webnovel

LUCKY TWENTY ONE

CHAPTER 21

JASPER'S POV

"Pinaka masakit yun sa lahat Jasper. Pinaka masakit yung ipamukha mo sa akin yung isang bagay na hindi ko kayang ibigay sayo.."

"Tama nga sila, minsan talaga dumarating sa puntong kapag nagmamahal tayo kadalasan nagbubulag tayo ng hindi natin namamalayan.. At yung taong pinag uukulan mo ng buong oras mo.. Yung taong pinupuno mo ng buong pagmamahal mo.. Tumatapon lang pala sa iba."

"Ngayon sabihin mo sa akin kung may kapatawaran pa ba ang mga ginawa mo?"

Tumatak lahat sa isip ko ang mga sinabi ni Lucky. Tumagos yun sa puso ko at nanuot sa mga ugat ko. Paulit ulit yung nag e-echo sa utak ko habang unti unting dinudurog ang puso ko. Naiintindihan ko naman naging napaka mahirap ang pinag daanan niya dahil ganun din naman ako nitong huli. Sa dami ng problemang binigay ko sa kanya ito talaga ang pinaka mabigat sa lahat at pinag sisisihan ko yun hanggang sa ngayon.

Alam kong nainsulto ko ang buong pagkatao niya at alam kong mahihirapan din akong maibalik pa ang tiwala niya. Kaya ako nandito para magmakaawa para sa isa pang chance na muling mahalin niya. Pero may mali eh. Aminado akong nagkasala ako sa kanya at pinagsisisihan ko lahat ng yun hanggang sa ngayon. Pero nalinis ko na ang problemang yun.

'Kaya ako nandito para linawin ang lahat sayo.'

At napatingin ako ng derecho sa mga mata niya.

"L-LUCKY, HINDI AKO ANG NAKABUNTIS KAY ANDREA.."

Nagsalpukan ang kilay niya at bahagyang tumabingi ang ulo. Sinasabi ko na nga ba..

**F L A S H B A C K**

"Kuya Jiggs pwede ba kitang makausap?" Kahit nanginginig ang tuhod ko lakas loob parin akong lumapit sa kanya ng makita ko siyang lumabas ng computer shop nila.

Tinitigan lang niya ako ng masama saka ito nagbuntong hininga. Ang totoo kinabahan ako akala ko sisikmuraan niya ako. Sinundan ko siya hanggang sa Hugot Cafe. Habang papalapit narinig kong tinawag niya yung crew at nag order ng dalawang coffee.

"What do you want Jasper?" walang emosiyong bungad niya pag upo ko.

"Kuya Jiggs, i know i've been an asshole to Lucky.." Natigilan lang ako ng lumapit ang crew at inilapag ang dalawang tasa ng kape saka muling umalis." Pero totoo ang nararamdaman ko para sa kapatid mo kuya."

"Get to the point Jasper wala akong panahong makipag lokohan sayo." iritabling sagot niya habang umiinun ng coffee. Grabe pinagpapawisan ako. Magkapatid talaga sila parehong nakakatakot kapag nagseseryoso.

"T-This is about Andrea." nahihiyang simula ko.

"Yeah, yung ex girlfriend/childhood friend na nabuntis mo?" napalunok ako sa kaprangkahan niya habang sumisimsim ng kape.

"Yes, buntis siya Kuya Jiggs pero hindi ako ang ama.." parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ng nasabi ko yun ng dere-derecho sa harap niya.

Muntik na niyang maibuga ang kape sa mukha ko. "A-Anong ibig mong sabihing hindi ikaw ang ama?" Gulat na tanong niya. That's a good start atleast i got his attention. Whew!

"It all happened one time na lasing na lasing ako after ng gig namin sa isang bar."napakamot ako sa ulo sa hiya. "Sumama sa grupo namin si Andrea that night. Sa sobrang kalasingan ko nag volunteer siya sa mga bandmates ko na siya na ang maghahatid sa akin sa bahay at wala silang nagawa dahil tiwala naman sila dahil alam nilang may past kami.."

"And then?" tumaas ang isang kilay niya. Hindi mapag kakailang magkapatid nga sila ni Lucky. They're so much alike. Facial expression yung pagiging mainipin at yung nakakatakot na mga tingin kapag seryoso.

