webnovel

LUCKY TWENTY TWO

CHAPTER 22

LUCKY'S POV

Pagod na pagod ang utak ko. Pakiramdam ko anytime hihiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko sa dami mga ganap na ayaw akong tantanan. Buti nalang palaging nandiyan ang mga kaibigan at pamilya ko para sakyan ang lahat ng trip ng buhay ko kaya kahit papaano nakakahinga ako ng maluwag.

Dala ng pagod at malalim na pag iisip maaga akong nakatulog.

Kinabukasan. Kahit tamad na tamad akong bumangon pinilit ko paring maligo ng maaga para pumasok. Ngayong araw kasi magpipilian ng grupo para sa Volleyball Intersection Competition sa PE subject namin. Mga pakulo ng kalbo naming instructor para mas maging masaya daw ang PE namin. Ang prize? Excempted sa Finals.

Yey!

Maaga ang usapan namin ni Andi at may usapan kaming sa gate kami magkikita para maiwasan nadin ang grupo ni Amber. Ang mga Pink Rangers. Sa gate pa lang natanaw ko na si Andi na nag aantay. Hindi ito mapakali sa kinatatayuan at panay ang lingon nito sa kaliwa't kanan. Mahihiya ang pugante sa kapraningan niya sa paligid. Kaya naisip kong sa kabila dumaan sa hindi niya ako makikita.

"BULAGA!" ginulat ko siya mula sa likuran. Hindi ko alam kung dinadaya ako ng mata ko pero para siyang namutla. Infairness..

"AY BAKLANG ULIKBA!" gulat na sigaw niya ng makita ako hinampas ako sa braso.

"Ang puti mo neng!" nakangiwing sagot ko sa kanya.

"Ano ba ginulat mo naman kasi ako sessshie!"

"Hiyang hiya naman ako sa kaputian mo Andres Bolivar. Yung totoo nag GU-GLUTA ka?"

"Ay grabe siya hindi na mabiro porket lima ang utong kaya pinag aagawan ng mga boylets!" ganting pambuburaot niya at napangiti ako.

"Para ka kasing adik. Ano dala mo ba yung mga droga?" mahinang bulog ko sa kanya habang palinga linga rin ako sa paligid. Ginaya ko ang kapraningan niya.

"Litsi kah! Anuvey kaya ako tarantula dahil baka kuyugin ako ng mga Pink Rangers." Kinakabahang tugon niya. (Tarantola – mean taranta in Gaylingo)

"Ikaw pa talaga natakot sa kanila? Dapat nga sila matakot sayo." Hinila ko siya at sabay kaming naglakad papasok ng gate.

"B-Bakit sa akin? E hindi nga ako makapalag sa kanila kahapon di ba?" Napakamot siya sa ilong at nagtataka.

"Sabihin na nating may itinatago kang alas na wala sila." Pabulong na sagot ko at kinindatan siya.

"Anong alas?"

"Yang mukha mo." Mahinang bulong ko sa kanya. "Isa yang makapangyarihang sandata! Ha ha ha!"

"PLUUUUUKKK!" binatukan niya ako.

"ARAY! Sakit nun ah!" sigaw ko sa kanya pagkalagpas namin sa Ermen Guard.

"Bruha ka akala ko ano na! Antayin mo ang pagputi ko kaibigan dahil kapag pumuti ako duduraan kita ng may kasamang gluta!" Malditang sigaw niya.

"Tss, tara na gutom naku hindi pa ako nagbi-breakfast sa dami ng text mo." At hinila siya papuntang canteen.

Di pa kami nakakalayo bigla na kaming hinarang ng tatlong schoolmates naming member ng pep squad.

'Sino na naman 'to? Aga aga gusto pang umeksena.'

"AT TALAGA NAMANG NAKIKITA KO PA RIN KAYONG DALAWA HANGGANG NGAYON!" bungad sa amin ng babaeng hindi na lalayo ang kulay kay Andi.

'Ay, tonta lang?'

"Malamang nasa harap mo pa kaming dalawa?! Sa tingin mo mag e-emote ka ng ganito ka aga kung wala kame ngayon sa harap mo, istyupid?" saka ako tumingin sa kanya ng walang kagana gana.

"SO, TOTOO PALA ANG BALI-BALITANG HAMBOG AT BASTOS KA TALAGA LUCKY GONZAGA?!" napapatras ang ulo ko sa lakas ng boses niya. "TIBAY NIYO RIN ANO PUMAPASOK PA RIN KAYO KAHIT NA PINAGBAWALAN NA KAYO NI AMBER." Pinagmasdan ko ang mukha niya na tinapalan ng makapal na make up.

