webnovel

Love Connection [Tagalog]

Popular Aldred Cuzon's lovelife turned upside down nang may ipakitang picture ang bestfriend niya sa kaniya. ''Love at first sight?'' – Imposible, that's what he thinks. In denial sa kaniyang feelings ay mabilis din itong naglinaw noong makita niya si Arianne Mari Fernandez in person. Long, soft, and smooth silky chestnut-colored hair, brown eyes, rosy cheeks, and kissable lips. Fireworks all over his stomach, sweet scent clouded his brain – Aldred was dazed and now his Cotton Candy hates him.

Erururu · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
97 Chs

CHAPTER 54 - Captured

V3. CHAPTER 20 - Captured

ALDRED'S POV

Napalibot ako ng tingin sa paligid ngunit ni isang liwanag ay wala akong madatnan. Tahimik kaya't sumigaw ako ngunit walang tinig na lumabas sa aking bibig. Sumikip ang aking dibdib at nakaramdam ako ng kaba dahil sa aking pag-iisa. Tumakbo ako sa kawalan. Tumakbo ng tumakbo. Hindi nag-iisip at dire-diretso. Kung may destinasyon nga lang ako ay siguradong malayo na ang aking narating.

Nang makaramdam ako ng hingal ay pumikit ako. Nagdasal ako kay God at pagkatapos kong magdasal ay naramdaman ko ang panlalambot ng aking mga binti. Napaluhod ako ng bigla at kasabay noon ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata.

Pinunasan ko ang aking mga mata at habang kinukuskos iyon ay nakarinig ako nang pagtawa.

"Ayaw mo na ba makipaghabulan?"

Isang batang babae ang bigla na lang sumulpot sa aking harapan. Dahil sa nakaluhod ako ay pantay lamang ang aming taas. Gulat akong nakatitig sa kanya.

The girl in front of me has a long chestnut colored hair, beautiful doe eyes, light skin and pink cheeks... Siya yung bata na madalas na kalaro ng batang ako sa aking mga panaginip.

"Ayaw mo na ba makipaglaro sa akin?" Malungkot niyang tanong na ipinagtaka ko.

Marami akong kwestyon sa aking utak. Gusto ko siyang kausapin ngunit wala pa ring tinig na mabuo ang aking bibig.

Pinilig ng batang babae ang kanyang ulo saka nag-nguso at kibit balikat.

"Okay, baby ka pa kasi kaya mabilis kang mapagod."

Binalik ng batang babae ang kanyang tingin sa akin nang nakangiti. Sunod ay inabot niya ang aking mukha gamit ang kanyang kaliwang kamay. Pagkalapat ng kanyang maliit at malambot na palad sa aking pisngi ay hinimas niya ito. Pinunasan ng kanyang daliri ang aking natuyong luha at habang marahan niyang hinihimas ang aking pisngi ay unti-unting nagliwanag ang paligid.

Parang mahika at sa isang kumpas ay lumitaw ang mga halaman, sunod ay puno at mga bulaklak. Nang makita ko ang liwanag ng asul na ulap ay nawala ang aking pangamba. Inilibot ko ang aking tingin at isang mansion na pamilyar sa akin ang aking nakita.

"Aldred, I love you."

Nagtataka akong napabalik ng tingin sa batang babae.

Binaba ng bata ang kanyang kamay ngunit nananatiling parang nakahawak pa rin sa akin ang magaganda niyang mga mata.

Ngumiti siya at muli ay kumabog ang puso ko.

"Aldred, malayo pa yung tatakbuhin ko a pero habulin mo pa rin ako. Kapag hindi mo ako hinabol malulungkot ako sige ka. Kapag hindi mo ako hinabol, iba makakahabol sa akin. Kapag hindi mo ako naabutan, hindi tayo magme-marry. Okay?"

Impit akong natawa. Anong ibig niyang sabihin?

Napailing na lang ako sa mga iniwika ng isang batang tulad niya. Nang ibalik ko ang aking atensyon sa kanya ay nakasimangot na siya. Tila nainis sa aking reaksyon.

"Opo, promise."