"Kinabuksan nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko dala ng hang over at nagulat ako dahil katabi ko sa kama si Andrea sa loob mismo ng kwarto niya. W-Wala akong maalala ng gabing yun dahil nag black out ako sa kalasingan. Hindi ko rin alam kung paano niya akong naiuwe mag isa sa bahay nila kuya Jiggs."

"So you're telling me na walang nangyari sa inyo?" Naguguluhang tanong niya na at napakamot siya sa kilay niya.

"May nangyare na sa amin—"

"Are you fucking kidding me!" muntik na akong matumba sa kinauupuan ko ng bigla siyang tumayo at inambaan ako ng suntok.

"I-I mean a long time ago Kuya Jiggs!" agad na bwelta ko. "She was my girlfriend before i met Lucky." Napayuko ako sa takot.

"Pag isipan mong mabuti ang mga susunod na salitang lalabas diyan sa bibig mo Teng kung ayaw mong maulit ang ginawa ko sayo last two weeks ago.." pinanghinaan ako ng tuhod sa pagbabanta niya. Hanggang ngayon ramdam ko parin ang kirot ng mga kalmanan ko ng abangan niya ako sa labas ng isang bar matapos naming magperform. Si Kuya Jiggs yung tipong hindi mo pwedeng biruin kung hindi kayo close dahil nakaka intimidate siya mula ulo hanggang paa.

"Kahit na may pagkaloko loko ako minsan..." tumigil ako ng tumikhim siya. "I'm still a responsible guy. I never had sex without protection. At kapag lasing ako madalas akong black out at wala akong pakinabang sa ganung bagay alam ni Lucky yan kuya." Nahihiyang kwento ko pero pilit kong nilalakasan ang loob ko para maipaliwanag ang side ko at paniwalaan niya ang lahat ng sinasabi ko.

"But it doesn't prove anything. Sino namang matinong babaeng handang sirain ang delicadeza niya para sa isang kasinungalingan at para manira ng isang relasiyon?" nakuha ko naman punto ni Kuya Jiggs pero hindi niya personal na kilala ang taong tinutukoy niya.

"Inamin ni Andrea sa akin ang totoo.. na hindi ako ang ama ng pinagbubuntis niya."

"That's a lie."

"That's the truth Kuya Jiggs believe me."

"How?" nakakatakot ang mga tinging ipinupukol niya.

"Natakot siya na kapag dumating ang araw na kamuhian ko siya kapag malam ko ang totoo. Nagawa yun lahat ni Andrea para paghiwalayin kami ni Lucky. Hindi niya matanggap na babae siya pero mas pinili kong mahalin ang kapwa ko lalake kesa sa babaeng tulad niya." Maikling paliwanag ko.

"This is insane. Alam mo bang halos mabaliw na ang kapatid ko kakaisip sa nangyari sa inyo?" napahampas siya sa mesa. "Mahal ko ang kapatid ko Jasper at ayoko ng makita yung hirap na pinagdaanan niya dahil sayo." seryosong sagot niya.

"Please give me one last chance Kuya Jiggs. Gusto ko lang makabawi kay to Lucky."

"I'll think about it. Give him enough time Jasper."

"Mahal na mahal ko ang kapatid mo kuya Jiggs. Tatanggapin ko kung anong magiging desisyon niya maipaliwanag lang ang side ko." nagmamakaawang pakiusap ko.

"Hindi naging madali ang pinagdaanan ng kapatid ko this past few months. Hintayin mo siyang maging ready na harapin ka.."

"Salamat kuya.." nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya.

"Yun kung gusto ka pa niyang makita." At sarkastiko itong ngumiti.

"Kuya Jiggs please.."

" I need to go Jasper." at saka ito tumayo at iniwan akong mag isa sa mesa.

***E N D O F F L A S H B A C K***

LUCKY'S POV

"L-LUCKY, HINDI AKO ANG NAKABUNTIS KAY ANDREA.."

"L-LUCKY, HINDI AKO ANG NAKABUNTIS KAY ANDREA.."

"L-LUCKY, HINDI AKO ANG NAKABUNTIS KAY ANDREA.."

