webnovel

STIEFORD UNIVERSITY

Maagang gumising si Samarra na may ngiti sa labi. Nang maalala ang ginawa nila ni Zachary. Actually, after kissing scene nila sa pool. Tinuruan naman siya ni Zachary ng mga basic swimming. Minsan gusto na nga niya matawa kay Zachary dahil sa ka-OA-han na naman nito. Halos ayaw siyang iwanan na mag-isa sa pool ni Zachary. Katwiran kasi nito, hindi pa siya marunong lumangoy. Really? Baka 'pag nalaman nito na ilang beses na siyang nanalo sa Hawaii ng surfing competition baka magulat ito. Maghapon lang silang nasa loob ng bahay. After nila mag-swimming. Nag-movie marathon naman sila, naglaro ng billiard at nag-stay sa loob ng study room para mag-advance reading. Ngayon, medyo komportable na sila sa isa't isa. Masasabi niya na nagkaroon siya ng panibagong kaibigan. Naagaw ang kaniyang pagmuni-muni ng mag-ring ang kaniyang cellphone na nakapatong sa may gilid ng kama. Agad niyang kinapa at kinuha.

"Hello,"

"Miel, fix yourself. I'll give you one hour."

Kunot-noo niyang tiningnan ang cellphone ng mawala ang kausap niya. Urgh!! Inis niyang hinagis ang kaniyang cellphone sa kama. Kahit kailan talaga hindi marunong magpaalam ang isang 'yon. Napalingon siya sa kaniyang katabi na mas lalo siyang hinapit at sumiksik sa leeg niya. Napangiti siya ng wala sa oras. Mga ilang minuto niya rin tiningnan ang guwapong mukha ni Zachary. Bago dahan-dahan inalis ang braso at hita nito. Na, nakadantay sa kaniyang baywang. Agad siyang bumaba sa kama at tinungo ang CR, para maligo. Nakakaramdam siya ng kaunting kaba dahil first day niya ngayon, papasok sa isang normal University. Mabilis niyang tinapos ang kaniyang paliligo at agad na tinungo ang walk-in closet para pumili ng maisusuot. Nang makapili ay, agad niyang kinuha ang kaniyang bag at bumaba. Diretso niyang tinungo ang kitchen, para ipagluto ng breakfast si Zachary. Pinagtimpla na rin niya ito ng kape at inilagay sa thermal tumbler. Gumawa rin siya ng tatlong club sandwich para sa kanilang tatlo nina Ezekiel at Zachary. Patapos na rin siya sa kaniyang ginagawa ng mag-ring ang kaniyang cellphone. Hindi na siya nag-abalang sagutin 'yon, dahil alam naman niyang si Ezekiel lang naman ang tumatawag. Ipinagpalagay na lang niya na nasa labas na ng kanilang bahay si Ezekiel.

Paglabas pa lang niya ng pintuan tanaw na niya si Ezekiel na nakaharap, nakatayong nakasandal sa sasakyan nito. Napalunok siya ng makita ang guwapong mukha ni Ezekiel kahit na nakasuot ito ng shade. Ang buhok nito na mahaba na maayos na nakatali sa likod. Nakasuot ito ng black na fitted V-neck shirt at brown na pants. Pinarisan na kulay white rubber shoes. Parang palagi na lang silang magkaparehas ng suot ni Ezekiel.

"Wow! You look great. Kiel, good morning," masiglang bati niya kay Ezekiel ng makalapit siya.

"I know." He winked at her.

"Conceited. O, Here." Abot niya ng isang paper bag kay Ezekiel.

"What's this?" tanong ni Ezekiel na nakakunot ang noo na may pagdududang tumingin sa kaniya.

"Your favorite club sandwich. Duh!" Na ikinataas ng kaniyang kilay.

"You didn't put anything here, did you?" pagdududang tanong ni Ezekiel sa kaniya.

"Duh! Kuya Kiel, I didn't put anything." She rolled her eyes. Ito na nga ang binigyan hindi pa magpasalamat. Napahalukipkip siya at naglakad patungo sa passenger seat.

Napamaang na napatingin si Ezekiel sa dalagang nagpapad'yak sa tapat ng kaniyang sasakyan. Napangisi na lang siya alam naman niyang tinotopak na naman ang dalaga.

"Ikaw, nagtatanong lang naman ang tao." Agad niya itong pinagbuksan ng pintuan para makapasok na ito sa passenger seat.

"Tsk!" Lumingon si Samarra sa kaniya at pinandilatan siya nito.

Naiiling na isinara na niya ang pintuan at umikot sa kabilang pinto. Pagpasok niya pa lang kita niyang nakahalukipkip ito at ibinaling sa labas ang tingin. Galit ang ale! Nagtatanong lang naman siya, dahil last na nagbigay ito sa kaniya ng sandwich nilagyan nito ng hot sauce. Medyo mahina siya sa maanghang.

"I made sandwich for you, Kiel." Sabay lapag ng tray ni Samarra.

Nag-angat siya ng tingin mula sa kaniyang laptop napatingin siya sa maamong mukha ni Samarra.

