webnovel

TRANSFEREE

Malayo-layo rin ang kanilang nilakad at pinagpapawisan na rin siya, pero bago pa siya umangal pumasok na sila sa isang building. Pansin niya sa maraming babae ang napapatingin sa kanila. May mga bumabati kay Ezekiel pero pilit na ngiti lang ang tinutugon nito sa mga babae na nadadaanan nila. Huminto sila sa tapat ng elevator.

"Before we go to Dean Montserrat, we'll stop by Tito Conrad's office," tila nahuhulaan ni Ezekiel ang tumatakbo sa kaniyang isip. Kanina pa sila naglalakad halos kalahating oras na rin buhat ng bumaba sila sa may parking.

"Okay." Tumatango-tango na lang siya para walang mahabang paliwanag. At isa pa maaga pa naman dahil sa pagkakaalam niya nine o'clock pa ang kaniyang unang klase.

Nang bumukas ang elevator ay mabilis siyang hinawakan sa kamay ni Ezekiel at iginaya sa may dulo ng hallway. Napatingala siya sa signage na nakalagay sa itaas ng pintuan.

"Stieford Office," mahinang basa niya.

Nakarinig siya ng palakpak kaya mabilis nangunot ang kaniyang noo. Nang makita niya si Ezekiel na malawak ang pagkakangiti. Tila may kalokohan na naman naiisip.

"Very good, Miel. You're good at reading. Bravo!"

"Tsk." Pinandilatan niya ito ng mata at inambahan na susuntukin.

Tatawa-tawang ginulo ni Ezekiel ang kaniyang buhok at pinanggigilan na pisilin ang kaniyang mga pisngi bago ito kumatok sa tapat ng pinto. Tsk!

"Zek, my inaanak. Kumusta? Ang parent's mo kumusta na rin sila?" bungad na bati kay Ezekiel.

Tumayo ang lalaki sa inuupuan nito na swivel chair. Medyo may edad pero bakas sa itsura nito ang kaguwapuhan at matikas na katawan. Hula niya nasa Forty plus na ito.

"Samarra, this is Mr. Conrad Stieford. Ang guwapo kong Ninong." pagpapakilala ni Ezekiel sa kaniya sa lalaking kaharap nila.

Biglang napahalakhak ang kanilang kaharap at umakbay kay Ezekiel. "Wala ka pa ring kupas mambuladas. Zek. Kaya sa lahat ng inaanak ko, ikaw ang pinaka-favorite ko." Napakamot sa batok si Ezekiel sa sinabi ng Ninong Conrad nito.

"Mr. Stieford, it's a pleasure to meet you. Po! I'm Samarra Miel O' Harra," magalang na bati niya sa kaharap at inilahad ang kamay.

"You're much too formal. Iha. Simply address me as Tito Con. Or Daddy," pagbibiro pa ni Tito Conrad sa kaniya at inabot ang kaniyang kamay.

"I have a son named Lorenzo. He's the same age as you and I have a feeling, na bagay kayo," pagbi-build up ni Tito Conrad sa anak nito.

"She's married, Ninong Con," maagap na sabat ni Ezekiel sa kanila. Tila naramdaman nito na natigilan siya sa mga sinabi ng kanilang kaharap.

"She's what? She's married? With whom? Sira ulo ka talagang bata ka?" Sabay batok ni Tito Conrad kay Ezekiel.

"Ouch!!" pag-angal ni Ezekiel sabay sapo ng ulo kung saan ito nabatukan ni Tito Conrad.

"Don't tell me, your annulled and Samarra is your second wife?" naguguluhan na tanong ni Tito Conrad kay Ezekiel habang palipat-lipat ang tingin sa kanila.

Pakamot-kamot sa ulo si Ezekiel habang nakatingin kay Tito Conrad. Parang hindi nito alam kung ano at paano sasabihin. Dahil ang dala-dala niya pa rin ang kaniyang apelyido na O' Harra.

"Excuse me, po. Ahmm… Tito Conrad. Yes! I'm married, pero hindi po kay Kuya Kiel kay Zachary po."

Yumuko siya pagkatapos. For eighteen years. Ngayon lang siya nakaramdam ng hiya pagkatapos magpaliwanag. Kita niya sa mukha ni Tito Conrad na medyo naguluhan at nagulat ito.

Tumatango-tango si Tito Conrad habang ang isang kamay nito hawak ang baba. Tila ina-absorb ang kaniyang sinabi. Sorry! Na agad kung hindi na niya makakatuluyan ang anak nito.

"Since when? Bakit hindi ako na-invite ni Pareng Calvin?"

"She married about a month ago, it's too unexpected. You should have been invited but according to Enzo, you're not in the country that time," mahabang papaliwanag ni Ezekiel kay Tito Conrad.

