Chapter 138: Mabuti Na Lang At Ikaw Iyan
Sa sumunod na segundo, minulat ng babae ang kanyang mga mata.
Sa pagkakataong naaninag ng kanyang mga mata ang larawan ng isang lalaki, natigilan siya noon una, tapos namuo ang luha sa kanyang mga mata, na unti-unti pumatak sa kanyang mukha na para bang walang katapusan...
"Ning Xi... "Nangamba si Lu Tingxiao dahil sa luha ng babae. "Anong mali? Saan masakit? Pasensya na, nahuli ako ng dating... Tahan na... Dadalhin kita sa ospital... Ikaw... Pakiusap tahan na..."
Halos tumigil ang pagtibok ng kanyang puso.
Namumula ang mga mata ni Ning Xi at hindi natatapos ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Inunat niya ang kanyang kamay ngunit bumagsak din agad.
"Gusto mo bang tumayo?" Kaagad siyang tinulungan ni Lu Tingxiao.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com