webnovel

Love Connection [Tagalog]

Popular Aldred Cuzon's lovelife turned upside down nang may ipakitang picture ang bestfriend niya sa kaniya. ''Love at first sight?'' – Imposible, that's what he thinks. In denial sa kaniyang feelings ay mabilis din itong naglinaw noong makita niya si Arianne Mari Fernandez in person. Long, soft, and smooth silky chestnut-colored hair, brown eyes, rosy cheeks, and kissable lips. Fireworks all over his stomach, sweet scent clouded his brain – Aldred was dazed and now his Cotton Candy hates him.

Erururu · Teen
Not enough ratings
97 Chs

CHAPTER 55 - Confession from the Heart

V3. CHAPTER 21 - Confession from the Heart

NO ONE'S POV

"Arianne, kanina pa kita hinahanap," saad ni Aldred, bakas ang tuwa sa kaniyang mukha. Ilang segundo siyang tinitigan ni Arianne bago siya nag-react sa pamamagitan ng paghugot ng hininga.

Maagang umalis si Arianne sa bahay ng mga Cuzon kaya hindi sila nagkita ni Aldred pero ngayon ay nasa harapan niya ito, nakangiti na parang bata.

"Hoy, kupal. Epal ka talaga," kuda ng walang pakundangang bibig ni Pristine habang lumalapit siya kay Arianne. Kakalabas niya lamang ng photobooth dahil hinintay niyang ma-print ang mga larawan.

"Look at this, dahil sayo wala sa ayos yung mukha ko sa huling picture," reklamo ni Pristine habang ipinapakita kay Aldred ang mga print-outs. Tinignan din ito ni Natalie dahilan para umusli ang nguso niya.

"Meme of the year."

Ngumisi si Natalie na ikinairita ni Pristine.

"Heh, palibhasa tuwang-tuwa ka kasi for once nadikitan ka ng crush mo. Huwag ka mag-alala hindi ko ito ibibigay sa'yo hehe," pangaasar ni Pristine. Namula ang pisngi ni Natalie at the same time napasimangot siya.

Sa larawan ay makikitang nakadikit nga sa kaniya si Aldred at dahil sa weight nito ay halos mapadagan din siya kay Arianne.

"E di huwag," sambit ni Natalie bago niya ibaling ang atensyon kina Arianne.

"Arianne alam mo ba kanina pa ako ikot ng ikot sa school niyo. Someone will say that you where there sa location na ito then wala ka naman. Tapos pupunta uli ako kung nasaan ka raw then mawawala ka uli. Nitatakasan mo talaga ako ano? Nilalayuan mo ako?"

Nagtaka sina Natalie, Pristine at Jerome sa sinabi ni Aldred. Parehas silang tatlo ay napalipat ang atensyon kay Arianne.

"Wala akong alam sa sinasabi mo. Kanina pa kami magkakasama nina Natalie at hindi ko alam na hinahanap mo ako. May cellphone ka naman di ba? Bakit hindi mo nalang ako tinext o tinawagan?"

Napalunok si Aldred.

Gustong tignan ni Aldred ng mata sa mata si Arianne pero nakaramdam siya ng hiya. Namangha naman ang mga nasa paligid kung paano mag-usap ang dalawa.

"Galit ka kasi sa akin kaya baka hindi mo ako reply-an," parang paslit na tugon ni Aldred. Nakanguso siya at paiwas-balik tingin sa kausap niya.

Arianne bit her inner cheek. Mukha siyang naiirita ngunit sa totoo ay binubuhol na ang utak niya at wala na sa tono ang tibok ng puso niya.

"Mabuti alam mo."

Nakaramdam ng panandaliang ngatog si Aldred dahil sa malamig na tinig na kaniyang narinig.

"Aya, anong meron?"

Tinignan ni Arianne si Pristine kaya nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng kaibigan. Umaliwalas ang aura niya at nginitian niya si Pristine bago siya nagsalita.

"Pristy, di ba pinapatawag na kayo sa committee?"

Natigilan saglit si Pristine bago siya tumango. As much as gusto niyang makialam dahil tungkol ito sa kaniyang kaibigan ay naiintindihan niya ang pinahihiwatig ni Arianne.

