webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · Général
Pas assez d’évaluations
133 Chs

Plan

Ayradel's Side

"Jae Anne, ano ba!" tuluyan nang lumapit si Jayvee kay Jae Anne para pigilan ito sa paglapit pa sa amin.

Napatayo na rin ako sa upuan ko.

"Sorry, Ayra. Don't worry, ako nang bahala." ani Jayvee at akmang hihilahin si Jae Anne pero nagpumiglas pa ito.

"What? Wala naman akong gagawing masama ah! I just want to celebrate with you all!" sabi nito saka humarap sa akin. "Am I not your friend, Ayra?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Kinilabutan ako ng ewan dahil hanggang ngayon ay nabibigla pa rin ako sa ikinikilos ni Jae Anne. Never ko pa siyang nakaaway noong highschool, mabait siya, mahinhin, masinop, maalalahanin dahil binigyan niya pa ako ng gamot at dinalaw sa clinic noong aksidente akong nalaglagan ng vase sa ulo. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya ngayon.

"Hoy, ikaw Jae Anne!" tumayo na rin si besty para iduro si Jae. "Huwag mo ngang sirain ang mood namin! Huwag mo sirain 'tong birthday ni Ayra!"

"Oh who's ruining it? Hindi naman ako ang nagsisisigaw dito para magpalayas ng isang tao ah? It's you. Akala mo naman ay isa akong killer na papatayin kayong lahat ngayon."

Natahimik kaming lahat dahil sa sinabi niya, mas lalo pang dumaloy ang kilabot sa aking katawan. "What? Hindi ko kayo papatayin! That's a joke, okay?!"

"H-Hayaan mo na, Jayvee." lumuwang ang ngisi ni Jae Anne nang sabihin ko iyon. "Pakainin mo na si Jae Anne, umupo ka na rin, at magpatuloy lang tayo sa ginagawa kanina. Let her be na lang."

"Thank you Ayra. Tss. I told you all, Ayra's my friend." aniya saka tuloy tuloy na naglakad patungo sa tabi ng upuan ni Jayvee.

Lahat lang kami ay nakatingin sa bawat ikinikilos niya.

"What? Hahaha! Anong itinatanga-tanga niyo dyan? Let's party!"

Parang tigreng nakabantay lang si besty sa bawat galaw ni Jae Anne, na ngayon ay binubuksan na ang alak. Si Jayvee naman ay nagsorry sa akin, at sinabing siya na ang bahala dito.

"If you want, aalis na lang kami, Ayra." sabi ni Jayvee. Naawa naman ako sa kanya dahil gusto niyang makisama sa amin pero nandito si Jae Anne.

"Hindi, okay lang. Wala naman sigurong gagawin si Jae Anne e."

"Sige, I'm sorry. Kapag may ginawa siya ay ako na ang bahala."

Naglean in naman sa akin si Lea upang magtanong, tinignan namin pareho si Jae Anne na sunod-sunod ang lagok sa alak na isinasalin niya mismo sa kanyang baso. "Sino ba ang isang iyan? Parang baliw na yata."

"Kaklase namin noong highschool."

"Haaaay, ang creepy niya. Nakakatakot siya kanina. " aniya at umiling-iling. "O, ayan na pala si Richard e."

Napalingon kami kay Richard na naka-suit pa. Tuloy-tuloy ang lakad niya papunta sa akin. Hindi siya galit at hindi rin nakangiti, blank face lang. Tumayo ako para salubungin siya.

"Woah, looks like someone is hot here." komento ni Karl. Tinitigan ko siya ng masama. "Sorry, it's my duty to report everything."

"Tss." sabi lang ni Richard sabay hila sa akin palayo sa tabi ni Jayvee. Humila siya ng upuan papunta sa tabi nina Karl at Suho, saka niya ako pinaupo doon. Humila pa siya ng isa pa para naman iyon ang upuan niya.

"Don't kill me with your glare, Dboy. Pinoprotektahan ko lang ang relasyon niyo kay Tita Myra." sabi ni Jayvee.

"Protect your ass." sagot ni Richard. "Mapoprotektahan mo kami nang hindi hinahawakan kahit hibla ng buhok ni Ayra."

Uminit tuloy ang pisngi ko sa sagutan nila. Sina Rocel, Lea at Blesse at napapatulala na lang habang lumilinga-lingang nanonood sa mga nagsasalita. Ganoon rin si Niña.

