Ayradel's Side
"Huy! Ayra!" lumabas si Niña para tignan yung tinitignan ko. "Sino tinitignan mo?"
"A-ah wala..." sagot ko.
Pumasok na ako ng kwarto at sandali pa munang sumandal sa saradong pintuan. Si Niña naman ay pumasok muli sa banyo.
Sandali kong pinakiramdaman ang dibdib ko.
Bumuntong hininga ako pagkatapos ay bumulagta na sa kama. Hinintay ko lang matapos si Niña sa paliligo, pagkatapos ay naglinis na rin ako ng katawan.
Noong matapos ako ay hindi pa rin dumarating sina Ella at Besty, kaya naman kaming dalawa pa lang ni Niña sa kwarto- na ngayon ay nasa kama niya at nanonood ng kdrama as always.
"Niña, punta lang akong rooftop."
Ngiting-ngiti nilingon niya ako. "Sige beh!"
I smiled, pagkatapos ay 'yun nga, sumakay ako ng elevator para marating ang rooftop. Ang building na ito ay medyo may kataasan, mga nasa 14th floor. Pagkarating ko doon ay agad na sumalubong sa akin ang napakalamig na simoy ng hangin.
Umupo ako sa railings kung saan pwede itong upuan, 'yong hindi ka talaga mahuhulog. Tanaw mula rito ang lahat ng city lights, at iba't ibang klase ng buildings. Tanaw ko rin ang naggagalawang ilaw mula sa mga sasakyan.
Hindi ko alam kung bakit biglang bumalik sa ala-ala ko lahat. Bigla ring kumirot ang dibdib ko...
Kahit hindi ko aminin sa sarili ko ay alam ko naman ang totoo.
May nararamdaman pa rin ako para sa kanya.
Syempre hindi pa naman ganoon katagal ang nakalilipas para makalimutan ko lahat. Hindi ko rin inaasahan na ganito lang rin kabilis 'yung sinasabi niyang 'future' na magkikita kami.
Tss.
"Nakapagpasya na ako. Lahat ng pinagsamahan nating dalawa dati... kung meron ka mang natatandaan, kalimutan mo na. Isipin mo na lang na hindi mo ako nakilala. Tutal, tapos na rin naman ang obligasyon ko sa school niyo, at tapos na rin ang obligasyon mo sa akin. Huwag kang mag-alala, natuwa ang daddy ko sa TH. Alam ko namang ito ang gusto mo..."
Sarcastic na natatawa ako habang inaalala ang lahat. Pakiramdam ko sobrang nakakaawa ako. Sa inakto niya nitong nakaraan lang parang ako lang ang naaapektuhan.
Parang ako lang yung nasaktan?
"So, I guess it will end here?"
Nagpaulit ulit sa pandinig ko ang sinasabi niya.
"See you... somewhere in the future, Ayradel."
Sobrang sikip sa puso.
Pero... naisip ko, tama. Kung para sa kanya wala lang talaga lahat ng nangyari noon- noong maikling panahon na 'yon ay gan'on rin ako. Magpapatuloy ako sa kung anong meron ngayon at hindi na siya kasama doon.
Wala akong pakialam... Dapat.
Pinunasan ko ang luhang hindi ko na naramdaman na pumatak pala, nang may marinig akong kaluskos ng taong paakyat ng rooftop.
Si besty.
"Anong ginagawa mo, besty?" aniya na dinaluhan ako sa pagupo sa railings.
"Wala, pahangin lang." sagot ko. "Si Ella?"
"Wala pa e."
Tumango lang ako.
"May iniisip ka ba? Or problema?"
"W-wala naman..."
Dapat ko bang sabihin kay besty? Makikita at makikita niya rin naman si Richard dito.
"Dito rin nagdo-dorm si Richard,"
Nagtatakang nilingon ko siya noong parang hindi naman siya nagulat.
"Alam mo?" tanong ko pa.
"Mmm." sagot niya. "Nakita ko na siya isang beses noong naglipat siya ng gamit."
"Bakit hindi mo sinabi?"
"Kasi magkikita rin naman kayo e! Hahahaha!"
Naging busangot lang ang mukha ko saka humarap ulit sa kawalan.
"Affected ka pa rin ba besty?"
"Hindi no." Dapat. Dapat hindi na.
"Ahhhh." aniya na parang may ibig sabihin pa yung pag-ahhh niya. Parang nangaasar o hindi naniniwala. May kasama pang patango-tango.
"Psh." tanging nasabi ko lang.
"Eh si Charles?"
Gulat na napalingon ako dahil sa sinabi niya.
"Oh ba't nasingit 'yon?"
"Naririnig-rinig at napapansin ko lang, na madalas e siya 'yong kasama mo."
"Syempre close niya sina Lea."
"Asuuuuus!"
"Asuuuus ka diyan, e kayo ni Suho ha?"
Hindi ko alam kung bakit biglang umiwas ng tingin si besty sa akin. Palihim akong humalakhak dahil sigurado akong hindi niya alam kung anong itsura niya ngayon.
"Ano ha? Hindi ka makapagsalita?" dagdag ko pa.
"Tch! Ayon! Famous sa section namin! Tss. Akala mo naman sobrang gwapo talaga."
"Talaga?"
"Oo!"
"O ba't parang naiinis ka?!"
