webnovel

Love,Autumn

Reynalyn_Mercado · Teen
Not enough ratings
15 Chs

Chapter 4

🍁 Chapter 4 🍁

People nowadays eh alam kong makakapal ang mukha. Mga lalaking hindi lang makapal manligaw makapal ding mang-iwan right? Samantalang sila naman yung nagkamali ops no wrong word GUMAWA pala ng mali.

Bakit ko nga ba nasasabi mga ito? Nakakaloka, siguro kasi napagdaanan ko na rin ito ang magmahal at masaktan.

I remembered one man in my history the one who teach me how to doggie chareng HAAHHAHAH i mean the one who teach me how to be cold like an ice.

That's why i distance myself to boys like pag nakakaramdam nako na may balak to didiretsyahin ko na ito agad na hindi pwede, ayoko FRIENDS lang tayo sakit diba? Nafrefriend zone saakin HAAHAHH.

I dont let boys flowery words trick me. I learned from my mistake and i dont want to see myself again drowning in my own tears and i will never let someone break those bricks i built on my own.

" hoy galit na galit ka sis? HAAHHAHA sorry na nga e " saad ni Axel matapos niya kong asarin dahil sa envelope nayon.

" alam mo ikaw manligaw ka na kaya? "

"  para ano? para asarin niyo ko ni Eeshang? no way HAHAHHAHA ako lang ang may karapatang mang-asar dito. " saad nito.

Ang kapal talaga ng balat nitong lalaking to ansarap balatan kung di ko lang bespren to eh.

" awit sayo " tipid kong saad.

" tsaka ky wala sa isip kong magjowa hanggat hindi pako abogado no "

" ganyan din sinabi mo nung senior high " saad ko sabay na umirap sa hangin.

" saka nako Maggi girlfriend pag nakagraduate na tayo ng senior high pero hanggang ngayon wala pading jowa" pagmimimik ko.

Since ng makilala ko itong si Axel ay wala pa itong pinapakilalang babae saakin na nililigawan niya as in kahit isa kaya madalas ay napagkakamalan itong bakla ang iba naman napagkakamalan kaming magjowa ibang klase diba?

" syempre ayoko maging katulad ng iba diyan no mga jowang-jowa " oh ilag mga bwie HAHAHAHAH

" woaaah HAHAHHAH Axel 2020 "  saad ko sabay na tumawa.

" ay ewan ko sayo buang ka " naiiling naman nitong saad.

Narating namin ang bahay ko na asar talo ito saakin.

" oh sige na babye na ingat sa daan ha bobo ka pa naman " paalam ko.

" aba antibay " sagot nito.

🍁  🍁  🍁

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa maaga naman din ako natulog.

Habang naglalakad papunta sa first subject ko ay nakita ko na mula sa malayo si Keanna na nakatayo sa gilid ng hagdan paakyat ng room namin.

" oh anong ginagawa mo dito keanna? Bakit hindi kapa umaakyat? " saad ko ng makalapit ako sakanya. Pero mukhang may iba itong hinahanap.

Lingon ito ng lingon sa likuran ko kung saan ako nanggaling na para bang may hinahanap. Napakunot ang noo ko at lumingon rin kung saan ito nakatingin.

" hoy keanna! " saad ko sabay na tinapik ito.

" ay kyrra sorry ano yon? " wala sa sarili nitong tanong.

" ansabi ko anong ginagawa mo dito? May inaantay kaba? " tanong ko.

" ahh wala... Wala tara na akyat na tayo ehehe "  saad nito sabay muling sumilip sa likuran ko at nauna ng umakyat.

Napakunot ang noo ko tulad ng ginawa niya ay lumingon ako muli sa likuran ko at dito ko napansin na andito pala si Axel kasama ng ilan niyang mga kaklase.

Napatingin ako sa umaakyat na si Keanna at muling nilingon si Axel.

" hmmm some thing smells fishy " saad ko sabay na umakyat na ng hagdan.

BreakTime na tulad ng nakagawian ay magkaharap kaming muli ni Keanna sa table para antayin sila Eesha at Axel.

" ahmm kyrra..." tawag ni keanna sakin kaya agad ko itong nilingon.

" ow? " sagot ko.

" ahmm... ahh may gusto lang sana ako itanong " saad nito na mukhang nahihiya para sa itatanong niya.

" sige lang ano bayon? " tanong ko sabay na sumipsip sa iniinom kong choc-o.

" ahmm ano bang tipo ni Axel sa babae? " tanong nito.

Dahilan para masamid ako at muntik pang lumabas sa ilong ko ang iniinom ko. Ansakit sa ilong tae! Nilingon ko ito na nakatakip ang isa kong palad sa bibig at ilong ko.