Parang sirang plakang na paulit ulit sa tenga ko ang huling sinabi niya.

"L-Lucky, hindi ako ang nakabuntis kay Andrea.." ulit niya pa habang inuuga ako sa magkabilang balikat.

"OO ALAM KO WAG KANG PAULIT ULET NAKAKA BOBO!" Malakas na sigaw ko sa mukha niya. Pisti! Nag e-emote pa ako e.

"Wala ba sayong sinasabi si Kuya Jiggs?"

"Anong sasabihin ni Kuya Jiggs? Anong alam niya Jasper?" gusto kong sukatin ang kanang kamao ko sa mukha niya sa gigil ko.

At ikunwento ni Jasper ang lahat ng pinagusapan nila Kuya Jiggs sa Hugot Cafe. Gusto kong magsisigaw sa inis pero para ano pa? Ilang buwan akong nagbaliw baliwan tapos mababalewala lang. Kingena!

"Lintek na yun wala manlang sinabi sa akin." mahinang bulong ko at natawa siya pagkadinig.

"Noong aksidente kitang nakita sa SM NORTH EDSA alam kong yun na yung sign na hinihingi ko ng matagal at malamang handa ka ng harapin ako." Napapangiti pa siya. Sarap nilang pagbuhulin ni Kuya Jiggs sobra.

"Paano nalamang handa na akong makausap ka?" pagmamaasim ko. Hanep din 'to taas ng kompyansa. Bayagan ko kaya siya tutal wala naman siyang bayag noon pa?

"Naramdaman ko lang." At nagkibit ng balikat. "Noong time kasi na yun nawala yung takot ko sayo na madalas iniisip ko na siguro kapag magkita tayo hahatiin mo ko sa apat at ipapakain mo sa aso. Diba yun naman parati ang sinasabi mo kapag nag aaway tayo?"

'Buti naman naaalala niya pa yun.'

"Tss, eh kung katayin kita ngayon tas ibenta ko sa OLX yung dalawang Kidney mo? Ma surprise ka kaya?"

"Grabe ka naman!" nakangusong reklamo niya at namiss ko bigla ang mga pagpapa cute niya.

"Siraulo ka pala eh, ako nga halos i-admit ko na sarili ko sa mental kakaisip sayo tapos ako pa grabe ngayon? Magaleng magaleng Jasper.." puno ng sarkastikong sagot ko. "Alam mo bang muntik ko ng i-admit ang sarili ko sa rehab kakaisip sa problema ko?" ngiting ngiti ang loko na parang good news ang sinabi ko.

"Sobrang namiss ko yang mala armalite mo bibig kapag nagagalit ka. Mabuti naman hindi nagbago yung ganyang personality mo."

'Anong hindi NAGBAGO? Lilipat ba ako ng ibang school kung walang nagbago sa pagkatao ko?'

"Marami ang nagbago sa akin Jasper."

"Talaga parang hindi ko naman napansin?"

"Mas malala na ako ngayon kesa dati.." at mapait akong ngumiti.

Simula ng makilala at makasama ko kasi si Andi pakiramdam ko ibang Lucky Gonzaga na ako. Masayahin na ako ngayon, mapanglait sa kapwa estudyante, naging walang hiya sa mga lalakeng gaya ni Wesley. Pinaka kakaiba sa lahat ay yung nag papaapi ako ngayon unlike sa dati kong school. Sa Carlisle ginagawa akong slapping board, sinisigaw sigawan, sanay na akong pag tsismisan pero yung tatakutin akong ma kick out never ko pang na experience yun, dito lang..

"I'm sorry Lucky. Kung hindi dahil sa akin sana hindi kana nag transfer ng school."

"Teka, bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin ang lahat ng yan?" pag iiba ko ng usapan.

"Dahil natatakot akong bumalik ang galit mo sa mga nagawa kong kasalanan sayo. Ugali mo pa namang mag recap in full details ng mga kasalanang nagagawa ko sayo." Sarap pilipitin ng dila niya siya pa ngayon ang may ganang magreklamo.

"Tss, huwag kang mag alala peklat na lang ang natira." sarkastikong sagot ko.