"Okay, pero sayang Samarra. Gusto pa naman kita para sa anak ko," nanghihinayang na sabi ni Tito Conrad.

"So, puntahan natin si Lucas. Ang alam ko, may dalawa pang transferee na papasok ngayon. Mabuti pang isabay na natin si Samarra. Same course lang din naman sila." Nagpatiuna nang maglakad si Tito Conrad sa kanila.

"'Yan bang Ninong mo. Nasabihan mo na ba na hindi p'wedeng malaman na mag-asawa kami ni Cadden," bulong niya kay Ezekiel.

"No, worries, nasabihan ko na siya pati na rin si Montserrat kaya relax!" pagpapalakas ng loob sa kaniya ni Ezekiel. Sa totoo lang medyo kinakabahan siya hindi impossibleng magkaharap sila ng girlfriend ni Zachary. Naramdaman na lang niya na inakbayan siya ni Ezekiel. Kaya medyo nakaramdam siya ng kaunting ginhawa.

"We're here," ani ni Tito Conrad bago binuksan ang pinto. Tiningala niya ang nakasulat na signage.

"Dean Office,"

"Really? Samarra. Lahat ng pupuntahan natin babasahin mo ang mga nakasulat."

Sinamaan niya ng tingin si Ezekiel dahil pakiramdam niya na inaasar na naman siya nito. Tsk, masama na ba magbasa ng mga signage. May nakalagay na ba na bawal. Tss.

"Tito Con," masayang bati nito kay Tito Conrad. Yumakap pa ito bago hinalikan sa pisngi si Ezekiel.

"Damn it! Asshole!" inis na sigaw ni Ezekiel sa lalaki.

"Ikaw naman. Bro! Masyado kang HB. Ganyan na ba 'pag walang sex," pang-aasar nito kay Ezekiel.

"Shut up! Lucas, may kasama tayong bata rito," naiinis na sinaway ni Ezekiel si Lucas.

"Opps! My mouth." Sabay baling ng tingin sa kaniya.

Yumuko siya. "Hi! I'm Samarra Miel O' Harra Buenavista." Sabay lahat niya ng kamay.

"Oh, I'm Lucas Stieford Montserrat." At tinanggap naman nito ang kaniyang kamay.

"Zek, siya na 'yong asawa ng utol mo?" Tumango lang si Ezekiel.

"Oh, upo tayo. Tito Con, ano po ang gusto mo? Samarra? Zek?" pagtatanong ni Mr. Lucas sa kanila.

"Ah, aalis na ako, hinatid ko lang sila. I have meeting at ten o' clock," pagpapaalam sa kanila ni Tito Conrad.

Bumaling ang tingin ni Tito Con sa kaniya. "Samarra, welcome at Stieford University. Next time sumama ka kay Zek na mag-golf para makapagkuwentuhan tayo at tuturuan ka namin maglaro," pahabol na sabi ni Tito Conrad bago tuluyan lumabas sa dean office.

"So, ito pala ang magiging subject at schedule mo Samarra. Wala ka ng gagawin, puwede ka ng pumasok sa first subject mamayang nine o'clock." Kinuha ni Ezekiel at tiningnan ang nakalagay sa envelop.

"Matatapos 'yong pasok mo ngayon, mamayang three 'o clock. Ano? Ngayon ka na rin ba mag-start sa Buenavista Corporation?" pagtatanong ni Ezekiel sa kaniya habang inaabot ang envelop.

Tumango siya ng bahagya at isinilid ang envelop. "Yes, matagal ko na rin napapabayaan ang business natin at pinakiusapan na rin ako ni Daddy Calvin regarding d'yan. Sabi niya, tulungan kita," pagpapaliwanag niya kay Ezekiel.

"Teka, ano ba magkukuwentuhan na lang ba kayo d'yan. Wait, kumain na ba kayo?" pagpuputol ni Lucas sa usapan nila ni Ezekiel.

"Hindi pa, kaya nga kami nandito para i-treat mo kami,"

"Kaya parang ayaw na kitang kaibiganin Zek, ikaw itong napakayaman at CEO tapos magpapalibre ka sa isang hamak na Dean lang," paawa effect na sabi ni Lucas.

"Oo, na," nayayamot na sabi ni Ezekiel kay Lucas.

Kanina pa palipat-lipat ang tingin ni Samarra sa dalawa. Feeling niya na matagal na itong magkaibigan dahil sa mga asaran ng mga ito.

"'Yon. Antayin lang natin ang dalawang transferee bago tayo umalis," ani ni Lucas. Na, sadya naman na nagkataon na may kumatok sa labas ng pintuan. Agad naman tinungo ni Lucas ang pintuan para pagbuksan ang tao sa labas.

Ganoon na lang ang pag-awang ng kaniyang bibig ng mapasino kung sino ang pumasok sa loob ng Dean Office.