Lumabas ang aking tinig at hindi ko alam kung bakit iyon ang nabuong salita ng bibig ko.

Nabura ang lukot sa kanyang mukha.

"Okay! Basta promise mo 'yan a."

Tumango ako. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko naman ay iyon ang tama na isagot sa kanya.

"Promise."

Humagikgik siya at iyon ang pinaka-cute na tawang narinig ko hindi lang sa panaginip kundi sa tanang buhay ko.

"Game na uli tayo."

Napataas ako ng kilay.

"Game na?"

Siya naman ang tumango at may kasunod na itong bilang. One, two at pagdating ng three ay bigla siyang tumakbo.

"Oy!"

Napatayo ako at napahabol. Dapat ay madali ko lang siyang maaabutan dahil sa laki ng agwat ng aming mga biyas ngunit sa bawat hakbang ko ay parang ang mundo ang naglalayo sa amin. Gumagalaw ang lupa at inilalayo nito ang distansya ko sa kanya.

"Oy bata! Saan ka pupunta? Hintayin mo ako!"

Gusto kong tawagin ang ngalan niya ngunit hindi ko ito alam. I want her to stop. Nagmadali ako at nagmadali na tipong wala na akong pake kung magkabali-bali na ang buto ko. She is just a kid but there's something in her that makes me not want to lose her.

Wala na akong maramdaman pero ang importante ay malapit na ako sa kanya.

"Oy, bata! Sandali!"

Aktong aabutin ko na sana ang balikat niya nang bigla na lamang siyang malaglag sa kawalan.

Muli ay nabalot ng dilim ang paligid.

♦♦♦

"Arianne!"

Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga. Malamig ang paligid dahil sa aircon pero pawis na pawis ang buo kong katawan. Humahangos akong napatingin sa aking paligid. Nandito ako sa aking kwarto at nagiilumina na ang sikat ng araw papasok ng silid.

Hindi ko alam kung simpleng panaginip lang ba o makakategoryang isang bangungot ang aking naranasan.

Hinawakan ko ang aking pisngi.

"Arianne..."

Is that her?

Humawak ako sa aking dibdib at naramdaman ko ang lakas nang kabog ng aking puso. Yung idea na maaari siyang maglaho ng ganon-ganon lang ay parang ikamamatay ko. Hindi ko ma-imagine kapag nangyari iyon sa totoong buhay.

Kinuha ko ang aking cellphone para tignan kung may-reply ba si Arianne sa aking text kagabi ngunit wala. Tinignan ko kung anong oras na at napatalon ako pababa ng kama dahil sa gulat.

"ARAY! Shit!"

Agad akong napaluhod ng maramdaman ko ang matinding pananakit ng aking mga binti. Kagabi nga pala, pagkatapos akong sermonan ni Mama ay pinarusahan niya ako sa pamamagitan nang pagluhod sa sandamakmak na asin.

Hirap akong tumungo sa aking CR. Mabilis akong naligo at nag-ayos ng aking sarili. Bumaba ako patungong kusina at naabutan ko si Monique na kumakain na ng almusal.

"Ma, bakit hindi mo po ako ginising?"

Umupo ako katapat si Monique kaya nahuli ko ang pagtawa niya.

"Parusa mo 'yan bata ka," sabi ni Mama habang naglalapag ng masasarap na agahan sa aking harapan. I am looking at her and she has this annoyed expression all over her face.

Nasermonan ako ni Mama kagabi dahil may nigawa akong masama. Nagalit siya para matuto ako ng leksyon at naiintindihan ko iyon.

"I love you po, Ma," nakangiti kong sabi.

"I love you too," tugon niya na may tono ng pagkairita.

Lumibot ako ng tingin sa paligid para hanapin ang isa pang tao na nais ko ring sabihan ng "I love you".

"Naghahanap ka sa wala Kuya. Maagang umalis si Ate Arianne," saad ni Monique. Sinaksak niya ng tinidor ang malaking hotdog sa kanyang plato sabay kagat dito.

"Ma," I purred and Mama stared at me. She crossed her arms below her chest and leaned on the kitchen counter.

Tumawa si Monique.