'Ang ganda ng pangalan ko pero ng binigkas niya parang bumaho bigla. Tch!"

"Takpan mo yang tenga mo kung ayaw mo kaming makita. Pumikit ka naman kung ayaw mo naman kaming marinig." Nag mamaasim na sabat ni Andi na ikinagulat ko.

'Yan sesshh itayo ang bandera ng mga bakla! Mabukay ang IV-MOCKING GAY ESTE MOCKINGJAY!'

"You don't make any sense faggot." Sarkastikong sagot niya at nagtawanan silang tatlo ng nakakaloka.

'Tss, malamang alagad 'to ni Amber walang duda.'

"That's exactly our point." Na lalo niyang ipinagtaka. Kwits lang. Hindi rin naman namin alam kung anong ipinaglalaban nila ngayon. "Magpapak ka din kasi ng common sense pag may time. Naiwan na ata sa ere ang utak mo kakahagis sayo e." Dagdag ko baka sa kaling madighay siya.

"W-What did you just say?!" maarteng sambit niya. Psh! Feeling talaga niya ang ganda niya. Kundi lang naman sa unipormeng suot niya di siya magmumukhang tao.

"Nothing, airhead." at sabay kaming tumalikod ni Andi ngunit mabilis niyang nahawakan ang isang braso ko. Hindi ko ipinakitang nasaktan ako kahit na bumabaon ang kuko niya sa balat ko.

"Don't you dare insult me faggot!" nanginiginig ang boses niya sa galit.

"Then don't stand on my way.." at mabilis kong hinila ang braso ko. Umiling ito at sarkastikong ngumiti bago kami tumalikod.

"MAY ARAW DIN KAYO SAKIN MGA BAKLAAAHHH!" habol na sigaw niya pagtalikod namin. Papansin talaga. Tch!

Huminto ako nilingon sila habang paatras na naglalakad. "OO, HUWAG MONG KALIMUTANG MARKAHAN YAN SA KALENDARYO MO PARA MAALALA MO!" ganting sigaw ko.

"Kaloka yang mag alagad ni Amber ang aga aga gusto ng umeksena." si Andi habang sinisipat ang sarili sa bilog niyang salamin.

"Ano yan pangontra?" natatawang tanong ko habang nakatingin sa hawak niya.

"Salamin yan sesshhie, salamin kaloka ka." Tugon niya habang nag pout p ang lips sa harap ng salamin.

"Ay akala ko BAGUA." natatawang sagot ko habang papasok na kami ng canteen at napairap siya.

"Ingetera ka."

"Sino ba yung mga yun? Dinaig pa si Barbie kung umeksena." Kinapkap ko ang debit card ko habang nakatanaw ako sa mahabang ipila.

"Ano pa mga kampon ni Amber. Bestfriend niya yun si Mj Belmonte yung lider ng mga hambog na cheer leader ng Carlisle." Mapaklang sagot niya sa akin.

"I see buti na lang wala siya masiyadong make up ng ganito kaaga 'no?" at biglang natawa si Andi.

"Dautera ka talaga Luis Manzano!" at hinampas ako sa braso.

'Buti na lang naimbento ang make up kundi hindi siya mapagkakamalang tao. Tch!'

"NANDITO PA PALA SILA, ANG BALITA KO GALIT NA GALIT ANG GRUPO NI AMBER KAHAPON SA MGA BAKLANG YAN!"

"OO NAKITA KO PANG SINAMPAL YUNG ISANG YAN PERO HINDI NA NADALA PUMASOK PARIN TALAGA."

"TINGNAN NATEN KUNG TATAGAL SILANG DALAWA SA GALIT NI AMBER."

"SAYANG NAMAN PAREHO PA SILANG TRANSFEREE ANG BALITA KO."

"Andres dala mo ba yung bazuka? Pasasabugin ko lang yung kabilang mesa mesa." nakangiting tanong ko sa kanya.

"Ay hindi ko na charge sesshie, LOW BATT." Ganting sagot niya at sabay kami ngumiti sa mga tsimosa naming schoolmates.

"Sayang gusto ko pa naman sana makakita ng fireworks at lasog lasog na katawan sa umaga.. lalong nakakagana kumaen." at sabay kaming tumawa sa harap nila.

Ganito ang buhay at drama namin ni Andi sa loob ng campus. Sasalubungin ka ng bully sa umaga, tsismisan sa tanghali, mamanyakin ka ng mga klasmeyt mong mga lalake at pag sinuwerte ka may libre ka pang sampal sa hapon. Kung mahina ka talo ka pero kung matututo kang dumiskarte at lumaban malalampasan mo sila. Wala kaming magawa kundi sumabay na lang sa agos ng buhay sa loob.

