webnovel

Heeds On Your Own Affairs

shistineJdLd1 · Fantasy
Not enough ratings
3 Chs

Chapter 001

Kabanata isa: Masamang balita

"Mahal na prinsesa ... ang pinarangalan mong espiyang ito na responsable para sa pagmamasid sa lupain ng Kodaina ay nag-uulat ... Dalawang araw na pong nakalipas narinig ko na may ilang mga bampira na gumagala sa paligid ng lupain at makalipas ang tatlong araw ... A-ang isang malaking pangkat ng mga taong nakasuot ng itim na damit na may takip sa mukha ay u-umaatake sa maliliit na nayon kagaya ng Hitori at p-pinagnanakawan po ang inyong lupain nang h-hindi napapansin ..." napatayo ako at inatim ang nagbabagang damdamin. Nakakagulat at hindi nakakapatawad ang mga nangyayari nitong mga nagdaang linggo.

Kung magpapatuloy pa ito, anong madadatnan ko sa Kodaina kapag nagkataon? Nakakaawa! Nakakahiyang prinsesa...!

"Ipadala ang aking utos, ipakalat lahat ng mga pinakamagagaling at pinakamalakas na mga mandirigma upang magmanman sa buong kaharian ng mga bampira!!! Sabihin mong mag-ingat sila at dapat bumalik ng buhay!!!," umaaliwngaw ang boses ko sa buong kwarto.

Napapatingin ang mga nag-aalala at nagtatakang mukha nila titang reynang si Kichona Ketsueki Ishi, ang titong haring si Mitsuko Ishi , at ang pinsang prinsesa na si Akamira Ishi. Sila ang pamilyang dugong- bughaw na namumuno sa buong lupain ng Shiritama at kamag-anak na naglayo sa akin mula sa gulo, isang dekada na ang nakakalipas.

Nagsisimulang manubig ang mga mata ko at iiyak na ako ilang saglit na lang subalit walang oras para umiyak. Tumunghay ako upang umurong ang mga luha at pinakalma ang bugso ng damdamin.

"Pero prinsesa paano kayo?...Kung ipapadala niyo lahat ang pinakamagagaling at pinakamalalakas na mandirigma walang magproprotekta sa inyo lalo na't hinahanap kayo ng maraming kalaban," nag-aalalang saad ng nakaluhod sa isang tuhod na espiyang nagngangalang Rukeku Najiro.

"Kami na ang bahala sa prinsesang pamangkin ko kaya't huwag ka nang mag-alala Rukeku," napatingin ako sa likod na pinanggalingan ng boses may isang lalaki na mga nasa kwarentay sais na may korona na napakamaotoridad ang dating pero sa katunayan ay isang mabait siyang tao. Siya ay si Mitsuko Ishi, kagaya ng pamilya niya ay napakabait nito pati nga ata buong mamamayan ng Shiritama ay mabait at maalahanin.

"Ti-tito Hari..tito Mit-t-su-suko," nangangatal na banggit ko pangalan niya. Nag-aalala na talaga ako sa kahihinatnan ng buong pangyayari. Hindi maganda ang panlasa ko sa mga araw pang darating.

Ngumiti siya sa akin na parang sinasabing malalagpasan din natin ang lahat at magiging ayos din.

"Sayang ang oras, maari ka na ngayong umalis at isagawa mo na Rukeku ang ipinauutos ng prinsesang Hisan'na," inutos ni titong hari pagkabaling ng ulo para umalis ito.

Sa ngayon masaya ako dahil may kamag-anak pa pala akong may busilak ang puso. Hindi ko sila hahayaang masaktan, pangako iyan.

"Hay... Napakarami ng nangyayari sa Kodaina nitong mga nakaraang linggo.... Sunod-sunod!," komento bigla ng babaeng kanina pa nananahimik sa isang banda. Siya ang pinsan kong prinsesa, Akamira Ishi.

Ibinaling ko ang aking ulo sa dereksyon niya. Kanina pa punas nang punas ang ilang tagasilbi ng kanyang upuang kahoy na may manipis na unan para sa komportableng pag-upo ng puwetan niya.

Tinignan ko na lang siya nang nakaismid. Wala akong oras para nangulit ng tao lalo na ngayon.

Punong-puno at gulong- gulo ang isip ko hanggang ngayon. Nanghihina akong napaupo at ipinikit saglit ang aking mga mata.

"Tubig oh...," napamulat ako ng aking mga mata nang magsalita si titang Reyna Kichona Ketsueki Ishi. May hawak siyang baso ng tubig. Tumango ako at kinuha iyon saka parang uhaw na uhaw na nilaklak lahat ng laman non.