"I'm sorry Lucky. Alam kong mahirap ng maibalik yung dati pero ang gusto ko lang mapatawad mo pa ako sa kasalanang nagawa ko sayo." sobrang lungkot ang nababasa ko sa mga mata niya.

"Paano mo nasabing hindi talaga ikaw ang ama nun eh lasing ka nga diba?" kailangan kong panindigan ang pagiging mataray ko.

"Ikaw ang nakaka kilala sa akin Lucky at alam mong masasagot mo yang tanong mo." parang natatawa pero seryoso padin ang itchura niya.

"Aba malay ko? Bakit t*t* ko ba ang ipinasok ko sa kanya?" pabalang na sagot ko sa tanong niya at bigla siyang natawa.

"Ito naman seryoso ako eh.."

"Malay ko sa kakatihan mong damuho ka!"

"Kapag lasing ako madalas black out ako parati diba? Kaya kapag tulog ako tulog din siya. Kapag pagod ako minsan pagod din siya. Get's mo na?" Parang tangang paliwanag niya.

"Malay ko diyan sa tutoy mo bakit may contact pa ba kami sa isa't isa?" Tinarayan ko siya dahil nainis ako sa mga naging rebelasyon niya.

"Dapat alam mo yan dahil nung nag LIVE IN tayo madalas kayong magkausap diba?" natatawang biro niya.

"ULOL, PAKYU KA!" at inirapan ko siya ng malala pa sa Bagyong Yolanda.

'Kaloka 'to andami naming drama kanina tapos ngayon malalaman ko na hindi pala siya ang nakabuntis sa taratitat na yun.'

"Huwag kang magagalit kay Kuya Jiggs kung hindi niya nasabi sayo. Naiintindihan ko naman siya gusto ka lang niyang protektahan bilang nakatatandang kapatid. Alam kong nasasaktan din siya nung makita niyang nahihirapan ka dahil sa mga pinagdadaanan mo dahil sa akin."

"Isa pa yang kumag na yun, may alam na pala siya di man lang ako sinabihan." Nanggigigil kong sagot at bahagya siyang natawa.

'Atleast ngayon malinaw na ang lahat. Para akong nabunutan ng masakit na ngipin na ilang buwan ko ng iniinda.'

"Lucky please, baka sa akin naman yun magalit kapag nagkataon." Napangiwi ako sa kanya.

"Letseh, sa kanya natatakot ka sa akin hindi?" pinandilatan ko siya sabay hampas sa braso niya.

"Hindi naman sa ganun, ayoko lang lumala pa yung sitwasiyon naten..ngayon pa." Pahina ng pahina ang boses niya. Kung anumang sasabihin niya wala na ako sa huwisyo makapag isip ngayon. Gusto kong ipahinga ang utak ko.

"Umuwe na tayo gabi na maaga pa pasok ko sa school bukas." Una akong tumayo at nagpagpag ng pants ko.

"Weh, baka namimiss mo lang yung Wesley na yun pag uuntugin ko kayong dalawa!" singhal niya.

"Aba eh kung patakan ko ng itim na kandila yung parehong mata niyo ng Andrea mo? Kagigil kayo!!'

"Joke lang.. ito hindi na mabiro!"

"Hindi ako nagbibiro Jasper!"

"Sabi ko nga! Chillax!"

"Chill? Sa mga nalaman ko ngayon sabihin mo kung paano ako makakapag chill aber?" nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap.

"LUCKY salamat!" sambit niya sa ibabaw ng ulo ko. "Ngayon makakahinga na ako ngmaluwag dahil nakausap na kita. Kahit alam kong hindi mo pa ako napapatawad ngayon masaya parin ako dahil nasabi ko na ang lahat sayo. Sa ngayon sapat na yun para sa akin." naramdaman ko ang sinseredad at pagiging totoo niya.

"Matagal na kitang pinatawad Jasper. Wala naman akong reason para hindi ka patawarin. Tao ka lang at hindi ka rin perpekto. Natural lang na magalit ako dahil nasaktan ako pero hindi ibig sabihin nun habang buhay akong magtatanim ng sama ng loob sayo."

"S-Seryoso?! Lu wala ng bawian yan ah!" hindi ko alam kung naiiyak siya o matatawa.