"Ah, yes, oo nga pala," Nilipat ni Pristine ang atensyon niya kay Jerome, "Halika na Jerome. Baka masyado ko ng napaghihintay yung committee," saad ni Pristine bago siya humakbang paalis.

Salitang tinignan ni Jerome si Arianne at Aldred bago siya nagpaalam at sundan si Pristine.

Alam ni Natalie na dapat na rin siyang umalis ngunit tinamaan siya ng kuryosidad. Gusto niyang malaman kung ano ang meron sa pagitan nina Arianne at Aldred. Tinignan ni Natalie ng maigi si Arianne. Sa lahat ng taong nakilala niya ay ito ang pinakamadaling basahin. Lumingon si Arianne sa kaniya kaya nagtama ang mga mata nila.

Right at that moment ay nagka-idea na si Natalie sa kung ano ang meron. Mas napatunayan niya sa sarili na mabuting tao talaga si Arianne kumpara sa kaniya.

Kaya siya ang pinili ni Aldred at kaya gusto siya ni Pristine at Bianca...

Simula pa lang sa umpisa ay hindi naman galit o nagseselos si Natalie kay Arianne. Hindi noon pa man at hindi mangyayari kahit kailanman… Wala naman kasi itong ginawang masama sa kaniya.

"Wala pero..." Kinagat ni Natalie ang ibabang labi niya.

Walang ginagawang masama pero sa tuwing nakikita niya si Arianne ay may kakaibang emosyon siyang nararamdaman. Para siyang nananalamin at ang existence ni Arianne ang nagpapaalala sa kaniya na hindi siya mabuting tao— na makasarili siya.

"Arianne never wronged me but, she made me realize how wrong I am as a person."

Bumuntong hininga si Natalie bago niya napansin ang marahang pagdaop ng mga kamao ni Arianne. Kung paano lumunok si Arianne. Kung paano siya hindi mapakali…

Kung paano bumagsak ang malambot at magandang buhok ni Arianne. Kung paano kuminang ang skin nito sa ilalim ng liwanag ng araw. Kung paanong nagtikom ang labi ni Arianne noong dumampi ang lipstick niya sa labi nito. Kung paano sinasalamin ng mga magagandang mata ni Arianne ang maganda nitong puso.

Laging nakikita ni Natalie ang mga bagay-bagay tungkol kay Arianne.

Sasabihin na sa kaniya ni Arianne. Iyong bagay na ipinagbawal niyang gawin nito. Yung promise nilang magkaibigan sa isa't-isa. Yung promise na in the first place, based on experience ay alam ni Natalie na meant to be broken.

Binaling ni Natalie ang atensyon niya kay Aldred – ang lalaking gusto niya o ginusto niya. Bakas sa mukha ang pagkalungkot nito pero mamaya, sa imahinasyon ni Natalie ay ito na ang isa sa pinakamasayang tao sa araw na ito.

Gusto talaga ni Natalie si Aldred. Sigurado siya sa damdamin niya dahil nakaramdam siya ng sakit noong i-reject siya nito. Masakit ang ma-reject pero hindi hinayaan ni Natalie na manirahan siya sa yugtong iyon. Matapos ang lahat ay gusto lang naman niya ito. Gusto niya lang pero masakit na. Paano pa kaya kung ang mahal niya ang hindi tatanggap sa kaniya?

"Hindi iyon mangyayari."

Hindi iyon mangyayari dahil ipinangako ni Natalie sa kaniyang sarili na hindi niya ipapaalam kahit kailan ang nararamdaman niya sa taong iyon. Magiging masakit parin pero atleast hindi siya mare-reject.

"Natalie, I'm sorry..."

Arianne gathered all her courage. Pagkatapos ng usapan nina Arianne at ng mama niya kagabi ay napagdesisyonan niyang harapin ang mga bagay at kabilang doon ay ang nararamdaman niya. Nangako siya kay Natalie pero kailangan niyang harapin ang puso niya. Kailangan niyang mamili ngunit dahil hindi alam ng utak niya ang sagot ay ang puso niya ang pinili niyang sundin. Lahat ng choices ay may kabayaran and as much as she wants to treasure Natalie and their friendship ay ito ang alam niyang kapalit noon.

Friendship or love?

Huminga ng malalim si Arianne. Ang sagot niya ay ang maging totoo siya sa kaniyang sarili.

"Nat, I'm sorry, I—" Napatigil si Arianne noong may isang estudyante ang lumapit sa kanila.