"Gusto mo pa?," tanong niya kung gusto ko pa daw ng tubig. Umiling ako saka nakangalumbabang umidlip.

"Kung gusto mong matulog, matulog ka... Masama para sa iyo ang kakulangan ng maayos na pagtulog," alalang sambit ni titang reyna.

Ngumiti ako dito. Maalahanin talaga ang pamilyang ito. "Titang reyna susundin ko po ang payo niyo...Saka dapat nagpapahinga po kayo at huwag ako ang alahanin kundi iyan pong batang nasa sinapupunan ninyo," ngumiti ako saka tumayo na.

"Mga tagasilbi!... Pakidala ng reyna sa kanyang silid upang magpaghinga," utos ko. Nagsipasukan ang mga tagasilbi mula sa apat na pinto ng silid. Inalalayan nila ang tita ko papunta sa kanyang kwarto.

"Titong Hari , Akamira! Maari bang maiwan ko kayo upang makapagpahinga saglit?," paalam saka tumungo bilang paggalang.

"Oo ba," sagot ni Akamira samantalang tango lang kay titong hari. Pinihit ko ang saraduhan ng pinto saka naglakad paalis. Saka lang nagpakita ang dalawang tagasilbi sa magkabilang tagiliran.

Pinagbugksan nila ako ng pinto. Lumapit ang isang babae sa lamesang maliit saka may inilagay itong kung ano sa sunugan ng insenso saka pinabagaan ito. Hinayaan niyang umusok ng konti at mapuno nito ang buong kwarto. Isininarado niya ang lahat ng bintana at pinto.

Samantalang ang isa ay kumuha ng langis at minasahe ang katawan ko. Nakakapanatag ng pakiramdam at nararamdaman kong bumibigat na ang talukap ng aking mga mata. Saka hindi ko na namalayang nakaidlip na ako.

...

"Mama huhuhu tulong!... Papa? Nasaan kayo? Huhuhu natatakot po si Hisan'na na walang kasama," iyak ng isang babaeng limang taong gulang na may madungis na damit ngunit kung titignan mong mabuti ito ay isang damit ng mga namumunong pamilya na dugong bughaw sa Kodaina.

"Uy bata...Maganda ito! May masarap na hapunan!," natatakam na sabi ng lalaking mayroong pulang mata at matatalim na pangil. Isa iyong bampira! Buong lugar ay watak-watak. Maraming nakahandusay na malalamig na bangkay sa sahig. Maraming nasawi! Namamatay ang mga mamamayan ng Kodaina sa sugat na matatamo mula sa mga matatalim na bagay o 'di kaya naman ay mula sa pagsipsip ng mga bampira sa dugo ng nga tao.

Puro sugatan lahat ang mga kawal at walang makakapagligtas sa batang prinsesa na limang taong gulang mula sa kamay ng bampira.

Ngunit sa hindi kalayuan nasaksak sa tiyan ang hari ng Kodaina na si Tanjitu Ketsueki ang ama ng batang prinsesa sapagkat nawala ang kanyang paningin at interes sa laban niya at ng nakaitim na hari ng isang lupain sa kaharian ng mga bampira nang makita na napapaligiran ang anak ng napakaraming bampira na handa nang atakehin ito.

"Hisan'na!," tawag niya sa anak. Lumingon ang bata sa kinaroroonan ng ama. Agad na pinagsasasaksak sa puso upang mapaslang niya ang mga bampira.

Niyakap niya agad ang anak dahil sa pa-aalala. "Nandito na si papa, Hisan'na," nakangiting sambit ng hari. Kinuha ng hari ang kamay ng anak. "Huwag ka ng-aakk," hindi natuloy ng hari ang sasabihin ng may sumaksak sa kanyang puso mula sa likod.

Pagtingin niya ay ito ay bampirang hari na kanina lang ay kalaban niya. Mabagal ang naging oras. Hindi aakalain ng hari ng Kodaina na mamatay siya sa harap ng kanyang limang gulang na anak, sa kamay ng bampira, at sa murang edad na trentay kwatro.

"Huwag ka nang...u-umiyak! Magpakatatag ka Hisan'na at ito lang amg payo ko ...Huwag mong susukuan ang nararapat na bagay, palagi lang kaming nandito tuwing nag iisa ka, tandaan mo iyan," ito ang huling mga salitang lumabas sa bibig ng hari.

Pumatak ang kanyang kamay kadahilan nito ay pumanaw na ito sa ibabaw ng mundo. Hindi sana ito mawawala sa mundo kung hindi sa dami ng panloob na sugat ng hari. Iniwan na niya ang nag iisang pag-asa ng lupain ng Kodaina, ang tanging nattitirang membro ng pamilyang Ketsueki, ang prinsesang si Hisan'na Kihara Ketsueki.

