"Bye Ate!" Paalam ko. Umalis na si Ate kaya agad akong pumasok ng bahay para mag-linis.
"Hindi ka aalis?"
"Hindi,bakit?"
"Wala naman,gusto ko lang lumabas." Sumandal ito sa pader habang pinapanood akong mag-hugas ng plato.
"Ba't hindi ka lumabas?"
"Hindi kasi ako pwedeng lumayo sa'yo." Napatingin ako rito.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kapag napalayo ako sa'yo kusa nalang akong susulpot kung saan-saan basta mapalapit lang ako sa pwesto mo." Bigla 'kong napaisip. "Kaya nga nung naligo ka bigla nalang akong napunta sa likod mo at kahit nung nag-uusap ka'yo nung Ate mo."
"Nasa kwarto kalang naman nun ah."
"Ang layo kaya ng kwarto mo sa sala tsaka sa kusina." Pag-mamaktol nito. "Basta kapag naramdaman lang ng katawan ko na malayo ka sa'kin kusa nalang akong mapupunta sa harapan mo or sa likod mo."
"Pero bakit?" Nag-tatakang tanong ko.
"Dahil hindi ko pwedeng pabayaan ang alaga ko."
"Alaga mo?" Tumango ito.
"Oo,alaga kita." Ano ako aso? Tsaka hindi ko kailangan ng taga-pangalaga 'no.
"Ano ka guardian angel ko? Tsaka hindi ko kailangan ng mag-aalaga sa'kin." Pinunasan ko na ang kamay ko bago umalis ng kusina.
"'Yun ang misyon ko ang alagaan kita kaya 'wag ka ng mag-reklamo!"
Sinundan lang ako ng babae hanggang sa makarating kami sa sofa. Agad itong umupo sa tabi ko kaya bahagya akong umurong.
"Ano ba talaga kasi ang misyon mo?"
"Ayoko ngang sabihin." Pangangasar nito.
"Edi 'wag!" Tumayo ako. "Jan ka lang! 'Wag mo'kong susundan!" Dali-dali akong pumunta sa kwarto para kunin ang wallet ko.
"Sa'n ka pupunta?"
"May bibilhin ako."
"Sama ako!" Sigaw nito ng makalabas ako ng bahay. Agad kong nilabas ang dila ko para belatan ito. Manigas ka!
Dumeretso ako sa supermarket para bumili ng kakainin ko para mamaya. Habang nag-iikot ako may nakabunggo akong isang babae.
"Sorry Miss." Dali-dali kong pinulot ang mga dala nito na nahulog.
"Salamat." 'Ika nito. Naglaglag ang panga ko ng makita kung sino ito.
"Mia?" Nagtaka ito at napatingin sa'kin.
"Do i know you?" Tanong nito. Napangiti ako. Sya nga yun. Ang tagal na rin naming hindi nag-kita.
"Ako 'to si Jay,Jayzi Cantre. Naalala mo pa ba 'ko?" Tumahimik ito na para bang nagiisip.
"Jay?" Nagulat ito at parang napako sa kanyang kinatatayuan.
"Ikaw yung lalaking tumulong sa'kin nung na-lock ako sa isang room hindi ba?" Tumango ako.
Matagal ko ng gustong makausap si Mia dahil gusto kong makahingi ng tawad sa kanya. Isa sya sa mga matalik na kaibigan ni Ms. Lim kaya gusto ko rin na makahingi ng tawad at sana mapatawad nya rin ako.
"Kumusta? Ang tagal kitang hindi nakita ah." 'Ika nito.
"Eto ayos naman,ikaw? Kumusta?"
"Maayos rin naman tsaka isa na 'kong Model ngayon at marami na rin akong mga magazines na naiilabas."
"Wow...buti kapa nakaasenso na." Pagbibiro ko.
"Bakit?" Nagtatakang nmtanong nito.
"5 years akong tumigil sa pag-aaral dahil kay Ms.Lim....kaya...ngayon palang ako makakapagtapos ng collage." Bigla itong tumahimik.
"Si Samantha...ang tagal narin simula ng mamatay sya." 'Ika nito habang nakayuko. Hindi ko tuloy napigilan na ma-guilty.
"Sorry."
"'Wag kang mag-sorry,wala kang kasalanan Jay kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo."
"Hindi. Kasalanan ko kung bakit sya nag-pakamatay." Humarap ito sa'kin at ngumiti.
"Wala kang kasalanan." Pag-didiin nito. Tinapik nito ang aking balikat bago umalis.