"Oo ng aang kulet mo!" pairap na sagot ko. Madali akong magpatawad pero hindi akong madaling makalimot. Yan ang sakit ko mula pa noon. Sigh.

"T-Thank you.." paulet ulet na bulong niya sa ulo ko. Ngayon masasabi kong makakahinga na ako ng maluwag.

"What happened to us Jasper is beyond our control. Minsan nangyayari ang mga bagay sa oras na hindi natin inaasahan. Pero sa kwento ng buhay nating dalawa, alam kong sa ayaw at sa gusto ko aabot tayo sa ganitong eksena. Kaya noon pa man tinanggap ko na ang kapalaran ko. Hindi ko nga lang inaasahan na ganito ka aga."

"Lu-"

"Masiyado pa tayong bata at alam kong marami pa tayong pagdadaanang mas mabigat na pagsubok kesa dito. Charge it to experience Jas." Tapik ko sa balikat niya. "Ang mahalaga naging aminado ka sa mga kasalanan mo at willing kang magbago para sa ikakabuti mo. Masaya ako para sayo yun ang totoo." At tinapik ko yung balikat niya.

"Wow, ang laki na nga pinagbago mo."

"I told you.."

"Ako din masaya ako dahil bati na tayo. So pwede na ulit maging tayo?"

"PLLUUUKKKKK!" Kinonyatan ko siya sa noo. Nangigil ako sa excitement ng boses niya. Kingenang 'to kaka resolve lang issue gusto pang umulet?

Nagsimula ako ng maglakad pabalik sa bahay at iniwan siyang mag isa.

"Lucky! Lucky naman eh." Parang batang atungal niya habang humahabol.

"Ano ra-round two kapa? Anong sunod mong pasabog may dyowa kang Alien tas kasal na kayo sa Planetang Nemic?" singhal ko pagharap sa kanya.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa niya habang naglalakad kami pauwi sa bahay.

'Kingenang to may balak pang umisa!'

"TENG Apelyedo mo diba?" tanong ko pagkatapos niyang tumawa.

"Oo bakit? Gusto mo na bang maging Teng narin ang apelyido mo?" natatawang na sagot niya.

"TENG ENE MO!" at sabay kaming tumawa habang naglalakad. Hinatid ko siya kung saan naka park ang kotse niya.

"See you again Yumyum." Malambing na sambit niya habang hinahalikan ako sa noo.

"Kita nalang tayo sa mata!" at pinagtulakan ko na siya papasuk ng kotse niya.

Habang papasok ako ng bahay napapaisip talaga ako. Ni replay ko sa utak ko ang lahat ng pinag usapan namin kanina.

'Nasasaktan talaga ako. Masiyado mong ginugulo ang utak ko kumag ka!'

Pero bilib din naman talaga ako sa lakas ng loob niya. Hindi ko naisip na gagawin niya yun para sakin. Wala naman siyang mahuhuta sa kagaya ko, maraming bagay ang hindi ko kayang ibigay sa kanya pero heto ulet siya bumabalik sa harap ko.

Handa niyang lunukin ang pride at handang mag makaawa para balikan ako. Yung taong ni minsan hindi mo pag iisipang gagawa ng ganung hakbang para balikan ka pa. Para sa akin yan ang kahulugan ng pagiging isang tunay na lalake. Walang takot na gawin ang bagay na hindi sumagi sa isip mong gagawin niya out of love.

Its such a brave thing to do. Something to be admire of.

Pag pasuk ko ng bahay naabutan ko sila Nanay, Tita Jack at Kuya Jiggs sa sala na nagma-majong. Charot! Nagkakape lang..

'If i know inaantay talaga nila ako at nag aanbang ng tsismis.'

"Oh kamusta ang usapan niyo ni Jasper?" bungad kaagad ni Kuya Jiggs. Hanep diman lang ako inantay makaupo.

"Jiggen, tigilan mo ang kapatid mo." at hinapas siya ni Nanay ng mahina sa braso para sawayin.

'Luh, paano niya nalamang magkasama kami ni Jasper? Tss, malamang kay kuya.'

"Ano Lucky, anong nangyari sa usapan niyo ng ex mo?" si Tita Jack habang naghahalo ng kape.

