webnovel

Chapter One: Never Ending Nightmare

"Mommy...? Daddy...? Where are you?"

Wala akong ibang nakikita kundi puro puti. Naglakad ako ng naglakad hangang sa makakita ako ng itim, hindi ko alam o matukoy kung ano yun. Natatakot ako pero parang kusang gumagalaw ang katawan ko, at napansin ko nalang na palapit at palapit na ako sa kulay itim na yun... Habang paplapit ng papalapit ako, palong lumalaki yung kulay itim.

Nakarinig ako ng mga hiyawan, pero hindi galing sa kasiyahan kundi parang may nagluluksaan. Mayroon ding mga humihingi ng tulong. Habang papalapit ako ng papalapit sa kulay itim, mas lalong kumaklaro ang lahat.

May naaaninag kong isang bata... teka... parang ako yun noon, yakap-yakap siya ng isang matandang babae, siguro mga nasa early thirties, hindi ko makita yung mukha niya dahil nakayuko siya, yakap rin jung babae yung isa pang bata... parang kilala ko rin yun... parang si bunso yun. Anong ginagawa nila diyan...?

Anong ginagawa ng batang ako diyan? May papalapit at papalapit sakanila na lalaki... malabo ang mukaha niya, pero alam ko na si Daddy yun. Niyakap din kami ni Daddy.

Siguro yung babae si mommy yun, ano ba talaga ang ginagawa nila diyan? Saka nasaan si Kuya? Bakit hindi na sila gumagalaw?

Medyo lumiliwanag na yung paligid kaya mas nakikita ko na yung paligid. Habang lumiliwanag yung paligid, napansin kong may mga sugat at dugong biglang lumilitaw at dumadaloy sa katawan nila. Narinig kong may sinasabi si mommy sa batang ako at sa kapatid ko.

"Take good care of each other. Never forget that we love the both of you. Sana mas madami pa tayong oras na magkasama. Pero hindi na yun... pwede pang mangyari. I hope someday you'll understand... N-Nous t'aimons (We love you)!"

Pagkatapos ng sinabing yun ni Mommy, may tumulong luha sa mata niya tapos namatay na siya. Nakuta ko rin na sabay sa pagkamatay niya ang pagbagsak nilang bigla ni Daddy. Napaiyak naman ako ng tahimik sa nakita ko.

Nakita ko rin kung paano naiyak ang batang ako at si bunso sa nangyari sakanila Mommy at Daddy. Tapos biglang tumingin sakin ying batang ako, tinuturo niya ako at nagsasalita ng pasigaw, galit na galit ang mukha niya. Nagulat ako, at the same time natakot ao sa narinig kong lumabas sa bibig niya.

"È tutta colpa tua (This is all your fault)! Kung hindi dahil sayo, hindi mamamatay ang mga magulang natin! Masaya pa sana tayo ngayon! Nunca te perdonaré (I'll never forgive you)!"

Tapos nag-iba yung hitsura niya, nagmukha siyang monster, tapos pumunta siya sakin. Natakot ako kaya tumakbo ako ng napakabilis papalayo. Ang bilis niya, hinahabol niya parin ako... papalapit na siya!

Napasigaw ako ng malakas. Tumingin-tingin ako sa paligid, wala na yung dating ako, si bunso, si Mommy, si Daddy. Nandito ako sa kwarto ko ngayon, nakaupo sa kama ko, hinahabol ang hininga ko, pinapawisan at may mga tuyong luha sa paligid ng mga mata ko.

"Napanaginipan ko nanaman yun. This is crazy! It's like a never ending nightmare!"

Isang bangungot ng nakaraan. Isang malagim na ala-ala na kailan man ay hinding-hindi o makakalimutan. Hanggang kailan ko kaya iindahin ang sakit na dulot ng nakaraan?

What did I do to deserve this? As far as I know, nagbago na ako. Hindi na ba talaga ako makakatulog ng hindi ko napapanaginipan yun?

Kailangan makamit ko na ang hustisyang dapat oara sakanila. Papagbayarin ko ang kung sino mang nasa likod ng pagkamatay ng mga magulang at kapatid ko. Hinding-hindi ko sila mapapatawad!