"Hindi kaya siya makalingon ng diretso sa amin ni Mama kanina. Ikaw kasi Kuya e. Siguradong hiyang-hiya 'yon." Muli ay tumawa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit mo ba kasi naisipang gawin iyon anak?" tanong ni Mama na nagpayuko sa akin.

Napatingin ako sa bacon. Niluto ito sa paraang gusto ko - crispy, pati na rin ang corned beef. Hinanap ko yung hotdog pero isang blangkong pinggan sa may gitna ang aking nadatnan.

I eyed Monique.

"Nagalit po kasi ako sa kanya."

Naitanong na ni Mama sa akin ito kagabi ngunit hindi ko lang sinagot.

"Huh?"

Hindi makapaniwala ang mga reaksyon nila. Muntik pa ngang malaglag ni Monique ang hotdog na kinakain niya. Mabuti na lamang at dumiretso ito sa pinggan.

"Are you serious kuya?"

Uminom ako ng gatas bago sagutin ang aking kapatid.

"Yes."

Bigla ay tumayo si Monique saka pumunta sa tabi ni Mama.

"Ma, Kuya is sick! Kailangan na po natin siyang ipatingin sa psych bago pa siya makagawa ng masama!" sabi niya habang naka-angkla kay Mama.

Pinunasan ko ang gatas sa aking labi then I rolled my eyes at her remark.

Ang OA.

"Ma, opo I think I'm sick." Nag-ubo-ubo ako kunwari, "Lovesick Ma," dagdag ko sabay tawa.

Monique's face immediately went flat, unamused of what I've said while Mama has also the same expression written on her face. Kanina pa siya nakatitig sa akin hanggang sa maputol ito ng paghugot niya ng hininga. Dumiretso si Mama ng tayo kaya't napabitaw si Monique sa kanya. Naglakad si Mama patungo sa ref at kumuha ng pitsel ng tubig.

"Ganito ba talaga mga kabataan ngayon?" tanong ni Mama and Monique answered her.

"No Ma, si Kuya lang po. I know he's weird but I never thought he could get this weirder."

Ngayon ko lang nigusto sa buong buhay ko na batukan ang aking kapatid. Kumain na lamang ako para mapigilan ang aking sarili. Luckily may taba sa bacon at cornedbeef.

"Aldred, ayoko nang maulit ito. Hindi mo man lang ba ako naisip? Ano na lang ang sasabihin ko sa mga magulang ni Arianne kapag may nangyari sa kanya at ikaw ang may sala? Hindi kita pinalaki para gumawa ng ganyan. Sa susunod na maulit pa ito ay ako na ang magsasabi kay Shan na palipatin na lang si Arianne. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Napatigil ako sa pagnguya at ang aking labi ang aking kinagat.

Nasabi na ni Mama sa akin ito kagabi pa at ngayon ay inulit nanaman niya. Nakakainis lang. Nakakawalan ng gana. Nakakainit ng ulo lalo na yung mga huli niyang binanggit.

Binitawan ko ang mga hawak kong kubyertos at padabog akong tumayo saka sinagot si Mama.

"Opo!" sabi ko sabay alis.

Malayo na ang aking nalakad nang ma-realize ko kung ano ang naging asal ko kay Mama. Na-guilty tuloy ako sa ginawa ko. Lahat ginagawa niya para sa akin tapos sasagutin ko siya ng ganoon. Hindi man sabihin ni Mama ay siguradong nasaktan ko siya. Ngayon ko lang nagawa iyon sa kanya sa buong buhay ko. Nag-aalala tuloy ako na baka isipin niya na B.I. sa akin si Arianne dahil sa kanya nag-ugat ang lahat.

Pinili kong i-text na lang muna si Mama para makapag-sorry sa kanya.

Aldred: Sorry po Ma sa inasal ko.

Hindi nag-reply si Mama.

♦♦♦

Last day ng JFEvent ngayon pero imbes ma-enjoy ko ito ay ang pagso-sorry kina Mama, Monique at Arianne ang umiikot sa aking isipan.