...

"Hindiiiiii! Wag mo po papaa akong iwannnnnn! Bohohoho," napadilat ako. At saka nalamang basang basa ang unan dahil sa punong puno ng luha. Napatingin ako sa paligid. Ganun pa rin ang ayos mula kahapon.

Ibig sabihin panaginip lang yun. Hindi, mali ka. Patay na sila! Napapaluha na naman ako kapag maiisip yon. Ako na lang ang matitirang prinsesa at tagapagmuno ng Kodaina. Namatay sila dahil sa mga bampira! Mga nakaitim! Siya kaya ang pinuno ng mga sumasalakay sa Kodaina? Bohohuhuhoho Sino man sila, magbabayad sila! Kasalanan nila kung bakit nawala ang mga mahal ko sa buhay sa murang edad.

Huwag mong susukuan ang nararapat na bagay, palagi lang kaming nandito tuwing nag-iisa ka ...

Mga salita ni papa bago siya mawala, haggang ngayon tanda ko pa. Gusto kong ipaghiganti kayo at maitayong muli ang Kodaina.

Napatingin ako sa mesa nalapag na ang pagkain. Tumayo at lumapit sa lamesa. Pagkain...gutom na ako hindi pa pala ako kumakain mula kahapon. Agad kong nilantakan iyon.

Kakatapos ko lang ng bumukas ang pinto. "Gising na po pala kayo mahal na prinsesa... ," saad ng isang tagasilbi na hindi pamilyar sa akin.

"Sino ka? Anong pangalan mo?... ngayon ko lang ikaw nakita...," tanong ko.

"Ahh ...ako po si Chitari Menona, ang bago pong tagasilbi." nakangiti nitong sambit. Tumango lang ako at lumapit sa malaking kawan ng gintong batya na paliguan ko. Ininit na pala nila ang tubig bago ako magising. Katamtaman ang init.

"Chi...Chitari pakiabot ng damit- pamalit ko," saad ko pero walang kumikibo. "Chitari Menona! Pakiabot ng damit," palahaw na pag-uulit ko.

Ilang saglit pa bago pa may naramdaman akong gumalaw. "I-ito na po, prinsesa," nahihiyang sambit niya habang nakayukong ibinibigay ang damit. Nagtataka ako kaya sinilip ko siya. Pinupunasan niya ang umaagos na pulang likido mula sa kanyang ilong.

Naningkit ang mga mata ko at tinanong siya. "Anong nangyaring masama't naging dahilan nito ang pagdugo ng iyong ilong?," tanong ko saka kinuha ang mga damit.

Namumula ang kanyang mga pisngi at sa halip na sagutin ang simple't kakarampot kong tanong ay nagtatakbo ito palabas ng silid. "M...mahal na prinsesa itawag niyo lang ang pangalan ko at nangangako na ako sa susunod ay alisto ang agarang pagdating," sigaw niya kasabay ng kanyang pagtakbo palabas.

Nagkibit-balikat na lang ako at hindi pinagtuunan ng pansin ang kanyang kilos. Agad na nagdamit. Maputlang asul ang kulay ng kimono kung tawagin sa damit na suot ko. May ilang tagasilbi ang tumulong sa kanya na magdamit.

Nang makatapos na sa pagdadamit saka ako naglakad palabas ng silid. Sumulpot na naman sa magkabilaang tagiliran ko ang mga tagasilbi.

Nakarating ako't lahat sa karatig na daraanan pero wala ni isa man lang akong nakita na mga tao. Nakakapagtaka! Malapit na ako sa silid tanggapan ng mga myembro ng pamilya nang biglang tumunog ng malakas at sabay- sabay ang tatlong kampana na nasa kanang parte ko at ng palasyo.

Agad akong napatikar ng mabilis papasok sa dulugan na mayroong balkonahe na parte ng silid tanggapan ng agad kong madinig ang tunog ng mga kampana.

Sa oras na kumalantong ang mga kampanang iyon ito ay nangangahulugang may panganib at ang panganib na iyon ay may posibilidad na may mananalakay na nakapasok sa loob ng kaharian.

Isa ang gawain ng kampana ay hudyat para sa mga mamamayan ng Shiritama na magtungo sa ilalim ng lupa, ang kweba sa ilim ng puno't lupa.

Samantalang ang mga mandirigma, manananggol, at mga kawal pati na rin ang ilang kalalakihang myembro ng pamilyang may dugong-bughaw ay sasali't sasabak sa isang aksyon.

