"KUYA Jin, sa akin lang ito, ha. Ako lang ang puwedeng maglaro nito," nakangiting sabi ni Daniel sa kanya.
Nilabasan na siya noon at hindi niya akalaing makakayang lunukin agad ni Daniel ang ibinigay niyang katas dito. Nakaupo siya sa kama at nakasandal sa headboard. Pinagmasdan lamang niya ang nakakabatang pinsan na aliw na aliw sa mahigpit na paghawak sa matigas pa rin niyang pagkalalaki. Manaka-naka'y dinidilaan nito ang ulo at isinusubo.
"Ano naman ang gagawin mo kung malaman mong may ibang naglalaro niyan?" seryoso niyang tanong kay Daniel.
Biglang napatingin sa kanya si Daniel. Ang maamo nitong mukha ay naging mabangis na parang leon. Nabasa niya ang matinding poot sa mga mata nito. Para siyang napapaso sa matalas na pagkakatitig ni Daniel sa kanya.
Kinilabutan siya sa naging tugon ng nakakabatang pinsan sa kanyang katanungan. Hindi niya napigilan ang sariling mapahiyaw sa labis na takot.
"Yap... Yap... Yap..."
Nagising si Jin sa mga tawag at yugyog na iyon ni Marian. Humihingal na napayakap siya sa kasintahan. Basang-basa rin siya ng pawis.
"Binabangungot ka, yap," wika ni Marian na hinimas-himas ang kanyang likuran.
Ramdam niya ang parang naghahabulang daga sa kanyang dibdib. Labis siyang kinabahan. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang napanaginipan.
"Daniel..." pabulong niyang sabi.
"Sinong, Daniel?" maang na tanong ni Marian sa kanya.
Kumalas siya mula sa mahigpit na pagkakayakap dito. Nagtitigan sila ng dalaga.
"Sinong Daniel?" muling tanong ni Marian na nababanaag sa mukha ang labis na pagtataka.
Humugot nang isang malalim na hininga si Jin. "Hindi ko pa ba nakwento sa 'yo ang tungkol sa nakakabata kong pinsan? Siya si Daniel. Ang sama kasi ng panaginip ko, e," tugon niya.
Pinunasan ni Marian ang pawisan niyang noo gamit ang mga kamay. "Hindi ko maalala, e. Kalimutan mo na ang tungkol doon. Panaginip lang 'yon."
Nginitian niya si Marian. Napatingin siya sa paligid. Gabi na nang mga sandaling iyon. Napansin niyang halos nakatingin sa kanila ang lahat ng pasahero. Nagkibit-balikat na lamang siya.
"Anong oras na, yap?" tanong niya kay Marian.
"Alas siyete na. Malapit na tayong dumating sa San Isidro."
Muli siyang napatingin sa paligid. Pamilyar na nga sa kanya ang lugar. Muli siyang kinabahan. Pumasok sa isipan niya si Din. Naglalaro pa rin sa isipan niya kung paano ito haharapin.
Nang dumating na sila sa terminal ng Tabango ay bumigat nang husto ang kalooban ni Jin. Hindi kasi sila puwedeng magsabay ni Marian. Sasakay pa sila ng tricycle papunta sa bayan nila. Sobrang higpit nang pagyayakapan nila sa loob ng bus. Hindi na rin nila napigilan ang bugso ng damdamin at naghalikan sila. Hindi na nila ininda pa ang mga nakakita.
Matapos noon ay nauna nang bumaba si Marian. Hindi muna siya bumaba hanggat hindi niya nakitang nakasakay na si Marian ng tricycle.
Kumalam ang kanyang sikmura kaya naglakad-lakad na muna siya at naghanap ng makakainan. May nakita siyang nagtitinda ng fishball sa hindi kalayuan.
"Jin?"
Maang siyang napatingin sa tinderang bakla. Napangiti siya nang makilala ito.
"Uy... Ikaw pala 'yan Janel," sabi niya.
Noong huli kasi niya itong nakita ay lalaki pa ang hitsura. Pero parang babae na ito noon. Matagal na niya itong kilala dahil madalas siya nitong nililibre. Natawa siya nang maisip na tatlong beses din niya itong napagbigyan. Naawa kasi siya kay Janel dahil palaging tinutukso ng mga kapwa bakla. Alam kasi ng mga ito na may gusto sa kanya si Janel. Tinawag pa siyang cheap kapag pumatol dito. Inis na inis siya sa mga baklang iyon. Dahil nakainom siya noon ay naging malakas ang kanyang loob. Ang ginawa niya, sa harap mismo ng mga baklang iyon ay nagpachupa siya kay Janel. Tuwang-tuwa ang tindera ng fishball at mas lalo pang naging mabait sa kanya at madalas nga siyang ilibre nito. Sinuwerte rin ito dahil nasa kainitan siya ng katawan noong mga panahong muli niya itong napagbigyang sambahin ang kanyang pagkalalaki.
