4 dos

Tuwing break time nagpupunta kami sa library para mag-review ng notes o magbasa ng mga libro for the next subjects. Iyon na ang nakagawian namin simula pa lamang sa unang araw ng kulehiyo.

"Uy, si Erin."

Napatingin ako sa grupo ng kalalakihan sa isang table sa gawing dulo. Hindi ko naman kilala ang mga ito at parang ngayon ko lang nakita. Mabilis kasi akong makalimot ng mukha at angalan ng mga tao.

Hindi ko alam kung bakit dumako ang tingin ko sa nag-iisang lalaking nakaupo sa dulong mesa.

Abala ito sa pagbabasa ng libro niya.

Kumunot ang noo ko. Kahit pa bahagya siyang nakayuko, parang pamilyar sa akin ang mukha nito.

"Picturan mo kaya, pre." Narinig kong muling sabi ng isa sa grupo.

"Shhh!" Agad suway ng library assistant.

Napalunok ako nang mag-angat ito nang tingin diretso sa direksyon ko. Muli na namang nagtagpo ang mga mata namin.

Parehas lang pala kami ng pinapasukang eskwelahan?

Katulad ng unang beses ko itong makita, hindi ako makakita ng kahit anong emosyon sa mukha nito.

Hindi ko maiwasang tingnan siya. There is... something in him that I couldn't miss.

"Ms. Benedicto," Tawag sa akin ni Rajun, "Erin Laire."

Napatingin ako kay Rajun.

"Narinig mo yung tanong ko?" Taas kilay na tanong nito.

Nakatingin na rin sa akin si Prin at si Jarin na parang naghihintay rin ng sagot.

"Hmm? What?" I asked.

Rajun rolled his eyes, "Ang tanong ko anong pakiramdam na ikaw ang paboritong estudyante ni Mr. Soliman?"

Napailing ako rito, "Hindi."

Rajun pouted, "Sayo lang siya hindi nagagalit. Kung may nagagalit man sa kanya sa 'yo siguro yung..." nginuso nito ang ibaba niya.

I chuckled, "Sira."

"And another question, ano'ng feeling na hanggang ngayon na huling taon na natin dito ay ikaw pa rin ang bonggang-bonggang campus crush ng sambayanang makatao? Pati crush ko crush ka, unfair na masyado ang universe." Nakabusnagot na sabi ni Jarin.

"I feel you," Nakabusnagot din na sangayon ni Prin, "hanggang sana all nalang tayo."

"Ang struggle na talaga maging pangit nowadays, ano?" Ani Rajun.

"Wala naman pangit sa mundo." Saad ko.

"Anong tawag mo rito?" Nilahad ni Rajun ang kamay sa ilalim ng baba ni Prin, "muntik nang maging panget?"

Pinalo ni Prin nag kamay nito.

"Hoy, whatever you say may matris pa rin ako. Ikaw wala."

Inikot nito ang mga mata, "May jowa ako ikaw wala."

"Ah, talaga? Mapanakit ka? Gusto mong isumbong kita kay Tito?"

"As if naman na makipag-usap sayo si dad, masyado siyang busy, at sige nga, anong sasabihin mo?"

"Tito, si Rajun, sumisigaw ng Ahhh! Arrgh! Fuck me harder, Giro! Ahhh!" Prin moaned with emotions.

Napatawa kami nang mahina ni Jarin.

"Ah ganon?" Pino itong kinurot ni Rajun at nauwi silang dalawa sa pasimpleng kaladyaan.

Naiiling na napangiti ako sa kanila habang hindi ko alam kung bakit muli akong napatingin sa direksyon nito. I guess I caught him looking at me but he just shifted back his gaze on his book.

Hindi ko alam kung sinasadya ba ng tadhana pero simula noong araw na nakita ko ito sa coffee shop ay madalas nang magkrus ang landas naming dalawa.

Madalas nakikita ko itong nagbabasa ng libro at may sinusulat na kung ano sa mesa na nasa ilalim ng isang malaking puno malapit sa football field.

Madalas nagtatagpo ang mga mata namin at hind ko alam... hindi ko maipaliwanag ang damdaming sumasakop sa akin sa tuwing makikita ko ang mga matang iyon.

Mula sa 4th floor, nakita ko na naman ito sa ibaba. Mukhang palabas na ito ng campus.

"Girl, halika sumama ka sa akin dito para marami akong likes." Hila ni Rajun sa braso ko.

Nakatutok na sa mukha naming dalawa ang camera at ang kailangan ko na lang gawin ay ngumiti at hindi tumanggi.

Kanina pa nagse-selfie ang mga ito habang wala pa rin ang professor. Pagkatapos ng isa at kalahating oras ng klase ay naisipan kong magpunta sa coffee shop tutal ay hindi naman darating ang huling professor namin ngayong araw.

