webnovel

Love,Autumn

Reynalyn_Mercado · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
15 Chs

Chapter 5

🍁 Chapter 5 🍁

English is a Universal language. For other countries it's their first language but here in the Philippines it's our second mostly used language bukod din sa mga pangprobinsyang lengguwahe tulad ng ilonggo, bisaya, waray atbp.

We usually use English when talking to Foreign people to understand each other. We also use english in work, in school kasi sa panahon ngayon may mga subjects at foreigners na dito sa pinas. It's so nice to have this English language as Universal language kasi dahil dito nagkakaintindihan ang bawat isa.

That's why I choose to study as English Teacher para magkaroon pa ng dagdag na kaalaman sa mundo ng Ingles. Naalala ko tuloy nung pumunta kami ni Mama sa Tokyo, Japan noon andami kong nakausap na Hapon doon may iilan ding mga pilipino akong nakilala duon.

Isa sa mga magagandang lugar na napuntahan ko sa pagpunta namin sa tokyo ay ang Jingu Gaien Ginkgo Avenue this is the most popular spot for Autumn leaves viewing. Isa itong daan na puno ng Autumn Trees ang bawat gilid ng daanan. Hinding hindi ka magsisisi sa pagpunta dito dahil ang ganda talaga ng mga naglalaglagang Autumn leaves. Sabayan pa ng malamig na simoy ng hangin hays.

Im here in one of the school's Library to study about English thingy. Maraming ayaw na mag-aral ng English dahil daw sa mahirap pero ewan ko ba bakit ito ang kinuha ko HHAHAHHA siguro because my curiosity is overload chareng HAHHHA

Actually hirap din ako sa Ingles pero sa kagustuhan kong harapin ang kahinaan ko heto ako nasa mundo ng Ingles.

Sa gitna ng pagbabasa ko ay nakaramdam ako na para bang may kung sino ang nakatingin saakin. Nilibot ko ang tingin sa buong library lahat ay busy sa kani-kanilang pagbabasa. Ang ilan naman ay busy sa mga bookshelf sa paghahanap ng libro na kailangan nila.

Lahat ay may kanya-kanyang kinabibisihan. Kaya naman ay ibinalik ko nalang ang tingin sa libro na binabasa ko.

" so weird " saad ko sabay hipo sa noo ko.

Pero habang tumatagal ako sa pagbabasa ay mas tumatagal din ang pakiramdam na may matang nakabantay saakin.

Dahil sa hindi ko na matagalan ang kakaibang pakiramdam na ito ay mas pinili ko ng tumayo at sa labas nalang ng library ipagpatuloy ang pag-babasa.

Bago ko lisanin ang library ay muli akong lumingon sa kabuuan ng library para tingnan kung may kakaibang tao sa loob nito pero muli ay wala akong nakita kundi mga estudyanteng may kanya-kanyang mundo.

Matapos ang kakaibang pangyayari kanina sa library ay mas pinili ko nalang na lumipat ng lugar at ang napili kong lugar ay dito sa rooftop ng building namin.

Hindi naman kataasan dito dahil apat na palapag lang ang building naming ito. Safe rin dito dahil may mga grills naman na nakaharang sa palibot ng rooftop na ito.

" ang ganda ng sunset " saad ko ng makita ko ang ganda ng papalubog na araw.

Malakas din ang ihip ng hangin dito dahil nga sa mataas ito at kitang-kita rin ang kabuuan ng eskwelahan namin.

Hays sobrang nakakarefreshing dito

the beautiful sunset...

the fresh air...

and the clear blue sky....

This is really perfect and beautifully made.

I wish na palaging ganito...

I stay for almost 1 hour dito at nakakaloka dahil hindi na ako nakapagbasa dahil masyado akong naaliw sa ganda ng tanawin.

Using my smart phone i take pictures of this beautiful sunset, i also take some shots of this clear blue sky and well hindi mawawala ang pagkuha ko ng mga letrato ng magagandang tanawin.