"Ba't ako maiinis ha?! Buti nga 'yon e! Medyo hindi na niya ako masiyadong nabibwisit! Sumama siya doon sa mga babaeng humahabol sa kanya! TSS!"
"O sige." tatawa-tawa kong sabi. "Hindi ka talaga naiinis ha?"
"Anong mukha 'yan, ha Ayradel Bicol? Nangaasar ka ba?"
Humalakhak ako. "Ha? Wala naman akong sinasabi ah!"
Ngumuso niya kaya naman mas lalo akong natawa. Kailan kaya aaminin ni Lui sa sarili niya ang tungkol kay Suho?
Tsk. Pabebe pa kasi e hahahahaha!
"Pero infairness kasi, ang gwapo na ni Suho ngayon."
Umikot ang mata ni besty.
"Hindi ko pa rin siya type. Siya pa rin ang pinaka-corny-ng taong nakilala ko. Nakaka-cringe!"
"Okay, sabi mo e!"
"PSH!"
Matapos mag-asaran ay bumaba na kami at natulog.
Kinabukasan ay 9am ang unang klase. halos naguunahan kaming lahat sa banyo, mabuti na lang talaga at ako ang naunang magising! Haha!
"Ano ba Ayra! Ang tagal mong maligo!" reklamo ni Ella na sumunod sa akin.
Tinawanan ko lang sila saka ako nagbihis na. Halos magna-9am na rin kaya naman sobrang mabilisang kilos lang ang ginawa naming lahat. Ako ang naunang umalis dahil nga ako ang naunang naligo.
Tinakbo ko na rin ang hallway para mapabilis ang kilos, pero agad akong napahinto pagdating sa sakayan ng elevator.
What the fudgeeee!
Bakit ngayon pa?! Argh!
Si Richard Lee, nakasandal sa pader sa mismong tapat ng elevator!
Hindi ko alam kung nakita niya ba ako, pero bago pa mangyari 'yon ay dali-dali akong lumiko para bumaba gamit ang hagdanan.
Maling-mali pala dahil pusanggalang pagod na pagod ako pagkadating sa Ground Floor!!!! May kataasan rin ang 5th floor ha! Ugh!!!!
Tinatahak ko na ang daan papunta kay Kuyang Guard upang mag-log out nang
"Lalo kang male-late sa ginagawa mo."
"HA?!" halos tumalbog buong pagkatao ko nang nasa tabi ko na si Richard Lee at nagsusulat na rin ng pangalan niya.
What the fuuuuudge!!!! Bakit nandito pa siya! Dapat nauna na siya ah?!
"Lalo kang male-late sa ginagawa mo." inulit pa.
"O-oo nga! Kaya bye!"
Pero bago pa ako makatakbo ay hinugot ni Richard ang bag ko dahilan para mapatigil ako sa pagtakbo.
"A-ano ba!" sabi ko at nagpatuloy lang siya sa pagpirma doon sa logging paper.
"Ano ba kayong dalawa, lagi na lang kayong naghahabulan."
"HA?!"
Mas lalo naman akong nagulantang sa sinabi ni Kuya Guard. Anong naghahabulan?!?! Argh!!!
Inis kong tinignan 'yong lalaking hawak hawak ngayon ang bag ko.
"Mas lalo kang male-late kung lalakarin mo mula El Pueblo hanggang school."
Aish!!!!
"May 15 minutes pa kaya kung bibitawan mo ako ngayon! Hindi ako male-late okay?!"
"Sige."
"Anong—"
Naglakad kami, habang hawak hawak niya pa rin ang bag ko.
"Bitawan mo nga 'yung bag ko!"
Naglakad kami hanggang sa may parking lot ng El Pueblo. Doon ay naka-park ang kotse at ang motor niya. Tumalbog ang dibdib ko nang ibigay niya sa akin yung extra niyang helmet.
"This will take only 3 minutes." aniya.
"Hindi na."
"10 minutes na lang, kung isusuot mo 'yan malamang nandoon na tayo."
Inis na isinuot ko na ang helmet niya. Saka inis rin na sumakay sa motor niya.
"Kumapit ka." aniya. "Ikaw ang bahala kung saan."
Siyempre doon ako kumapit sa may likuran ko. Tss.
Wala pa ngang ilang minuto ay nandoon na kami sa parking lot ng UP. Mabuti na lang at wala kaming kakilala na posibleng makakilala sa amin. Bago niya pa mabuhad ang helmet, ay sinabihan ko na siya.
"Sandali. Hubarin mo yung helmet kapag nakalayo na ako."
Dahil posibleng may makakilala sa kanya, at magawan kami ng issue dahil lang magkasabay kami ngayon.
Sinunod niya naman. Nakababa na ako ng motor niya habang siya ay nakamasid lang sa paglalakad ko.
"And please, 'wag na nating gagawin ulit 'to. Kung kaya nating huwag magkita, mas okay." sabi ko pa.
Doon niya hinubad ang helmet niya, saka diretsong tumitig sa akin.
"Okay." iyon lang ang tanging sinabi niya, at hindi ko alam kung bakit parang ako ang mas tinusok ng karayom.
Sarili kong salita pero ako lang rin ang tinamaan.
Naglakad na ako palayo, dala yung bigat ng loob ko para sa kanya.