webnovel

His Good Karma (BL)

Toy always teasing his childhood friend, High because of his smaller height when they were young. Now that they're in high school, he can't accept the fact that the guy he teased is now taller and more famous than him and there is something worse than that... Is it a karma? But why it seems to be good?

xzhxngx · LGBT+
Pas assez d’évaluations
9 Chs

Karma 7

Habang kumakain ay panay ang tingin ko kay Toy pero hindi siya tumitingin sa akin. Sinipa ko ang paa niya saka sumubo ng kanin. Nakita kong napatingin siya sa akin tapos naramdaman ko ang sipa niya sa paa ko.

Sinipa ko rin siya. Ganoon rin siya. Sinipa ko ulit siya, sinipa niya ulit ako. Sinipa ko siya ng malakas kaso narinig ko ang boses ni ate Tay kaya iyong upuan yata ang nasipa ko.

"Toy, aalis lang kami ni Chem..."

Napangiwi ako sa sakit kaso nang nakalapit na si ate Tay ay ngumiti ako sa kanya. Hindi ko napansing napatayo na rin pala si High dahil paglingon ko sa kanya ay papaupo na siya.

"Oh, High... Nakatulog ka ba kanina?" Tumango si High.

Ang sakit sakit pa rin ng paa ko! Tumingin ako kay High at sinamaan siya ng tingin pero natawa lang siya sa akin.

Tinawag ni ate Tay si Chem na nasa sala upang makita rin ni Chem si High.

"Andito si High, Chem."

Lumapit naman sa amin si Chem at tuwang tuwa nang makita ulit kami. Hinimas ko muna ang kawawang nga daliri ko habang pinapanood ang batian nina Chem at High.

"Hello, High!" Sumigla ang boses ni Chem nang tumingin kay High.

"Chem!" Tumayo si High at nagyakapan ang dalawa.

"Grabe ang tatag ng friendship niyo, ano?" Humalakhak si Chem at tumingin sa akin, ngumiti ako sa kanya. "Namiss ko kayo!"

"Ganoon din ako, Chem. Kamusta ka sa ibang bansa?" Ani High.

"Ayos lang... ayun habulin na ako ng mga kano." Nagtawanan kaming lahat. "Grabe ang tangkad mo na, High! Parang nasa leeg ka lang ni Toy noon."

Umiling lang ako.

"K-kain..." Alok ni High.

"Tapos na kami ni Chem, High. Ipagpatuloy niyo ang pagkain at aalis muna kami ni Chem para makapagbonding." si ate Tay.

"Oh, bakit hindi kami kasama ni High?" Tanong ko kahit wala rin naman akong balak sumama kung magyayaya sila.

"Girls." Isang salita lang ni ate Tay. "May ipapabili ka ba? Dadaan din kami sa SM mamaya."

"Briefs."

Ngumiwi si ate Tay saka inangat ang kanyang middle finger. Ginulo niya ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Maiwan na namin kayo. Huwag kayong aalis ng bahay at walang maiiwan. Huwag kayong magkakalat, ha?"

"Oo na. Oo na." Sabi ko.

Kalaunan ay umalis na rin sila. Tapos na rin kami kumain ni High at siya na rin ang naghugas. Nanatili akong nakaupo at pinapanood siya.

"Kanina ka pa pala nandito, wala ka man lang pasabi."

"Nagtext ako kanina."

Ngumuso ako. Naiwan ko nga pala ang cellphone ko noon sa kwarto.

"Oh... Nakita ka kanina ng kaklase ko, bakit hindi ka lumapit?"

Sandali siyang natahimik pero hindi ko nagsalita.

"Ayaw kong makagulo."

Ngumiwi ako. "Mga kaklase ko lang iyon. Anong makakagulo? Nandoon naman sina Rate at Drei."

Hindi na siya ulit nagsalita. May kinatatampo ito. Mas madaldal ito sa akin, e. Ano kaya iyon? Ginulo ko ang buhok sa frustration. Naiinis ako!

Tumingin ako sa kanya na nagtatakang nakatingin na rin sa akin habang pinupunasan ang kanyang kamay.

"Tapos ka na ba? Magreview tayo." Sabi ko nalang.

"Tapos ka na kanina, 'di ba?" Mabilis niyang sagot.

Napanganga ako ng may narealize. Bago ako magsalita ay nakita ko na siyang naglalakad paakyat sa kwarto ko kaya hinabol ko siya.

Nakasunod lang ako sa kanyang likod habang papasok sa aking kwarto.

"Hindi ako nakapagreview ng maayos. Ikaw talaga inaantay ko kanina."

