4 years ago
"Ms. Erin!" Tawag ni Mang Sapo, ang driver ko.
Nanatili akong nakakubli sa likod ng pader. Naghihintay ng tamang tiyempo para lumayo pa ito at makatakas ako nang tuluyan.
"Ms. Erin, huwag na po kayong tumakas parang awa niyo na po, baka po dumating na naman ng biglaan ang mga magulang niyo."
Nang marinig kong malayo na ang boses nito ay nagsimula na akong humakbang palabas, palayo sa paaralan bitbit ang ilang libro sa kamay ko.
Simula bata ako, hatid sundo ako sa eskwelahan at sa bahay. Wala akong malayang buhay kaya naman napipilitan kaong tumakas para ma-enjoy ang youth ko. Ang gusto nila maging perpekto ako. There should be no room for mistakes for me lalo pa't nag-iisa lang akong anak.
Importante sa kanila ang sasabihin ng ibang tao pero hindi importante sa kanila ang nararamdaman ko. But that was fine with me. I get used to it.
Napangiti ako habang naglalakad.
Siguradong hindi ako isusumbong ni Mang Sapo. Parang iro na rin ang ama ko. Iyon nga lang, hindi niya rin gusto na nagpupunta ako kung saan-saan kaya mas pinili kong tumakas na lang.
Kahit paminsan-minsan gusto kong maging ako hindi ang taong gusto nilang maging ako.
Tinulak ko ang pinto papasok sa loob ng paborito kong coffee shop. Naamoy ko na agad ang mabangong kape sa loob. Napangiti ako habang hinahagod ng tingin ang paligid. Gustong gusto ko ang makalumang desenyo ng coffee shop.
"Magandang araw, Ms. Erin," Napatingin ako sa nakangiting si Tali sa counter, humakbang ako palapit rito, "Latte po?"
"It will always be Latte." Nakangiting sabi ko rito bago ako kumuha ng pangbayad sa wallet ko.
"Dadalhin nalang po namin sa inyo."
"Salamat." Nakangiting pa ring sabi ko.
Dumiretso ako sa mini library nila.
Sapat lang ang liwanag sa loob. May iilan ang nandoon at katulad ng dati, tahimik at may mahinang musika ang kasalukuyang tumutugtog.
Pinagapang ko nag daliri ko sa mga libro habang may maliit na ngiti ang nasa mga labi ko. I always loved them.
Kumuha ako ng isa, hindi ko pinansin ang pamagat no'n, ginusto ko lang buklatin iyon at dalhin sa ilong ko habang nakapikit ang mga mata.
Parati ko iyong ginagawa. Gusto ko lamang ang pakiramdam na binibigay sa akin no'n.
Binalik ko rin iyon at nagsimulang umikot sa loob, naghahanap ng librong maaari kong magustuhang basahin sa limang shelves na nandoon habang dinadala ang mga daliri ko sa mga libro.
Mayroon na akong nakuhang isa sa kamay ko. Napansin ko na may tao sa kabilang shelf. Tila nakasunod sa mga hakbang ko.
Hindi ko nakikita ang mukha nito sa maliit na siwang ngunit nakikita ko ang mapupulang mga labi nito.
Tinanggal ko rin ang atensyon dito at dinala ang pansin ko sa librong kinuha ng kamay ko.
Binuklat ko ang ilang pahina, ilang sandali rin iyon bago ako muling tumingin sa taong nasa kabila ng shelf. Nakahinto rin ito.
Mukhang wala naman itong hinahanap. Kilala kaya ako nito?
Dinala ko ang libro sa iba pang mga hawak ko at nagpatuloy sa paghakbang habang nakatingin sa maliit na siwang sa ibabaw ng mga libro. Gumagalaw rin ito.
Malapit na ako sa dulo. Inaasahan kong makikita ko ito roon pero hindi ko ito nakita. Hindi ko alam kung bakit may kung ano sa akin na gusto itong makita. Humakbang pa ako nang bahagya para sumilip sa kabilang shelf ngunit nabigla ako nang makita ito sa harapan ko.
Ang itim na pares ng mga mata nito ang nakita ko. Hindi ko agad natanggal ang tingin sa mga matang iyon na para bang mayroon kung ano doon na gusto kong makita. Hindi ko namalayan ang sandali.
Ganun pa man, napatingin rin ako sa hawak nitong tray. Nakalagay sa ibabaw no'n ang isang cup ng kape.
Nakasulat doon ang pangalan ko.
Kaya ba sinusundan ako nito?
Muli akong tumingin rito. Walang kahit anong mababakas sa mukha nito. Ngayon ko lang yata siya nakita rito?