" halaa oh tissuee! " saad nito sabay abot sakin ng tissue.

" tipo ni Axel sa babae? sure ka? bakit mo naman natanong? " saad ko ng makarecover ako sabay na pinunasan ang ilong at bibig ko.

" ahmm walaa naman i just... ahmm.. " saad nito nahalatang hindi masabi ang magic word chareng HAHHAHA.

"  just? "

" i-i j-just find his kind'a cute? " saad nito habang nakahawak sa batok niya at nakayuko.

Homaygulay! does this mean she likes Axel? Ohh our brother!

" ahmm keanna alam mo kasi yang si Axel wala pang napapakilalang babae samin ni Eesha since na magkakilala kami as in wala... Kaya di ko masasabi yung mga tipo niya sa babae " saad ko sabay na ngumiti sakanya.

Totoo naman kasi mga bwie never ata nagkagusto yang baklang axel nayan.

" ahh ganon ba..." nadismayang saad nito.

Tumango nalang ako bilang tugon. Mayamaya pa'y dumating na magkasama si Eesha at Axel.

" Kyrraaaaa " bati nito sabay na bumeso saakin.

" oh bat sabay kayo? " tanong ko.

" nagkasalubong lang kami sa hallway sis. " saad ni Eesha na umupo sa kaliwa ko at sa kanan ko naman ay si Axel.

" nagkasalubong wag mo nga niloloko si Kyrra, Eesha! ansamasama mo! " parang sulsol na sinabi ni Axel.

Napalingon naman ako kay Eesha na ngayon ay pinandidilatan ng mata si Axel HAHHAHA. Muli binalik ko ang tingin kay Axel at sumensyas na sabihin ang totoong nangyari.

" wag ka maniwala diyan kyrra di kami nagkasalubong pinuntahan niya talaga ako sa room ko HAHAHHA "  pang-aasar ni Axel.

" ha? Bakit anong ginagawa mo don Eesha? " tanong ko kay Eesha sabay na nilingon ito.

" ano... ano kasi..." hindi ito makatingin sakin.

" ano Eesha? "  tanong ko.

" ano kasi... may nakakainis na lalaki na trip ako sundan nakakainis " saad nito.

Napaarko ang bibig ko ng letrang O sa gulat hindi naman nakakapagtaka na may magkagusto dito kay Eesha kasi cute sya, simple at matalino rin ito.

" woaaah so sinasabi mong may stalker ka Eeshang?! "  natatawang saad ni Axel.

" ewan ko sakanya hmp! " saad nito sabay na nagcross arm.

" wait explain mo ng maayos Eesha naguguluhan ako " saad ko pero deep inside may hula nako.

" ewan ko basta simula 2nd week ng pasukan madalas ko siya nakikita na nakatingin sakin tapos sabay na ngingiti sakin feeling close amp eh hindi naman kami magkaklase " kwento nito.

" HAAHAHAHHA ganon lang feeling mo crush ka na niya? " tanong ng mapang-asar na si Axel.

" hoy Axel Raiven Inumerables! Alam mo naman kung may something sa isang tao diba?! Kaya nga may sixth sense tayo diba dzuhhh " inis na saad ni Eesha.

" lah wesh ka ah walang sabihan ng whole name AHHAHAHAHHA ".

Sabay kaming nagtawanan sa tuwing naiinis talaga ang isa samin ang hilig talaga namin isama ang whole name HAHAHHAHA.

" oh tapos anong sunod na nagyare eesha? " tanong ko muli.

" basta its so irritating Kyy alam mo yan i hate boys na ganon tumingin "

" sus gusto mo kasi ung pang sinaunang lalaki HAHAHHAHAHA Juan and Kyle! Pasoook! Ikaw ang binibini na ninanais ko

Binibining marikit na dalangin ko

Ikaw ang nagbigay ng kulay saking mundo

Sana ay panghabang buhay na ito oohhhh woahhh HAHAHAHHAH " pangaasar ni Axel na sinamahan pa talaga ng sikat na tugtog sa Tiktok sabay na sinayaw ang step nito HAHHAHAHA.

" siraulo " natatawa kong saad.

" mas gusto ko nga yon e kasi maginoo sila di tulad ng mga lalaki ngayon MANYAK " saad nito sabay na humarap kay Axel.

" oh bat nakatingin ka sakin di ako manyak no kutusan ko braincell mo diyan e "

" pano kutos? " .pang-aasar ni Eesha.

Nang matapos ang asaran nila ay nag-ayos na kami at naghiwahiwalay para bumalik sa klase namin.

------------------------------------

Used song:

' Marikit' by Juan and Kyle