Punong puno ng mga insekyura at nagpaplastikang estudyante ang campus. Ngingitian ka kaapag kaharap ka pero paglampas mo pag tsi-tsismisan ka. Iilan lang talaga yung mga totoong taong makakausap mo ng matino. Lahat akala mo kakumpitensiya mo mapa dating sa crush, standing sa klase, pagiging teacher's pet, agawan ng jowa, pagandahan ng porma.

'Sakit bessh!'

Pero kakaiba ang trip namin ni Andi. Ugali naming lait laitin ang lahat ng napag ti-tripan naming kaklase o schoolmates na maraming eksena sa buhay. Marami din kaming ka close sa ibang section lalo na ang mga school mates naming miyembro ng LGBTQ community.

Pagkatapos ng mapayapang umagahan namin ni Andi nagsimula na kaming pumasok sa klase.

ANDI'S POV

"Sesshie, humanda ka. Mataas ang chance na makalaban natin ang section nila Amber sa Volleyball yan ang chika sa akin ni Marlon kanina." Bulong ko kay Lucky habang naglalakad kami papuntang Gym.

Si Marlon yung class president naming kakinisan din kagaya ko at siyang group leader din namin sa ibang subjects kasama ang PE.

"Di maganda may kakain ng bola mamaya." Pabulong na sagot ni Lucky saka tumawa.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Sige kahit sa court man lang maka ganti tayo sa kanila." Naghawakan pa kami ng kamay sa tuwa.

"Basta i-toss mo lang sa akin ng maayos ang bola. Ipapakita ko sayo kung paano magbura ng make up gamit ang bola."

'Bwahaha nice plan seshie!'

"Ako pa ba?! Papakainin ko sila ng usok!" at saka ako tumawa n apang kontrabida.

"Oo itim na usok!" Ngiwing sagot ni Lucky at kinurot ko ang tagiliran niya. Panira ng moment!

"Ay ganun? Sige i-toss mo mag isa yung bola Lucky!" hamon ko sa kanya.

'Lagi talaga siya ang bida.'

"Charot lang impakta ka!"

"Huwag ako! Sensitibo ako kapag kulay ang pinag uusapan alam mo yan." Ang sarap nitong kurutin ng pino sa kuyukot.

"O siyah! Unahin natin yung mga Gasul Girls gigil nila ako e."pinaguntog niya ang isang kamao sa kamay niya.

"Bet ko yan sesshie!" at sabay kaming pumasok sa gym. Sa Carlisle Academy kasama sa curriculum ang pumili ang mga students ng kung anong sports ang gusto nilang kunin every year. May basketball, tennis, track and field, soccer, swimming at volleyball atbp. Sa ganitong nalalaman ng school kung saan mag e-excel na sports and bawat students na pwede nilang i-pursue pag dating ng college.

Halos kumpleto na ang lahat ng pumasok kami ni Lucky. Naging kaaya aya sa mata ang mga kulay ng mga uniform per sections. At feel na feel ko naman ang napiling kulay ng volleyball uniform namin dahil naka shorts kami ng blue at light blue na shirt.

"Hello.. nasa gym.. Mmmm.. PE namin bakit?" napalingon ako kay Lucky na nag aayos ng sapatos habang nakaipit ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat niya. "Dito sa taas kasama ko si Andi at naka blue kaming tshirt at---" hindi na niya natapos ang sasabihin ng biglang magtilian ang mga students sa loob ng gym. Sinundan ko kung nasaan nakatingin si Lucky at saktong kakapasok lang ni Wesley at kumakaway pa sa mga tumatawag sa pangalan niya.

'OMGeeeeehh! Ang pogi pogi ni Papa Wesley sa school uniform!!'

"KYAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

"GRABE ANG GWAPO NI WESLEY!"

"HI WESLEY!!!"

" OMG GIRLS LUMINGON SIYA SATIN!"

"IDOOOL PA PICTURE!"

"PA KISS PAPA WESLEY!"

"WESLEY I LOVE YOUUUUUH!!"

Matatastas ang panty ko sa kagwapuhan ng isang John Wesley Ongpauco.. Maygad! Hanggang ngayon hindi parin ako maka get over na isang kagaya niya na campus crush at pinag papantasiyahan ng mga kababaihan, kabaklaaan sa Carlisle ay magiging ka close ko..

'Eherrrrrm. Pero neng kagabe kasabay ko siyang umuwe galing kela Lucky. Ahehehe!'

Wait speaking of Lucky ano na naman kayang eksena nila bakla at Jasper kagabe? Wala pang naki- kwento si Lucky mula ng magbreakfast kami. Humanda ka seshie pipigain kita ng impormasyon mamaya!

