webnovel

JEALOUS

"Son, Samarra, hindi ba dapat sa ibang lugar niyo ginagawa 'yan?"

Biglang napamulat si Samarra sa narinig, namilog ang kaniyang mga mata nang makita niya na hindi nag-iisa si Daddy Calvin sa tapat ng elevator. Kasama nito ang mga board member at sina Tito Vincent at Tito Ken. Tila natuod siya sa pagkakatayo nang makita niya si Ezekiel na mataman na nakatingin din sa kanila.

"What the?" hindi na natapos ang sasabihin ni Zachary nang tumama ang kaniyang likod sa wall ng elevator nang bigla siyang itulak ni Samarra. Napakunot-noo siya nang makita ang reaksyon ni Samarra. Agad siyang napalingon sa pintuan ng elevator.

"Dad,"

"Oh, bakit parang gulat na gulat kayo. It's okay, normal lang naman 'yan pero sana magtapos muna kayo bago niyo kami bigyan ng apo." Napamaang na nakatingin si Zachary sa ama, tila bang sayang-saya ito sa nakita. Seriously? Kinakausap na siya nang ganito ng kaniyang ama. Last time na nag-usap sila lagi sa study room tuwing pagagalitan siya.

"Don't worry Dad, hanggang ki-" hindi na naituloy ni Zachary ang sasabihin nang pisilin siya ni Samarra sa kamay. Agad siyang napalingon dito, sa paraan na pagkakatingin nito tila bang nagsasabi na subukan mo lang ituloy ang sasabihin mo.

"Dad, mauuna na po kami ni Zachary, excuse po." Hinawakan na ni Samarra ang kamay ni Zachary para hilain palabas ng elevator. Hindi na magawang tingnan ni Samarra ang mga taong nakasalubong nila dahil ramdam niya ang mapanusok na tingin ni Ezekiel sa kaniya. Pakiramdam niya na tuwing nakikita siya ni Ezekiel na kasama si Zachary may nagagawa siyang kasalanan, pakiramdam niya may pader na nakapagitna sa kanilang dalawa.

"Yeah, sure. Enjoy sa date ninyo." Napalingon sina Samarra at Zachary kay Daddy Calvin nakangiti ito at kumaway pa sa kanila. Samantalang sina Tito Vincent at Tito Ken nakangisi at tinapik ang balikat ni Daddy Calvin, di man narinig ni Samarra ang sinasabi ng dalawa kay Daddy Calvin pero sure siya na sila ang pinag-uusapan ng mga ito.

Nang makalabas sila ng building napabuntong-hininga si Samarra at inaalala niya ang tingin ni Ezekiel sa kaniya. Nagi-guilty siya nang hindi naman niya alam kung bakit? Pakiramdam niya may nagawa siyang kasalanan nang hindi niya alam.

"Why? Are you okay?" Nabaling siya ng tingin kay Zachary mula sa mukha nito unting-unti bumaba sa kamay nila na magkasiklop. Napapitlag siya nang huminto si Zachary at yakapin siya nang mahigpit.

"It's okay, nahihiya ka ba dahil nakita nila tayo na nag-kiss." Lalo siyang napayuko at sumiksik sa dibdib ni Zachary sa huling sinabi nito. Dahil totoo 'yon nahihiya siya pero hindi niya alam kung bakit siya nahihiya. Dahil ba sa maraming nakakita o dahil nakita sila ni Ezekiel?

"Sige, hindi na tayo magki-kiss sa maraming tao, 'pag tayong dalawa na lang." Napaangat ng tingin si Samarra, kitang-kita niya ang pilyong ngiti na naglalaro sa labi ni Zachary. Ang mga mata nito na mapanuksong sinalubong siya ng tingin. Napangiti siya sa kapilyuhan na naisip nito. Kinurot niya ang tagiliran nito na naging dahilan ng paghalakhak nito.

"Stop tea-"

Naputol ang lahat ng sasabihin niya nang lumapat ang labi nito sa labi niya. Nanlalaki ang mata niya nang mamataan niya na papalabas rin ng building sina Daddy Calvin. Mabilis niyang tinapik sa balikat si Zachary para huminto ito.

"What? You want more?" Shit! Naman, bakit ganoon ang naisip nito sa pagtapik niya, inis niyang tinalikuran ito na agad namang humabol sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Ara, what wrong with you?"

"Gusto mo talagang mag-live show, eh." Napakunot-noo si Zachary sa sinabi ni Samarra. Live show? What the? Anong live show ang sinasabi nito?

"Turn around." Agad naman niyang sinunod ang sinabi ni Samarra nakita nga niya na papalabas na sina Dad at ang mga kasama nito. Napatawa siya kaya pala siya pinapatigil ni Samarra.

"So?"

"Anong so?"

"So, what? Kung makita tayo. Eh, mag-asawa naman tayo, wala naman masama sa ginagawa natin, normal lang sa mag-asawa 'yon," hindi makasagot si Samarra sa sinabi ni Zachary. Oo, nga naman, wala naman masama sa ginagawa nila pero bakit pakiramdam niya parang may mali sa ginagawa nila?

"Teka nga pala, saan tayo pupunta at ano ang sasakyan natin? Iniwan ko ang kotse ko sa bahay," pagkuwan na tanong ni Zachary sa kaniya nang hindi niya ito sinagot kanina. Oo nga pala, nasaan na pala si Jameson? Aniya sa isip niya.

Palinga-linga siya habang hinahanap niya si Jameson nang biglang may huminto na sasakyan sa harapan nila. Lumabas doon si Jameson sa driver seat at lumapit sa kanila.

"Lady Summer." Yumuko pa ito sa kaniya kahit ilang beses na niyang sinabi na 'wag na itong yumuyuko dahil hindi naman niya ito tinuturing na tauhan.