"Thank you, Miel." At kinuha niya ang isang sandwich. Tamang-tama naman na nakakaramdam na rin siya ng gutom. Dahil pasado alas dos ng hapon na 'yon.

"That's BLT," maagap na sagot ni Samarra, nakita siguro nito na bahagya niyang binulatlat ang sandwich. Para makita kung ano ang mga nilagay sobrang full pack kasi ang sandwich. Tumatango-tango pa siya bago mabilis niyang kinagatan at masasabi niyang masarap kaya kumagat pa siya ng isa. Ganoon na lang ang panlalaki ng kaniyang mata at mabilis na tiningnan kung may dala bang juice or water man lang si Samarra ngunit wala. Shit! Parang nakita niya si Satan sa sobrang anghang. Kitang-kita niya ang pag-alog ng balikat ni Samarra at ang dalawang kamay nito ay nakatakip sa bibig.

"Miel, it's too spicy. What did you put?"

Napakunot-noo niyang tiningnan si Samarra na bumunghalit ng tawa habang sapo ang tiyan. Tilang tuwang-tuwa sa ginawa. She's a devil with a sweet smile. Naiiling siya habang nakangiti.

Napakunot ang noo ni Samarra habang nakatingin kay Ezekiel. Umiling-iling pa ito habang nakangiting nagmamaneho. Ano kaya iniisip nito parang sayang-saya? Hindi kaya may pinaplano ito sa kaniya? OMG! Hindi kaya nawalan na ito sa tamang pag-iisip? Napapalatak siya habang masusing tinitingnan si Ezekiel na hindi mapawi ang ngiti sa labi nito. Na, lalong nagpalutang sa kaguwapuhan ng mukha nito. Ang ngiti niya na pang commercial model ng toothpaste.

"Miel, we're here." Nagulat pa siya sa marahan na pagtapik ni Ezekiel sa kaniya.

Bigla niyang nilingon si Ezekiel at tumingin sa labas. Niloloko ba siya nito? Bakit parang ang layo ata ng tanaw niya sa building? Bakit hindi niya namamalayan. Gosh! Gaano ba siya katagal nakatingin kay Ezekiel.

"Miel, nasa parking tayo. Isa itong private parking para sa mga VIP. Medyo malayo nga lang lalakarin natin. Pero alam ko naman kaya mo 'di ba? Kasi dati kang lalake."

Nginisihan niya Ezekiel. "Really? Kuya Kiel. Itong katawan na ito, dating lalake? Tsk, Kahit tumakbo pa tayo buong maghapon sa soccer field na 'yan," paghahamon niyang wika kay Ezekiel sabay turo sa malayong soccer field.

"Tss. No, thanks. Ikaw na lang."

Lumawak ang kaniyang pagkakangisi sabay tusok sa pisngi nito. "Sabihin mo, matanda ka na." Bumunghalit siya ng tawa dahil nakita niyang napasimangot ito pero dagli rin nawala.

Kita niya ang pilyong ngiti na naglalaro sa labi ni Ezekiel ng makita nito ang ginawa niyang pagsinghap habang tinatanggal ang kaniyang seatbelt. Gosh! Pakiramdam niya pangangapusan siya ng hininga sa sobrang lapit ng mukha nito.

"Miel."

Kumindat si Ezekiel sa kaniya ng matapos matanggal ang kaniyang seatbelt. Kita niya ang laking ng pagkakangisi nito habang nakaawang ang kaniyang bibig. Mabilis itong lumabas at umikot pakabila. What a gentleman. Buong akala niya kanina, hahalikan siya nito sa sobrang lapit ng mukha nito. Shock! 'Yon pala tatanggalin lang nito ang pagkakabit ng kaniyang seatbelt. Kung ano-ano kasi ang iniisip mo Samarra!

"Miel," untag ni Ezekiel.

Mabilis siyang napalingon sa gawi nito. Nakabukas na ang pinto at ang kamay nito ay nakalahad na sa kaniya. Ngumiti siya ng tipid at tinanggap ang kamay nito. Babawiin na nasa niya ang kamay na hawak nito. Ngunit, maagap nito pinagsiklop ang kanilang kamay palakad paalis ng parking. Habang naglalakad nakita niya ang ibang mga babae na nakatingin sa kanila. May mga nagsisikuhan pa habang inginunguso kami o si Ezekiel. I'm pretty sure, na si Ezekiel na naman ang nagpatigil ng mga mundo ng mga kababaihan dito.

"OMG! Am I dreaming? Is that Ezekiel Buenavista?"

Tili ng isang babae. Mabilis niyang nilingon ito kitang-kita niya na nagpapaypay gamit ang dalawang kamay. Akala mo pinagpapawisan. Nakatingin sa kanila ito.

Maaga pa lang ng mga oras na 'yon. Fifteen minutes before seven o' clock in the morning pero marami-rami na ang mga estudyante na naroon. Hawak-hawak lang ni Ezekiel ang kaniyang kamay habang naglalakad ng diretso. May mga bumabati kay Ezekiel ngunit tanging tango lang ang isinasagot nito.