Hindi na ako nagpunta pa sa mini library dahil plano kong umalis din agad. May kailangan akong bilhin sa mall hindi kalayuan mula rito.

Dinala ko ang jacket niya para ibalik iyon sa kanya. Hindi ko iyon ginustong ibigay sa kanya sa loob ng campus dahil hindi ko gustong kumuha ng atensyon mula sa mga taong laging nakatingin sa mga kilos ko. Ayoko ring idamay siya sa atensyong iyon dahil mukhang private itong tao. Mukhang wala itong kaibigan.

Dinala nito ang order kong latte sa mesa. Saglit kong tiningnan nang malapitan ang mukha nito. He looked... good.

"Uhm," Dinala ko ang paper bag sa ibabaw ng mesa, "here's your jacket."

Tiningnan niya lang iyon bago muling tumingin sa akin.

"Uulan ngayon."

Dalawang salita lamang iyon pero parang malaki ang naging epekto sa sistema ko. Tumalikod ito at humakbang palayo.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Tumingin ako sa labas ng glass wall. Sikat na sikat pa ang araw sa labas. Maliwanag ang kalangitan. Walang sinyales na uulan.

Iniwan ko na lang ang jacket sa kasamahan nito sa trabaho dahil baka hindi ko na iyon maibigay pa sa susunod. I asked a favor na ibigay niya iyon sa kanya dahil hindi ko na ito nakita pa sa paligid.

Pagkatapos kong bilhin ang kailangan kong papers sa bookstore, katulad ng lagi kong ginagawa noon, naglakad-lakad ako para tingnan lang ang mundo. Pauwi na rin ako pero hindi ko inaasahan na bubuhos ang malakas na ulan.

Hindi pa ako nakakatakbo nang maramdaman kong may tao sa likod ko at nakita ko ang itim na payong sa ulunan ko.

"Hindi ka nakinig."

Hindi ko alam kung bakit kumakabog ang dibdib ko nang marinigang boses nito. Humarap ako rito. Nagkaroon ng kung anong bara ang lalamunan ko nang mapatitig sa mga mata nito.

"Pa'no mo nalaman?" I gulped, "P-paano mo nalamang papatak ang ulan?"

Ilang sandali itong tumingin sa mga mata ko bago magsalita, "Dahil masaya ako."

Kumunot ang noo ko, "Pero... pero hindi ko nakikita ang saya sa 'yo."

"Mapanlinlang ang mga mata. Hindi lahat ng tunay nakikita ng mga mata."

Yeah... he was right.

Tumingin ito sa buhok ko. I didn't expect na hahawakan niya iyon.

"Nabasa ka ng ulan."

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Muli nitong dinala ang jacket sa balikat ko. Hindi ko naramdaman ang pagpatak ng ulan sa paligid sa sandaling nakatingin ako rito.

We had a long night then. Matagal kaming nag-stay sa isang coffee shop habang hinihintay si Mang Sapo.

Natanong ko ito tungkol sa kurso niya. Kaya pala nakita ko ito minsan papunta sa building ng architecture na katabi lang ng building namin. Architecture pala ang kurso nito at huling taon niya na rin iyon sa eskwelahan.

"I thought you're also taking... entrepreneurship. Bakit madalas ka sa library ng CBAA?"

"May mga libro doon na gusto kong basahin."

Napagiti ako, "Mahilig ka rin palang magbasa?"

Hindi ito sumagot. I asked some things about him na hindi naman masyadong personal, katulad ng kung gaano na siya katagal sa coffee shop at iba pa. It was just a question and answer, kung ano lang ang tanong ko iyon lang ang sasagutin niya. No further explanation or more information.

Malakas pa rin nag ulan sa labas. Hindi ko maiwasang mapatingin doon. Komportable ang ulan sa loob ng bahay o sasakyan pero hindi para sa mga taong walang masisilungan.

Napansin kong nakapikit ito. Hindi ko maiwasang tingnan lahat ng detalye sa mukha nito. Wala akong masasabing mali sa mukha niya. Hindi ko masasabing simple lang ito, hindi.

"Minsan hindi mo kailangang marinig ang mga tinig, kailangan mong maramdaman para hindi mo makalimutan."

Nanatili akong nakatingin rito. Paano mo mararamdaman ang tinig? Sa totoo lang hindi nakikitang weirdo ito sa halip, nararamdaman ko na may lalim ito.

That day I felt like he was someone— someone I wanted to know more.

***

A/N

Hi! just wanna say thank you. Ang supportive niyo lang. nakaka-touch.😆

Medyo hindi ko pa alam ang plans ko sa buhay this MECQ, but if ever mag-decide ako to stay at home baka gawin ko na lang book 2 mg IEYMAA.

Mabilis lang po itong touch.

take care and don't forget to always pray.

-Limitless

avataravatar
Next chapter