And as usual naging maingay ang loob ng Gym dahil sa bulong bulongan ng mga estudyanteng nagkumpulan at nagtsi-tsismisan sa ginawang paglapit ni Wesley sa block namin.

"Hi Lucky! Hi Andi!" napa gwapong bati ni Wesley paglapit niya sa amin.

'Lord, salamat po sa maagang meryenda!'

"Ongpauco, ang gwapo naten sa uniform ah." Si Lucky habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ni Wesley. Bigla itong conscious at namula sa harap namin.

"T-Talaga? Hindi naman masiyado." nahihiyang sagot niya kay Lucky at nangamot ng ulo. Ang gawapo na nga napaka humble pa. Kainis! "Dinalhan ko pala kayo ng drink." May dinukot siya sa bag at inabutan kami ng tig isang Gatorade. Ang sweet!

"Thank you Papa Wesley." Pa sweet na sambit ko. Pasimple akong lumingon sa mga ka-team ko at idinikit ang bote ng Gatorade sa pisngi. Mamatey kayo sa ingget mga bruha kayo! Inirapan lang ako ni Marlon ng makita niya ang ginawa ko.

'Gay-torade ang energy drink ng mga beki, Ching!'

"Salamat." Parang lalaking sagot ni Lucky. Bwesit na 'to di man lang magpa sweet. Siniko ko si Wesley dahil hindi na maalis ang malaking pagkaka ngiti nito kay Lucky. Naaayy si Ongpauco...

"Panunuorin ko kaya galingan niyo guys!" para akong nanunuod ng commercial ng isang brand ng toothpaste sa tuwing ngingiti siya sa harap namin.

Nataranta yung ibang classmates at mga kasama namin sa bleacher dahil tumabi ito ng upo sa mga ka team namin. Isa isa namang ipinakilala ni Lucky si Wesley sa kanilang lahat at tuwang tuwa naman ang makakati kong mga classmates lalo na ang seshie ko na si Marlon dahil ultimate crush niya ito mula first year.

Dumating na ang lahat ng 4th Year Students na kasali sa Intersection Competition. Siyempre agaw eksena ang section nila Amber na huling dumating. All pink ang buong section, sabay sabay silang pumasok sa loon ng gym at nasa gitna si Amber na feeling prinsesa.

Nagbunutan ng number bawat section kung sino ang unang group ang maglalabanan.

After naming malaman kung sinong section ang makakalaban namin, nagkaroon naman ulet ng bunutan kung anong set ng game kami lalaban. #4 ang nabunot ni Marlon namin kaya last game kami at walong section kaming maglalaban laban.

4TH YEAR SECTIONS:

GAME 1: Eagle VS Kingfisher

GAME 2: Peacock VS Scarlet Macaw --------> section nila Amber at ng Gasul Girls.

GAME 3: Flamingo VS Golden Pheasant

GAME 4: Dove VS Mockingjay ------> section namin ni Lucky.

Dahil last game pa kami naisip kong yayain muna ako sa canteen 'tong dalawa.

"Tara Lucky bili muna tayo ng makakain sa canteen mamaya pa naman laban natin." At sabay silang napalingon ni Wesley.

"Paano kayo makapag laro kung magpapaka busog ka?" nag aalalang sagot ni Wesley sa akin. Maygad! Hindi ko talaga siya kayang titigan ng matagal. Napailing lang si Lucky sa akin. Malamang iniisip ng baklang 'to kung gaano ako ka takaw.

"Ano ka ba Wesley nandiyan ka naman, makita lang kita matutunawan na ako." Pa cute na sagot ko sa kanya.

"Tapos kapag natunawan siya saka mauutot. Ha ha ha!" at sabay silang natawa ni Wesley. Nagsama na naman 'tong dalawang wirdo. Isa pa 'tong si Lucky hindi ko masakyan ang mood swings nito. Minsan nahihirapan akong basahain ang galawan niya. Di mo malaman kung kelan siya seryoso, magbibiro, magsusungit, ang sigurado lang talaga madalas siyang sinto sinto.

Mas mabilis pang uminit ang ulo niya kesa dun sa plantsang ginamit ko sa buhok ko kaninang umaga. Kalowka! Tapos kaninang umaga nabigla ako sa pandadarag niya dun sa grupo nila MJ at sa dalawang kasama niyang member ng cheering squad. Siguradong mada-dagdagan na naman ang mga kaaway namin ni Lucky dahil sa sagutan nila kanina.

Hindi pa nga natatapos ang gulo namin kay Amber may dumagdag na namang isa. Ngayong araw na to inaasahan ko talagang may round 2 pa sila dahil naudlot lang ang sagutan nila kahapon ng dumating sila Wesley at Kenneth.

