose here! Hell-o Bitches!" talagang binitin nya pa yung pagkakasabi ng Hello. Eh kung gawin ko kayang living hell ang buhay nya?

She's Layla kasama nya yung mga panget nyang alipores, si Fanny, Miya and Angel. Ewan ko ba kung bakit Angel ang pangalan ng isang yan e isa naman syang devil. Mga nagrereyna reynahan dito sa campus eh mga mukhang namang alipin. By the way, they are the Rank #2 and nagpupumilit silang pabagsakin kami e wala naman silang magawa, palaging talunan. No one can beat us for being the Rank #1.

"Oh! Hi Garbages!" Malakas na bati ko sa kanila kaya napatawa sila Stacey, MM and Ella. Nagtinginan samin ang mga tao sa cafeteria. Agad na nawala ang ngiti sa mga mukha nila, mga talunan talaga. Wala pa nga kaming ginagawa e pero naiinis na agad sila. How pathetic!

"Ugh! Makakaganti rin kami sa inyo. Just wait! Let's go girls!" Bakas sa mga mukha nila ang inis. Mga walang kwenta. Kaya hindi sila manalo nalo samin e.

"Nakita nyo mukha nila. HAHAHA. Sheyms, di ako makamove-on! HAHAHA" malakas na tawa ni Ella.

"Lalo na yung mukha ni Layla! HAHAHA. Myghadd! I hate drugs!" sabat naman ni MM. Kahit naman ako natatawa sa mga kagagahan nila.

"Oh enough na! Anong oorderin nyo, ako na ang pipila" masiglang sabi ni Stacey.

"Red Velvet cake and Mango Frapp" masayang sabi ni Ella.

"Yun nalang din akin, wala kong maisip kainin e" MM, eh kung pakainin kaya kita ng bala? Sounds good.

"Ikaw Keira?" tanong sakin ni Stacey.

"Blueberry Cheese cake and unicorn frapp" sabay naupo sa table.

"Okaaay!" malakas na bigkas ni Stacey tsaka umalis para umorder na.

-----

Nandito kami ngayon sa hideout namin sa school, syempre as being Rank #1 at bilang may-ari ng school na ito may sarili kaming hideout. Kaming apat lang ang pwedeng pumasok dito.

"Talagang ayaw magpatinag ng mga basurang yun, as if namang matatalo nila tayo? Duh!" naiiritang sabi ni MM dahil naghahamon na naman ang grupo nila Layla ng underground battle mamaya.

"Eh kung tuluyan na kaya natin yung mga yun?" sabat naman ni Ella.

"I like that one, sounds good. Para naman matigil na sa kahibangan yang mga yan" Stacey.

"No, alam nyo naman ang rules sa underground battle diba? We can't kill them. Hayaan nyo nalang na madurog ang mga buto nila mamaya" I said habang nakaupo sa couch. Bakit kase hindi nila matanggap na hanggang Rank #2 lang talaga sila? Eh hindi naman nila kayang talunin kami.

Once na nasa underground battle ka, you can't use weapons. Tanging sarili mo lang ang dala mong sandata para makipaglaban. Once you break the rules, tatanggalin ka nila o ang group nyo sa ranking.

"Ano pa nga bang magagawa natin? Kahit kating kati na ang mga kamay kong paslangin sila mamaya pagtitiisan ko" Ella then si rolled her eyes. May mga pagka-bitch din ang mga ito e.

"Mag skip nalang tayo ng class para naman makapag warm up tayo" suggest ni MM.

"Ayy gusto ko yan, nakakatamad pa naman yung dalawang natitirang subject. Like the hell, baka makatulog na naman ako habang nagkaklase" sabi ni Ella. Talagang may action pa nyang sinabi ah. Baliw.

"Edi simulan nyo nang tumakbo ng five laps sa field!" walang gana kong sagot sa kanila.

"What?! Srsly? Ayoko nga! Masisira ang balat ko, init init pa naman sa field!" maarteng sabi ni Ella at niyakap ang sarili nya na parang kinikilabutan sa sinabi ko kaya ayun nagtawanan kaming tatlo. Napaka arte talaga ng isang ito kahit kelan.

Humilata lang kaming apat sa couch at nagpahinga dahil paniguradong mapapasabak ang mga katawan namin mamaya sa laban. Kelangan namin ng maraming energy.

3 hours after...

"GISING!!!" napadilat ako bigla sa malakas na sigaw. Sino ba ang punyetang yun?

"Ano ba naman MM, bat ka ba bigla biglang sumisigaw dyan?!" inis na sabi ni Stacey habang pahikab hikab pa. Kahit naman ako naiinis din sa ginawa nya.

"Ano ba uwian na! Magready na kayo, kita kita nalang tayo mamaya! Bye!" sagot ni MM at sabay na lumabas sila ni Ella ng hideout. Gising narin pala ang isang yun.

"Nagsama ang baliw at takas sa mental" sabi ni Stacey tsaka tumayo sa couch. Tumayo narin ako at niligpit ang gamit ko.

"Una na ko, ikaw na maglock ng pinto dito" sabi ni Stacey tsaka sinakbit ang bag nya sa likod nya.

Mga walang kwentang kaibigan, iniwan ba naman ako.

Nang makasiguradong nakaalis na si Stacey tsaka ko sinilip ang bintana kung may tao ba. Nang nakasigurado akong wala, bigla akong naglabas ng fireball sa mga kamay ko. I told you, I have magic powers. Kung pwede ko lang gamitin ito sa mga laban siguradong abo nalang sila.