Dumating ako ng booth namin na hindi nadatnan si Carlo at Jerome. Late na rin kasi at nagsisimula na ngang dumumog ang mga customers kaya nagbihis na ako ka agad.

Habang nagse-serve ay pasulyap-sulyap ako sa orasan. Gusto ko kasi talagang makaalis na para makapunta ako kung nasaan man si Arianne at para makapag-usap kaming dalawa. Bukod sa paghingi ng sorry ay nais ko ring i-share sa kanya ang aking napanaginipan.

"Hindi ka mapakali Bro a." Naagaw ni Sho ang aking atensyon pagkapasok ko ng staff room.

"Ah may iniisip lang ako. May plano kasi akong puntahan mamaya e."

"Ganon ba? Pero 1pm pa tapos ng shift mo di ba? Sige, kapag medyo umunti na yung wave ng customers nitong lunch pwede ka nang umalis."

"Talaga? Sige, sige. Salamat Sho a."

Masaya akong lumabas ng staff room at muli ay tumulong sa pagse-serve. Mag-aalas dose na kaya unti-unti nang dumadagsa ang mga tao. Kakalapag ko lamang ng order sa isang table nang makarinig ako ng ingay sa labas.

Medyo na-curious ako kaya napalingon ako sa may entrance pero agad ko ring iniwas ang aking tingin nang malaman ko kung sino ang dahilan ng komosyon.

Kung napagod ako sa pagse-serve ng customers ay mas nakakapagod ang pakikipag-interact sa grupo ni Natalie. Hindi nga kami nag-uusap pero yung mere presence niya pa lang ay nabibigatan na ako. Kasama niya pa yung photojourn at si Eunice na nasabi sa akin ni Carlo'y ni-break up niya na kamakailan lang.

"What do you want to bite?" tanong ko at biglang humalakhak yung photojourn.

"Ano raw gusto mong kagatin Nat?"

Nilingon ko si Natalie at nakasubsob ang mukha niya sa menu.

"Or pwede rin namang kagatin mo na lang si Nat."

Nasamid ako sa sarili kong laway nang marinig ko iyon. Nag-cringe ang buong katawan ko pero agad kong pinanatiling mahinahon ang aking sarili.

"I'm sorry my lady but that's not on the menu."

Nitong nakaraan ay may project proposal para sa aming dalawa ni Natalie ngunit tumanggi siya. Nag-decline din ako dahil tatapat 'yon dito sa JFEvent. Hindi pa rin kami nakakapag-usap ni Natalie nang katulad ng dati. Yung dati na nababara ko siya kapag naga-arte-arte siya sa harap ko. Pero nitong nakaraan ay napansin ko na may pinagbago siya. Nabanggit din ito ni Sir Roel at ng ilang staffs at empleyado ng agency. Parang naging seryoso raw kasi bigla si Natalie at nabawasan yung pagiging maarte niya.

Bukod kay Sir Roel ay wala na akong pinagsabihan pa sa naganap na pagko-confess ni Natalie at pag-reject ko sa kanya. Ayon kay Sir ay baka iyon daw ang paraan ni Natalie upang maka-move on siya sa akin.

"Bye-Bye Aldred," saad ni Noreen nang paalis na sila. Sunod ay kinuha niya ang kamay ni Natalie at ini-wave ito sa akin.

"Ano ka ba Nat, say bye too."

Namula ang pisngi ni Natalie. Nakapilig ang ulo niyang nagpaalam sa akin.

"Bye," mahina niyang sabi.

"Bye," mahina ko ring tugon.

Saglit lang, pagkaalis ng grupo nila Natalie ay nagsimula nang kumonti ang customers ng café namin. Kinausap ako ni Sho at sinabi niya na maaari na akong umalis kung gusto ko. Pumasok ako sa staff room para kunin ang gamit ko.

"Idol Aldred, ngayon lang namin nalaman na may tama pala sayo si Natalie a. Hindi ba magkasama kayo sa modeling agency?"

Nakatingin ako sa salamin nang abalahin ako ng usisero kong kaklase.

"Yes." Tinignan ko ang lalaki kong kaklase at inalala kung sino siya. "Ilang beses na rin kaming nagkasama sa mga projects," dagdag ko habang mariing nag-iisip ng pagkakakilanlan niya.