"Kamusta na pala yung pisngi mo masakit pa ba?" biglang naputol ang pag iisip ko ng malalim ng marinig kong magsalita si Wesley.

"Okay na naman." balewalang sagot niya kay Wesley. Jusmiyo, paano kaya niya nagagawang makipag usap ng ganyan kay Wesley o kay Kenneth? Ako nga maihi ihi sa tuwing nginingitian ako ng mag pinsan eh.

"Buti naman akala ko kasi magtutuloy tuloy ang maga niyan kahapon." Nag aalalang parin sagot ni Wesley. Kagabe wala kaming pinagkwentuhan pauwe kundi ang eksena ni Amber at Lucky.

"Buti nalang kamo hindi. Kasi kung hindi ako naging okay ibabalik ko yun ng doble sa pinanggalingan nun." Maangas na sagot niya habang tuloy tuloy padin ang lakad at nagkatinginan lang kami ni Wesley.

Nakarating kami ng canteen at bumili nadin kami ng maraming junk foods para sa aming tatlo. Wala pa ding pinag bago dahil kami pa din ang bulong bulungan ng mga estudyante. Feeling peymos sana dahil kasama mo yung taong hinahangaan ng lahat kaso kaaway mo din ang lahat.

"So, what's going on between you and Jasper last night?" usisang tanong ni Wesley paglabas namin ng canteen.

'Kanina ko pa gustong itanong yan! Thank you Papa Wesley!'

"Ayos naman, may tinanong lang tapos umalis na din kaagad." Pilit ang ngiting sagot niya pero hindi naman umabot sa mata.

'Ayos lang pero bakit parang balot na balot ka ng maitim na aura?'

Malamang sa alamang nag talo na naman silang dalawa ni Jasper. Dati ng wirdo si Lucky pero dumoble pa ata ngayon. Madalas siyang tulala at tumawa man hindi yun umaabot sa mata. Kaya nagulat talaga ako kanina ng walang kaabog abog niyang daut-dautin ng harap harapan si MJ Belmonte ng ganung kaaga. Dumagdag pa na may plano siyang pakainin ng bola ang mga Pink Rangers.

'Sa bagay mas okay ng sa kanila maglabas ng sama ng loob kesa sa akin. Char!'

And wait theres more... Kagabi noong ipinakilala ni Lucky si Wesley kay Jasper akala ko talaga magsasapakan na yung dalawa. Lalo na nung hinawakan ni Wesley sa baba si Lucky tapos mega hawi hawi ng kamay ni Wesley si Jasper.

Ang ganda ganda talagang sesshhiie ko! Kay Jasper pa lang solb na solb ka na, ang gwapo gwapo, amputi puti, ang tangos ng ilong, ampula pula ng labi, ambango bango parati.

Kahit na mukha siyang playboy, nag uumapaw pa din ang sex appeal niya. Sa tuwing kinakagat niya nga yung lips niya o kaya hinahawi pa taas yung buhok na humaharang sa mukha niya talagang mapapatili ka kasabay ng pagdaloy ng ihi at sipon mo. Ganern!

'Ganda ganda mo kasi masiyado sessh! Antayin mo ang pagputi ko para dalawa na tayong mag emote.'

"Did you tell him about what happened to you yesterday?" walang alinlangan tanong niya at naka kunot ang noo.

'Yan ganyan nga ulanin mo ng tanong, ayaw magkwento niyan eh!'

"Hindi na as if naman may magagawa siya." Natatawang sagot ni Lucky.

"That's BULL!" galit na usal niya na ikinabigla namin pareho ni Lucky.

At sabay kaming napangiwi ni Lucky kay Wesley dahil biglang may malutong na bagay ang tumunog sa kamay niya.

'YUNG CHICHARON KO HUWAG MO GAWING PULVURON! HUHUHU!'

"Akina nga yan kahit durog yan lamang tiyan din yan." Sabay agaw ng plastic na hawak niya.

"Ikaw talaga basta pagkain concern ka eh." Puna ni Lucky sa kahinaan ko na hawak ng gwapo ring kahinaan ko.

"Ikaw ang topic dito, huwag mo ng Ilayo ang usapan." Duro ko sa kanya ng durog chicharong. "So hindi alam ni Jasper ang nangyari sayo kahapon sesshie?" binalik ko yung topic namin kanina.

"Bakit kailangan niya pang malaman?" salubong ang kilay na tanong niya sa akin at walang nakasagot sa amin ni Wesley sa tanong na yun ni Lucky.

'Sabagay EX niya pala yun anong pang paki niya kay Lucky, di ba?'

