webnovel

His Good Karma (BL)

Toy always teasing his childhood friend, High because of his smaller height when they were young. Now that they're in high school, he can't accept the fact that the guy he teased is now taller and more famous than him and there is something worse than that... Is it a karma? But why it seems to be good?

xzhxngx · LGBT+
Not enough ratings
9 Chs

Karma 8

Nakabusangot akong nakaupo sa labas ng bahay namin. Tinignan ko ang wrist watch ko at nakitang mag-aalas siete na. Nakailang mura na yata ako rito ngunit hindi pa rin dumarating ang kanina pang hinihintay.

"Toy!" Tawag ni ate mula sa loob ng bahay.

Hindi ako sumagot kaya siguro ay lumabas na siya para harapin ako.

"Mauna ka raw. Huwag mo ng antayin si High at hindi raw makakapasok." Aniya "Dalian mo na at malelate ka na."

Umirap ako kaya umirap din siya

Galit akong bumuntong hininga. Bakit ba hindi siya makakapasok? May problema na naman kaya sa kanila? Huwag nalang din kaya ako pumasok? Puntahan ko nalang kaya siya?

"Sige na, Toy. Umalis ka na." Sabi pa ni ate saka pumasok sa loob ng bahay.

Wala akong nagawa kundi umalis nalang. Sa klase ay panay ang tingin ko sa aking cellphone. Hindi man lang nagtext ang liit na iyon. Sana man lang ay sinabihan ako ngunit wala akong nakuha! Kahit tuldok wala!?

Buong araw akong iritable. Halos hindi rin ako makausap ng matino ng mga kaklase ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ako, pinipigilan ko naman minsan ngunit sadyang sirang sira lang talaga ang mood ko na kahit na mapagpanggap na ngiti ay hindi ko magawa.

"Toy, bakit daw mali mali yung sinulat mo sa module sabi ni Ms. Anne."

"Ewan ko." Sagot ko habang kinukuha ang cellphone sa bulsa.

Wala man lang notification. Inirapan ko ang wallpaper kung saan ay si High ang nagpalit. Pinuntahan ko ang settings para palitan ito ng picture ng babae na hinahangaan ko noon.

"Toy, sama ka mamaya." Nagtaas baba siya ng kilay. Ngumiwi ako at alam ko na agad ang ibig sabihin noon.

Lumingon lingon ako para hanapin si Rate pero nang nakita ko siya na papasok ng classroom ay sinenyasan ko na siya.

"Kasama si Rate. Ano? Game?"

Nang makalapit si Rate ay agad na itong tumango sa akin.

"Okay." Sabi ko.

"Sagot daw lahat ni Gio mamaya kaya mas masaya iyon!"

Si Gio iyong taga kabilang section na dating kaklase ni Rate na ngayon ay kaklase ni High. Mayaman iyon at palagastos. Minsan na akong sumama sa barkada nila last year dahil kay Drei. Kilala ko rin naman ang iilan sa kabilang section dahil minsan na rin akong pumupunta roon dahil kay High. Hindi nga lang masyadong malapit si High sa kanila at wala rin siyang alam sa pagsama ko sa mga iyon.

Pagkaalis na pagkaalis palang ni Sir Migs ay agad na lumapit sa harapan ko si Drei at siya na mismo ang nagligpit ng gamit ko. Nagtaas ako ng kilay sa kanya ngunit patuloy lang siya sa ginagawa. Isang notebook at ballpen lang naman iyon saka isinukbit ang bag sa kanyang braso.

"Let's go!" Aniya saka naglakad palabas.

May lakad nga pala. Hindi na ako nagsalita at sumunod nalang ako sa kanilang dalawa ni Rate.

Pagkalabas namin ng gate ay lumiko kami. Dito pa naman madalas ang daanan ng mga nagcucutting classes dahil halos walang mga taong dumaraan dito. Habang naglalakad ay medyo natatanaw na namin ang grupo nina Gio. Apat sila na naroon nakatayo sa gilid ng pader ng school namin, mukhang inaantay kami.

"Gio!" Tawag ni Drei.

Lumingon ito sa amin saka ngumisi. Hindi pa nauubos ang ginagamit na sigarilyo nang itapon niya ito saka umayos ng tayo.

"Tara?" Aniya habang inaakbayan si Drei.

"Saan tayo?" Tanong ni Rate.

"Hmm..." Pabirong nag-isip si Gio saka ngumisi at kumindat.

Pinuntahan namin ang sasakyan daw ni Gio. Halos malula ako sa trailblazer na nakaparada sa hindi kalayuan.

"Wow, Gio! Sa'yo 'to?" Halos malakas na pagkakasabi ni Drei sa gulat.

"Oo naman. Legal yan." Ani Gio.

Wala siyang driver at siya pa ang magdadrive.

"Teka, hindi ba delikado 'yan?" Tanong ko. "Ayoko pang mamatay."