"Miss Natalie, pasensya na pero may emergency kasi. Pinapatawag na tayo ni Mrs. Basa, kailangan na raw nating maghanda dahil mapapaaga yung play," saad ng kaklase ni Natalie.

Bumuga ng hininga si Natalie. Hindi dahil sa emergency kundi dahil sa ginawa nitong pagtigil sa nais sabihin ni Arianne. Nakahinga siya ng maluwag.

Tinignan ng maigi ni Natalie ang mga mata ni Arianne kaya't nakita niya kung gaano kagusto nitong magsalita. Kung gaano kagusto nitong maging totoo na sa kaniya. Masaya siya sa gagawing pagpapakatotoo ni Arianne pero may mga bagay na okay ng hindi marinig lalo na kapag alam mo na ito.

"Arianne, Aldred, I'm sorry but I need to excuse myself."

Just by that ay tinalikuran ni Natalie ang dalawa. Mabilis siyang naglakad paalis, kasing bilis ng pagpintig ng puso niya, dahilan para magmadali rin ang estudyanteng tumawag sa kaniya. Naiwang nakatingin sa likuran niya sina Arianne at Aldred. Nadama ito ni Natalie at napatigil siya. Sampung hakbang mula kay Arianne ay pumihit siya paharap dito.

"Arianne, it looks like you and Aldred have some sort of things to settle..." Ngumiti si Natalie, "Arianne, I am really happy that I became your friend. You're kind and considerate. I know how much you are holding yourself for my sake and I'm sorry for that. Please don't mind me or the things I've said before. Be honest with yourself. It will hurt but I will accept it because I am your friend," lumunok si Natalie.

"I will be your friend forever."

Tuluyan ng umalis si Natalie.

ARIANNE'S POV

I'm Arianne Mari Fernandez, 18 years old. When I was a kid, I developed a trauma because of my parents. Since then, whenever I'm in a situation that makes me uncomfortable, I get anxious, have short breath, lose consciousness, and much worse I lose memories. I didn't live a normal life. I don't have friends. I transferred to the states when I reached grade 5 then I met there at Natalie grade 7.

Natalie was scary but for some reason we became friends. After meeting her, I gained another friend then another, and another. Like Pristine, she is my lucky charm. After a year of meeting Natalie, I returned here to the Philippines without informing her or any of our friends. I know it's rude and yes, I felt bad for what I did.

I transferred to S.E.S. when I reached high school. There I met Felicity Cortez and she became my friend but, due to some circumstances, I need to leave that school… to leave her.

It is exhausting when you don't know where you belong. I wanted to search but how could I search when in the first place it is me that is lost?

After leaving S.E.S. I transferred to S.N.G.S., my current school. Here, I met my best friend Pristine, Bianca, and again Natalie. Having friends that can understand and support you is one of the best blessings everyone can receive.

Somehow, I knew where I belonged.

♦♦♦

I gave my whole attention to Aldred after Natalie left. He is really handsome and mas gumwapo pa siya dahil sa suot niya. Panakaw siya kung sumulyap sa akin.

Nakakainis.

I walked away and he followed. People were eyeing us but I had no time to care about them because I'm busy composing in my head all the things that I will say to Aldred.

Pagkatapos ng ilang lakaran ay huminto na ako. Nilingon ko si Aldred at huminto na rin siya. Tumingala ako kaya nakita kong nakasara ang bintana sa silid ng Director. Iniikot ko ng tingin ang paligid at walang tao maliban sa amin. Nandirito kasi kami sa Secret Spot.

Bumuntong hininga ako bago ibalik ang atensyon ko sa kasama ko. Mga tatlong yarda ang layo namin sa isa't-isa. Tinitigan ko siya ng maigi at napansin ko ang paggalaw ng adam's apple niya, isang senyales na lumunok siya.

"Arianne~" tawag niya gamit ang malambing na tono. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko kaya't saglit kong iniiwas ang paningin ko sa kaniya.

"Bakit mo ako sinundan?" tanong ko. Naayos ko na lahat ng sasabihin ko ngunit hindi ko lang alam kung paano magsisimula.

"Gusto kitang makausap..." sagot niya sabay haba ng nguso. Tinignan ko siya ng masama.

Bata talaga...

"Okay, sige go."