"OMG! Mas lalo kang pumogi, ah. Daig mo pa ang mga artista sa ABSCBN," natawang puri nito sa kanya.
"Sobra ka naman. Baka pumutok atay ko niyan, ha," natawa naman niyang tugon dito. "Ikaw nga diyan, e, babaeng-babae ka na ngayon. May boobs pa."
"Buti naman napansin mo, Jin. Malaki na rin ang naging puhunan sa kakabili ko ng pills gumanda lang," sabi ni Janel sabay halakhak. "Hindi ka na mandidiri kapag pinatikim mo ako ulit ng batuta mo."
Tumawa lamang siya sa sinabi nito. Ayaw niyang sakyan baka kung saan pa umabot ang usapan.
Nagpaluto na lamang siya ng fishball. Kaagad din niya iyong kinain. Bumili pa si Janel ng softdrink para sa kanya.
"Siyanga pala, umasenso ka yata, ha. Hindi ka na sa San Isidro nagtitinda ngayon. Nandito ka na sa lungsod," sabi niya.
Napatingin sa kanya si Janel at biglang naging seryoso ang mukha. Namutla rin ito na labis niyang ipinagtaka.
"Bakit?" maang niyang tanong dito.
-----
HINDI na talaga napalagay si Jin. Kakababa lamang niya ng sinakyang tricycle pauwi sa kanila. Ang laki na nang pinagbago ng lugar nila. Masyado nang tahimik. Alas otso pa lamang nang mga oras na iyon. Wala na talagang katao-tao sa labas. Sarado na pati ang mga tindahan.
Naglalaro pa rin sa isipan niya ang sinabi ni Janel. Parang isinumpa raw ang lugar nila. Halos araw-araw ay may baklang pinapatay. Kaya bago pa maging biktima ay lumikas na ang pamilya ni Janel. Dalawa kasi silang bakla sa pamilya nila.
Panay ang hugot nang malalim na hininga ni Jin. Napakalamig ng simoy ng hangin sa paligid. Napayakap siya sa sarili. Puro tahol ng aso at kuliglig lamang ang naririnig niya no'n. Napatingin siya sa itaas. Napakaliwanag ng buwan.
Bigla siyang kinilabutan. Nagdasal siya sa isipan. Pero mas lalo siyang kinabahan nang nasa harapan na siya ng bahay nila. Sarado na ang gate na yari sa kawayan.
"Tay! Nay!" tawag niya. Hindi niya magawang tawagin si Din.
Mga ilang beses pa niyang tawag bago nagliwanag ang sala sa bahay nila. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Hanggang sa bumukas nga ang pintuan at sabay na iniluwa mula roon ang mga magulang.
"Nak! Jin!" halos sabay na sabi nina Adela at Ryan. Patakbo ang mga itong nagpunta sa gate.
"Ako nga ito, nay, tay," naluluha niyang turan. Sobrang namiss niya talaga ang mga magulang.
"Bakit hindi ka nagpaabisong uuwi?" tanong ni Ryan at mahigpit siyang niyakap ng mga ito. Gumanti rin siya ng yakap.
"Gusto ko lang kayong surprisahin, nay, tay," tuwang-tuwa niyang sabi. Hindi niya napigilan ang pagbalong ng mga luha.
Napatingin siya sa sala. Nakita niya ang imahe ng kambal na binuksan ang bintana. Nangunot ang kanyang noo sa suot nito. Nasanay na talaga itong naka-jacket na may hood. Nakakatakot na talagang pagmasdan si Din.
"Miss na miss ka namin, 'nak," umiiyak na sabi ni Adela.
"Miss na miss ko rin kayo, nay," tugon niya. Hindi mawala ang mga mata niya sa imahe ng kambal na nakadungaw sa bintana. Gusto niya itong tawagin pero umuurong ang kanyang dila.
"Tara, pasok na tayo sa loob. Malamok na rito, e," sabi ni Ryan.
Kumalas siya mula sa mahigpit na pagyayakapan nila. Pagtingin niya ulit sa bintana ay wala na roon si Din. Nahiwagaan siya kung bakit ang bilis naman nitong naglaho.
"Buti pa nga, 'nak," sabi ni Adela.
"Gising pa naman siguro ngayon si Din 'di ba?" tanong niya kahit nakita na niya ang kambal.
Biglang nagtitigan ang kanyang mga magulang sa isa't isa na labis niyang ipinagtaka.