"Drevour,"
Tawag sa kanya ng isang kasamahan niya pero hindi nito inalis ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang may nabubuong bara sa lalamunan ko sa mga pares ng mga matang iyon na nakatingin sa akin.
"Drevour, bilisan mo, marami ng orders."
Kinuha ko na ang kape sa tray at saglit ko na lang tiningnan ang mga matang 'yon.
"Salamat." Iyon lang ang sinabi ko at umalis na rin agad ako para maghanap ng seat sa pangalawang palapag.
Nagtagal din ako doon bago tumunog ang cellphone ko. Reminder iyon na oras na para umalis.
"Thank you, Ms. Erin!" Masiglang sabi ni Tali.
Binigyan ko ito ng matamis na ngiti bago ako lumabas ng coffee shop.
Nagsimula akong maglakad-lakad sa paligid. Gusto ko lang talagang makita ang paligid. Kung paano gumagana ang mga bagay, kung paano ngumiti, tumawa, malungkot ang iilan. Gusto kong marinig ang tunog ng mga sasakyan, ang kwentuhan ng iba't ibang grupo, gusto ko marinig lahat ng ingay ng mundo.
Gusto kong makita nag mundo. Yung totoong mundo.
Gusto ko pa sanang lumayo pero naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ng leather skirt ko.
Si Mang Sapo.
Ang sabi nito ay pauwi na raw ang Mommy at Daddy ko mula sa airport.
"Oh, shit."
Pinasok ko ang cellphone sa sling bag ko at nagmamadaling humakbang papunta sa waiting shed para mag-abang ng sasakyan.
Habang patuloy sa paghakbang, bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.
"Holy shit,"
Pinatong ko sa ulo ang mga dala kong libro na kinuha ko mula sa locker para aralin. Kinailangan kong tumakbo.
Sa sobrang pagmamadali ko, may natapakan akong kung anong madulas-
Nawala ang balanse ko kaya naman nabitiwan ko ang hawak kong mga libro.
Akala ko ay babagsak ang puwitan ko sa sahig ngunit sumandig ang likuran ko sa isang bagay-
Ramdam ko ang kung anong nakapalupot sa baywang ko. Pansin ko rin na hindi na bumabagsak pa ang ulan sa ulo ko. Wala sa loob na tumingin ako sa itim na payong na nasa ulunan ko at nilingon ang taong may hawak no'n.
Hindi ko nagawang tanggaling ang tingin ko sa mga mata nito. For no exact reason, lalong kumabog ang dibdib ko. Kahit kanina ko lang nakita ang mga matang iyon para bang matagal ko na iyong kilala. Ngunit maaring masyadong matagal ko lamang tiningnan ang mga iyon kanina.
Hindi ko maitatanggi ang kakisigan nito kahit pa walang mababatid na emosyon rito. Gusto kong ipikit ang mga mata ko dahil sa kabila ng malakas na ulan ay nakuha ko pang pansinin iyon.
Ang malakas na kulog at kidlat ang nagbigay sa akin ng hudyat na dapat kong tanggalin ang tingin sa kanya at pulutin ang mga libro ko.
"Thank you." Iyon lang ang nasabi ko bago ako umalis sa ilalim ng payong niya para pulutin ang mga libro ko.
Ang huling libro na lang ang pupulutin ko nang parehas naming makuha iyon. Muli akong napatingin sa kanya.
"Ihahatid na kita." Sigurado akong hindi iyon alok. Bakas sa tono ng boses nito ang awtoridad.
Hinayaan kong ihatid niya ako sa waiting shed dahil masyadong malakas ang ulan para tumanggi. Maraming tao roon dahil sa ulan.
Maraming nag-aabang kaya siguradong mahihirapan akong makasakay. Inipit ko sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng basang buhok ko pagkatapos ay pinahid ang braso kong basa.
Humugot ako nang malamim na hininga bago ko tawagan si Mang Sapo para sunduin ako. Binalik ko rin ang cellphone sa bag kong nabasa rin ng ulan.
Napatingin ako sa kulay puting panyong nakalahad sa harapan ko bago ko tingnan ang lalaking nag-abot no'n. Hindi pa rin pala ito nakakaalis?
"Salamat." Iyon lang ang sinabi ko at hindi kinuha ang panyo.
Naramdaman kong hindi ito umalis sa tabi ko. Marahil ay nag-aabang ito ng masasakyan pauwi.
Nakakaramdam na rin ako nang panlalamig dahil maiksing palda at halter top
lang ang suot ko na hanggang pusod pa. Naramdaman ko na may kung anong pumatong sa balikat ko na may nakakahalinang amoy.
"Ibalik mo."
Hindi na ako nakatutol pa dahil muli na niyang binuksan ang itim na payong at humakbang palayo.