I noticed how Aldred's hand fidgeted right after what I said. Umangat ang balikat niya dahil sa malalim na paghugot ng hininga. Nakapikit si Aldred at kasunod ng pag-exhale niya ay ang pagdilat ng mga mata niya at pagseryoso ng mukha niya na ikinamangha ko.

Gusto ko sanang makinig sa sasabihin ni Aldred pero sa ekspresyon niya ay alam kong once na magsalita na siya ay magugulo lahat ng nasa utak ko.

"Aria—"

"Wait."

Napatigil si Aldred.

"Ako, a—ako. Ako na muna ang magsasalita," sabi ko at mas lumamig ang kanina pang nanlalamig na mga kamay ko. Plantsado na ang lahat sa isipan ko pero iba talaga kapag aktwal na itong gagawin.

Mariin kong tinignan si Aldred. Lumunok ako at pagkatapos noon ay nakita ko ang pagkamangha sa mata niya. I don't know what he is thinking pero naging gentle ang kaninang seryoso niyang aura. Nakaramdam ako ng hiya. Nakakailang kasi kapag ganito siya kung makatingin. Para bang hinahaplos niya ako gamit ang titig niya.

"Okay," he said, then smiled.

He smiled so beautifully, making my head spin. Sumama yung tiyan ko. I don't know if it's butterflies or worms ang biglang nag-invade sa sikmura ko. Parang tumaas din yung acid ko at bigla akong nakaramdam ng heartburn.

Gusto ko ng sumuko dahil sa mga naramdaman ko pero I need to improve myself. I need to step forward to meet my feelings.

"Al—Aldred do you re—really love me?"

Pagkatanong ko ay biglang umihip ang hangin. Malamig ito sa pakiramdam pero hindi ko alam kung dahil malamig ba talaga or naging malamig lang ang atmosphere. Ilang segundo na kasi ang lumipas at hindi man lang nagre-react si Aldred.

Mariin akong napahawak sa magkabilang gilid ng palda ko. Pinilig ko ang ulo ko ngunit binalik ko rin ito kaagad kay Aldred at naabutan ko ang nanlalaki na niyang mga mata.

"Yes, I do really love you, Arianne."

Nakangiti at kalmadong pagkakasabi niya.

Nag-init ang pisngi ko.

"Pa—Paano mo na—naman nasabi?"

"Hindi ko alam."

Huh?

"Ba—Bakit hindi mo a—alam?!" gulat kong reaksyon sa naging sagot niya.

"Joke lang, alam ko."

Ngumisngis si Aldred. Parang may ugat sa noo ko ang biglang lumobo dahil sa sinabi niya. Naging ngiwi yung ngiti ni Aldred nang titigan ko siya ng masama.

"Pinaglololoko mo ba ako?"

Nakaramdam ako ng inis dahil nasa seryoso kaming usapan pero babanat siya ng ganoon. Humakbang si Aldred at naglakad papalapit sa akin. Umatras ako at pinigilan siya pero huminto lamang siya noong kulang isang yarda na lamang ang pagitan namin.

"Na-stress ako lately," sambit niya na agad ipinagalala ko. Pumilig siya ng ulo at lumingon sa may lupa.

"Ba—Bakit?"

Binalik ni Aldred ang mga mata niya sa akin pero ngayon ay may kakaiba na rito. He has a sullen expression but his eyes are sparkling.

"Ikaw kasi e..."

H—Huh?

"I want to kiss you, Arianne. Every morning, every night, every day. I think I'm high. Lately, I am always thinking about the future, our future. I want to know all the things that will make you smile. I want to become one of the reasons that will make you happy. I want you so much. I love you so much that I can't even control myself anymore. I know I hurt you last night. I am compulsive and didn't even think what you will feel."

Muli ay humakbang si Aldred palapit sa akin.

"I am sorry Arianne. I love you so much but I'm an idiot."

Kinuha niya ang mga kamay ko pero agad ko rin itong binawi. Pansin ko naman ang paglungkot ng mukha niya.

"I'm an idiot that's why you can't accept me right?"

Napasimangot ako ng dahil sa sinabi niya.

"Yes, you are really an idiot..." mas naglungkot pa siya. Napakagat tuloy ako sa labi ko, "And me too."