Nakita kong kinuha niya ang bag niya sa kama ko at inaayos iyon. Kinuha ko iyon saka kinuha ang mga nasa loob at nilabas.

"Doon sana kami kina Muse magrereview, yung isa kong kaklase? Iyong kanina? Kaso sabi ko hindi ako makakapunta, alam ko kasing darating ka. Kaso sina Drei mga ulupong, dito pinapunta."

"Okay." Aniya saka umupo sa tabi ko.

"Okay?" Sumimangot ako.

Umaasa pa ako ng ibang sasabihin niya tas okay agad?

"Nagpaliwanag ka na. Edi okay."

Ngumiwi ako. Ganito na talaga siya palagi. Minsan iniisip ko kung bakit kami umaabot sa ganitong kababawan. Parang ako pa yung nagmamakaawa sa kanya. Bakit ako?

Teka bakit kasi siya parang nagagalit sa una palang hindi ba? Ewan!

Tumitingin ako kay High paminsan minsan habang may sinasagutan kaming mga tanong. Siya ang pumili noon dahil mas magaling siya sa pagpili ng mga tanong. Madalas kasi iyong pinapasugatan niya sa akin ay iyon talaga ang lumalabas tuwing examination.

Sa ngayong taon ay hindi kami magkaklase. Nasa star section siya kung saan naroon ang mga mayroong matataas ang marka. Simula pa noon magkaklase na kami ngunit ngayong taon lang nagkataon na hindi. Masyado niya kasing ginalingan sa exam, napagiwanan tuloy ako.

Nakahalumbaba ako habang pinapanood si High na chinechekan ang mga papel namin.

"Ano bang magandang unang puntahan sa school festival?" Tanong ko lang.

Tumingin siya sa akin saka binalik ang tingin sa mga papel. Akala ko hindi siya magsasalita.

"Toy... Ano kasi, uh..."

"Bakit? Huwag mong sabihing, hindi ka makakapunta? Nangako ka sa akin!"

"Ano bang meron doon?" Tanong niya.

Oo nga pala, last year kasi ay hindi naman siya naka-attend kaya wala siyang alam sa mga ganito. Palagi kasing may lakad ang pamilya nila sa araw na iyon. Kahit anong mga event yata, hindi siya pinapayagang pumunta.

"Iba-iba. May horror house, mini restaurant, cafes..."

"Oh? Yung sa amin yata yung mini cafe, naghahanda kasi yung mga kaklase ko ng mga susuotin." Aniya saka binigay ang papel ko sa akin.

"Gusto mo, pumunta agad tayo roon?" Mabilis kong tanong.

Ngumuso siya. Sumimangot ako.

"O-oo, pupunta ako." Nag-iwas siya ng tingin.

"May pupuntahan ba ulit kayo? Sina tita? Saan ba kasi kayo pumupunta?"

Dati ay hindi ko alam kung saan sila pumupunta. Naiinis ako kaya wala akong interes na malaman.

Hindi siya sumagot kaya hinawakan ko ang baba niya saka iniharap sa akin. Nanliliit ang mata ko habang tinitignan siya habang siya ay hindi ko maipaliwanag kung ano ang tingin niya.

"Pupunta ka 'di ba?"

"K-kailan ba ang tugtog niyo?" Aniya saka pinilit alisin ang kamay ko sa kanyang baba ngunit mariin ko iyong hinawakan.

Kumunot ang noo ko.

"Sa last day pa-"

"Sa last day nalang tayo-"

"Ikaw mismo ang nagsabi sa akin na pupunta tayo tapos ganito?"

"M-may next year pa naman-"

"Naiinis ako."

"Okay. Pupunta ako."

Binitawan ko ang baba niya saka umayos ng upo.

"Kaya ka ba tahimik ng ilang araw kasi iniisip mo iyon?" Ngayon ay napagtanto ko. "Ano ba ang sabi ni tita? Hindi ka pinayagan?"

"Aalis daw kami?" Patanong pa ang sagot niya, halatang hindi sigurado.

"Bakit kasi lagi kang pinagbabawalan? Saan ba kayo pupunta?"

"Wala lang. Mamamasyal."

Ngumiwi ako. "Papasyal naman tayo roon."

Ngumuso siya saka tumango.

"Gustong gusto kong pumunta."

Natahimik ako. Kakausapin ko si tita para hindi na siya mamroblema.

"Huwag ka ngang magpakalugmok diyan. Para kang babae." Inirapan ko siya.

Lalo siyang ngumuso kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Itsura mo!"

"Mukha na ba kong babae?" Sabi niya saka ngumuso ulit.

Tumawa siya kaya umirap ako ngunit natatawa na rin sa kanya.