"Ti...titang reyna, titong hari, Akamira!," hinihingal na tawag ko sa tatlong tao na may mataas na posisyon. Nakahanda na si tito Mitsuko. Suot lahat ang baluti sa katawan at tangan ang espada na isinadya pa sa mga henerasyong hari ng Shiritama.

Sa kabilang banda naman ay sinususuksukan ni Akamira ng mga palaso ang lalagyanan nito. Nakakagulat nang makita ko na nakasuot siya ng mga baluti.

Huwag mong sasabihing sasabak din siya!?

Ey!? Hala pero mahirap baka madumihan siya. Napakamalilinisin ka si niya. Natatandaan ko pa dati nung nag-aaral kami pareho ng mga aksyong pang sundalo lagi siyang tutol. Ang dahilan ay ayaw masugatan at madumihan. Yung kapag ba isang gabok o buhangin lang ang dadapo sa kanya maiinis na agad siya at minsan ay magwawala. Akala mo naman sinasapian.

Ang reyna naman ay inuutusan ang ibang kawal.

Napatingin lahat sila sa akin nang tawagin ko sila. Napabuntong hininga ako nang makita ko ang mga nag-aalala nilang mga mukha.

Nagsilapitan sila sa akin. "Lisanin mo na ang Shiritama," iyon agad ang makapangyarihang wika ng hari sa akin! Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hindi! Hindi pwede...ito! Sasama ako sa inyo!," tutol ko. "Ano!? Hindi maari!... Pinsan tandaan mo na ikaw na lang ang natitirang pag-asa ng lupain ng Kodaina!," nanghihinahon na saad ni Akamira.

"Pero-," hindi ko naisaad ang gusto kong sabihin nang biglang sumabad si tita Kichona. "Umalis ka na...Nandiyan na ang karwaheng sasakyan mo paalis ng Shiritama...Nagmamakaawa na ako sa iyo...Hisan'na," lumuhod na si titang reyna nang banggitin niya ang pangalan ko.

Napapailing nalang ako sa pagtutol. Ayaw ko! Mauulit na naman! Sabi ko di ba iingatan ko sila kaya hindi ko sila iiwan! At paano ang innosenteng bata kay titang reyna.

"Osige po... Sasakay po ako sa karwahe ngunit hindi ko maisasagawa ang nais ninyo," saad ko.

"Samahan ninyo ang prinsesa!," utos ni Tito Mitsuko sa dalawang kawal at tagasilbi. Niyakap ko sila ng mahigpit saka tumingin sa huling pagkakataon sa mga nag-aalala ngunit nagsasabi na ayos ang lahat.

Pagkatalikod na pagkatalikod ko ay biglaang lumabas ang ilog na mga luhang walang humpay na umaagos.

Naaawa ako sa sarili ko! Magpakatatag ka Hisan'na...Huwag mong susukuan ang nararapat na bagay,palagi lang kaming nandito tuwing nag-iisa ka...

Natigilan ako bigla. Duwag ka! Hisan'na! Tatakbo ka na lang ba lagi? Huh? Sino iyon?

"Prin...Prinsesa...Halika na po," nag-aalalang saad ng isang tagasilbi at binigyan ako ng panyo na ginamit kong pamunas. Napatingin ako sa kanya, tumango at tumango saka naglakad paibaba papuntang sikretong lagusan ng palasyo.

Natanaw ko ang isang simple pero elegante ang loob ng karwahe na nasa tapat ng duluhan ng lagusan. Lumingon ako at tinitigan ang buong palasyo na makikita sa malayong distansiya. Tumalikod na ako bago pa ako maiyak muli. Hindi ito ang paalam!

"Mahal na prinsesa tayo na po," saad ng kawal at inilahad ang kamay. Tinanggap ko iyon saka sumakay sa karwahe.

...

Bawat segundo, minuto at oras ang lumilipas ay para akong sinilihan ng puwet

,hindi mapakali, parang kiti-kiti. Papuntang timog ang rutang tinatahak namin. Sa hilaga ay may labanang nagaganap pero nakakasigurado ba silang walang kalaban sa parteng timog? Hindi, iyan ang sagot.

Ilang linggo pa masama ang pakilasa ko sa nangyayari at lalong tumindi ngayong nasa daan kami.

"Ihinto ang karwahe!," palahaw kong utos. Muntikan pa akong masubsob sa upuan kung hindi pa dahil sa pag-alalay ng mga tagasilbi. "Umalis kayo sa loob ng karwahe! Maging maingat kayo sa pag-alis, lalo na iyang mga babaeng kasama ninyo!," utos ko sa nag-iingat at mababang boses.