"Ibig sabihin matagal mo nang alam na may gusto sayo si Natalie yet you go for Arianne? Hindi ba may rumor na magkaaway silang dalawa?"

Dumami ang mga kaklase kong nagsulputan dito sa loob ng staff room. Para silang mga bubuyog kung magbulong-bulungan. Medyo nakakairita. Obvious na nandito lang sila para maki-usyoso.

"Yeah, aware ako, pero hindi iyon totoo," maiksi at walang gana kong tugon. Balak ko sanang magpalit ng suot pero naunsyame dahil sa mga tsismosa kong kaklase. Last day na rin naman kaya okay na rin 'tong vampire costume. Cool saka gwapo pa rin naman ako.

Kinuha ko ang aking backpack na nakalapag sa isang upuan.

"Talaga?"

"Oo, kaya nga hanggang rumor lang."

"E bakit si Arianne yung gusto mo?"

Ngayon ko lang na-realize na sa higpit ng entrance exam para makapasok ng NIA ay may nakakalusot pang mga utak munggo na estudyante.

Papalabas na ako ng staff room nang matigilan ako ng tanong na iyon. Nilingon kong muli ang kaklase kong nangungulit sa akin. Mula ulo hanggang paa ay hindi ko siya matandaan.

"Sino ka ba?" I asked literally pero mukhang hindi niya gets na tinatanong ko ang pangalan niya.

"Sino ka ba para tanungin ako?" I reitirate my question.

Nagsitahimik sila.

Hindi ako close sa aking mga kaklase. Sa totoo nga ay ga-graduate na lang kami na ilan lang sa kanila ang aking nakakausap. Hindi ko alam kung ano ang tingin nila sa akin. Anyway, wala naman akong pake kung ano. Marami nang nag-attempt sa kanila na makipagkaibigan pero oo ako ang may problema. Wala kasi talaga akong panahon na makipag-socialize sa kanila.

"Tsk, ang yabang mo naman. Porket matalino ka akala mo nakaka-angat ka na sa amin kung makaasta," saad ng kaklase ko na kumukulit sa akin bago niya ako talikuran. Naglabasan na rin yung iba pa.

"May nangyari ba?" tanong ni Sho sa akin pagkapasok niya ng staff room.

Sinuot ko ang aking backpack bago siya sinagot.

"Wala naman," nakangiti kong sabi, "Sige Sho, alis na ako a. Salamat."

Lumabas ako ng café na sinusundan nang tingin ng aking mga kaklase. Rinig at ramdam ko ang mga negatibong reaksyon nila. Nang tuluyan na akong makalayo ay napabuga ako ng hininga. Don't give a shit sabi ng utak ko yet iba ang guilt na nararamdaman ng puso ko.

Ayokong makipag-socialize pero hindi naman ibig sabihin noon na gusto kong malayo ang loob sa kanila.

♦♦♦

"Hello, Doreen, sabi mo nandito si Arianne?"

Kasalukuyan akong nasa school gym ng SNGS. Nakatingin halos lahat ng mga tao rito sa akin. Para bang ngayon lang sila nakakita ng gwapo na bampira.

Pang-ilang tawag ko na kay Doreen at ilang beses niya na ring tinuro sa akin kung nasaan ba si Arianne ngunit hindi ko naman siya matagpuan.

"Hala! Talaga? Pero ayon sa source ko nandyan daw siya ngayon - hey wait, nasa may street booths na raw si Ate Arianne."

Napaupo na lang ako sa isang bench nang marinig ko iyon. Nakailang ikot na ako sa SNGS at Street Booths kakahanap kay Arianne pero tila isa siyang tipaklong na patalon-talon kung saan-saan.

"Hindi kaya tinataguan ka ni Ate Arianne, Kuya Aldred?"

Anak ng palaka!

 Napaigik ako sa sinabi ni Doreen. Posible nga kasing iyon ang ginagawa ni Arianne kaya di kami magkatagpo.

Napatanong ako sa aking sarili.

Hayaan ko na lang kaya muna siya?