"Dito." Hinawakan niya ang kamay ni Zachary at iginaya na niya papasok sa backseat ng sasakyan kung saan nakatayo si Jameson. Agad siyang pumasok at hinila ang kamay ni Zachary ngunit nanatili lang ito sa labas na nakatayo, kaya umisod siya palapit sa pintuan at tumingala.

"Ano? Papasok ka ba o hindi?" Huminga ito nang malalim bago siya tiningnan ni Zachary hindi niya mawari kung ano ba ang gusto nito. Bakas kasi sa mukha nito ang pagkainis.

"This is our first date, bakit kailangan kasama pa siya," hindi maitago ni Zachary ang pagkainis at yamot habang nakatingin kay Samarra.

Agad na napalingon si Samarra sa harapan kung saan nakaupo Jameson. Kita niya sa mukha ni Jameson ang pagkadisgusto sa narinig kay Zachary. Nakaramdam siya ng hiya kay Jameson dahil alam niyang naririnig nito ang sinasabi ni Zachary.

"James?" alanganin niyang wika kahit papaano nahihiya siya sa inaasta ni Zachary at isa pa ginagawa lang naman nito ang trabaho. Ang hindi niya maintindihan bakit parang mainit ang dugo ni Zachary kay Jameson. Eh, wala naman itong ginagawa na masama. Pero sa isang banda naiintindihan naman niya si Zachary dahil first date nilang mag-asawa ito, baka ayaw lang nito na may kasama silang iba.

"It's okay Lady Summer." Tumango pa ito sa kaniya bago lumabas ng sasakyan, at binuksan ang kabilang pinto sa backseat para alalayan siyang lumabas.

"Thank you, I'm sorry,' bulong niya nang makababa siya ng kotse.

Lumakad siya palapit kay Zachary at hinawakan ang kamay nito kita niya ang pagngalit ng panga nito na tila bang nagpipigil ng galit. Hindi niya alam kung ano na naman ang kinakagalit nito.

"Cadden, let's go." Hinawakan niya ang kamay nito at hinila na papasok sa loob ng sasakyan. Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong-hininga bago nagpatianod patungo sa sasakyan.

Agad naman binuksan ni Jameson ang passenger seat na ikinakunot-noo ni Zachary, inis niyang itinulak ang balikat nito at siya mismo ang umalalay kay Samarra papasok sa loob ng sasakyan.

"Cadden, stop." Humarang si Samarra sa dalawang lalaki, ramdam niya na nagpipigil lang din si Jameson at ayaw niyang mapatulan nito si Zachary dahil sure siya na kawawa si Zachary. Dahil simula pagkabata ni Jameson aral na ito sa iba't ibang martial arts at galing ito isang mafia family na nakatalaga na talaga para bantayan siya simula nang maaksidente siya.

"Why? May gusto ka ba sa kaniya?" Napamaang si Samarra sa pang aakusa sa kaniya ni Zachary, hindi niya alam saan nito hinuhugot ang mga salita at bakit nito naiisip na may gusto siya kay Jameson?

"My god! Cadden, are you out of mind? Jameson is my bodyguard and my assistant. At parang magkapatid na lang kami. Kaya please, ayoko ng gulo. Tigilan mo na si Jameson, kung gusto mong makaalis na tayo pumasok ka na." Tinapik niya ang balikat ni Jameson at nakakaunawang tumango ito at lumayo na sa kanila.

Pumasok na siya sa loob na agad din namang sumunod sa kaniya si Zachary na umupo sa driver seat. Inis niyang ipinikit ang mata ayaw niyang makita ito baka may masabi siyang hindi maganda. Dahil sa inaasta nito sa harapan ni Jameson, para itong nagseselos na ewan.

Habang nagmamaneho si Zachary panaka-naka niyang sinusulyapan si Samarra na nakahalukipkip ito sa pagkakaupo at nakapikit. Tila bang ayaw siyang makita kaya pinili nitong ipikit ang mata. Alam niyang may kasalanan siya pero hindi naman niya kayang makipag-date tapos may chaperon na bubuntot-buntot sa kanila. Kahit pang sabihin na bodyguard at assistant 'yon ni Samarra, wala pa rin siyang tiwala kay Jameson, lalaki siya kaya alam niya na may pagtingin ito sa asawa niya. Hindi siya tanga at lalong hindi siya mangmang para hindi niya makita ang kilos nito at kung paano ito tumingin kay Samarra.

"I'm sorry." Napadilat si Samarra nang maramdaman niyang hinalikan ni Zachary ang likod ng kaniyang kamay. Mataman niyang tiningnan ang mata ni Zachary na sinserong nanghihingi ng tawad sa kaniya. Huminga siya nang malalim at tinanggal niya ang seatbelt. Yumakap siya kay Zachary kahit kailan, kahit anong pagkakamali ang gawin nito hindi niya kayang hindi ito patawarin. Dahil alam na niya sa sarili niya na nagkakagusto na siya kay Zachary.

"I'm-"

"Let's forget it," pagpuputol niya sa sasabihin ni Zachary humilig siya sa dibdib nito at ipinikit ang mata.

"Bahala ka na kung saan tayo, I'll take a little nap," aniya.

Napangiti si Zachary habang pinagmamasdan niya si Samarra na komportableng nakahilig sa kaniyang dibdib. Aminin man niya o hindi, alam niya may nararamdaman na siya kay Samarra. 'Yong pakiramdam na kontento at masaya siya 'pag magkasama sila. Hindi man niya alam kung ano siya para kay Samarra pero gagawin niya ang lahat para mag-work out ang kanilang marriage. Hinagkan niya ang tutok ng ulo ni Samarra bago tuluyang pinaandar ang sasakyan hindi niya alam kung saan pupunta.