webnovel

Heeds On Your Own Affairs

shistineJdLd1 · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
3 Chs

Disclaimer & Preview

Disclaimer

Ang pabalat ng kwentong ito ay may parteng galing sa Google at WeComics. Kaya sana mabigyan nila ako nang pahintulot na gamitin ang mga larawang iyon.

Maaring makabasa ka ng mga masasakit at masasamang salita. O di kaya naman ay may kamalian sa pagtitipa at ilang salita o impormasyon sa kwento. Sana po ay pagpasensyahan niyo po ako. At sabihin niyo lang po kung ano yung mali saka ko ayusin.

Ang mga tauhan, pangyayari, okasyon, at lugar ay kathang-isip lamang. At kung may ilang parte na kahalintulad sa gawa ng iba ay maaring kaparehas lang ng naging ideya o takbo ng linya ng utak namin. Tandaan niyo po na orihinal ko itong istorya, walang halong panggagaya. Humihingi na rin po ako ng paumanhin sa kalidad ng aking gawa sapagkat labing tatlo pa lang po ako. Pero sana po magustuhan niyo po ang kwento. At salamat sa pagbabasa.

Preview

Nga pala ang kwentong ito ay tungkol sa isang babae o mas tamang sabihin na prinsesa na nawalan ng magulang sa edad na lima at inilayo sa kanyang lupain upang mailayo siya sa mga maiinit na mata(kapahamakan). Bumalik lamang siya makalipas ang labing dalawang taon dahil sa hindi inaasahang masamang balita mula sa kanyang lupain.

Katotohanang ang mga tao't bampira ay nagkaroon ng mantinding hidwaan at naganap ang ang madugo't mtagal na digmaan, mga kalahating siglo na ang nakakaraan. Nawasak ang  pagkakaibigan ng dalawang lahi pati na rin ang kapayapaang namumutawi sa matagal na panahon.

Inimbestigahan niya ito at ang dahilan nito ay ang mga walang pusong nilalang na sumisipsip ng dugo. Nagpadala siya ng mga espiya dito ngunit nabalitaan niyang muntik ng namatay lang ito sa kamay ng kalaban. Kaya napilitan siyang personal na pumunta para magmanman sa kaharian ng mga bampira.

Ngunit sa kasamaang palad nabihag siya sa isang lupain ng Zaidan. Buti na lamang at tinulungan siyang makaalis ng isang misteryosong lalaki na ayaw ipakita ang mukha.

Ngunit sa ikalawang pagkakataon nadakip na naman siya pero hindi sa kulungan siya bumagsak kundi sa loob ng kwarto na may kabaong ng hari ng Zaidan.

Dahil sa pagod hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. At nang magising siya nakita na lamang niya ang maraming bampira na gusto at handa na siyang pagtulungan. Sa ikalawa uling pagkakataon may tumulong na naman sa kanya. At ngayon ay iniligtas siya malapit sa kamatayan.

Hindi siya makapaniwalang ang hari pala ng Zaidan ang tumulong sa kanya ngayon. Alam ng hari na isa pala siyang taong prinsesa kaya bilang kapalit ng tulong at may halong banta, kailangan niyang maging isang personal na tagasilbi ng hari at bigyan ng dugo ang hari tuwing kabilugan ng buwan.

Kahit na mataas ang dignidad at tingin sa sarili dahil sa pagiging prinsesa niya ay wala siyang magagawa kundi tanggapin ang alok na iyon upang manatili siyang buhay sa ilalim ng proteksyon ng hari. Kahit alm niyang lumaban sa anumang paraan pero nasa teritoryo siya ng kalaban.

Ngunit habang siya ay nasa lugar na iyon ay kinuha niya ang lahat ng posibleng pagkakataon upang mag-imbestiga ng may kinalaman na tungkol sa nangyari sa lupain niya.

Nalaman niya na buhay pa ang dating hari ng Zaidan at kaya lang naging hari ang naging kasalukuyan kasi isikinasal ito sa isang bampirang prinsesa na nagngangalang An An. Mahal na mahal siya ng kasalukuyang hari ngunit sa kasamaang palad namatay ito. At nakakagulat na sa mismong kaarawan pa niya ito namatay.

Natatandaan pa niya dati na laging may boses na laging may bumubulong sa kanya. Ito ba ay tadhana o nagkataon lang? Maalin sa dalawa ay masama ang kutob. Kaya pinili niyang alamin ang alamin ang nakaraan ng hari.

Hindi aakalaing napakamadistansya ang hari sa mga babae. Napakamalamig din niya at walang pusong pumapatay ng harap-harapang nasasaksihan niya. Nagdaan ang araw na nasanay na siya sa ganung gawain ng hari.

Isang araw nalaman niya ang isang malaking problema ng hari. Isang malaking problema na walang ibang kasagutan kundi ang hanapin ang maaaring kapalit kay Prinsesa An An.

At isa lang ang sagot kundi...Siya! Ilang araw na na may nararamdaman siyang pagbabago sa katawan...Para bang lagi siyang uhaw na ewan. At nag-aasam ng dugo o di kaya naman ay may kakaibang lakas na mas malakas kaysa sa normal niyang lakas (oo malakas siya yun ang ginawa niya maliban sa pag-aaral kung paano maging tunay na prinsesa nang umalis siya sa lupain niya).

Lumitaw ang mga uri na tinatawag na magixter o mahikero kung saan sila lang naman ay mga bunga ng dalawang lahi. May karunungan silang natuklasan- ang paggamit ng mahika. Ang mga magixter o mahikero ay maaaring matututo ng isang partikular na paggamit ng mahika ngunit ang may dugong bampira lang ang may tysansang maging tunay na bampira.

Subalit ang mga ganitong uri ay kinamumuhian ng lipunan. Marami ang inabandona at masama ang sinapit.

Ayaw niya iyon kaya nagtanong siya sa naging malapit na bampira ng hari para sa paraan upang umurong para sa sarili at kanyang lupain. Akala niya madaliang gagawin- hindi hindi hindi! Hindi madali! Ang hari nga ay napakamalamig, walang puso at mahirap lapitan.

Marami pa siyang nalaman na sikreto at mga bagay na nakabaon sa malalim na limot. Kasama na doon ang ina at ama niya. At ang pagkatao niya bilang isang kalahating prinsesang tao at kalahating prinsesang bampira, isang magixter.

Tanging paraan lang niya ay ang paibigin ang hari sa kanya. Paano magkakagusto ang hari kung (si An An lang) hindi siya ang nasa puso nito at saka hindi siya gumawa ng paraan at lagi lang silang nag-aaway...Pero alam kong meron at meron laging paraan upang mabuksan ang puso ng bawat isa...

Abangan ang pag-iisang dibdib ng isang pursigidong prinsesa ng isang lupain sa kaharian ng mga tao at ang napakalamig na hari ng Zaidan isang lupain sa kaharian ng bampira-joke hindi totoo yun... Subaysabayan ang paraan nila para magkatuluyan. At masagot at malaman ang napakaraming misteryo na hindi pa nabubunyag... #shistine #KiAn'na

...

Sa susunod muling kabanata...