webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · Général
Pas assez d’évaluations
133 Chs

Effect On You

"""Lui<3: Hindi ulit ako papasok besty. Urgent. Hihi. Attendance mo na lang ako ha? Love you!"""

It ends up pa na hindi na nga papasok si Besty ngayong araw. Masiyado kasing active sa buhay ang babaeng 'yon: Member ng choir, member ng dance group sa school, madalas magperform, tumutulong sa business ng pamilya niya, freelance model, at iba pa.

Malayong-malayo kami.

Ako, bahay-school lang ang alam puntahan. Sa academics lang nage-excel kasi wala naman akong talent, wala rin naman akong maitutulong since we don't have a business.

"AYRA!" may narinig akong tumawag sa 'kin na mula yata sa tapat ng bahay namin, kaya naman napaling doon ang atensyon ko.

Napatingin ako sa bintana ng kwarto at nakita si Ella. Si Louella Cayabyab, kapitbahay namin siya at isa sa mga kaibigan namin ni Besty. Nakauniform na at nakasilong sa may tindahan katapat lang ng apartment na inuupahan namin.

Umuulan na kasi e, siguro inabutan na siya ng ulan dyan.

"PERAM PAYONG! Bilisan mo, late na akooo!" sigaw niya pa nang dumungaw ako.

Tumawa ako. Siya pa talaga ang demanding. "SANDALI LANG!"

Bumaba ako papuntang sala pero mukhang dala yata ni Mama 'yong extra naming payong. Nilibot ko ng tingin ang buong kusina. Tapos napansin kong nakasabit sa may likod ng pinto ang isang itim na leather jacket. Naalala ko ang lalaking nagbigay nito isang beses nang pumunta ako sa Mall. Inindian ako ni besty noon...

"Here," napaatras ako noon nang ipinatong ng lalaking iyon sa balikat ko ang isang itim na leather jacket. Naamoy ko naman kaagad ang kabanguhan nito. "Take it, Miss. Sorry for my ungentleness earlier. You might catch a cold. Naka-sleeveless ka lang at inaamin ko nang ako ang may kasalanan kung bakit nadumihan 'yang jacket mo kanina. And I should be the one saying sorry. Ako ang hindi nakapansin sa'yo."

Ipinilig ko ang ulo ko upang alisin ang itsura ng lalaking may-ari ng jacket na 'to sa isip ko.

Pwede na siguro 'tong panangga sa ulan ni Ella, dahil may hoodie naman.

Lumabas ako ng nakapayong habang dala-dala yung jacket. Pagkalabas ko, nakayakap si Ella sa sarili nya. 6:20am pa lang naman kasi, umuulan pa kaya talagang malamig.

"Saan galing 'yan?" tanong ko kaagad pagkalapit, tinuro ko yung braso niya.

"Huh?" tumingin siya sa tinuro ko. Sa part na may maitim na pasa. "Wala 'yan. Nabangga lang kasi kanina sa may pintuan kaya ayan, nagkapasa." ngumiti siya at iniiwas ang braso niya.

Tumango-tango ako habang nakakunot ang noo, tapos inabot ko sa kanya yung leather jacket.

"Alam mo, Ella, kung sinasaktan ka ng Tita Stella---"

"Ang OA mo ah." tumatawa siya habang sinusuot na yung leather jacket. "Wala lang talaga 'yan, promise. Ano ako, si CinderELLA?"

Humalakhak ako dahil umaandar na naman ang pagka-writer niya. Sa isang Private School siya nag-aaral at isa siyang scholar writer doon. Nakakabayad siya ng tuition fee by the form of novel writing.

"Wala ka namang evil step sisters, no."

"Malay mo, itatry kong walain ang sapatos ko, tapos magka-Prince Charming ako."

Tumango at humalakhak na lang ulit ako kahit hindi pa rin ako kumbinsido. I know Tita Stella, her mother. Talagang may pagkamabigat ang kamay nito lalo na kapag nakainom.

"Mabuti na lang dito ako inabutan sa tapat niyo, Ayra!" sabi niya. "Kanina pa wala akong makitang fafables na may payong eh. Alam mo 'yon, yung pwedeng ka-sparks?"

"Sige, mag-imagine ka lang diyan!" Sabi ko sabay halakhak.

"Una na ako! Thank you ah! Balik ko na lang later!"

"Hindi, sige, sa 'yo na 'yan." tumawa ako. "Hindi naman akin 'yan e. May nagbigay lang."

"Weh? Lalaki ba? Gwapo?" She said and I glared. Tinulak ko siya ng bahagya para palayasin. "Joke! Hahaha! O sige, bye, late na ako eh!" tapos nagbeso-beso kami at tumakbo na siya papuntang sakayan ng jeep.

Sinundan ko na lang siya ng tingin at umiling-iling. Tapos umakyat na ako sa kwarto para kunin na 'yong bag ko. Makapasok na nga! 6:30 na e. Baka mamaya ma-late pa ako.

Naglakad na ako papuntang sakayan ng tricycle. Habang naglalakad ako sa ulanan at may payong, may isang black and shining car ang tumigil sa tapat ko.

Bumaba yung windshield nito at dumungaw ang isang halimaw!

