webnovel

Unnamed

©2020

No part of this book may be reproduced in whole or in part, or stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission of the publisher/writer.

This book is a work of fiction. Names, characters, businesses, place, and incidents are either product of the author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead is entirely coincidental

Bakit ngayon ko lang nalaman? Bakit Hindi niya man lang sinabi sakin? Sana nagawan ko man lang ng paraaan or nakatulong man lang ako sakanya.

Nawala na sakin ang lahat, wag naman pati siya! Oo galit ako sakanya dahil siya ang dahilan ng lahat kung bakit nawala and halos lahat sakin... pero hindi naman yun sapat para hilingin ko na mawala na rin siya. Ano nalang ang gagawin ko kapag nawala na siya ng tuluyan sakin?

Kakayanin ko pa ba? Alam kong madami akong masasamang ginawa... pero... akala ko ba matagal ko na yun pinagbayaran? Nagbago na ako, ano pa ba ang kailangan kong gawin?

Hindi ko mapigilang umiyak habang tinitingnan siyang nakahiga, hirap na hirap, at sinusugot sa Emergency Room. Ganito ba talaga kasama sakin ang tadhana? Tatanggapin ko lahat ng parusa, wag lang siyang mawala, siya nalang ang natitira sakin.

"Lumaban ka p-please! W-Wag mo kong iwan! Ikaw na-nalang ang natitira sakin, hi-hindi oo na kakayanin k-kung pati ikaw m-mawawala!"

Nanghihina kong saad sakanya habang humihikbi at sinusundan siya papunta sa Emergency Room. Ako nalang dapat... hindi ikaw!