webnovel

Love,Autumn

Reynalyn_Mercado · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
15 Chs

Chapter 10

🍁 Chapter 10 🍁

Kinabukasan,

Maaga akong gumising para maaga rin ako makapasok para bumawi sa klase ni Sir Aldrin. Syempre dahil mabait naman akong anak eh naglinis ako ng bahay at nagluto habang tulog pa si mama.

Oh yeah nauna ako magising kay mama haha

#SalamatAlarmClock HAHAHHAHAHAH

Walang ayos-ayos akong bumaba sa kusina. Nagpakulo ng mainit na tubig dahil tuwing umaga ay nagkakape muna si mama bago gumawa ng gawaing bahay.

Syempre nagluto nadin ako nagprito ako ng limang itlog na iniscramble ko at lima ding tuyo. Oo kumakain kami ng tuyo tapos naghiwa nadin ako ng kamatis at nilagyan ito ng toyo grabe mga Mare ito talaga iyong perfect match na pang-agahan grabe para kang nasa probinsya kulang nalang kumuha ako ng dahon ng saging at doon kumain HAHAHHAHAHA.

Ano ginutom ba kayo ? sarrehh ako din AHHAHAHHAHA

Matapos ko magsipag-sipagan ay nagsimula nakong maligo at magbihis para makapasok ng maaga. Naligo ako habang nagcoconcert sa loob ng cr with matching background music na galing sa cellphone ko ang favorite kong kanta  na ' No Control ' ng One Direction.

Actually lahat ng kanta ng One Direction ay Favorite ko talaga sadyang sinasapian lang talaga ako ng kung anong elemento sa tuwing naririnig ko ang ' No Control ' nila jusmeyo parang ako yung nagcoconcert sa tuwing naririnig ko iyon No Control talaga buong sistema ko kaloka.

Fan nila ako at kung tatanungin niyo kung sino ang bias ko sakanila ay syempre walang iba kundi si Zayn Malik my loves HAHHAHAHA pero now binigay ko na siya kay Mareng Gigi at iyon nga may anak na sila I'm happy for them.

" ay butikee! ". sigaw ko ng biglang may malakas na kalabog ang narinig ko mula sa labas ng cr.

" butike ano bayon? ". tanong ko sa sarili habang sinusuot ang twalya para silipin kung saan nanggaling ang malakas na kalabog na iyon.

" hooooy! depuga kang pusa ka! anong ginagawa mo diyan! ". sigaw ko ng makita si knight na nasa ibabaw ng mesa at sinisimulan ng ubusin ang almusal na ginawa ko.

Habang papalapit ako sa mesa ay unti-unti kong nakita ang kalat na gawa ni knight halos kalahati ng niluto kong almusal ay nasa sahig na at nagkalat at ang iilan ding lagayan gaya ng takip at kaldero ay nahulog na sa sahig.

" aaargh! b*tch kang pusa kaa! ". sigaw ko sabay buhat kay knight na di parin tinitigilan ang pagkain sa mesa.

" ikaw !ikaw! ikaw na pusa ka ha! matapos mo kainan mga niluto ko nagkalat ka pa talaga ano?! para kang si Axel e no ang kapal ng balahibo mo! " inis kong saad kay knight sabay na hinagis ito sa sofa.

Sabay na bumalik sa kusina at pinagmasdan kung gaano kagulo ang kusina dahil sa walanghiya kong pusa.

" ano bayan maureen?bakit napakainga- ". hindi natapos ni mama ang sasabihin niya ng makita kung gaano ka kalat ang kusina.

" MAUREEN! ANO TO?! BAKIT ANDAMING KALAT DITO HA?! MADALING ARAW PA NAG-KALAT KANA?!" inis na sigaw ni mama ng makapasok ito sa kusina.

" ma maaga ako nagising naglinis ako at nagluto ng almusal kaso iyang si knight kinain ung mga niluto ko at ayan kita mo nagkalat siya " paliwanag ko while spreading my arms wide .