May kinuha siya sa loob ng sasakyan saka winagayway sa amin ang kanyang student license.

"Kaya tayo magcecelebrate!" Sigaw niya.

Nag-ingayan sila ng barkada niya at nakisabay na rin ako. Gusto ko na rin makihang out. Ang istrikto nina Mama at Ate. I want to have some fun again.

Nasa isang videoke bar kami pumunta. Nakita kong may binubulong si Gio sa staff saka may iniabot sa kanya.

"Let's go!" Aniya sa amin saka pumasok kami sa loob ng isang kwarto.

Nagmumurahan na agad sila pagkaupo na pagkaupo.

"Pili ka na ng kanta, Drei." Ani Gio.

Kinuha niya ang song book na nasa lamesa at namili na nga.

"Ano pang gusto niyong pagkain, I'll order." Ani Gio habang may tinatawagan yata sa kanyang cellphone.

"Pizza?"

"Liempo."

"Lechon!" Humalakhak kami.

"Fries, Gio." Sigaw ni Drei habang pumipindot na sa remote ng kanyang kakantahin.

Napalingon ako sa pumasok na staff. May dala itong dalawang case ng gin kaya halos mapatingin kaming lahat kay Gio at napahiyaw sa tuwa.

"Iba ka, Gio!"

"Ako pa ba?" Aniya saka nagkibit balikat.

Nag-inuman na kami at halos si Drei at yung isang kaibigan ni Gio ang nag-aagawan sa mike.

"Paparating pa lang ang exam pero nag-inuman na agad tayo, Gio." ani Lex.

"Syempre, hindi takot sa grades. Matalino, e. Tayo ang dapat na matakot!" Ani Justin saka itinaas ang baso para makapagkampay kaming lahat.

"Sinong nagsabing takot ako? Gago ikaw lang 'yun!"

"Tangina mo. Wag kang kokopya sa akin!"

"Guys, pre-celebration lang ito." Ani Gio sa amin at kumindat. "Sumama kayo, Toy, Rate, next time. After examination..."

Tumango ako habang uminom lang ng diretso si Rate.

"Ako?" Ani Drei.

"Syempre expected ka ng sasama. Hindi papayag si Gio kapag hindi." Ani noong Frank saka humalakhak.

Ilang oras na ang makalipas at halos makalimutan ko na kung anong oras na.

Halos tulog na si Lex sa tabi. Pati si Rate, nakapikit sa gilid. Si Drei kumakanta pa rin kahit halatang lasing na. Kami lang nina Gio, Frank at Justin ang nasa katinuaan pa kaya tawa kami ng tawa sa pinaggagagawa ni Drei.

Kinuha ko ang cellphone ko saka tinignan kung nagmessage ba si ate ngunit text ni High ang nakita ko.

High:

Nasaan ka? Bakit di ka pa rin umuuwi.

Walang tao sa bahay niyo.

Hooooyyyy

TOOOOYYYY!!!!

Galit ka ba?

Sorry di ako nakapasok. Tinanghali kasi ako ng gising.

Bakit wala ka pa rin?

Saan kayo pumunta?

Kasama pala ng ate mo si Ches. Mama mo malelate daw ng uwi. Nasaan ka?

Magmessage ka naman kung ayos ka lang?

-

Isang oras yata makalipas bago may sumunod pang mensahe galing kay High.

High:

Toy, nakakatakot dito sa inyo 🥺

Agad akong tumayo. Mahigit alas nueve na. Ang huling message niya ay noong alas otso pa, siguro naman nakauwi na iyon di' ba?

Pupunta pa raw ng bar sina Gio kaya nagpaalam na agad akong umuwi.

"Sayang naman. Next time then?" Aniya habang inaalalayan si Drei na isakay sa likod ni Rate.

Sina Frank ay nakatayo na rin at mukhang sasama pa rin sa bar kahit na mukhang bangag na ang iba sa kanila.

"Rate." Tawag ko sa kanya at sinenyasan na siya na uuwi. Tumango lang siya.

Umalis na ako kaagad. Natagalan pa ako sa pagsakay kaya halos mag-aalas diez na akong nakauwi. Patay pa ang ilaw ng natanaw ko sa labas. Kaya halos magdiwang ako dahil alam ko hindi pa nakakauwi sina Mama at Ate.

Pagkarating ko sa gate ay kinuha ko na sa bulsa ang susi ngunit nahulog ito dahil sa dilim ng paligid. Hindi nakabukas ang street lights kaya halos ibuntong ko lahat ng inis doon habang kinukuha ang susi.

Nakarinig ako ng kaluskos sa gilid kaya halos mapatalon ako sa gulat.

Minadali kong kunin ang susi saka nagmamadaling binubuksan ang gate. Agad na may humawak sa kamay ko kaya napasigaw na ako.

"Toy!" Sigaw ng humawak sa kamay ko.

Tinignan ko si High na namumutla sa harapan ko.

no more uds

xzhxngxcreators' thoughts