"Wala siyang kwenta dahil wala siyang pakialam sa nangyayari sayo." Naiinis na sambit ni Wesley sa tabi ko.

"Kwits lang, wala din naman akong pakialam sa kanya 'e." tawa tawang sagot nito.

'Sarap ipambala nito sa bomba walang kakwenta kwentang kausap kahit kailan.'

"Ewan ko sayo! Mag sama kayo ng ex boyfriend mong sinto sinto." Sarkastikong sagot ni Wesley at sabay walk out.

Natigalgal ako habang sinusundan siya ng tanaw pabalik sa gym. Wow!

"Tingnan mo ugali ng lalaking yun.. magtatanong tanong tapos biglang maiinis." Umiiling na komento ni Lucky bago sundan si Wesley.

"Seshie wait!" habol ko sa kanilang dalawa. Sa iksi ng biyas ko halos lakad takbo na ang ginawa ko masabayan kolang si Lucky. Napalingon ako ng may narinig akong pumito ng malakas galing sa mga students na nakatambay sa mga wooden bench.

"WOW LEGS!"

"WIITTTWEWWWW"

"HI GANDAAHH!

"LEGS LEGS LEGS MO AY NAKAKASILAW!" sabay sabay na kanta nila.

"ANG HOT PANG VICTORIA SECRET!" sigaw pa ng isang estudyanteng naka cup mukhang koreano.

OMG! Nakalimutan kong ang iiksi pala ng suot naming shorts ni Lucky. Sakto namang napalingon ako kay Lucky na nakayuko na din sa hiya habang naglalakad.

"HI BOYYYSS!" malanding kaway ko sa kanila.

"HINDI IKAW ANG TABA NG LEGS MO!"

"SUMALI KA BA SA FRATERNITY? BAKIT MAY BAKAS PA NG PALO NG HAZING?" at sabay sabay silang tumawa ng malakas.

"TSEH! TANDAAN NIYO KAPAG AKO NAMAYAT ISASAMA KO YANG MGA LAMAN LOOB NIYO SA DIET KO!"

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAH!" sabay sabay na tawa nila. Huminto ako at sinilip ang likod ng legs ko. Ay siya nga! Malapit ng i-harvest ang ube..

"YUNG KASAMA MO PAKI SABI ANG GANDA NG LEGS NIYA!!" Sigawan ng mga students pag daan namin ni Lucky.

"Nakagigil kung kelan feel na feel ko ang outfit ko saka nila ako dadaragin!" irap ko sa kanilang lahat at lalo ko pang inartehan ang paglalakad. Magsawa kayo sa ube ko walang ganyan sa buong Metro Manila sa Samar lang yan makikita.

Napahinto naman si Wesley sa paglalakad at magkasalubong ang kilay na nakatingin sa direksiyon namin ni Lucky. Sinalubong niya si Lucky at hinila sa kamay at iniwan akong mag isa.

"Hoy, Ongpauco dalawa kaming naka nyort-nyorts bakit siya lang ang hinila mo?!" sigaw ko habang hinahabol sila. Huminto naman silang dalawa bago pa sila umabot dumating sa gym.

"Sorry, Andi nakita ko kasing nailang si Lucky dun kanina kaya hinila ko siya papalayo." Nahihiyang paliwanag niya.

"Sauce! Yun lang ba talaga?"

"O-Oo ano ka ba.." nauutal na sagot niya.

'If i know ayaw niya lang ma expose ang beauty ng seshie ko sa ibang boylets sa campus. Kakeleg nemen!'

"By the way nakalimutan kong sabihin kanina.. ang cute niyo pala sa PE uniform niyo." Natatawang pinasadahan niya ng tingin ang mga legs namin ni Lucky. Siyempre hindi ako nagpahuli nagpose ako na pang swimsuit competition ala Miss Universe.

"Telegeh, Weshley eng shekshi nemen ni Leckey she she-et nemen. Shelemet eh!" pabebeng sagot ko kay Wesley at natawa naman si Lucky sa pose ko.

"Oh pinsan mo." Sabay turo ni Lucky kay Kenneth na naka pamulsang naglalakad papuntang Gymnasium. Maygad! Tili ko sa isip kaya lalo kong pinag igihan ang pang Miss Universe na pose ko.

"Kenenth! Kenneth! Bro!" Malakas na sigaw ni Wesley habang kumakaway sa pinsan. Huminto ito at naglakad papalapit sa aming tatlo.

"Akala ko may laro kayo?" turo niya sa aming dalawa ni Lucky. Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ko ang pasimple niyang pagsulyap sa legs namin ni Lucky.