Nag-isip akong maigi. Mga tatlong segundo bago matindi akong umiling.

"Walang mareresolba kapag hindi kami nagkausap na dalawa."

Tumayo ako.

"Nag-away ba kayo ni Ate Arianne?"

"Huh? Hindi naman hehe," awkward akong tumawa. "Hey, sige Doreen, salamat. Puntahan ko na siya doon at baka hindi ko na naman maabutan."

Binaba ko ang tawag.

ARIANNE'S POV

Dahil pareho na kaming nalipasan ng gutom ni Pristine ay imbes na kumain ng kanin ay mas pinili na lamang naming bumili ng snacks sa mga food stall sa Street Booths. Rare na makita kaming tatlo - ako, si Pristine at Natalie na magkakasama kaya halos lahat ng ka-schoolmate namin na aming madaanan ay nama-magnet ang tingin sa amin.

Nakaramdam ako ng pagkabalisa dahil sa atensyong natatanggap namin. Napansin ito ni Pristine at tinanong niya kung okay lang ba ako pero hindi ko siya nasagot nang maagaw ni Natalie ang atensyon ko.

Kinuha niya ang aking kamay at mahigpit itong hinawakan.

"I'm here so Arianne will be fine."

"Luh, ano connect? Eh kung umalis ka kaya para hindi kami pagtinginan?"

"Oh, so you're acknowledging that they are looking at us because of my existence here?"

"NO. Ulol."

Nalaglag yung strawberry ng crepe ko matapos sabihin iyon ni Pristine.

Nanghinayang ako saglit pero mas inintindi ko ang namumuong sama nang panahon sa aking tabi.

"What?!" galit na reaksyon ni Natalie. Nasa may daanan kami kaya nagtinginan pa lalo, pati yung mga civilians sa amin.

"Gusto mo talaga ulitin ko pa e. Sabi ko u-"

Pumagitna ako sa kanila at sinalaksak sa bibig ni Pristine ang crepe na hawak niya para manahimik siya.

"Ayaaa!" reklamo niya sabay punas sa kanyang bibig. Impit akong natawa dahil medyo napalakas pala ang ginawa ko at kumalat ang whipped cream sa labi, pisngi at ilong niya.

Nakasimangot akong tinitigan ni Pristine.

"Buti nga sayo," saad ni Natalie sabay smug. Nilipat ni Pristine ang mata niya kay Nat at naglakad ng isang malaking hakbang patungo rito.

Napanganga na lang ako nang masaksihan ko kung paano niya ipunas sa labi ni Natalie ang whipped cream na nasa mukha niya. Sunod ay nagrambulan na ang mga kamay nila.

"Walanghiya ka talaga! Bwiset!" patutsada ni Natalie habang sinasalag at hinuhuli ang kamay ni Pristine.

Catfighting. Napatanga ako sa kanila. Nakakaaliw. Para lang kasi akong nanunuod sa net ng dalawang pusa na nagpapaluan ng mga paws nila.

Dahil sa literal na catfight nina Nat at Pristy ay hindi naging iskandalosa ang dating nito para panuorin ng mga nasa paligid. Siguro may mga mangilan-ngilan pero ito yung mga ka-schoolmate namin.

"Sasabihin ko kay Manang na huwag kang bigyan ng leche flan!"

"Sige! Isusumbong ko naman kay Manang na nagmura ka! Leche ka."

Pumagitna na ako sa kanila dahil obvious naman na walang patutunguhan ang ginagawa nila.

"Hey, a-ano... tama na," nahihiya kong saad dahil ang katumbas ng pagpwesto ko sa pagitan nila ay ang atensyon ng mga nakatingin sa kanila. Binunot ko ang aking panyo sa bulsa at pinunas ito sa bibig ni Pristine at sunod kay Natalie.

"Wa-Wait Arianne!"

Hinila ko ang dalawa patungo sa isang water fountain.

"Aww! My lipstick. Nabura na." Naka-pout na tumingin sa akin si Pristine.

"Kainis. How grossed?! Hindi ka naman pinalaking piglet pero ba't ang baboy mo a?!" saad ni Natalie.