"Teka paano niyo nalamang magkasama kami ni Jasper?" nalilitong tanong ko at napakamot ako ng ulo.

"Kay Andi bumalik kasi siya kanina dahil naiwan niya yung cellphone niya dito sa sala." Nakangiting sagot ni Tita Jack.

'Humanda sakin yun bukas!'

"Ano na bunso naiinip na kami kakaantay sa continuation ng lovestory mo.." pang aasar ni Kuya Jiggs.

"Anong lovestory? Nilinaw lang niya yung dati niyang issue at pinag usapan namin ang mga nakaraan naming gulo." saka ako pasalampak na umupo tabi ni Tita Jack katapat nila Nanay at kuya Jiggs.

'Buset na to hindi ko naman pwedeng daragin ngayon sa harap nila nanay baka isubong ako doon sa pinagagagawa ko nitong nakaraang summer.'

"So ibig sabihin ba magkakabalikan na kayo?" kumpirma ni Tita Jack at bigla siyang umayos ng upo.

"Yun ang gusto niya." malamya kong sagot sa kanila at para silang natatae ang mga itsura nila.

"E ikaw Lucky anong naging desisyon mo anak?" walang emosiyong tanong ni Nanay na titig na titig sa akin.

"P-Pass muna siguro ako sa ganyan 'Nay. Hindi naging madali para sa akin ang mga pinagdaanan ko nitong huli.." pagtatapat ko. Sa ngayon yun ang nararamdaman ko at ayoko ng bigyan ng sakit ang ulo ang pamilya ko. Hiyang hiya na ako sa mga kadramahan ko dahil sa maagang paglandi ko.

"Bakit Lu, akala ko ba mahal mo siya?" usisa ni Tita Jack at mukhang hindi niya inaasahan ang sagot ko.

"I like being alone right now Tita Jack and I'm better off without him." Inarte ko. Bakit ba ilang buwan akong nag emote hindi na siguro masama kung mag english ako magpaminsan minsan.

"Talaga? Hindi ka pumayag makapag balikan sa kanya kahit alam muna ang buong katotohanan?" bulalas ni Kuya Jiggs. Tss! Malamang pumusta 'to ng malaki sa pamilya ko kaya ganyan siya mag react.

"Oh bakit kuya hindi ba tumama ang hula mo ngayon?" pang aasar ko sa kanya at biglang nanlaki ang mata niya at nakita kong nainis siya sa sinabi ko. "At may kasalanan kapa sa akin! Alam mo na pala hindi mo man lang sinabi sakin!"

"Sinadiya ko yun para bigyan kayo ng matinding aral." Pang aasar niya at inilabas ang matabil nitong dila.

"Psh, if i know masaya ka dahil may alam ka na namang hindi ko alam!"

"Ahh ganun ba Lucky. Oh sige ganito na lang.." umayos siya ng upo at tinaasan ako ng kilay. Dahan dahan siyang humarap kay Nanay at Tita Jack. "Alam niyo ba 'Nay, Tita Jack.." nanlaki ang mata ko sa takot. Para siyang matandang tsimosa sa kanto kung umakto. "Noong araw na umalis kayo---"

Natakot sa mga susunod na salitang lalabas sa bibig niya kaya mabilis akong tumayo at kumalong kay kuya habang tinatakpan ng isang kamay ang bibig niya.

"I miss you Kuya Jiggs!" pang uuto ko pero tinititigan ko siya ng makahulugan. Bwesit na lalakeng 'to 'sing daldal ni Aling Nena.

"Ano yun Jiggs? Anong nangyari noong araw na umalis kame ni Tita Jack mo?" singit ni Nanay habang nagpa palipat lipat ang tingin sa amin kuya.

"Wala yun 'nay. Diba kuya?"

"Lucky, bitawan mo ang kuya mo." Utos ni Nanay kaya kaya dahan dahan kong binitawan ko ang makating bibig ng kapatid ko.

"Si kuya kasi epal palagi." Nakasimangot na sagot ko pagbalik ko sa pwesto ko kanina.

"Ako pa ang kinalaban mo ah..Huh!" mayabang na sagot ni kuya.

"Alin ba Jiggs yung tungkol ba yan sa nag LIVE IN sila ni Jasper?" walang kagatol gatol na sabat ni Tita Jack.