Naantala lang kaming lahat nang slowmo na pumalakpak si Jae Anne, na sinabayan niya pa ng tawa.

"Galing mo! Ayra! Idol!" aniya na parang may tama na, pero parang matino pa naman. "Galing mo magpaikot sa kamay mo! Galing! Galing!"

"What the hell is she doing here?! Bakit dinala mo pa ang babaeng 'yan dito Jayvee?!" kunot-noong sabi ni Richard na ngayon lang napansin si Jae Anne.

"Pwede ba! Hindi ko siya---" napapikit si Jayvee nang sumingit si Jae Anne.

"BAKIT?! Galit ka sa akin Richard Lee? Ano? Kasi nakita ko 'yang jowa mo na nakikipaghalikan kay Charles Lizarde? Ha?"

Nalaglag ang panga nilang lahat, habang napatayo naman ako para sagutin siya.

"JAE ANNE!" sigaw ko. Naramdaman ko ang tensyon sa lahat, pati ang ang paghawak ni Richard sa aking bewang. "Sinabi ko naman sa 'yong nagkakamali ka lang! Si Charles ang humalik sa akin! Tinulak ko siya!"

"Tanga mo Richard Lee! Tanga tanga mo! Nagpapaniwala ka diyan sa pa-good girl na yan, hindi niyo alam e malandi 'yan!"

"Jayvee..." sabi ni Besty na itinigil na ang malakas na tugtog. "Alisin mo ang babaeng 'yan ngayon din. Kundi tatanggalan ko ng buhok yan."

"Tanggalan mo! Anong pakialam ko sa 'yo ha, Luisa?! Alam mo dati ka pang panggulo sa plano ko e!"

"P-plano? Anong plano?" itinikom ni Jae Anne ang kanyang bibig. Sumasakit na ang ulo ko na para bang anytime ay sasabog na ito kakaisip.

"Walanghiya kang babae ka!" sumugod na si besty na pinigilan naman agad ni Suho. "Sinasabi ko na nga bang nasa loob lang ang kulo mo e! Kunwari ka pang mabait noong highschool tayo, pero ang totoo nasa loob ang kulo mo!"

"Hindi ako ang nasa loob ang kulo kundi 'yang bestfriend mo!"

"Ano bang kasalanan ko sa 'yo Jae Anne?!" sigaw ko sa kanya. Ang iba sa kanila ay nagsitayuan na upang awatin ang kung anumang namumuong away. Halos lahat ay nasa aking tabi, samantalang si Jayvee ay nasa likod ni Jae Anne para pigilan siya sa pagpupumiglas. Nasa gitna naming lahat ay ang lamesa na puno pa ng pagkain.

"Tinatanong mo pa talaga sa akin? Ha? Inagaw mo sa akin si Jayvee! You fvkin' seduce him kasabay ng panlalandi mo kay Richard Lee!"

"JAE ANNE! YOU STOP!" sigaw ni Jayvee. "Sinabi ko na sa 'yong walang kasalanan si Ayra! Wala siyang kinalaman sa pagkawala ng feelings ko sa 'yo!"

"Fvck you Jayvee! Sige ipagtanggol niyo siyang lahat!" Agad niyang hinampas hampas si Jayvee kaya naman agad nagsilapitan sina Karl kay Jae Anne para pigilan ito.

Si Richard naman ay nanatili lang sa likod ko para hawakan ako sa bewang. Kitang-kita ko na ang pag-igting ng kanyang bagang.

"Jae Anne! Please! Tama na!" pakiusap ni Jayvee.

"No! No! Hindi kayo sasaya!" umiiyak na si Jae Anne ngayon at hindi ko alam kung bakit kumikirot rin ang puso ko. "You don't know what you took to me you bitch!"

Idinuro ako ni Jae Anne, at agad akong itinago ni Richard sa kanyang likuran.

"Matagal na kami ni Jayvee! Dati pa bago ka pa umentra sa buhay niya! All I have is him tapos kinuha mo pa!"

"TAMA NA!"

Nagulantang kaming lahat sa galit na sigaw galing sa taong kakarating lamang. Halos malaglag ang puso ko sa kaba dahil sa aking nakita. Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Richard sa aking braso, kasabay ng mapang-asar na tawa ni Jae Anne.

"You wanna know my plan?" aniya. "This is my plan."

Mula sa kanya ay bumalik kay Mama ang tingin ko. Nakita ko ang dating galit na nakita ko noon.

"Hindi ka na talaga nakinig sa aking bata ka!"