Bigla ay napalitan ng pagtataka ang ekspresyon ni Aldred. May balak sana siyang sabihin pero agad kong nilapat ang kaliwang hintuturo ko sa labi niya.

Tinignan ko si Aldred ng maigi dahil gusto kong pumasok sa utak niya ang lahat ng sasabihin ko.

"I hate what you did last night. It is embarrassing you know? Kaninang umaga hindi ko maharap ng maayos sina Tita at Monique. I hate what you did but I don't hate you because I hate myself more."

Kumurap ng ilang ulit ang mga mata niya. Muli niyang binalak magsalita pero diniin ko ang pagdampi sa labi niya.

"Aldred, you are always honest to me. Simula noong una tayong magkita honest ka na sa akin. Ang bigat sa pakiramdam kasi hindi ako honest sayo. May mga bagay akong tinatago. May mga bagay kang hindi alam tungkol sa akin. Tuwing iniisip ko iyon, feeling ko niloloko kita. You are genuine with all your thoughts and feelings pero ito ako..." Humugot ako ng hininga.

"Pinagisipan ko ito kagabi, na once i-approach mo ako ngayong araw ay sasabihin ko yung nararamdaman ko. Medyo nag-alangan ako dahil sa ilang bagay pero sa tingin ko wala na akong magagawa talaga. I also want to think about the future but it's difficult for me when I know that somethings are hurdling in the present."

Inalis ko ang daliri ko sa labi ni Aldred.

"Nakakatawa di ba kasi ang bata pa natin but here we are talking about the future. Siguro ganito talaga pag inlove," I smiled.

Saglit bago ko nakita ang pagkagulat sa mukha ni Aldred at biglaang pagkabahala. Hindi ko na siya napigilan pang magsalita.

"You are in love?! WITH WHOM?!"

Napatigil ako then giggled at his reaction.

"Engot," I blurted.

"Arianne, may mahal ka na?!"

Aldred's face is full of worry. Para siyang paiyak na bata sa klase ng reaksyon niya.

"Idiot," I smiled, stopped, giggled then smiled again.

His current face is so fancy to look at because of his expression.

"Idiot, I am in love with you," I said and silence surrounded us.

Hindi makapaniwala ang mukha niya dahil ata sa narinig at saglit lang ay narinig ko na rin ang hindi niya makapaniwalang reaksyon.

"WHAT?!"

"Engot ka na bingi ka pa. I said I'm in love with you," saad kong muli bago ko dinuro sa left chest niya ang kaninang daliri ko na nasa labi niya.

Normally mahihiya ako sa pagsabi ng nararamdaman ko pero kapag inlove ka ata talaga ay mas gugustuhin mong ipagsigawan iyon sa buong mundo.

"I love you Aldred," I said again habang pinipindot-pindot ang bahagi ng dibdib niya and for the first time ay nakita kong naging kulay kamatis ang itsura niya.

"To—Totoo ba 'yan?"

Kinuha ko ang kanang kamay niya at mahigpit itong hinawakan. Ang lamig ng kamay ni Aldred at namamawis ito. Medyo icky pero okay lang.

"Yes," sagot ko at narinig ko ang paglagok niya.

"As in? Hi—Hindi nga? U—Ulitin mo nga kung to—totoo talaga."

Yung kaninang ugat sa ulo ko na gustong umukit ay nagpaparamdam ulit.

"I love you Aldred," sabi ko sabay pisil ng kamay niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. Bigla ay naging puppy eyed siya. Sa reaksyon niya ay parang kaunting duro ko pa ay magbu-burst out na siya.

"I—I love you too, Arianne."

Iniangat ni Aldred ang kanang kamay niya at dinala ang kamay ko sa kaliwang dibdib niya.

"Nararamdaman mo ba 'tong puso ko?"

Tumango ako. Ramdam na ramdam ko kasi talaga ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

"Hindi naman ako nananaginip di ba? Totoo yung sinabi mo di ba? Totoo na mahal mo rin ako? As much as I wanted to hear what you said ay baka ikamatay ko kapag nalaman ko na nijo-joke mo lang ako. Mahal na mahal kita Arianne, alam mo naman iyon di ba?"

Aldred's voice is cracking.

Nginitian ko siya at ngayon ay ako naman ang naglipat ng kamay ko mula sa dibdib niya patungo sa pisngi niya.

"Alam ko, alam ko. Mahal din kita Aldred."