'IM DEAD'

Gusto kong tumakbo ng matulin paakyat ng kwarto dahil sa sinabi ni Tita Jack. Gusto kong maglayas at hanapin ang swerte ko sa ibang bayan. Maygad!

"Lucky anak. Matagal ko ng alam yung bagay na yun. Alam ko naman yun din ang reason kung bakit hindi ka sumama sa amin ng Tita Jack mo." malumanay na paliwanag ni nanay. Nanlalambot ako sa hiya. Ayoko isipin nilang ang landi landi ko. Well hindi pa ba?

"Pero 'nay hindi totoo yung nag live in kame ni Jasper." nakangusong sagot ko bago ko titigan ng masama si Kuya Jiggs at sabay silang tumawa ni Tita Jack. Sabi ko na nga ba pinagti-tripan na naman ako nitong dalawa e.

"Hindi nga ba?" natatawang biro ni Tita Jack na sinabayan ng malisyoso ang tono.

"Tita Jack naman eh.." nagkunwari akong nagtatampo para 'di na nila ako asarin.

"Biro lang alam naman namin ang totoo at proud kami sa mga naging desisyon mo Lucky." biglang bawi ni Tita Jack at inakap ako patagilid.

"Pero hindi ka talaga pumayag makipag balikan kay Jasper?" pangungulit ni kuya.

"Paulit ulet ka kuya nakaka bobo na.." nakangiwing sagot ko kay kuya.

"Lucky, matuto kang gumalang sa kapatid mo." sita ulet ni nanay.

"Sorry 'Nay si kuya naman ang nanguna eh." nakasimangot na sagot ko.

"Bine-beybi niyo kasi masiyado 'kaya di nagma-matured." si kuya Jiggs

"Grabe ka kuya kailan naman ako nagpa beybi kay Nanay?" sinimangutan ko siya at inirapan ako.

"Tumigil ka Jiggen ikaw nag unang nang spoiled diyan sa kapatid mo kaya yan ganyan." Sagot ni Nanay at natahimik si Kuya. Alam ko naman yun dahil bine-beybi talaga ko ni Kuya dati pa kasi nga ako ang lucky star niya.

"Oo, nga 'noh? Hindi ko maiwasan 'nay ang cute cute kaya ni Lucky nung bata pa." natatawang sagot ni Kuya at sabay kamot ng ulo.

"Bakit kuya hindi na ba ako cute ngayon?"

"Cute parin naman pero matigas na ulo mo ngayon hindi ka na natatakot sa akin kagaya noon." Umiiling na sagot niya.

"Bleh." At natawa si kuya sa ginawa ko.

"Tama na Jiggs hindi na beybi ang kapatid mo, nakipag live in na nga yan eh." biglang banat ni Tita Jack at tumawa silang tatlo.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

'Sige tawa lang pasukin sana ng malaking lamok ang mga bibig niyo!'

"Tama na yan kayong dalawa wala kayong ginawa kundi asarin ang bunso ko."

"Biro lang bunso.." sabay nag peace sign si Kuya Jiggs.

"Hindi natatapos ang buhay sa pa lablayf-lablayf lang Lucky. Bata ka pa marami ka pang ibang bagay na pagdadaanan. One day when your matured enough, I'm sure na kapag binalikan mo ang part na ito ng buhay mo matatawa ka nalang." nakangiting payo ni Tita Jack.

"I'm so proud of you too bunso kahit na naging mahirap ang pinagdaanan mo ay natuto kang lumaban at bumangon. Walang ibang tutulong sayo kundi ang sarili mo and of course palagi kaming nandito nila Nanat at Tita Jack para gabayan ka." mababakas talaga sa mukha nito na masaya siya para sa akin. Mula ng ma broken hearted ako palaging nasa tabi ko si Kuya kahit di ako nagkukwento. Binubusog nalang niya ako sa dami ng mga pasalubong niya araw araw.

'Yan ang pamilya ko buburautin ka muna sa umpisa.'

"Thank you Nanay, Tita Jack at sayo din Kuya Jiggs. Kayo talaga ang Lucky Charm ko." naiiyak na sagot ko at saka ako tumayo at inakap sila.

To be continued..