webnovel

MYSTERY BOOK

Pupungas-pungas na nagmulat ng mata si Samarra nang maramdaman niya na may kung ano dumadampi-dampi sa kaniyang labi, agad niyang idinilat ang mata para makita kung sino ang mapangahas na humahalik sa kaniya. Bagama't may idea na siya ngunit gusto niyang makasigurado.

"Cadden?" Ngumiti ito at inalalayan siyang umupo nang maayos. Agad na nilinga-linga ni Samarra ang kaniyang ulo para malaman kung nasaan sila. Ngunit, puro sasakyan lang ang kaniyang nakikita.

"Nasaan tayo?"

"Surprise." Napakunot-noo siya habang pinagmamasdan ang mukha ni Zachary, clueless siya kung saan siya nito dinala basta ang alam niya. Mukhang maganda naman ang pinuntahan nila dahil sa excited na mukha nito.

"Saan nga?" Napapikit siya nang pisilin nito ang kaniyang pisngi, mabilis itong bumaba sa driver seat at umikot sa passenger seat para pagbuksan siya.

Ganoon na lang pagsinghap niya nang makita kung saan siya nito dinala. Ilang taon na ba nang huli siyang nakatungtong sa ganitong lugar? Ilang taon na rin niyang hiniling sa magulang pero palaging napapako ang mga promises ng mga ito sa kaniya, dahil abala sa pag-aasikaso ng kanilang negosyo. Minsan hinihiling niya na sana simpleng buhay lang ang meron sila para sana lagi niyang nakakasama ang magulang. Napakagat siya sa labi para pigilan ang luhang nagbabanta na sumungaw sa kaniyang mga mata. Simula nang lumawak ang kanilang negosyo kabilaan ang pagiging busy ng kaniyang magulang halos bihira lang sila magkita-kita sa bahay.

"Hey, what's wrong?" natatarantang tanong ni Zachary nang mapansin niyang tila iiyak si Samarra habang nakatingin sa entrance ng amusement park. Buong akala pa naman niya masisiyahan ito pero tila nagkamali ata siya. Dahil bigla itong yumakap sa kaniya ang kaninang luha na sumungaw rito ay nauwi sa tahimik na pag-iyak. Hindi man maintindihan ni Zachary kung ano ang nangyayari kay Samarra pero hinapit niya ito nang husto at niyakap, para iparamdam na hindi ito nag-iisa kung ano man ang pinagdadaanan nito. First time niyang makita na ganito ka-emotional si Samarra. Hindi man niya alam ang dahilan ng pag-iyak ni Samarra pero masaya siya dahil ipinakita na nito ang ganitong side sa kaniya. Ibig sabihin komportable na si Samarra sa kaniya.

"You make me worries?" Nang mapansin niyang tumigil na si Samarra sa pag-iyak nito, hinagod-hagod niya ang likod nito.

"Please tell me, what's wrong? Ayaw mo ba rito? May naalala ka bang hindi maganda sa ganitong lugar o? Don't tell me na may naging ex-boyfriend ka tapos sa ganitong lugar kayo nagdi-date? At kaya ka umiiyak dahil naaalala mo siya. Ano Samarra tama ba ako?" Napaangat nang tingin si Samarra sa huling sinabi ni Zachary sa kaniya. Siya magkakaroon ng ex? Eh, hindi nga siya naligawan man lang tapos magkakaroon pa ng ex? Hindi ba nito alam na ikinasal lang siya na hindi man lang na-experience ang maligawan at ma-date. Pambihira, may plano pa sana siyang mag-emote pero mukhang hindi na niya maitutuloy. Nang medyo nahimasmasan na si Samarra ay agad siyang tumalikod kay Zachary, pinunasan niya ang luha niya, pakiramdam niya pulang-pula ang mukha niya at ilong. Gosh! Nakakahiya ka Samarra bakit naman may pag-iyak ka pang nalalaman?

"Okay ka na ba?" Tumango siya at bahagyang ngumiti kay Zachary.

"So, tell me bakit ka umiyak? Sa ganitong lugar ba kayo nagdi-date ng ex-boyfriend mo?" Inismiran niya ito dahil sa daming puwedeng maging dahilan ng iyak niya bakit sa lalaki pa? Hindi ba puwedeng natuwa lang siya sa effort nito, dahil pakiramdam niya lahat nang pagkukulang ng magulang niya napupunan ni Zachary, paano na lang kung hihiwalayan siya nito? Paano siya?

"Can you please stop asking me, bakit naman ako iiyak nang dahil sa lalaki, aber? At kaya ako umiyak dahil... ahh, whatever. Tara na gutom na ako." Nagpatiuna na siyang maglakad papunta sa main gate ng Mazefair Kingdom. Yes, sa Mazefair Kingdom siya dinala ni Zachary, isa itong sikat na amusement park sa Pilipinas. Ayaw na rin niyang magkuwento pa sa lalaki dahil hindi rin naman niya alam kung ano at saan ang lugar niya sa buhay nito.