Bago pa uli sila magkasagutan ang dalawa ay agad na akong pumagitna sa kanila.

"So-Sorry. It's my fault. A-Ako naman y-yung nauna. Kung- Kung hindi ko ginawa 'yon kay Pristy hindi sana kayo mag-aaway," nakayuko kong saad. Hinintay ko ang sasabihin nila ngunit wala akong narinig. Iniangat ko ang aking mukha at naabutan ko silang nag-aayos ng sarili.

"Aya, don't be sorry. Wala kang kasalanan."

"I'm sorry, it's us. Please don't blame yourself for what we've done."

Tinignan ko sila at parehong bagsak ang kanilang mga mukha. Tumango ako at marahang ngumiti. Ngumiti rin sila pero may bakas ito ng pag-aalala.

Dumukot si Natalie sa kanyang bulsa at namangha ako ng may ilabas siyang mamahalin na lipstick at face powder. Kahit si Pristine ay napatanga sa kanya.

Nakatitig kami kay Nat habang nagre-retouch siya. Marahan siya kung mag-apply ng lipstick kaya't yung maganda niyang labi ay unti-unting naging kulay rosas. Patapos na siya nang mapalingon siya sa akin at magtama ang aming mga mata. Bukod sa kanyang labi ay naaliw ako ng mamula ang pisngi niya.

Mahina akong natawa at pansin ko na tila nairita siya.

"Pahiram nga." Walang anu-ano'y kinuha ni Pristine ang lipstick. Nag-alala ako dahil baka mag-away nanaman sila pero Natalie just eyed her and blew a breath.

"How about you Aya?" Pristine asked which I immediately declined.

"Eh? Sige na. Try lang natin 'tong lippie shade na 'to sayo o," Pristine insisted.

"Pero..." Sumulyap ako kay Natalie, "Pero kay Natalie iyan," naiilang kong sabi.

"I-It's just fine if it's you." Lumingon ako kay Natalie and she still has this rosy blush on her face. "After all, I need your innocence to purify that lippie from someone's undesirable touch."

Pristine eyed her. They stared at each other for a while but surprisingly I didn't feel any tension building up on both sides.

Hinawakan ako ni Pristine sa baba then she gently applied the lippie on my lips. I kinda felt awkward about what we're doing. Nakakahiya dahil nasa open space kami at ang daming tao sa paligid yet dito pa kami nag-make up session.

Makeup, kolorete in case you misread it.

"My G, Aya. If I were a guy, I would make it sure myself to make you mine."

Tinampal ko ang kamay ni Pristine dahil nagsasalita na siya ng kung anu-ano.

"Thanks Nat." Ako na ang nagbalik ng kolorete kay Natalie.

Nagpatuloy kaming mag-stroll, kumain at maglaro. Sa bawat gaming/activity booth na aming mapuntahan ay lumalabas ang pagiging competitive ni Natalie at Pristine sa isa't-isa. Sa kanilang dalawa pa lamang ay makakakota na ng donation ang bawat booth. Walang titigil hangga't walang nananalo. Pinanunuod ko lang sila pero sa tuwing ramdam ko na sobra na ay pumapagitna na ako.

"Woah, you won 2 stuffs in just 2 shots," manghang saad sa akin ng staff ng booth pagkabigay niya sa ikalawang stuff rabbit na aking napanalunan. Binigay ko ang tig-isa sa dalawa.

"Thank you Aya," masayang saad ni Pristine pagkaabot ko sa kanya ng stuff toy.

"How did you do that?" tanong ni Natalie.

"Ah ano, tyamba lang," sagot ko.

"Eh yung kanina sa may ring toss?" tanong uli ni Nat.

"Tsamba lang din."

"Bottle stand?"

"Tsamba rin."

"Weight guessing?"

"Tsamba."

"Coin toss?"

"Tsamba." Sa dami ng tanong ni Nat ay napangiwi ako at napakamot sa aking batok.

"Tss," she hissed. Natalie made a brief annoyed expression then immediately softened while thanking me.

"Welcome," nakangiti kong saad sa kanila.