I stared at his hypnotic eyes.

Pagkatapos kong magsalita ay bigla na lamang akong kinabig ni Aldred. Mahigpit niya akong niyakap.

"Arianne ang saya ko," he said between his almost crying giggles.

Aldred is really happy and so am I. Pinag-isipan ko ng maigi yung confession ko sa kaniya without thinking about the outcome but here we are both happy.

Inialis niya ang pagkakaakap sa akin at nilipat ang dalawang kamay niya sa magkabila kong pisngi. Nakatitig lang siya sa akin kaya na-conscious ako. May kung ano nanamang ganap sa sikmura ko.

"Arianne, ang ganda mo talaga." Bigla niyang pasok na ikinainit ng pisngi ko.

"Thanks."

Tumawa siya.

"I am really lucky. I'm blessed. Hindi naman lingid sayo na I love you at first sight... at malaking factor doon yung physical appearance. On the spot kitang naging dream girl. Ayaw mong maniwala kasi imposible nga naman 'yon na love yung nararamdaman ko... kahit ako nag-doubt din sa sarili ko. Pero Arianne, habang nakikilala kita ng matagal mas lalo ko lang napapatunayan sa sarili ko na mahal kita hindi lang dahil maganda ka kundi dahil sa buong katauhan mo. Yung personality mo, yung kilos mo saka yung kalooban mo. Sabi mo may mga bagay pa akong hindi alam sayo, na hindi ka totoo sa akin. Okay lang 'yon. Maghihintay ako basta hayaan mo na maghintay ako ng kasama ka."

Ito nanaman siya. Aldred and his choice of words. He has this childlike attitude, an immature side pero sa tuwing nagsasalita siya tungkol sa nararamdaman niya ay pinapatunayan niya sa akin kung gaano kalawak ang pang-unawa niya.

"Aldre—"

"Can I kiss you?" tanong niya na nagpatanga sa akin.

He is smiling like a dog. Asang-asa yung mukha niya na tipong naghahanap siya ng reward.

I pat his head before answering him with a smile.

"No."

Natigilan siya.

"Ah? Pero... tayo na di ba?"

"Eh? No."

"What?!"

"You love me, right?"

"Yes, I love you. I love you so much."

"So, tayo na dapat."

"No."

Umiling ako. Binitiwan ako bigla ni Aldred.

"Ba—Bakit?!" Hindi makapaniwala niyang tanong.

Natawa ako.

I know that this will be his reaction. Plinano kong sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko pero hindi kasi kasama doon ang pakikipagrelasyon sa kaniya.

"I think it's too early for the both of us to be in a relationship though," sagot ko at unti-unting nag-relax ang itsura niya.

"Mga bata pa tayo, both students. We both have a lot of lessons to learn at ayokong ma-sacrifice yung kung anong magiging relasyon natin habang dumadaan tayo sa mga pagsubok na ibabato sa atin. Gusto kong parehas na tayong mature kapag naging tayo na."

Nakatitig lang sa akin si Aldred habang sinasabi ko iyon. Nakaramdam ako ng kaba noong hindi siya kagad nag-react.

"A—Ayaw mo ba?" Naiilang kong tanong.

He chewed his cheeks before answering me.

"But you love me..."

Tumango ako.

"I love you..."

Namula ang pisngi niya.

"Kailangan ko lang talaga na maging mature para pumayag ka na maging tayo na tama ba?" tanong niya with his dignified look.

Natutuwa ako sa kung saan patungo ang usapan namin… though his question was right at the same time, it's kinda off. I don't know what he's thinking.

Nakatingin siya sa kawalan.

"Ye—ah?" Marahan akong tumango, "Matured mentally," I emphasized in case na kung saan-saan napapadpad ang utak niya.

"I see..." Humugot siya ng hininga, "Okay," he smiled and from that reaction, I know that he will mature immediately.

"You don't know how much I'm happy right now Arianne. For me to know what you feel. For me to hear how you say that you also love me... I felt happiness before but it is different from what you made me feel. Incomprehensible but that's the catch. Kailangan kong mag-mature para maintindihan pa kita, para hindi kita masaktan, para hindi kita mapaiyak, para maprotektahan kita. Mahal kita Arianne at dahil mahal mo rin ako kaya gagawin ko ang gusto mo."

♦♦♦