I didn't take selfies, feeling ko kasi ganda ko yung nakikita imbis na yung ganda ng tanawin charot HAHAHAHHAHA

Wag kayong ano diyan hindi since birth itong kakapalan ng mukha ko naimpluwensyahan lang ako ng alam niyo na ng makapal ang mukha kong kaibigan na si Axel. Siguro sa lahat ng Fresh na hangin siya lang yung hindi fresh charot ( 2 ) HAHAHHAHAH.

Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa naakit naman ako ng mga bituin mayghad bakit ganito ako kainlove sa heavenly bodies?!

I love the sun

I love the moon

I love the stars

and I love the sky

Because I love them ayon magaalas-syete na pala at andito pako sa rooftop. Kita mula sa taas ang iilang mga estudyante na lumalabas at pumapasok ng campus.

Oo pumapasok, may 2 shifts kami dito may morning shift at may night shift. Umaga ang shift ko pero ginagabi nako umuwi wala tambay ako dito e charot HAHAHHAHA

Dahil sa kalat na ang dilim ay napagpasyahan ko ng ayusin ang mga gamit ko para bumaba.

Sa pagbaba ko ay katahimikan ang tumambad sa akin. May mga iilang ilaw narin ang nakapatay dahil sa gabi na at hindi na nagagamit ang palapag na ito dahil kaunti lang ang mga estudyante na pang night shift.

Tanging tunog lang ng sapatos ko ang maririnig sa buong palapag. Nakakabinging katahimikan ang nabuo sa palapag na ito sabayan pa ng malamig na simoy ng hangin.

" Geez anlamig huhu " saad ko habang niyayakap ang sarili.

Wala pa ako sa kalahati ng hallway na ito ay bigla nalang akong nakarinig ng ingay mula sa dulo ng hallway na ito. Dulo ng hallway kung nasaan ang hagdan na daan para makababa sa palapag na ito.

Napahinto ako dahil sa gulat at takot nag-antay ako ng ilang segundo pero wala naman ng sumunod na ingay kaya naman ay nagsimula na akong muling maglakad.

" ahhhhhhhhh! " rinig kong sigaw ng isang babae dahilan para magsitaasan ang balahibo ko at mapako akong muli sa kinatatayuan ko.

" buseeet bakit andaming nangyayaring di normal ngayong araw saaakin?! " pabulong kong saad habang unti-unting lumalakad patalikod.

Matapos ang sigaw ng hindi ko kilalang babae ay nakarinig naman ako ng mga yapak na umaakyat sa hagdan.

Unti-unti ng nagtataasan ang balahibo ko sa katawan kasabay ng pagtaas ng level ng kaba at takot koooo!

Dahil sa takot ko ay agad akong pumasok sa isang bukas na kwarto. Nagtago at naghintay sa kung sino man ang paparating.

Unti-unti kong naaninag ang paparating, matangkad ito at nakasumbrero dahilan para hindi ko maaninag kung sino ito.

Naghanap ako ng pwede kong gamitin para protektahan ang sarili ko sa mga pwedeng mangyari. Dahil sa wala akong makitang kahit ano kinuha ko nalang ang malaki kong panyo at inayos ito na nagmumukhang lubid ito.

" humanda ka sakin ngayon huh kala mo takot ako sayo ha " saad ko.

Nang makalagpas na ito sa pinto ng kwarto kung nasaan ako ay agad akong tumayo at dahan dahang lumabas ng pinto.

Dahan-dahan din akong lumapit sa lalaking nakatalikod. Aakma na sana ako para isabit ang hawak kong panyo ng mapansin kong masyado pala itong matangkad.

Pano pala to? D-di ko siya a-abot. Napahinto ako at napatitig dito habang iniisip kung paano ko ito sasakalin.

Habang nasa gitna ako ng pag-iisip ay bahagya itong napalingon sa direksyon ko. Dahilan para maputol ang pag-iisip ko.

Ten ten ten ten....

Shet!

Wala sa sariling lumanding ang kamao ko sa muka ng lalaking ito. Sabay na kumaripas na ako ng takbo pababa ng hagdan.