Tinanggal ko na yung fireball sa kamay ko at pinalitan ito ng air sword. Simpleng simple ko lang itong nagagawa at walang kahirap hirap. Naalala ko tuloy nung una kong natuklasan itong mga kapangyarihan ko. I was 8 years old that time.

[Flashback]

Nagtatakbo ako sa kwarto ko dahil inis na inis ako. Isinara ko ang pinto ng padabog at nilock ito.

Paano ba naman, tatlo lang ang napatay ko sa loob ng five minutes. Ang sabi kase ni Mommy, I need to kill at least five bago matapos ang five minutes but I only killed three.

"Keira! Open this door! You're so stupid!" sigaw ni Mommy habang kinakalampag ang pinto. She's mad at me.

Yeah, I'm so stupid because I can't kill five in just five minutes.

"No! Just go away Mommy! Huhuhu" galit na sigaw ko hahang hawak hawak ang unan na napahidan na ng dugo galing sa kamay ko. Dugo galing sa pag papractice ko kanina.

Narinig ko nalang na bumukas ang pinto at pumasok sa kwarto ko si Mommy. Ginamit nya siguro ang susi sa labas. Napayukom ang mga kamao ko dahil sa galit.

"Sweetie, I'm sorry for what I've said. I didn't mean it." sabi ni Mommy tapos niyakap ako.

"There's a lot of time pa naman para magawa mo yun. Okay? Stop crying" sabi ni Mommy.

"No! I know you are mad at me! Huhuhu" sagot ko tapos bigla nalang akong may kakaibang naramdaman sa mga palad ko kaya napatingin ako dito. Pagbukas ko ng mga nakayukom kong palad bigla nalang may lumabas na maliit na apoy na bilog. Nagulat ako sa nakita ko, even Mommy was schocked too.

"Ahhh! Mommy! What happened to my hands?!" sigaw ko tsaka pilit na hinahagis yung apoy para matanggal pero ayaw maalis sa kamay ko. Nagtaka ako kung bakit at saan ito nanggaling. Pero hindi man lang ako napapaso.

"I don't know sweetie!" sagot ni Mommy at halata parin sa mga mukha ang pagkagulat. Para syang natataranta kaya tumakbo sya sa pinto at bigla itong isinara.

Bigla nalang akong nanghina kasabay ng pagkawala ng mga apoy ko sa kamay and everything went black.

--

Nagising nalang ako sa kama ko, kaya napatingin ako sa bintana. Madilim na kaya alam kong gabi na.

Tumayo ako sa kama, lalabas na sana ako ng pinto ng maalala ko yung nangyari kanina kaya napatingin ako sa mga palad ko. What's happening to me? Ang daming tanong sa isip ko.

Galit kaya si Mommy sakin? Alam na kaya ni Daddy? Matatakot ba sila sakin? Lalayuan na ba nila ako? Halimaw ba ako? Sa daming tanong sa sarili ko di ko namalayang tumutulo na pala yung luha ko.

Napatingin ulit ako sa kamay ko at bigla na lang may lumabas ulit na apoy. Kasalanan mo ito! Kaya bigla ko nalang naibato at biglang sumabog sa pader ng kwarto ko.

Kinabahan ako sa nagawa ko kaya narinig kong may mga yabag ng paa na papunta sakin.

Bumukas ang pinto "What happened here sweetie?!" nag aalalang tanong sakin ni Daddy. Si Mommy naman ay yinakap ako.

"I don't know Daddy! I'm a monster! Huhuhu" sabi ko habang umiiyak. Tsaka ibinuka ang palad ko at may lumabas na namang apoy. Agad na sinara ni Daddy ang pinto.

"Don't say that sweetie, calm down, you are not a monster okay? It's gift from God. You are special sweetie" sabi ni Daddy kaya napangiti ako at napatigil sa pag-iyak.

"Really Daddy? Mommy?" tanong ko sa kanila. Saka isinara ang kamay ko kasabay ng pagkawala ng mga apoy.

"Yes, sweetie. I have to tell you something. Promise me, don't tell it to anyone. Make it secret. We will protect you, no matter what happen." sabi sakin ni Daddy.

"Okay Mommy and Daddy, I promised. No matter what happen I don't tell it to anyone" sagot ko sabay yakap ulit.

"Fix yourself sweetie, we gonna eat our dinner" sabi ni Mommy tsaka ako pinalitan ng damit. Wala narin yung mga dugo sa unan at kamay ko. Maybe Mom clean me up earlier when I passed out.

[End of Flashback]

After that, si Dad ang nagtrain sakin para ma-controll ko ng ayos ang kapangyarihan ko. Kung paano ko mapapalabas at kung paano ko magpaglalaho. Akala ko apoy lang ang kaya kong ilabas until natuklasan kong kaya ko ring magpalabas ng tubig at gawin itong yelo. Even air pati lupa. Sa kabila ng lahat, tinuring parin nila akong anak at lalong pinoprotektahan. That's why I am thankful to them.

Sometimes naiisip ko, kakaiba ako sa lahat. Di ako ordinaryong tao. Naiisip ko na hindi ako bagay sa mundong ito. Meron kaya akong mga katulad? Yung may mga magic powers din? Hanggang ngayon isa parin itong lihim at sikreto.

Napatingin ulit ako sa air sword na ginawa ko at ikinumpas sa may kurtina. Naputol ang kurtina kaya napangisi ako, wala paring sing talas ng iba.

Pinaglaho ko na ang air sword at kinuha ang gamit ko para lumabas at umuwi. May underground battle pa kami mamaya.

***

Next chapter