'Ano nasilaw ka? Antayin mo pa akong pumiti baka ma-inlab ka!'

'Teka, paano niya naman nalamang may laro kami ngayon? Kay Wesley? Malamang kay Amber sa dakilang EX niya.'

"Bumili muna kami ng food last game pa naman sila." Si Wesley na ang sumagot habang itinataas ang mga pagkaeng dala niya.

"Hmmm. I see." Tumango tango si Kenneth at muling napapatingin sa legs namin ni Lucky na parang natatawa na ewan.

'I know agaw eksena talaga ng outfit ng team namen, para kahit di kame manalo sa game best in outfit naman ang mga lola mo. Ha ha ha'

"Oh bro, ba't natatawa ka?" natatawang tanong ni Wesley sa pinsan na biglang nag iwas ng tingin ngmahuli.

"Ah w-wala wala may naisip lang ako kay ako natawa." nakangiting palusot niya at nakatitig sa legs ni Lucky.

"Maiksi ba masiyado?" nanlaki ang mata ko ng walang pakundangang bumuka buka ito na parang lalake sa harap ng magpinsan. Hiyang hiya ako sa kaabnuyan ni Lucky dahilan para sumabog ang tawa ng dalawa. Maygad, di man lang nagpa girl!

"Pero aminin mo Kenneth na nagandahan at naseksihan ka sa aming dalawa ni Lucky." Pagmamalaki ko sa ganda naming magkaibigan.

"Pwede.." Tatango tangong sang ayon niya.

"Juice colored!" hinila niya pa lalo paitaas ang shorts niya at nanlaki ang mata ng magpinsan. "Sa iksi nito pagdi pa 'to pumasa sa panlasa nila magbibigti na ako." umikot ang mata ni Lucky sa kawalan saka at sinenyasan kami gamit ulo na sabay sabay na kaming maglakad.

"I'm sorry about what happened yesterday." Dinig kong wika ni Kenneth ng tabihan niya si Lucky sa mabagal naming paglalakad. Tahimik naman kaming nakikinig ni Wesley sa magkabilang gilid nila.

"Ayos lang mabilis naman akong maka move on eh." Mapait na ngumiti si Lucky kay Kenneth.

"I'm sorry.." puno ng sinseredad na hinge niya ng depensa. Bakit naman siya nagso-sorry sa kasalanang hindi naman niya ginawa? Dapat sa Amber na yan pinakukuluan masiyado siyang bitter. Nangalanang may kepay insekyurada.

"Don't be." Huminto sa paglalakad si Lucky at humarap kay Kenneth. "Kasalanan ko rin naman pinatulan ko pa kasi ang pagiging isip bata ng ex mo kaya yun nasampal tuloy ako bigla."

"Kasalanan ko rin dahil hindi ako naging maingat---"

"B-Bro.." putol ni Wesley. "Kung may dapat sisihin dito ako yun.. kundi kita pinilit noon na samahan ako hindi sana maiipit ang pangalan mo." Nangungusap ang titigan nilang magpinsan hanggang agawin ng pagtikhim ni Lucky ang atensiyon ng dalawa.

"Nagsisihan pa kayo pinagbayaran ko na nga diba?" sabat ni Lucky habang turo sa sarili at sabay na napayuko ang magpinsan.

"Tara pasok na tayo sa loob baka maubusan tayo ng upuan." Basag ko sa tensiyon at lahat sila nag angat ng tingin at napalingon sa akin. Hinila ko si Lucky sa braso at nauna kaming naglakad.

Sa gym pinauna na naming maglakad si Kenneth at Wesley para wala ng masabi si Amber kapag nakita niyang halos magkakasabay na naman kaming apat pumasok ng gymnasium.

As usual muling nagkagulo ang mahaharot kong mga schoolmates as if naman sa pagwawala nila mapapansin sila nung dalawa. Bakit ba kasi ang ga-gwapo ng mga 'to? Yan pati tuloy Kahit yung mga naglalaro ng Volleyball nahinto pansamantala dahil lahat sila nakatingin sa kay Kenneth at Wesley.

Sumunod kami ni Lucky na pumasok ng malayo ang agwat sa kanila. Nasa kalagitnaan na kami ng court ng bigla kaming hinarang ng dalawang Gasul Girls. Si Karen at Jhorica.

"BILIB NA TALAGA AKO SA INYONG DALAWA." Nag mamaasim at agaw eksena nung Jhorica sa harap namin ni Lucky. Para kaming asukal na dinumog ng mga langgam sa gilid ng court.