" oo maureen gumising ka para magkalat ". nakapamewang na sagot ni mama.

" anong ako?! a-anong ako ma? si knight nga yon! " paliwanag ko.

" ay nako maureen dahil diyan hindi ka aalis ng bahay ng hindi nalilinis ang buong kusina naiintindihan mo ? " .saad ni mama.

" hindi naman ako iyon e s-si " huli kong sagot habang nakaturo ang daliri kay knight.

Umalis si mama ng kusina at naiwan akong nakasimangot.

Namumuro na talaga tong pusa nato sakin e kaunti nalang ibabalik ko na sa tyan ng nanay niya to eh ... teka sino nga ba nanay neto?dinampot ko lang pala to sa kalsada HAHAHAHHAHAH

Magaalas-syete na ng matapos akong mag-ayos at maglinis ng kusina. Napaupo ako sa isang upuan sa kusina dahil sa sobrang pagod habang umiinom ng tubig.

Maya-maya pa ay pumasok sa kusina si knight na parang nasa isang stage ito at rumarampa na parang nagmomodel ng isang sikat na brand .

Naningkit ang mga mata ko habang nag-iisip kung paano ko babawian ang pusang ito. Umakyat naman ito sa upuan na kaharap ko at prenteng humarap at umupo saakin sabay na dinila-dilaan ang balahibo niya.

aba parang nang-aasar pa talaga  itong pusa nato ahh...

Habang nagtititigan kami ng etchuserang pusa kong ito ay napansin ko na may hawak pala akong malamig na tubig.Napangisi ako dahil sa kalokohan na pumasok sa braincells ko.

Walang ano-ano kong sinaboy ang malamig na tubig kay knight dahilan para tumalon ito pababa ng upuan at tumakbo palabas ng kusina.

" kala mo ha! HAHAHAHHAHAHAHAHHAHAJA " i said while laughing evily.

" Alis nako ma! byeee!loveyouuuu! " sigaw ko dahil nasa pinto nako at nasa kusina pa si mama hindi naman ito sumagot dahil busy ito sa pagkain.

Bago ako makalabas ay nakita ko si knight na nakaprenteng upo sa sofa habang dinidilaan nito ang sarili niya.

" byebye knight " paalam ko dito Hindi naman ako nito pinansin at pinagpatuloy lang nito ang pagdila sa balahibo niya .

attitude talaga itong pusa na ito mahanap ko lang talaga kung sino nanay neto ibabalik ko talaga ito.

Dahil sa maaga pa naman at mukhang hindi naman ako malalate ay naglakad nalang ako , exercise din to ano mga ilang araw nadin kasi parang ang bigat ng katawan ko araw-araw ba naman ako sumasakay pag papasok tuwing umaga .

Habang naglalakad ako ay sinuot ko ang earphone ko at dinadama ko ang masarap na sikat ng araw alam niyo yon?yung sikat ng araw na hindi masakit sa balat kasi vitamins daw ito.

Dahan-dahan akong naglalakad sabay dahan-dahan ko ding ipinikit ang aking mga mata.

Hays ang sarap sa balat ng sikat ng araw...

While listening to my favorite song ' Pretty on the Inside ' by Chloe Adams pero yung pinapakinggan ko ay yung cover ng Nightcore HAHAHHAHAH ang kyot kasi ng cover ng Nightcore pati sa Demons ng Imagine Dragon?hala beh ang ganda try to listen that song im telling you maiinlove ka sa Nightcore HAHAHAHAHHA.

I dont look like her

She's in all the magazines

so much prettier than me

You dont know it hurts

i dont know why i love this song e samantalang kinocompare ni Mareng Chloe yung sarili niya sa other girl ng lalaki charot HAHAHHAAH gets nyo ba?pag hindi?bahala kayo diyan. HAHAHHAHAHAH

starring at my iphone screen

Watching others live their dream

But mama ,she said to me

One day my love , you'll see

" Pretty's on the- "