webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · Général
Pas assez d’évaluations
133 Chs

Luisa, Dalawa, Tatlo

Luisa's Side

Sheeeeeeet! Maling-mali ang pagpili ko sa Advertising! Oo, lahat ng gusto ko nandito pero leche!

UNANG KLASE, PAGURAN!

Pero siguro dahil ang active ko bilang tao. Sumali rin kasi ako sa university theater group na Teatro Komunikado.

Singing and dancing is really my thing, pero sobrang nakakapagod pala talaga ang college! Ibang-iba ang high school life.

Sinukbit ko na ang bag ko dahil dismissal na namin nang makarinig ako ng bulung-bulungan mula sa mga kaklase ko.

"Crush mo si Suho?!"

"Shhh! Huwag kang maingay! Baka may makarinig!"

Tanga! May nakarinig na!

Nilingon ko yung dalawang naguusap at hindi naman nila ako napansin. Maganda sila pareho. Mas matangkad at mas maganda nga lang ako. Para silang bulate na kinikilig habang naguusap.

"Kailan mo siya balak kausapin?"

"Ngayon sana e habang— aray!"

Napahawak ako sa balikat ko dahil hindi ko sinasadyang binangga ko sila.

"Ano ba Miss!" ani n'ong isa.

"Oops--- sorry, pintuan kasi 'yan, dyan kayo nagchi-chismissan."

"Anong chismissan—"

Umalis na ako sa harap nila saka dumiretso sa puno na may bilog na lamesa sa ilalim.

Tumingin ako sa orasan habang sukbit ang bag ko.

Nasaan ba 'yong Mais na 'yon? Ano  enjoy na enjoy siya na instant celebrety siya?!

"Omaygadddd, sis si Suho!"

Umikot na naman ang mata ko dahil sa narinig ko.

"Shemzzzz korean ba siya?!"

"Ang gwapo niyaaaa!"

Ayan na naman ang mga malalanding babaeng kung makapagbulungan e akala mo naka-speaker!!!

flashback

"Ugh! Mais sumagot ka!"

Walangyang mais to. Sabay daw kami pero hanggang ngayon e wala pa. 1st day na 1st day, gusto yata grand entrance!!!

"Besty, si Suho ba ang hanap mo?"

"H-ha? Bakit ko naman hahana—"

"Ayun oh!"

"Ha? Saan?!"

Humagalpak ng tawa sina besty habang namumula naman ako sa pagkapahiya.

"Hindi daw. Hahahaha!"

"Aish!"

"OMG!" exaggerated na sabi ni Ella. "Totoo nga Lui! Ayun na nga siya! OMG!!!"

"Baliw ka ba? Akala mo maniniwala pa ako? Saka wala akong pake."

"Besty... Si Suho na nga 'yon."

Nilingon ko yung sinasabi nila at totoo nga.

.

.

.

Suot ang isang simpleng gray longsleeve, at pants ay parang model kung maglakad ang isang mais na nakikita namin ngayon. Paminsan-minsan niya pang hinahawi ang may kahabaan at bagsak niyang buhok, habang diretso lang ang tingin sa amin.

"Omaygad, si Suho ba yan?" muli pang sambit ni Ella.

He's not wearing an eyeglasses and gel anymore. Akala mo e gangster rin kung dalhin niya yung black bag niya dahil isang strap lang ang nakasabit sa balikat.

Napansin ko naman agad lahat ng pares ng mga matang tumatama sa kanya.

"HONEY! BESTY! ELLA!"

Hindi ko alam at doon lang ako bumalik sa diwa ko. Parang bumalik ako sa pagkahighschool.

I cleared my throat para makondisyon ang sarili ko.

"Si Suho nga." ani besty.

end of flashback

Inis na tinignan ko ang lalaking 'yon na ngingising-ngising naglalakad papunta sa akin.

Oo nga, gwapo na siya.

Pero hindi ko alam, parang mas okay na yung gano'n na lang siya, yung mukha siyang bayani na naka-gel at naka-school uniform.

Kung dati ay nababanas ako sa style niya, ngayon parang nagsisisi ako na na-hit na niya ang puberty. Tss.

"Hi, Suho!"

"Ay sungit!"

"Sis! May ibang nginingitian!"

Napapairap na lang talaga ako dahil walang kaputol putol na nasa akin talaga ang ngiti niya. Ni hindi muna kumurap!!!

"Hi, Honey! Buti hinintay mo ako!!!" aniya pagkalapit.

Napatingin muna ako sa grupo nung mga babaeng dumaan sa harap namin. Tumaas ang kilay ko sa kanila noong magbulungan sila.

Gusto yata ng away ng mga 'to e?

Mabuti at umiwas agad sila ng tingin.

Hinarap ko si Mais. "Sakto ka lang. Pauwi na ako."

Saka ako naunang naglakad. Kahit kailan ay mabagal siya maglakad kaya naman parang lagi siyang tumatakbo para masabayan ako.

Ganito palagi ang senaryo tuwing umuuwi, kahit noong highschool kapag hindi ko kasabay si besty.

Nag-bago lang ang itsura niya pero siya pa rin yung Suho na nakilala ko. Corny pa rin, kalalaking tao pero lalampa lampa minsan.

"Badtrip ka na naman ba? May umaway ba sa 'yo?" aniya dahil hindi ako nagsasalita.

"Wala."

Hindi ko alam naiinis lang ako e. Bakit? Hindi ko rin alam. Siguro ganito lang talaga ako. Naiinis ng walang dahilan.

"Si besty Ayra hindi kayo sabay?"

"Hindi."

"Bakit ang tahimik mo na naman?"

"Wala nga."

"Ah siguro pinagalitan ka ng prof niyo?"

"Hindi."

"Eh ano nga?"

"....."

"Uyyyy!"

"...."

"Alam mo Honey kung may problema ka, sabihin mo sa akin para matulungan kita."

"Wala nga." kunot na ang noo ko.

"Weeeeeeeh?!"

"Tsk!"

"Sasabihin na niyyyaaaaaa!"

"....."

"Hoooooney!"

"....."

"Sige naaaa—"

"Suho please?!" natigilan siya at napabitaw sa braso ko nang inis ko siyang nilingon. "Kailan mo ba ako lulubayan, ha? Naiirita ako sa 'yo! Ang kulit kulit mo para kang pinanganak ng dalawang beses!"

Inis kong inayos ang pagkakasukbit ng bag ko at nauna nang lumakad.

Tumigil ako saglit sa paglalakad noong hindi ko naramdamang sumunod siya sa akin, pero nagpatuloy na lang ulit ako sa paglakad.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Hindi pa rin siya sumunod. May naramdaman akong kung anong tumusok sa dibdib ko

pero pinilit na huwag nang lumingon.

T*ngina, sumobra yata ako?

...to be continued.