"AT IKAW LUCKY 'DI KA NARIN TALAGA NADALA 'NO? NAMISS MO BA YUNG MGA SAMPAL NI AMBER AT GUSTO MO PANG UMULIT NGAYON?" sabay tulak ni Karen sa dibdib ni Lucky. Umugong ang bulung bulungan sa paligid.

'Ay teh huwag ngayon mainit nag ulo ng seshhie ko baka malunok niyo mamay ayung bola!'

"Tara na Andi." Mahinahong yaya ni Lucky at hindi nalang pinansin ang ginawa sa kanya. Kung sa akin yun ginawa titilapon sa kabilang court ang ulo ng babaeng gasul na yan.

"NOT SO FAST FAGGOT!" bumaon ang kuku ni Karen ng hawakan niya ako sa braso. Aaminin ko umiinit na ang ulo ko sa dalawang gasul na 'to. Nararamdaman kong unti unting umiinit ang hanging lumalabas sa ilong ko.

"Bitiwan mo ang kaibigan ko." walang emosiyong sabi Lucky. Nakakatakot ang kawalan ng emosiyon ng boses at itsura niya.

"Anong magagawa mo kung ayaw ko?" malditang sagot ni Karen at lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Humakbang si Lucky papalapit at nakapamulsang itong napayuko ng bahagya hanggang magpantay ang mukha nila ni Karen. "Huwag mong sagarin ang pasensiya ko bata.. Aaminin ko sayo hindi ako masarap magbiro." Agad na bumalataw sa mukha niya ang takot at agad itong binitawan ang braso ko. "Pwede na kaming umalis?"

"OO PERO SA ISANG KUNDISYON!" humarang sa gitna namin si Jhorica habang nakaturo ang matatabang daliri nito sa mukha ko.

'Wow kung mag angas naman akala mo ang umabot ang height niya sa siko ko.'

Ar agad na nahawi ang crow sa gitna. Siyempre grand entrance si Amber na may kasamang dalawang babaeng nagpa-paypay sa kanya kahit aircon sa loob gymnasium.

"GIRLS GIRLS GIRLS LEAVE THEM ALONE." Maarteng entrada ni Amber na nakakagigil palang pakinggan ang boses niya habang tumatagal.

"Okay ka lang?" nag aalalang tanong ni Lucky habang sinisipat ang braso ko. Inakay niya ako patalikod para iwan ang mga nagbibida bidang mga alagad ni Amber.

"OH WAIT... ONE MORE THING." sabay kaming napasinghap ng malakas ni Lucky pagharap dahil sa malamig na likidong ibinuhos ni Amber sa mukha namin ni Lucky.

Shet! Ganitong ganito ang mga nanapanuod ko sa mga teleserye. Siyempre inalam ko muna ang anggulo ko sa harap ng camera. Kailangan tumatak sa mga utak nila ang acting ko. Yung tipong naapi pero alam mong hin di magpapa api sa huli. Perfect na sana ang eksena kaso wala akong leading man.. busy si Kenneth dahil sa punyetang Amber na yan. Pero infairness nagustuhan ko ang matamis na lasa ng likidong tumutulo sa mukha ko.

'Its a liquid solution that was mixed evenly with organic and inorganic compound substances and had undergone fermentation and sealed inside a solid state of matter in a homogeneous mixture.'

"Pesteng softdrink!" mahinang bulong ni Lucky.

"NOW WERE EVEN." Ngiting ngiti ito habang nakatitig sa amin ni Lucky. Proud na proud si Barbie animoy napakalaking ambag sa lipunan ang bagay na ginawa niya.

'So gusto lang pala nila gumanti sa ginawa ni Lucky sa dalawang Gasul Girls.'

"AMBER? WHAT THE HELL ARE YOU DOING?" Sigaw ni Wesley at hinawi ang mga nakaharang na mga tsismoso at tsimosa. Kasunod na lumapit si Kenneth na tila gulat sa ginawa ng ex niya. Mabilis na pinunasan ni Wesley ang mukha ni Lucky.

"I'm okay Wesley."

"Well, i'm not!" galit na sagot niya habang nakatingin ng masama kay Amber na katabi ng pinsan niya.

"Amber what did you do?" Nagkibit balikat lang si Amber at nagkunwaring walang alam sa nangyare ng nghuminto si Kenneth sa harap niya.

"SEE YOU ON COURT FAGGOTS!" chorus ng mga PINK GIRLS at ngayon ko lang napansinng dumarami na ang mga miyembro nila.

"Tara na may madidighay dahil sa bola mamaya." Hinila ako ni Lucky sa kamay at teary eye akong lumingon sa mga audience. Nagulat ako ng halos kaladkarin ako ni Lucky papapalyo. Maygad! Patulo na yung luha ko 'e, umatras pa mga seshie!!

To be continued..