Habang papalapit na sila sa pilahan ng ticket huminto si Samarra nang may maalala siya, agad niyang nilingon si Zachary na nasa likuran niya.

"Akala ko ba mauuna ka na?"

"May naalala ako." Napakunot-noo si Zachary sa sinabi ni Samarra, ano naman kaya ang naalala nito? Aaminin na ba nito na ex-boyfriend nito ang naaalala?

"Ano?"

"I'm just thinking saan tayo bibili ng damit? Look at me and look at you? Para tayong tanga sa suot natin, mukha tayong a-attend ng meeting, tapos naka-heels pa ako." Napakamot sa batok si Zachary dahil akala pa naman niya ay malaking problema nito o kaya aamin na ito sa kaniya na ang iniiyakan nito ay ex-boyfriend nito.

"We can buy here, may mga bilihan dito ng damit pero mamaya na 'yon, kumain muna tayo mainit pa sa balat kung magra-ride agad tayo." Tumango si Samarra at hinawakan niya ang kamay ni Zachary.

Habang nakapila sila ni Zachary sa bilihan ng ticket pansin niya ang mga kababaihan na panaka-nakang sumusulyap sa kanila. Tila ba lahat gustong makuha ang atensyon ni Zachary. Napailing at napangiti siya, naalala niya si Ezekiel ganitong-ganito rin ang eksena 'pag magkasama sila. Pero sa tuwing may lalapit sa kanila lagi siyang ipinapakilala ni Ezekiel na girlfriend. Kaya ang ending ang mga babae halos ismiran siya.

Napakunot-noo si Zachary habang nakatingin kay Samarra pansin niya ang pangiti-ngiti nito at umiiling-iling.

"Hey." Agad naman lumingon sa kaniya si Samarra, nagtatanong ang mga mata nito.

"Why are you smiling?"

"Huh?" Hinapit niya sa baywang si Samarra at ipinatong niya ang baba sa balikat nito.

"Why are you smiling? Hmm." Hinalik-halikan niya ang balikat ni Samarra kahit pa may naka-long sleeve ito.

"Nakikita mo ba ang mga babae rito? Halos sa'yo lang nakatingin." Agad niyang nilingon ang sinasabi ni Samarra, pansin nga niya na may iilan na tumitingin sa kanila.

"So, nagseselos ba ang misis ko?"

"Dream on, Cadden." Napasimangot si Zachary sa sinabi ni Samarra, tila bang wala lang dito kung may mga babaing nakatingin sa kaniya, samantalang kanina sa sekretarya nito halos paalis na nito sa kompanya.

"Hmm, really? 'Di ka nagseselos sa mga 'yan?" Natawa si Samarra sa tinatanong ni Zachary sa kaniya. Kung mga simpleng tingin wala naman siyang problema 'wag lang lantarang magpapansin.

"Huy, tayo na." Tinampal niya ang braso ni Zachary nang mapansin niyang sila na ang susunod sa pagbabayad ng ticket.

"Miss, dalawang ticket ride all you can," ani ni Zachary at dumukot ng wallet sa bulsa para magbayad. Nang ibinigay na sa kaniya ang dalawang ticket agad niyang isinuot kay Samarra ang glow in the dark bracelet ticket pass. Nang matapos niyang isuot kay Samarra ay inabot naman niya ang isa, pero tiningnan lang siya nito.

"O, ikaw naman maglagay nito sa akin." Inaabot niya ang ticket kay Samarra.

"Hmm, ayoko ko nga." Napakunot-noo siya sa pagtanggi ni Samarra, tiningnan niyang maigi si Samarra na nangi-ngiting nakatagilid sa kaniya.

"Kapag hindi mo ito isinuot, hahalikan kita sa harap ng maraming tao."

Mabilis na lumingon si Samarra para tingnan kung seryoso ba si Zachary sa pagbabanta nito sa kaniya. Nang mapansin niya na wala itong kangiti-ngiti ay agad niyang kukunin ang bracelet pass nito, pero biglang iniangat nito ang kamay.

"Huwag na pala parang gusto ko na 'yong-"

"Give me that, nakaharang na tayo sa pila." Hinila ni Samarra ang kamay ni Zachary palayo sa pilahan ng ticket, kanina pa sila tinitingnan ng kasunod nila sa pila.

"Akala ko ba ayaw mo?"

"Just kidding, kaya akin na 'yan para makapasok at makakain na tayo,"

"'Wag na, kaya ko naman. I-kiss mo na lang ako." Pumikit at ngumuso pa sa kaniya si Zachary. Natawa siya bigla sa inaasta nito, tila bang hindi ito nahihiya sa mga tao na nakatingin sa kanila.

"Huy, nakakarami ka na sa akin at isa pa gutom na ako, please pakainin mo muna kaya ako, bago mo papakin ang labi ko." Natawa si Zachary sa sinabi ni Samarra, kung umangal akala mo hindi pinapakain. Naiiling na inakbayan niya si Samarra papasok sa loob ng MK 'yong buhay niya kasama si Samarra parang isang mystery book mahirap hulaan kung ano ang susunod na mangyayari.