"Ibig sabihin...,"

"Oo, may mga matang nakabalibot sa atin at naghihintay ng tamang oras upang sakmalin ang kanyang pagkain," sang-ayon ko saka bumuntong hininga.

"Babalik ako sa palasyo upang kuhanin ang nagbabagong anyong espiritwal na sandata at gagawa ng isang malupit na aksyon," saad ko nang nakangisi at puno ng determinasyon. Masaya ako sa aksyonan! Ngunit hindi ako kikitil ng mga buhay...

"Kung gayon hindi ka namin maaring iwanan lalo na sa oras na ito," saad ng isang kawal at ngumiti. Siya si Natshubi Hitarro isa sa mga hindi masyadong kilala ngunit isang magaling na at pinakamalalakas na mandirigmang may tagong pagkatao. Kakambal niya si Nutsuba na kasama ko rin ngayon.

"Pero...," tatanggi na sana ako subalit ...

"Hayaan niyo kaming sumama sa inyo mahal na prinsesa...," nagmamakaawa na ang kanilang mga boses na nagpabawas ng dahilan ko sa pagtanggi idagdag mo pa ang pagluhod nila at may pagdadaop palad pa silang nalalaman. Mayroon pang pag-arte na kunwaring nag-aawaan si Natsuba.

"Tsk... Sige na nga pero kapag hindi kayo nakabalik ng buhay at kasama ko... ay siya kayo!," pagsang-ayon ngunit may pagbabanta ang tono.

"Masusunod!!!," sabay- sabay na wika ng magkambal. Napangiti ako. Hay! Hindi maaaring kayo lang ang aaksyon!

"Ibali-,"

Ting!!

Napatingin ako sa dereksyon na pinagmulan nun. Magaling na lang at magaling akong umilag at kung hindi ako ako ang natamaan ng mga maliliit na kararom sa halip na ang upuang gawa sa kutsong ito.

"Nandito na sila!!!," hiyaw ng isang tagasilbi sa pagkasindak. Naalerto sina Natshubi at Nutsuba at saka gumawa na ng aksyon. Naantok tuloy ako....

Lumabas lang ako ng wala na akong naririnig na anuman mula sa labas. Unang hinanap ng mga mata ko ang mga babaeng tagasilbi na madaling matuliro... Buti nasa isang tabi lang sila at nananalangin...

"Oh tapos na pala kayo... Pero hindi niyo na lang sana sila pinatay," saad ko nang makita ang mga bangkay na ang iba ay may laslas ang leeg at yung iba ay bali naman ang leeg ng mga lalaking nakasuot ng itim. Itim...

Mabagal akong lumapit sa isang bangkay. "Prinsesa...???," nagtataka ang isang tagasilbi ganun na rin ang kambal. Umupo ako upang maigi at dahan-dahang matanggal ang itim na takip nito sa mata at...!!!

"Prinsesa!!!," mabilis akong tinulak ni Natshubi. Napadapa ako at agad na napalingon sa kinaroroonan ni Natshubi. Nanlaki ang mga mata ko. Nakakagulat ang mukha nito na walang mata, ilong, at bibig. Halatang patag ang mukha nito kahit halos kaharap ko ito...tila ba nabura-mas tama atang sabihin na walang mukha ito. Tangging taenga lang ang meron dito. Nakakakilabot pa nito ay ang...Ang mga bangkay na nakaitim kanina... Biglang nabuhay! Sakal-sakal nito si Natshubi. At napansin kong sinakal din ang iba pa ng iba pang nakaitim na bali ang leeg.

"B-buhay pa kayooo!?," hindi makapaniwalang saad ko. Hindi ito sumagot o tumutugon o gumalaw man lang. Nakakapagtaka!

Biglan may humila ng buhok ko mula sa likod."P-prinsesa!," sigaw ng kambal sa pag-aalala. "Ahhhhhhh b...bitiwan mo akoooo!!!," sigaw ko sa may hawak ng buhok ko habang pinaghahampas ito. Masakit eh, matatangal na ang buhok ko mula sa anit ko. Hindi man lang napapiksi ang may hawak sa akin.

Wala akong magagawa kundi ang maliit na punyal sa lalagyan na malapit sa balakang ko. Agad ko itong itinarak sa kamay niyang may hawak sa buhok ko pero parang walang kaso lang dito at.... itim na dugo!? Teka nga muna... Walang ilog, bibig at mata? Binura... Hindi gumawa ng tunog kahit ang paghinga nito wala...Ang dugo ay itim- "Ibig sabihin..."

"Hahahaha haha ha!," biglang may tumawa sa likod ko

...

Sa susunod muling kabanata...