Nagpatuloy kami sa paglilibot hanggang sa mapadpad kami sa lugar kung nasaan may photobooth. Kataka-taka dahil walang nakapila. Tinignan ko ito ng maigi at hindi na iyon yung dating photobooth na ginamit namin ni Natalie. Mas malaki na ito pati yung pera na ilalaan mo para magamit ito.

"Ah ito na pala 'yon," ani Pristine, "Someone suggests in the committee to put a much more bigger photo booth so wish granted."

Tinignan naming tatlo ang loob.

"Pricey but reasonable naman," saad ni Natalie.

Maluwag yung loob ng bagong photobooth. Like 5-7 persons ang pwede sa loob unlike yung isa na 3-4 lang. May bago rin itong features at mas maraming copy ng larawan ang ilalabas.

"Hi, good afternoon." Napalingon kaming tatlo sa pinanggalingan ng boses. Nadatnan namin si Jerome with his prince aura and gentle smile. Napa-blink ako nang ilang ulit bago ko siya ngitian at tugunan.

"Good afternoon din," I said and I noticed how Pristine and Natalie moved closer to me. Binati rin siya ng dalawa.

"Are you going to take a picture?" tanong niya sa amin.

"Yes, we are, the three of us. ONLY," sagot ni Natalie na may tono ng pagbabanta. Sumegunda naman si Pristine.

"Yup, eh ikaw anong ginagawa mo pala rito?" Lumingon lingon si Pristine sa paligid. "Wala ka bang kasama na iba?"

"Wala, don't worry," Jerome giggled, "Actually, I'm here for you Miss Pristine. Pinapatawag na kasi tayo sa committee kaya lang hindi ka nila ma-contact. Luckily I saw you."

"Really? Sorry if I caused you a bother," nag-aalalang sabi ni Pristine, "Can I at least take a photo with them before I go with you?"

"Yeah, of course. Go on."

Pumasok kaming tatlo sa loob. Si Pristine then ako saka si Nat sa may tabi ng kurtina. Ako ang nag-operate sa photo booth. Madali lang ito at halos katulad lang nung sa isa ang mechanics. Nang magsimula nang mag-shoot ay nagkanya-kanya kaming pose. Hindi ako mahilig mag-picture kaya wala akong alam gawin kundi ang tumingin lang sa lens at ngumiti (yung iba pilit pa at ngiwi).

Namamangha nga ako sa mga shots ni Natalie dahil kahit nasa simpleng photobooth lang kami ay dala-dala niya ang kanyang pagiging modelo pagdating sa pag-anggulo.

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya.

Hindi ako nakasagot kagad at naabutan kami ng timer ng hindi naka-focus sa lens at nakatingin lang sa isa't-isa. Pristine nudged me taking my attention.

"Wa-wala," sambit ko before focusing myself again on the cam.

Habang nakatingin ako sa camera at habang tumatakbo ang timer ay na-realize ko kung gaano kahalaga ang oras na ito. Last year na namin bilang highschool student. Pagkatapos naming grumaduate ay maghihiwa-hiwalay na kami. Both Pristine and Natalie are important to me. Hindi man sila magkasundo ay pareho ko silang kaibigan at alam ko kung paano sila nage-effort para maipadama rin sa akin na kaibigan nila ako.

Hindi ko alam ang mangyayari sa future kaya tsini-cherish ko 'tong present. One day, kahit na hindi na kami nagkakasama ay may titignan akong larawan kung saan masasabi ko na sa kabila ng lahat ay nagkaroon pa rin ako ng mabubuting mga kaibigan.

Ten out of ten shots. 10 seconds remained and I felt Natalie move closer to me. Her head leaning on mine. 7 seconds and I felt Pristine did the same too. 5 seconds remained and I took a deep breath.

3, I smiled. A genuine smile like how I'm thanking God for everything He gave to me despite my weaknesses.

2, I waited.

and

1--

"Arianne!"

Nabulabog kaming tatlo sa loob nang may bigla na lamang humawi ng kurtina at isingit ang sarili niya sa tapat namin dahilan para masama siya sa huling shot ng camera.

"Aldred!" I blurted out.

♦♦♦