webnovel

Love,Autumn

Reynalyn_Mercado · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
15 Chs

Chapter 3

🍁 Chapter 3 🍁

Nang matapos ang klase namin ay agad akong tumayo kahit na hindi pa naliligpit ang mga gamit ko.

" oh kyrra san ka pupunta? " rinig kong sigaw ni Keanna ng palabas na ako ng pintuan ng classroom namin.Hinarap ko itong nakangiwi ang muka ko.

" di ko na kaya kean ihing-ihi nako! " sigaw ko sabay na kumaripas ng takbo palabas ng room namin para pumunta sa comfort room na nasa baba pa ng floor namin.

Sa paglabas ko ng kwarto namin ay ganuon din ang paglabas ng iba pang mga estudyante mula sa kani-kanilang mga kwarto dahilan para sumikip ang daan.

" Shems " huling nasabi ko bago ako sumisid sa dagat ng mga estudyante.

" excuse me! excuse me! " saad ko habang marahan ng naitutulak ang mga kapwa ko estudyante na nasa daan.

" aray! "

" hoy ano bayan! "

" lah gangster oh "

Ilan sa mga reklamo na narinig ko mula sa mga kapwa ko estudyante.

" sorry! nagmamadali lang! " saad ko ng makababa na ako ng hagdan.

Agad akong tumakbo papunta sa side ng building na ito kung saan ang comfort room.

At sa tanang buhay ko ngayon lang siguro ako sinuwerte dahil hindi puno ng babaeng nagreretouch ang comfort room. Agad nakong pumasok sa isang cubicle at naglabas ng kanina ko pa pinipigilan.

" Hays buti umabot ako" saad ko ng makalabas na ako ng comfort room.

" ay anak ka ng mama mo! " sigaw ko ng bigla nalang may pumitik sa noo ko.

Nang tingnan ko kung sinong lapastangan ang lumapastangan sa aking noo, naningkit ang mga mata ko ng makita ang nakangiting si Axel.

" ang kapal talaga ng balat mo ano? San mo nakukuha yang lakas ng loob mo para pitikin ako sa noo ha?! " sigaw ko dito at nagbabadya ng umatake ng mabilis nitong nahawakan ang noo ko.

" ano palang ginagawaa mo dito ha? Uwian na sis andito kapa? Nakasalubong ko na si keanna palabas na ikaw nasa kubeta kapa? " sunod-sunod na tanong ni Axel.

" ang tagal kasi lumayas este lumabas ng prof namin eh ihing-ihi nako jusme " sagot ko.

" ows? Ano bayan bat lumabas pa prof niyo dapat sinagad niya na hanggang alas-otso HAHAHAHAH ". Pang-aasar nito, sinamaan ko naman ito ng tingin.

" ay btw si Eesha nauna na daw kasi marami raw siyang aaralin. " saad ni Axel.

Hays our lil'sis unti-unti na siyang nagiging busy. Nursing kasi eh kailangan talaga na tutok sa pag-aaral dahil in the Future isa siya sa mga taos pusong tutulong sa mga taong may sakit, naaksidente o nasugatan.

" oh ano nanamang iniisip mo diyan? Tulala ka nanaman HAHAHAHHA ". saad ni Axel na nagpagising sa diwa ko napangiti naman ako dahil sa sinabi nito loko talaga.

" Siraulo " saad ko sabay na inirapan ito.

" tara na nga kunin mo na gamit mo ng makauwi na tayo may rereviewhin pa pala ako " Axel said while doing his usual smile.

Ang kulit nga ng smile nito e, alam niyo ung mga smile ni Ken Chan? ganern sis ganern sanaol mala-artista HAHAHAHA

Umakbay ito saakin at sabay kaming nagsimulang maglakad paakyat sa classroom ko.

Nang marating namin ang classroom ko ay agad na nitong tinanggal ang pagkakaakbay nito saakin.

Agad naman akong dumiretso sa upuan ko at nakita kung gaano kakalat ang mga gamit ko.

" ano yan? " rinig kong tanong ni Axel ng makalapit ito sa tabi ko.

" gamit ko dzuhh " pagtataray ko habang unti-unting inaayos ang mga ito.

" ay gamit mo pala yan? Akala ko basurahan HAHAHHAH " pang-aasar nitong muli.

Hindi ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy nalang ang pagliligpit ng gamit ko. Yumuko ako para tingnan kung may naiwan pa ba ako sa ilalim ng desk ko pero wala akong nakitang kahit anong libro ang nakita ko lang ay isang kulay light pink na papel.

Kinuha ko ito at muli ay naningkit muli ang mga mata ko ng makita na isa na naman itong sulat.

Maliit ito na paper envelope na kulay light pink at may nakadikit na kulay kahel na dahon sa gitna nito. Ung Autumn leaves pero mukhang paper craft lang naman ito.

" oh ano naman yan? " tanong ni Axel ng mapansin nitong nahinto ako sa pagliligpit.

" as usual letter again " i blankly said.

" patingin nga! " saad ni axel sabay na walang habas na inagaw sa kamay ko ang papel.

Ay depunyeta talaga 'tong lalaki na to, ubod talaga ng chismosa oh...

" wao sanaol may love letter " pang-aasar nito. Agad ko naman itong hinampas sa braso.

" oy aray ah! " daing nito

" akin na nga yan " saad ko sabay agaw sa envelope.

" di ko nga alam kung kanino galing tong mga to e at di ko alam kung anong braincells meron siya at nagagawa niyang magbigay ng ganito buwan-buwan " saad ko habang pinapasok ang envelope sa bag ko.

" yieee pag-irog isang malaking sanaol sayo kaibigan HAHHAHAHHA " pang-aasar uli ni Axel na inirapan ko nalang.

" baka kasi nahihiya okaya naman baka natatakot lang sayo baka daw manakit ka " natatawang saad ni Axel.

Nahihiya? aba may lalaki pa palang may hiya? eh kahit itong bestfriend kong si Axel e wala ngang hiya e.

" basta kung sino man siya isa lang ang masasabi ko sakanya "

" oh sige ano? " nakangising tanong ni Axel habang nakatukod ang mga braso sa lamesa ko.

" isa siyang malaking duwag... " saad ko sabay na sinabit ang bag ko sa balikat ko, nilagpasan si Axel at agad na lumabas ng kwarto.

" hoy teka lang! " rinig kong sigaw ni Axel na ngayon ay humahabol na sa

paglakad ko.

" grabe ka naman sa malaking duwag bakit nakita mo na ba siya ha? " tanong ni Axel ng maabutan niya ako.

" hmm hindi pa " sagot ko.

" oh hindi pa pala e , sige nga paano mo na sabi na isa siyang malaking duwag? " muli nitong tanong.

Napakunot ang noo ko sa nakakabobong tanong ni Axel. Tiningnan ko lang ito habang kunot ang noo ko habang itinataas baba naman nito ang mga kilay niya.

" Malay mo hindi siya malaki diba tapos maliit pala siya edi maliit na duwag tawag sakanya napaka judgemental mo talaga Kyrra tsk tsk tsk " pailing-iling pa nitong saad.

" siraulo " sagot ko sabay na hinampas ito sa braso.