"Miss."

Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang paglitaw niya. Ang tindi ni Lee-ntik. Hindi na pinaligtas, pati umaga ko sisirain agad.

Hindi ko siya pinansin.Sumunod naman sa bilis ng paglalakad ko ang takbo ng kotse niya. Siya kasi ang driver. Kaya naman namalayan ko na lang ang sarili kong bumibilis sa paglalakad, na tingin ko e, naging takbo na.

"You are really running away from me, aren't you? Tuwing break kasi nawawala ka. I'm so alone. Ikaw pa naman ang inassign sa akin ng mga teachers niyo."

Bumagal ang lakad ko.

"Alone mo mukha mo. Ang dami mo ngang babae e." bulong ko.

"Ha?"

"Ha? Hindi ah! Busy lang po kasi talaga ako, Sir." hinarap ko ang daan habang bumibilis na yata ang paghinga ko dahil sa inis at kaba.

"I see." Aniya habang nakangisi.

Nailang ako sa kakasunod niya kaya naman hinarap ko na rin siya. Ngumiti na naman ako. Bwisit. Ang hirap palang magpanggap na mabait sa isang taong kinaiinisan mo.

"Ano po bang kailangan niyo sa 'kin?" ...ako kasi kailangan ko ng kutsilyo panaksak sa'yo.

"Miss-"

"Saka wag mo na po akong tawaging miss. May pangalan po ako eh." ....at ikaw, ikaw si Richard Lee-ntik.

Umawang ang bibig niya na parang may inaalala.

"Ah, oo nga pala. Ayradel Bicol? Pfft!" sabi niya saka tumawa at mukhang nainsulto yata ako. "Alam mo kasi, parang hindi bagay sa'yo ang pangalan mo. Pang-probinsya? Kaya tatawagin na lang kitang..."

Pang-probinsiya? Iniinit talaga nito ang ulo ko.

"I'll call you 'Baichi'. Better!" saka pa siya tumawa.

Hindi ko siya inintindi dahil baka kung ano pang masabi ko. Ang swerte niya dahil di ko pa rin nakakalimutang anak siya ng DepEd secretary at takot pa akong maapektuhan ang studies ko. Last year ko na ngayon at panget naman kung magkaproblema pa.

"Baichi--- D'on pala ang bahay niyo?" tanong niya. Hindi pa rin siya tumitigil sa kasusunod. Badtrip na Buchi yan oo. "Masyadong maliit at masikip. Why don't you get a bigger house in this place? Maraming villages dito ah-"

Napapikit ako sa inis.

"Pwede po ba?" tumigil ako sa paglalakad, hindi ko alam kung sigaw ba yung ginawa ko o ano. Huminga ako ng malalim. "Pwede bang umalis ka na lang? Ano bang kailangan mo? Kasi hindi rin ako sasakay dyan sa kotse mo. Hindi ako sasabay sayo!"

Badtrip! Naririnig ko na naman ang puso ko sa inis! Bakit ba ang kulit-kulit niya!? Bakit ba ang hirap niyang kausapin?! Nakakainis! Kahit yata pagmumukha niya ayoko nang makita!

"Huh? HAHAHAHAHAHA!"

Tumawa siya--- halakhak as in. Yung tipong parang wala nang bukas kasi may nalalaman pa siyang pahampas-hampas sa manibela. Agad na gumapang sa dibdib ko ang kahihiyan.

"Bakit? Sino bang may sabing pinapasakay kita dito sa kotse ko para sabayan ako?"

Nalaglag ang panga ko at uminit ang pisngi ko. Bwisit. Nagpatuloy na lang ulit ako sa paglalakad para hindi niya na mapansin pa yung pag-pula ng mukha ko. Pero matalas ang mata ng kumag.

"See? You're blushing," sabi niya. "I really had an effect on you. I can see that your heart is fluttering. Ibig sabihin, gusto mo rin ako. Pakipot ka lang at nagsusungit para magpapansin sa akin."

Bumuka ang bibig ko para tumutol pero agad siyang nagsalita.

"Your plan is working, anyway." napanganga ako at kumunot ang noo. Unti-unti na ring tumataas ang wind shield ng kotse nya. "Bye, Baichi. See you later. Ito yung tatandaan mo, you can't run away from me... seatmate."

Naiwan ako doong laglag ang panga. This is unbelievable! Ngayon, ako pa pala ang may planong magpapansin sa kanya? You wish!

Punong-puno ng inis ang dibdib ko at feeling ko kailangan kong mailabas lahat ng 'to!

"ANG PANGET MO! AKALA MO KUNG SINO KANG GWAPO! EH MAS GWAPO PA SI JAYVEE KO SA'YO EH!" sigaw ko at pinagdasal na sana narinig niya yon kahit alam ko namang imposible dahil ang layo niya na.

Mabigat na naman ang bawat pagbuga ko ng hininga dahil sa inis.

Malumanay akong tao pero ngayon lang yata ako nainis ng ganito at ngayon lang may isang taong nakapagpasigaw sa akin ng ganito.

"Ayra," Nagulat ako nang may kamay na kumapit sa balikat ko. Napatingin ako dito at agad na nanlaki ang mga mata.

Oh my gosh.