Naiwan akong tulala. Mali sya. Ako ang may kasalanan ng pagkamatay ni Ms. Lim pero masaya ako dahil kahit papano hindi galit sa'kin si Mia.
"Ba't ang tagal mo?!" Napatingin ako sa'king likod. Inaasahan ko ng mangyayari 'to.
"So totoo nga ang sinasabi mo?" Pangangasar ko. Kaya rin ako pumunta sa supermarket para patunayan ang sinasabi nya. Napatunayan ko naman dahil bigla nga syang sumulpot sa likod ko.
"Naniniwala ka ba?" Iritang sabi nito.
"Yes,Ms. Ghost." Napatingin ako sa mga taong napapadaan sa tabi ko. Hindi maipinta ang mga mukha nito. Siguro nawiwirduhan sila sa'kin dahil hindi nila nakikita ang kausap ko. "Tara."
Kumuha na'ko ng mga kakain ko mamaya at sa mga susunod na araw. Balak ko sanang ilibre ang kasama 'kong multo kaso naalala ko na hindi pala sya kumakain.
"Uyy Gay! Du'n ta'yo." Turo nito sa isang resto habang hinihila ang damit ko.
"Jay ang pangalan ko."
"Whatever." Hinila ako nito.
"Teka!" Nakakahiya sa mga tao,para akong baliw dahil kinakausap ko ang isang multo na hindi naman nila nakikita. "Ano namang gagawin natin dito? Hindi ka naman kumakain." Bulong ko.
"Ang ganda kasi dito. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kaya dito muna ta'yo,pleaseee." Nakuha nya pang magpa-cute.
Sabagay maganda nga rito pero papagalitan ako kapag tumambay lang ako dito. Sakto namang kumulo ang tiyan ko kaya um-order narin ako ng pagkain.
Habang nililibot ko ang paningin ko,hindi ko naiwasang mapatingin sa kaharap kong multo.Tuwang-tuwa ito at parang kumikinang ang mga mata nya habang tinitignan ang paligid ng resto. Bigla 'kong napangiti. Siguro kung nabubuhay pa sya ngayon mas marami syang lugar na mapupuntahan na mas maganda rito. Sana balang araw matapos nya rin amg misyon at para makabalik na sya sa katawan nya.
Bahagya kong napailing. Ano bang iniisip ko? Gutom lang siguro.
'Ng dumating ang pagkain ko,hindi agad ako nakakain dahil nakatingin sa'kin yung multo.
"Bakit?" Tanong nito.
"Pwede bang 'wag mo 'kong titigan? Hindi ako makakain sa'yo 'e." Ngumuso ito at muling ibinaling ang kanyang tingin sa resto.
Kumain na'ko dahil kanina pa'ko nagugutom. Biglang may kumalabit sa'kin kaya napahinto ako sa pagkain. "Huy."
"Ano na naman?"
"Pagkain ba yan?" Turo nito sa isang jelly.
"Jelly ang tawag jan."
"Bakit ang weird ng itsura?" Nandidiring sabi nito.
"Ganyan talaga yan pero masarap yan."
"Yuck. Kung mabubuhay man ako,never kong kakainin yan." Hindi ko naiwasang matawa. Nakakatawa ang mukha nya kapag nandidiri.
"Hoy,'wag ka ngang maarte."
"Hindi 'hoy' ang pangalan ko!" Pag-mamaktol nito.
"Bakit? May pangalan kaba?"
"Wala!" Bigla 'kong napaisip. Kung wala syang pangalan pwede ko naman syang bigyan hindi ba?
"Gusto mo ba mag-karoon ng pangalan?" Tanong ko.
"Oo kaso wala 'kong maisip."
"Jelly." Napatingin ito sa'kin.
"Ha?"
"Jelly nalang ang itatawag ko sa'yo tutal naman ang weird rin ng itsura mo." Hindi ko alam kung natuwa ba sya o hindi dahil walang emosyon ang mukha nito.
"Okay." Muli itong ngumuso. Mukha syang siopao kapag nakanguso.
Noon takot ako sa mga multo lalo na sa mga horror movie pero simula ng dumating si Jelly sa buhay ko parang bumaliktad ang lahat. Iba sya sa mga multo,dahil lahat ng multo ay nakakatakot pero si Jelly...dinaig nya pa ang bata kung mag-maktol at para syang kabute na kusa nalang susulpot,hindi para takutin ka kundi para asarin at inisin ka. Siguro matutuwa akong makasama ang mga katulad ni Jelly.